Kompuwestong pangkimika

Ang kompuwestong pangkimika (Ingles: chemical compound) ay isang sustansiyang pangkimika na binuo mula sa dalawa o higit pang elementong pangkimika, na may tiyak na proporsyon na nagtatakda sa kayarian nito at pinagsasama sa isang inilarawang kaayusang pang-espasyo ng mga kawing pangkimika . Halimbawa, ang tubig (H2O) ay isang kompuwesto na binubuo ng dalawang atomo ng idroheno sa bawat isang atomo ng oksiheno. Sa pangkahalatan, ang tiyak na tagway na ito ay dapat na manatiling matatag dahil sa katangiang pisikal at hindi dahil sa arbitraryong pag-aayos ng tao. Ito ang dahilan kung bakit itinuturing ang mga materyal na gaya ng tanso, ang superkonduktor na YBCO, ang semikonduktor na arseniyuromg galyomg aluminiyo o tsokolate na mga halo o balahak at hindi kompuwesto.

Ang katangitanging likas ng isang kompuwesto ay ang pagkakaroon nito ng pormulang pangkimika. Inilalarawan ng pormula ang rasyo ng mga atomo sa isang sustansiya, at ng bilang ng mga atomo sa isang molekula ng sustansiya (kaya ang pormula ng etileno ay C2H4 hindi CH2). Hindi ipinapakita ng pormula kung ang isang kompuwesto ay binubuo ng mga molekula; halimbawa, ang klorurong sodyo (karaniwang asin, NaCl) ay isang kompuwesto ioniko.

Ang mga kompuwesto ay maaring magkaroon ng maraming yugto. Maraming mga kompuwesto ay solido. Ang mga kompuwestong molekula ay maari ring maging likido o gas. Ang lahat ng kompuwesto ay masisira upang maging mas maliit na kompuwesto o indibidwal na atomo kung papainitan sa isang tiyak na temperatura na tinatawag na temperatura ng dekomposisyon. Ang bawat kompuwesto ay binibigyan sa lathala ng isang natatanging bilang, ang kanyang bilang ng CAS.

Sa buong mundo, higit sa 350,000 kompuwestong pangkimika (kabilang ang mga halo ng kimikal) ang nairehistro para sa produksyon at para gamitin.[1]

Mga kahulugan

baguhin

Anumang sustansya na binubuo ng dalawa o higit pa na iba't ibang uri ng mga atomo (mga elementong pangkimika) sa isang nakapirming estekiyometrikong proporsyon na maaring tawaging isang kompuwestong pangkimika; pinakaagrang nauunawaan ang konsepto kapag kinukunsidera ang purong mga sustansiyang pangkimika.[2]:15 [3][4] Sinusundan nito ang mula sa kanilang pagiging mga proporsyong nakapirmi ng dalawa o higit pa na uri ng atomo na maaring palitan ng mga kompuwestong pangkimika, sa pamamagitan ng reaksyong kimikal, sa loob ng mga kompuwesto o sustansiya na mayroong mas kaunting atomo bawat isa.[5] Isang paraan ang pormulang pangkimika sa pagpapahayag ng impormasyon tungkol sa mga proporsyon ng atomo na binubuo ng isang partikular na kompuwestong pangkimika, gamit ang mga simbolong pangkimika para sa mga elementong pangkimika, at mga subindise upang ipahiwatig ang bilang ng mga atomong sangkot. Halimbawa, binubuo ang tubig ng dalawang atomo ng hidroheno na nakabigkis sa isang atomo ng oksiheno: H2O ang pormulang pangkimika. Sa kaso ng mga kompuwestong di-estekiyometriko, maaring muling magawa ang mga proporsyon hinggil sa kanilang preparasyon, at magbigay ng mga proporsyong nakapirmi ng kanilang mga elementong pangkimika, subalit ang mga proporsyon na hindi mahalaga [halimbawa, para sa hidrurong paladyo, PdHx (0.02 < x < 0.58)].[6]

Mga uri ng kompuwesto

baguhin

Mga sangguian

baguhin
  1. Wang, Zhanyun; Walker, Glen W.; Muir, Derek C. G.; Nagatani-Yoshida, Kakuko (2020-01-22). "Toward a Global Understanding of Chemical Pollution: A First Comprehensive Analysis of National and Regional Chemical Inventories". Environmental Science & Technology (sa wikang Ingles). 54 (5): 2575–2584. Bibcode:2020EnST...54.2575W. doi:10.1021/acs.est.9b06379. hdl:20.500.11850/405322. PMID 31968937.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Whitten, Kenneth W.; Davis, Raymond E.; Peck, M. Larry (2000), General Chemistry (sa wikang Ingles) (ika-6 (na) edisyon), Fort Worth, TX: Saunders College Publishing/Harcourt College Publishers, ISBN 978-0-03-072373-5{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Brown, Theodore L.; LeMay, H. Eugene; Bursten, Bruce E.; Murphy, Catherine J.; Woodward, Patrick (2013), Chemistry: The Central Science (sa wikang Ingles) (ika-3 (na) edisyon), Frenchs Forest, NSW: Pearson/Prentice Hall, pp. 5–6, ISBN 9781442559462, inarkibo mula sa orihinal noong 2021-05-31, nakuha noong 2020-12-08{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Hill, John W.; Petrucci, Ralph H.; McCreary, Terry W.; Perry, Scott S. (2005), General Chemistry (sa wikang Ingles) (ika-4 (na) edisyon), Upper Saddle River, NJ: Pearson/Prentice Hall, p. 6, ISBN 978-0-13-140283-6, inarkibo mula sa orihinal noong 2009-03-22{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Wilbraham, Antony; Matta, Michael; Staley, Dennis; Waterman, Edward (2002), Chemistry (sa wikang Ingles) (ika-1 (na) edisyon), Upper Saddle River, NJ: Pearson/Prentice Hall, p. 36, ISBN 978-0-13-251210-7{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Manchester, F. D.; San-Martin, A.; Pitre, J. M. (1994). "The H-Pd (hydrogen-palladium) System". Journal of Phase Equilibria (sa wikang Ingles). 15: 62–83. doi:10.1007/BF02667685. S2CID 95343702.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Phase diagram for Palladium-Hydrogen System