Kuntaw
Ang kuntaw (Lán-lâng-ōe: Paraan ng Kamao) ay isang sining panlaban at kabilang ang kuntaw sa pamilya ng Kung Fu. Nakapunta siya ng Timog-silangang Asya mula sa Fújiàn (福建省), Tsina. Kilala ang Kuntaw sa Pilipinas bilang tradisyonal na paraan ng panlaban ng mga Suluk sa Sulu at Sabah. Bukod doon, kabilang ang kuntaw sa mga pamanang pook ng Brunay, Indonesya, Malaysia, Pilipinas, Singapore, Taiwan at Tsina.
Sulatin Tsino: | 拳道 |
---|---|
Pinyin: | Quán Dào |
Zhuyin: | ㄑㄩㄢㄉㄠ |
POJ: | kûn-thâu |
Wikang Malay: | Kuntao |
Pamanang Pook sa: |
Pinagmulan ng Pangalan
baguhinAng Kuntaw ay nabuo gamit ng dalawang titik tsino, ang nauna ay 拳, kamao, at ang panagalawa ay 道, paraan. Magakasingkahulugan ito sa madalas na ginagamit na 拳法 (POJ: kûn-hoat). Ang ibig nilang dalawang sabihin ng mga ito ay sining panlaban lamang, isang makasaysayan katawagan sa martial arts.
Kuntaw Lima Lima
baguhinAng mga kasapi ng samahang Kuntaw Lima Lima ay nagbigay ng makabagong kahulugan sa salitang kuntaw: Ayon sa kanila ang "kun" ay "kunsagrado" at ang "taw" ay "hataw" dapat[1].
Kuntao Silat
baguhinAng Kuntaw Silat o (Kuntaw Silat) ay isang paraan panlaban na nanggagaling sa Indonesya at Malaysia. Nagmula ito sa panahong kolonyalismo ng mga bansang ito. Noon ang nasaklawan ang Indonesya ng mga Olanda at sinasaklawan ng Nagkakaisang Kaharian ang Malaysia. Dahil nagdala ng mga Europeo ng mga Tsino sa kanilang mga koloniya at dahil doon, hinalo ng mga iilang tao ang kanilang Pentiyak Silat at kuntaw.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Author Unknown; "FMA Pulse: Kuntaw History"; 2013, http://www.fmapulse.com/article/kuntaw-lima-lima gesehen am 16. Juni 2013