Krus na Ligas
Ang Krus na Ligas ay isang barangay sa Diliman, Lungsod Quezon sa Pilipinas. Matatagpuan itó sa loob ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman. May 21,513 kataong naninirahan sa naturang barangay ayon sa senso noong 2015.[1][2]
Krus na Ligas | |
---|---|
Mga koordinado: 14°38′39″N 121°03′49″E / 14.64417°N 121.06361°E | |
Bansa | Pilipinas |
Rehiyon | Pambansang Punong Rehiyon |
Lungsod | Lungsod Quezon |
Distrito | Ika-4 na Distrito ng Lungsod Quezon |
Pamahalaan | |
• Uri | Barangay |
• Kapitan ng Barangay | Ma. Maurina F. Magalong |
Populasyon (2015) | |
• Kabuuan | 21,513 |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) |
Zip Code | 1101 |
Kodigo ng lugar | 02 |
Kasaysayan
baguhinItinatag ang pamayanan ng ngayo'y Krus na Ligas ng mga taumbayan ng Marikina na umahon mula sa kabayanan upang hawanin at bungkalin ang lupa rito noong ika-17 siglo. Una itóng tinawag na Gulod ng mga nanirahan dito, dahil ito'y matatagpuan sa tuktok ng buról. Hindi naglaon, naging bisita ng Marikina ang nayon ng Gulod nang magtayo ng maliit na kapilya rito, na ayon sa kuwentong-bayan, ay itinayo malápit sa isang punong ligas na hugis krus ang sangá.[3][4] Unang naitala sa kasaysayan ang pamayanan noong 1705 na may 30 pamilyang naninirahan dito.[5]
Nang matapos ang Labanan sa Pasong Tamo noong 26 Agosto 1896, noong Himagsikang Pilipino laban sa Espanya, sina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Guillermo Masangkay, Pio Valenzuela at iba pang Katipunero ay lumikas at nagkutà sa Krus na Ligas at nagpúlong sa isang bahay sa may Plaza Santa Inez bago tumungo sa San Juan del Monte.[4][6][7]
Noong 1939, inihiwalay ang Krus na Ligas kasama ang mga barrio ng Balara, Diliman, Barangka, at Jesus de la Peña sa Marikina upang maging bahagi ng itatatag na Lungsod Quezon. Hindi nagtagal, isinanib muli sa Marikina ang Barangka at Jesus de la Peña. Noong 2 Abril 1949, pinahintulutan ni Pangulong Elpidio Quirino ang pagbenta sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa halagang piso ng malawak na lupain ng pamahalaan na sinasaka ng mga taga-Krus na Ligas, upang tayuan ng kampus ng UP sa labás ng Maynila.[7][8] Malaking bahagi ng sakahan ng Krus na Ligas ay kalaunang ginawang proyektong pabahay ng pamahalaan na siyang naging Sikatuna Village, UP Village at Teacher's Village ngayon. Kahit patuloy ang paglagô ng kampus ng pamantasan, may ilang bahagi pa rin ng Krus na Ligas ang nanatiling sakahan hanggang mga 1990 nang ito'y gawin na ring proyektong pabahay para sa mga kawani ng pamantasan na nagdulot sa pagkawala ng kabuhayan ng mga magsasaka sa lugar.[3]
Pagtatálo sa lupa
baguhinNaging pawang mga iskwater ang mga naninirahan sa Krus na Ligas nang mapasama ang kanilang lupain sa kampus ng UP Diliman. Bunga nito, ilang administratibong imbestigasyon at mga kaso ang idinulog sa mga hukuman upang magkaroon ng lehitimong pag-aari sa lupa ang mga residenteng hene-henerasyon nang nakatira sa Krus na Ligas, bago pa man maitayô ang UP Diliman doon. Ilang ulit din sinubukang lutasin ang suliraning ito ng iba't ibang administrasyon ng UP.[8][9] Noong administrasyon ni Edgardo Angara bílang Pangulo ng UP, napagkasunduan ang pagbibigay ng 15.8379 ektarya ng lupain sa Lungsod Quezon—na tumatayông katiwala ng mga residente—kapalit ng pagtatanggal ng mga istrakturang nakatayo sa hangganan ng pamantasan at pamayanan ng Krus na Ligas; pagtatayô ng bakod sa naturang hangganan; at pagpapalipat ng mga pamilyang naninirahan pa sa bahagi ng lupa ng pamantasan.[9][10] Subalit, nabigong tuparin ng mga residente ang mga kondisyong nakasaad sa kasunduan na siyang nagpawalang-saysay sa pagkakaloob sa kanila ng lupa.
Noong 2008, isinabatas ng Kongreso ang bagong karta ng Unibersidad ng Pilipinas na nagbabawal dito na ipagbenta ang alin man sa lupa nito.[11] Ang pagtatangka ngayon na mapasakamay ng mga lehitimong residente ng Krus na Ligas ang kanilang lupa ay ginagawan ng paraan sa pamamagitan ng pagsusog sa karta ng pamantasan.[8][12]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Barangay Population Data" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Mayo 2021. Nakuha noong 12 Abril 2019.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Krus na Ligas, Quezon City" (sa wikang Ingles). PhilAtlas. Nakuha noong 12 Abril 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 Baldemor, Allyn V. (Enero–Marso 1992). "Pesanteng UP". Sinag. Speakeasy. Nakuha noong 16 Abril 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 Chua, Xiao (11 Hunyo 2016). "Krus na Ligas sa UP Diliman, Bahagi ng Ating Kasaysayan". Nakuha noong 12 Abril 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Olivares, Lakan (30 Hunyo 2018). "University of the Philippines, Quezon City: Holy Cross Parish Church, Krus na Ligas" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Abril 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Holy Cross Parish" (sa wikang Ingles). Katoliko Romanong Diyosesis ng Cubao. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-04-12. Nakuha noong 12 Abril 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 dela Cruz, Jovee Marie N. (13 Hunyo 2015). "Barangay Krus na Ligas in UP may soon be sold to residents". Business Mirror (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Abril 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 8.2 Pazzibugan, Dona Z. (23 Mayo 2015). "Bill lets QC folk own UP land". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Abril 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 9.0 9.1 "G.R. No. 122947" (sa wikang Ingles). Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas. 22 Hulyo 1999. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Abril 2019. Nakuha noong 16 Abril 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Llanes, Ferdinand C., pat. (2009). UP in the Time of People Power, 1983-2005: A Centennial Publication (sa wikang Ingles). Lungsod Quezon: University of the Philippines Press. pp. 51–52. ISBN 9715426239.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Batas Republika Blg. 9500, §23" (sa wikang Ingles). 29 Abril 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Abril 2019. Nakuha noong 16 Abril 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ }Pazzibugan, Dona Z. (23 Mayo 2015). "Bill lets QC folk own UP land". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Abril 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)