Lalawigan ng Helmand

Ang Helmand (Pashto/Dari: هلمند; /ˈhɛlmənd/ HEL-mənd[4]), kilala din bilang Hillmand, noong sinaunang panahon, bilang Hermand at Hethumand,[5] ay isa sa mga 34 na lalawigan ng Apganistan, na matatagpuan sa timog ng bansa. Ito ang pinakamalaking lalawigan ayon sa sukat, na sinasakop ang 58,584 km2 (20,000 mi kuw) na lawak. Naglalaman ang lalawigan ng 18 distrito, na pinapalooban ng higit sa 1,000 nayon, at halos 1,446,230 nakatirang tao.[6] Nagsisilbi ang Lashkargah bilang kabisera ng lalawigan. Bahagi ang Helmand ng rehiyon ng Kalakhang Kandahar hanggang ginawa itong hiwalay na lalawigan ng Pamahalaan ng Apganistan noong ika-20 dantaon.

Helmand

هلمند
Lalawigan
Mula sa itaas: Distrito ng Reg, Lambak ng Sangin, Moske ng Lashkargah
.
Mapa ng Afghanistan na tinatampok ang Helmand
Mapa ng Afghanistan na tinatampok ang Helmand
Mga koordinado (Kabisera): 31°00′N 64°00′E / 31.0°N 64.0°E / 31.0; 64.0
Bansa Afghanistan
KabiseraLashkargah
Pamahalaan
 • GobernadorMaulvi Abdul Ahad Talib
 • Diputadong GobernadorMulavi Hizbullah[1]
Lawak
 • Kabuuan58,584 km2 (22,619 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2021)[2]
 • Kabuuan1,472,162
 • Kapal25/km2 (65/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+4:30 (Oras sa Apganistan)
Kodigo ng ISO 3166AF-HEL
Mga pangunahing wikaPashto
Balochi/Brahui[3]
Dari

Dumadaloy ang Ilog Helmand sa rehiyon na karamihan disyerto sa lalawigan, na nagbibigay ng tubig para sa irigasyon. Ang Dam ng Kajaki, na isa sa mga pangunahing imbakan ng tubig ng Apganistan, ay matatagpuan sa distrito ng Kajaki. Pinaniniwalaan na isa ang Helmand sa pinakamalaking mga rehiyon na nag-aani ng opyo sa mundo, na responsable sa tinatayang 42% ng kabuuang produksyon sa mundo.[7][8] Pinapaniwalaan na mas higit pa ito sa buong Myanmar, na ikalawang pinakamalaking nag-aani na bansa pagkatapos Apganistan. Umaani din ang rehiyon ng tabako, matamis na aselga, bulak, linga, trigo, monggo, mais, nuwes, mirasol, sibuyas, patatas, kamatis, kuliplor, mani, albarikoke, ubas, at melon.[9] May paliparang domestiko ang lalawigan (ang Paliparang Bost), sa lungsod ng Lashkargah na mabigat na ginagamit ng puwersang pinamumunuan ng NATO. Ang dating Britanikong Kampo Bastion at ang Amerikanong Kampo Leatherneck ay maikling distanya lamang sa timog-kanluran ng Lashkargah.

Sa kabuuan ng Digmaan sa Apganistan ng 2001-2021, naging punlaan ang Helmand ng mga aktibidad ng paghihimagsik[10][11][12] at kadalasang tinuturing noong mga panahon na iyon na "pinakamapanganib" na lalawigan.[13][14] Nasaksihan din ng lalawigan ang ilang mga mabibigat na labanan noong digmaan, kung saan sa tugatog nito, napatay ang daan-daang sibilyan kada buwan.[15] Labis na nakapag-ambag sa pananalapi ng Taliban ang naaangkop na klima sa paglilinang ng iba't ibang pananim. Karagdagan dito, tinuturing ang Helmand bilang pinakakonserbatibong lugar sa lipunan.[16]

Pangangalaga ng kalusugan

baguhin

Ang bahagdan ng mga sambahayanan na may malinis na tubig ay bumagsak mula 28% noong 2005 sa 3% noong 2011.[17] Ang bahagdan ng mga ipinapanganak na inaasikaso ng isang sanay na komadrona o nagpapaanak ay tumaas mula 2% noong 2005 sa 3% noong 2011.[17]

Edukasyon

baguhin
 
Isang pulis na Apgano na nagbibigay ng aklat sa mga batang babaeng mag-aaral noong pagbubukas ng bagong paaralan para sa mga batang babae sa in Helmand

Ang kabuuang antas ng karunungang bumasa't sumulat (edad 6 na taon pataas) ay tumaas mula 5% noong 2005 sa 12% noong 2011.[17] Ang kabuuang antas ng paglilista o enrollment (edad 6–13 taon) ay bumaba mula 6% noong 2005 sa 4% noong 2011.[17]

Demograpiya

baguhin
 
Mga pangkat-etnolingguwistika sa Apganistan

Ayon noong 2020, ang populasyon ng Lalawigan ng Helmand ay nasa mga 1,446,230.[6] Isang lipunan ito na panlipi at kanayunan ang karamihan, na ang katutubong mga Pashtun ang nangingibabaw; may isang mahalagang minorya ng mga Baloch sa timog, at mayroon din maliit na minorya ng mga Tajik, at isang mahalagang minorya ng mga Hazara sa malayong hilagang mga rehiyon ng lalawigan.[18] Nahahati ang mga Pashtun sa sumunod na mga pangkat-etniko: Barakzai (32%), Nurzai (16%), Alakozai (9%), at Eshaqzai (5.2%).[9] Lahat ng naninirahan sa lalawigan ay mga Sunni Islam maliban sa maliit na bilang ng mga Hazaras na mga Shi'as at ang mga Sikh na sumunsunod sa Sikhismo. Nasa 53.5% ng populasyon ang nabubuhay na mas mababa sa pambansang linya ng kahirapan.[19]

Mga distrito

baguhin
 
Mga distrito ng lalawigan ng Helmand
Mga distrito ng lalawigan ng Helmand
Distrito Kabisera Populasyon[5] Sukat Bilang ng mga nayon at pangkat-etniko
Baghran 129,947 3,124 km2 38 nayon. 90% Pashtun, 10% Hazara.[20]
Dishu 29,005 9,485 km2 80% Pashtun, 20% Baloch[21]
Garmsir 107,153 10,345 km2 112 nayon. 99% Pashtun, 1% Baloch.[22]
Kajaki 119,023 1,976 km2 220 nayon. 100% Pashtun.[23]
Khanashin (Reg) 17,333 13,153 km2 52% Pashtun, 48% [24][25]
Lashkargah Lashkargah 201,546 998 km2 160 nayon. 60% Pashtun, 20% Baloch, 20% Hindu, Hazara at Uzbek.[26]
Marjah Marjah 2,300 km2
Musa Qala Musa Qala 138,896 1,694 km2 100% Pashtun.[27]
Nad Ali 235,590 4,564 km2 80% Pashtun, 10% Hazara, 5% Tajik, 5% Baloch.[28]
Grishk (Nahri Saraj) 166,827 1,543 km2 97 nayon. 90% Pashtun, 5% Hazara, 5% Baloch.[29]
Nawa-I-Barakzayi 89,189 4135 km2 350 nayon. 99% Pashtun, 1% Farsiwan, Hindu and Sikh.[30]
Nawzad 108,258 4,135 km2 100% Pashtun.[31]
Sangin Sangin 66,901 508 km2 100% Pashtun.[32]
Washir 31,476 4,319 km2 100% Pashtun.[33]
Bahram Chah (300-3500)

Mga sanggunian

baguhin
  1. بلال, رضوان الله (23 Disyembre 2021). "د هلمند له زندانه ۲۱۸ روږدي له درملنې وروسته کورونو ته ولېږل شول" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Enero 2022. Nakuha noong 5 Enero 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Estimated Population of Afghanistan 2021-22" (PDF). nsia.gov.af (sa wikang Ingles). National Statistic and Information Authority (NSIA). Abril 2021. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Hunyo 24, 2021. Nakuha noong Hunyo 29, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Farm Economic Survey of the Helmand Valley, 1975, Pahina 17 (sa Ingles)
  4. "Helmand". "Dictionary.com Unabridged". Random House. (sa Ingles)
  5. 5.0 5.1 "Hillmand Province". Government of Afghanistan and United Nations Development Programme (UNDP) (sa wikang Ingles). Ministry of Rural Rehabilitation and Development. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-07-29. Nakuha noong 2012-12-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 "Estimated Population of Afghanistan 2020-21" (PDF) (sa wikang Ingles). Islamic Republic of Afghanistan, National Statistics and Information Authority. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 3 Hulyo 2020. Nakuha noong 6 Hunyo 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Pat McGeough (2007-03-05). "Where the poppy is king" (sa wikang Ingles). Sydney Morning Herald. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-06-05. More than 90 percent of the province's arable land is choked with the hardy plant. A 600-strong, US-trained eradication force is hopelessly behind schedule on its target for this growing season in Helmand - to clear about a third of the crop, which is estimated to be a head-spinning 70,000 hectares.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Afghanistan still the largest producer of opium: UN report" (sa wikang Ingles). Zee News. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-09-28. Nakuha noong 2007-06-26. She said opium cultivation is concentrated in the south of the country, with just one province 'Helmand' accounting for 42% of all the illicit production in the world. Many of the provinces with the highest levels of production also have the worst security problems.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 "Helmand" (PDF). Program for Culture & Conflict Studies (sa wikang Ingles). Mayo 1, 2010. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2012-10-08. Nakuha noong 2012-12-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. MacKenzie, Jean (19 Marso 2010). "Could Helmand be the Dubai of Afghanistan?" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Agosto 2021. Nakuha noong 25 Pebrero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "UK's Helmand mission was 'flawed'". Bbc.co.uk (sa wikang Ingles). Hunyo 12, 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 16, 2021. Nakuha noong Hulyo 20, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. United Nations High Commissioner for Refugees. "Afghanistan: Clashes in Helmand leave civilians dead, displaced". Refworld.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-09-28. Nakuha noong 2019-02-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Anderson, Ben (Hunyo 22, 2015). "Notes from Afghanistan's Most Dangerous Province" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 28, 2019. Nakuha noong Pebrero 25, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Rowlatt, Justin (Abril 7, 2016). "Afghan forces face 'decisive' battle". Bbc.co.uk (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 9, 2021. Nakuha noong Hulyo 20, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Tugnoli, Lorenzo. "A year of peace in one of Afghanistan's deadliest provinces". Washington Post (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-10-07. Nakuha noong 2022-10-19.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Afghanistan" (PDF). Countries of Concern (sa wikang Ingles). pp. 79–86. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2017-01-23. Nakuha noong 2021-10-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. 17.0 17.1 17.2 17.3 "Helmund Province". Civil Military Fusion Centre – Archive (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-05-31. Nakuha noong 2014-05-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Welcome - Naval Postgraduate School" (PDF). Nps.edu (sa wikang Ingles). Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 8 Oktubre 2012. Nakuha noong 28 Marso 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Giustozzi, Antonio (Agosto 2012). Decoding the New Taliban: Insights from the Afghan Field (sa wikang Ingles). Hurst. ISBN 9781849042260.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Wayback Machine" (PDF) (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2005-10-27. Nakuha noong 22 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "Wayback Machine" (PDF) (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2005-10-27. Nakuha noong 22 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Wayback Machine" (PDF) (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2005-10-27. Nakuha noong 22 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "Wayback Machine" (PDF) (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2005-10-27. Nakuha noong 22 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Baloch.Farm Economic Survey of the Helmand Valley, 1975, Page 18 (sa Ingles)
  25. "Wayback Machine" (PDF) (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2005-10-27. Nakuha noong 22 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "Wayback Machine" (PDF) (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2005-10-27. Nakuha noong 22 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. "Wayback Machine" (PDF) (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2005-10-27. Nakuha noong 22 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "Wayback Machine" (PDF) (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2005-10-27. Nakuha noong 22 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. "Wayback Machine" (PDF) (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2009-02-06. Nakuha noong 22 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. "Wayback Machine" (PDF) (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2005-10-27. Nakuha noong 22 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. "Wayback Machine" (PDF) (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2005-10-27. Nakuha noong 22 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. "Wayback Machine" (PDF) (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2005-10-27. Nakuha noong 22 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. "Wayback Machine" (PDF) (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2005-10-27. Nakuha noong 22 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)