Silangang Kristiyanismo

(Idinirekta mula sa Kristiyanismo sa Silangan)

Ang Silangang Kristiyanismo ay binubuo ng mga tradisyon at simbahan na umunlad sa mga Balkan, Silangan Europa, Asya Menor, Gitnang Silangan, Aprika, India at mga bahagi ng Malayong Silangan sa loob ng mga siglo ng sinaunang panahon ng Kristiyanismo. Ang terminong ito ay pangkalahatang ginagamit sa Kanlurang Kristiyanismo upang ilarawan ang lahat ng mga tradisyong Kristiyano na hindi umunlad sa Kanlurang Europa. Sa gayon, ang terminong ito ay hindi naglalarawan sa anumang isang komunyon o karaniwang tradisyong pang-relihiyon at sa katunayan, ang ilang mga "silangang" simbahan ay may higit na pagkakatulad sa "kanlurang" Kristiyanismo sa kasaysayan at teolohiya. Ang mga terminong "Silangan" at "Kanluran" sa bagay na ito ay nagmula sa mga pagkakabahagi sa Simbahan na sumasalamin sa paghahating pangkultura sa pagitan ng silangang Helenestiko at kanlurang Latinado at paghahating pangpolitika sa pagitan ng Silangang Imperyo Romano at Kanlurang Imperyo Romano. Dahil ang pinamakapangyarihang simbahan sa Silangan ay nakilala bilang Simbahang Silangang Ortodokso, ang terminong "Ortodokso" ay kadalasang ginagamit sa isang katulad na maluwag na paraan bilang "Silangan" bagaman sa pagsasalitang strikto, ang karamihan ng mga simbahan ay tumuturing sa kanilang bahagi ng Ortdokso at komunyong Katoliko.

Pagkakabahagi ng Kristiyanismo.

Mga pamilya ng mga simbahan

baguhin

Ang mga Silangang Kristiyano ay walang pinagsasaluhang mga tradisyong relihiyoso ngunit marami sa mga pangkat na ito ay nagsasalo ng mga tradisyong kultural. Ang Kristiyanismo ay nahati sa sarili nito sa Silangan noong mga simulang siglo ng Kristiyanismo sa parehong loob at labas ng Imperyo Romano dahil sa mga alitan sa kristolohiya at pundamental na teolohiya gayundin sa mga pambansang dibisyon(Roman, Persa (Persian), etc.). Pagkatapos ng maraming mga siglo na ang Kanlurang Kristiyanismo ay buong humiwalay mula sa mga tradisyong ito bilang sarili nitong komunyon. Sa kasalukuyan, may apat na mga pangunahing sangay o pamilya ng Silangang Kristiyanismo na ang bawat isa ay mary natatanging teolohiya at dogma.

Ang Simbahan ng Silangan ay nagdeklara ng kalayaan mula sa mga simbahan ng Imperyo Romano sa pangkalahatang konseho nito noong 424 CE bago ang Konseho ng Efeso noong 431 CE at kaya ay walang kinalaman sa teolohiyang idineklara sa konsehong ito. Ang Ortodoksong Oriental ay humiwalay pagkatapos ng Konseho ng Chalcedon noong 451 CE. Ang paghihiwalay ng Simbahang Romano Katoliko at Silangang Ortodokso ay pinepetsahan ng 1054 CE na karaniwang tinatawag ngayong Sismang Silangan-Kanluran. Ang huling paghahating ito ay nagpapakita ng isang mas malaking pagkakabahaging kultural at pampolitika na umunlad sa Europa at timog kanlurang Asya noong mga Gitnang Panahon at kasabay ng muling pag-ahon ng Kanlurang Europa mula sa pagguho ng Kanlurang Imperyo Romano.

Mga Simbahang Silangang Ortodokso

baguhin

Ang Simbahang Silangang Ortodokso ay isang katawan ng Kristiaynismo na ang mga tagasunod ay malaking nakabase sa Rusya, Gresya, Silangang Europa at Gitnang Silangan na may papalagong presensiya sa Kanluraning daigdig. Ang karamihan ng mga Kristiyanong Silangang Ortodokso ay tumatanggap ng Unang Pitong Konsehong Ekumenikal. Kinikilala ng Kristiyanismong Ortodokso ang sarili nito bilang ang orihinal na simbahang Kristiyano na itinatag ni Hesus at mga apostol at binabakas ang pinagmulan nito pabalik sa sinaunang Kristiyanismo sa pamamagitan ng prosesong paghaliling apostoliko at hindi nabagong teolohiya at kasanayan. Ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod na simbahan:

Mga Simbahang Ortodoksong Oriental

baguhin

Ang Ortodoksong Oriental ay tumutukoy sa mga simbahang ng tradisyong Silangan na nagpapanatili ng pananampalataya ng unang tatlong mga Konsehong Ekumenikal nang hindi nahating simbahan: Unang Konseho ng Nicaea, Unang Konseho ng Constantinople at Unang Konseho ng Efeso. Itinatakwil ng mga ito ang mga depinisyong dogmatiko ng Konseho ng Chalcedon kaya ang mga simbahang ito ay tinatawag na mga "Simbahang Lumang Oriental". Ang Ortodoksong Oriental ay nabuo bilang reaksiyon sa konseho ng Chalcedon sa hangganang silangan ng Imperyong Bizantino at sa Ehipto at Syria. Ang mga sumusunod ang mga Ortodoksong Oriental na autosepaloso at may buong komunyon:

Simbahan ng Silangan

baguhin

Ang Simbahan ng Silangan ay may pinakamalawak na umaabot na sangay ng Silangang Kristiaynismo sa tugatog nito na kumalat mula sa sentro nito sa pinangangasiwaan ng Persian na Mesopotamia hanggang Mediterraneo, India at Tsina. Ito ay orihinal na simbahan ng Sassanid Persia at nagdeklara ng sarili nito na malaya mula sa ibang mga simbahan noong 424 BCE at sa sumunod na siglo ay naging nauugnay sa Nestoryanismo.

Asiryong Simbahan ng Silangan

baguhin

Ang Asiryong Simbahan ng Silangan ay lumitaw mula sa historikal na Simbahan ng Silangan na nakasentro sa Mesopotamia/Asirya na sa panahong ito ay bahagi ng Imperyong Persian at malawak na kumalat sa buong Asya. Ang modernong Simbahang Asiryo ng Silangan ay lumitaw noong ika-16 siglo kasunod ng paghihiwalay sa Simbahang Kaldeo na kalaunang pumasok sa komunyon sa Roma bilang Silangang Simbahang Katoliko.