Pagdidistansiyang panlipunan

(Idinirekta mula sa Lockdown sa pandemya)

Ang pagdidistansiyang panlipunan o pagdidistansiyang pisikal (Ingles: social distancing, physical distancing)[1][2][3] ay kalipunan ng mga di-parmasyutikong kilos ng pagpigil sa impeksiyon na nilayon upang ihinto o pabagalin ang pagkalat ng isang nakahahawang sakit sa pamamagitan ng pagpapanatili ng pisikal na distansiya sa pagitan ng mga tao at pagbabawas ng pagkakataon na makalapit ang mga tao sa isa't isa.[1][4] Sangkot dito ang pagpapanatili ng distansiya ng dalawang metro (anim na talampakan) mula sa ibang tao at pag-iiwas sa pagtitipun-tipon sa malalaking grupo.[5][6]

Mga taong nagpapanatili ng distansiya habang nag-aantay na pumasok sa pamilihan. Upang mapanatili ang distansiya habang nasa pamilihan, limitado lamang ang pinapayagan sa loob sa bawat panahon.
Binabawas ng distansiyang panlipunan ang bilis ng pagkalat ng sakit at maaaring magpatigil sa isang siklab.

Sa pagbabawas ng probabilidad na makakapag-ugnay ang isang di-nahawahang tao sa isang nahawang tao, maaaring masugpo ang pagkalat ng sakit, na nagbubunga ng mas kaunting kamatayan.[1][4] Isinasama ang mga hakbang sa mabuting kalinisan ng palahingahan at paghuhugas ng kamay.[7][8] Noong pandemya ng COVID-19, iminungkahi ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan (WHO) ang pagtukoy sa "pisikal" bilang alternatibo sa "panlipunan", bilang pagsunod sa palagay na distansiyang pisikal ang pumipigil sa pagkalat; mananatiling konektado ang mga tao sa iba sa pamamagitan ng teknolohiya.[1][2][9]

Upang magpabagal sa pagkalat ng mga nakahahawang sikat at makaiwas sa pagpapabigat sa sistemang pangkalusugan, lalo na tuwing pandemya, isinasagawa ang iilang hakbang ng pagdidistansiyang panlipunan. Kabilang dito ang pagsasara ng paaralan at opisina, pagbubukod, kuwarentena, paghahadlang sa paggalaw ng mga tao at pagkakansela ng mga pagtitipon.[4][10] Matagumpay na ipinatupad ang ganitong mga hakbang sa iilang nakaraang epidemya. Sa St. Louis, di-nagtagal pagkatapos matutop ang mga unang kaso ng trangkaso sa lungsod noong pandemya ng trangkaso ng 1918, ipinatupad ng mga awtoridad ang pagsasara ng mga paaralan, pagbabawal sa mga pagtitipun-tipon at iba pang hakbang ng pagdidistansiyang panlipunan. Hindi gaanong karami ang bilang ng namatay sa St. Louis kaysa sa Philadelphia, kung saan sa kabila ng pagkakaroon ng mga kaso ng trangkaso, ay pumayag sa pagpapatuloy ng parada at nagsagawa lamang ng pagdidistansiyang panlipunan pagkaraan ng dalawang linggo pagkatapos ng mga unang kaso.[11]

Pinakaepektibo ang pagdidistansiyang panlipunan kapag naipapasa ang impeksiyon sa pamamagitan ng mumunting patak (pag-ubo o pagbahing); direktang pisikal na kontak, kabilang ang pakikipagtalik; di-tuwirang pisikal na kontak (hal. paghawak sa kontaminadong bagay); o pagkalat sa hangin (kung nakabubuhay ang mikroorganismo sa hangin nang matagal na panahon).[12] Di-gaanong epektibo ang mga hakbang sa mga kaso kung saan ang pangunahing paraan ng transmisyon ay sa pamamagitan ng kontaminadong tubig o pagkain o ng mga bektor tulad ng lamok o iba pang mga insekto, at di-gaanong madalas, mula sa bawat tao.[13]

Maaaring kabilang sa mga disbentaha ng pagdidistansiyang panlipunan ang kalumbayan, bawas sa pagiging produktibo, at pagkawala ng mga iba pang benepisyo kaugnay sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao.[14]

Kahulugan

baguhin

Inilarawan ng Mga Sentro sa Pag-iwas at Pagkontrol sa Sakit (CDC) ang pagdidistansiyang panlipunan bilang isang kalipunan ng mga "paraan upang mabawasan ang dalas at pagkalapit ng kontak ng mga tao upang mabawasan ang panganib ng pagkakalat ng sakit".[10] Noong pandemya ng COVID-19, binago ng CDC ang kahulugan ng pagdidistansiyang panlipunan bilang "pagpapanatili sa pag-iiwas sa loob ng mga kongregasyon, pag-iiwas sa pagtitipun-tipon, at pagpapanatili ng distansiya (halos 6 talampakan o 2 metro) mula sa iba kung posible."[5][6]

Dati, inilarawan ng WHO ang pagdidistansiyang panlipunan bilang "pagpapanatili ng layo sa iba na hindi bababa sa dipa, [at] pagbabawas ng mga pagtitipon".[7] Isinasama ito sa mabuting kalinisan sa palahingahan at paghuhugas ng kamay, at itinuturing bilang pinakamaisasagawang paraan upang mabawasan o iantala ang pandemya.[7]

Mga hakbang

baguhin
 
Nakatutulong ang pagpapalayong panlipunan sa matalas na rurok ng impeksiyon ("flattens the epidemic curve") para maiwasan na matabunan ang mga serbisyong pangkalusugan.[15][16][17]

Ang kaalaman na kumakalat ang isang sakit ay maaaring magpasimula ng pagbabago sa ugali ng mga taong pumipiling umiiwas mula sa mga pampublikong lugar at ibang tao. Kapag ipinapatupad upang kontrolin ang mga epidemya, ang ganoong pagdidistansiya ay makabubunga ng benepisyo subalit may lugi sa ekonomiya. Ipinapahayag ng mga saliksik na kailangang isabuhay nang mahigpit upang maging epektibo.[18] Ginagamit ang iilang hakbang ng pagdidistansiya upang pigilan ang pagkakalat ng mga nakahahawang sakit.[10][19][5]

Pag-iiwas ng pisikal na kontak

baguhin
 
Kasama sa pagdidistansiyang panlipunan ang pag-alis ng pakikipag-ugnayang pisikal na nangyayari sa pangkaraniwang pakikipagkamay, yakap, apir, o hongi; itinatampok sa larawang ito ang walong alternatibo.

Ang pagpapanatili ng distansiya ng dalawang metro mula sa iba at pag-iiwas sa yakap at kilos na may direktang pisikal na kontak, ay nagbabawas sa panganib na mahawahan tuwing mga pandemya ng trangkaso at pandemya ng coronavirus ng 2020.[5][20] Inirerekumenda rin ang ganitong mga pagdidistansiya, pati na rin ang mga hakbang sa pansariling kalinisan, sa mga lugar ng trabaho.[21] Saanman maaari mairerekumendang magtrabaho sa bahay.[8]

Iminungkahi ang mga iba't ibang alternatibo sa kaugalian ng pakikipagkamay. Isang alternatibo ang kilos ng namaste, paglalapat ng mga palad, daliri pataas, mga kamay patungo sa puso. Noong 2020 pandemya ng coronavirus sa Reyno Unido, ginamit ni Prinsipe Charles ang kilos na sa kanyang pagbati sa mga bisita, at inirekomenda ng Direktor-Heneral ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan, Tedros Adhanom Ghebreyesus, at Israeling Punong Ministro na si Benjamin Netanyahu.[22] Kinabibilangan ng iba pang mga alternatibo ang kaway, pagsa-shaka (o "hang loose sign"), at paglalagay ng palad patungo sa puso, tulad ng isinasagawa sa mga bahagi ng Iran.[22]

Pagsara ng paaralan

baguhin
 
Lingguhang kaso ng trangkasong baboy sa UK ng 2009.Pagmomodelo ng Ahensiya sa Proteksiyon ng Kalusugan[23]

Ipinakita ng pagmomodelo sa sipnayan na maaaring ipagliban ng pagsasara ng mga paaralan ang pagkalat ng siklab. Gayunpaman, nakadepende ang bisa sa mga kontak na pinapanatili ng mga kabataan sa labas ng paaralan. Kadalasan, kailangang magbakasyon sa trabaho ang isang magulang, at kailangang pahabain ang pagsasara, at maaaring magbunga ito ng pagkasira sa lipunan at ekonomiya.[24][25]

Pagsasara ng opisina

baguhin

Iminumungkahi ng mga pag-aaral sa pagmodelo at paimbabaw batay sa data ng Estados Unidos na kung sarado ang 10% ng apektadong opisina, ang kabuuang antas ng pagkalat ay humigit-kumulang 11.9% at naipagpaliban nang kaunti ang rurok-oras ng epidemya. Sa kabila nito, kung sarado ang 33% ng mga apektadong opisina, bumababa ang antas sa 4.9%, at naantala ang rurok-oras nang isang linggo.[26][27] Kabilang sa pagsasara ng opisina ang pagsasara ng mga "'di-esensiyal" na negosyo at serbisyong panlipunan (ang ibig sabihin ng "'di-esensiyal" ay mga pasilidad na hindi nagpapatakbo ng pangunahing tungkulin sa komunidad, kung ihahambing sa serbisyong esensiyal).[28]

Pagkansela ng pagtitipon

baguhin

Kabilang sa pagkakansela ng mga pagtitipun-tipon ang mga palakasan, pelikulang o musikas palabas.[29] Hindi tiyak ang ebidensiya na nagmumungkahi na pinapataas ng mga pagtitipon ang potensiyal para sa pagkalat ng sakit.[30] Iminumungkahi ng mga anekdota na maaaring maiugnay ang mga iilang uri ng pagtitipon sa mas malaking panganib sa pagkalat ng trangkaso, at maaaring "maglahi" ng mga bagong uri sa lugar, na pasimuno ng pagkalat sa komunidad sa isang pandemya. Noong pandemya ng trangkaso ng 1918, ang mga parada ng militar sa Philadelphia[31] at Boston[32] ay maaaring naging responsable sa pagkalat sa sakit sa pamamagitan ng paghahalubilo ng mga nahawang marino sa mga pulutong ng sibilyano. Makatutulong sa pagbawas ng pagkalat ang restriksiyon ng mga pagtitipon, kasama ng mga iba pang pakikialam ukol sa pagdidistansiya.[33]

Restriksiyon sa pagbibiyahe

baguhin

Malayong mangyari ang pag-aantala ng epidemya nang higit sa 2–3 linggo dahil sa restriksiyon sa hangganan o restriksiyon sa pagbibiyahe sa loob maliban kung itinupad ito na may higit sa 99% saklaw.[34] Nadiskubre na hindi mabisa ang pag-iiskrin sa paliparan sa pagpigil ng pagkalat ng virus noong siklab ng SARS ng 2003 sa Canada[35] at sa Estados Unidos.[36] Naging epektibo raw ang mga ipinataw na istriktong kontrol sa mga hangganan sa pagitan ng Austrya at ang Imperyong Otomano, na ipinataw mula 1770 hanggang 1871 upang pigilan na pumasok sa Austrya ang mga taong nahawa ng salot buboniko, dahil hindi nagkaroon ng mga malalaking siklab ng salot sa teritoryo ng Austrya pagkatapos itong itinatag, samantalang patuloy na nakaranas ang Imperyong Otomano ng mga madadalas na epidemya ng salot hanggang ang gitna ng ikalabinsiyam na siglo.[37]

Ayon sa pagsusuri ng Northeastern University na inilathala noong Marso 2020, "pinapabagal lang ng mga restriksiyon sa pagbibiyahe papunta at paalis ng Tsina ang pandaigdigang pagkalat ng COVID-19 [kapag] isinama ito ng mga tangka sa pagbawas ng pagkalat sa antas ng komunidad at indibidwal.... Hindi sapat ang mga restriksiyon sa pagbibiyahe maliban kung isinama ito ng pagdidistansiyang panlipunan."[38] Natuklasan ng pagsusuri na ipinagpaliban lang ng restriksiyon sa pagbibiyahe sa Wuhan ang pagkalat ng sakit sa ibang bahagi ng kalupaang Tsina nang tatlo hanggang limang araw, ngunit binawas naman nito ang pagkalat ng mga pandaigdigang kaso nang hanggang 80 bahagdan. Isang pangunahing dahilan kung bakit hindi naging ganoong epektibo ang restriksiyon sa pagbibiyahe ay hindi nagpapakita ng sintomas ang karamihan ng mga may COVID-19 sa mga unang yugto ng impeksiyon.[39]

Pagpoprotekta sa sarili

baguhin

Kabilang sa mga hakbang para makaprotekta sa sarili ang paglilimita ng personal na pakikipag-ugnayan, pagsasagawa ng negosyo sa telepono o gamit ang Internet, pag-iiwas sa pampublikong lugar at pagbabawas sa 'di-kinakailangang pagbibiyahe.[40][41][42]

Kuwarentena ng posibleng kaso

baguhin

Noong siklab ng SARS ng 2003 sa Singgapura, napasailalim ang halos 8,000 katao sa sapilitang kuwarentena sa bahay at kinailangan ang higit pang 4,300 na magsubaybay sa sarili para sa mga sintomas at kumontak bawat araw sa mga awtoridad ng kalusugan bilang paraan upang kontrolin ang epidemya. Bagaman 58 lang ng mga indibidwal na ito na kalaunang nasuri na may SARS, nasiyahan ang mga opisyal ng kalusugan ng bayan na nakatulong ang hakbang sa pag-iwas sa higit pang pagkalat ng impeksiyon.[43] Maaaring nakapagtulong ang kusang-loob na paghihiwalay ng sarili sa pagkalat ng trangkaso sa Texas noong 2009.[44] Naiulat ang mga panandaliang at pangmatagalang negatibong epekto sa sikolohiya.[14]

Kordon sanitaryo

baguhin

Noong 1995 ginamit ang kordon sanitaryo upang pigilan ang siklab ng sakit ng Ebola virus sa Kikwit, Zaire.[45][46][47] Pinalibutan ni Pangulong Mobutu Sese Seko ang bayan ng mga hukbo at isinuspende ang lahat ng mga paglipad patungo sa komunidad. Sa loob ng Kikwit, itinayo ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan at mga pangkat ng manggagamot sa Zaire ng mga higit pang kordon sanitaryo, hiniwalay ang mga libingan at pinaggamutan mula sa pangkalahatang populasyon at nagtagumpay sa paglilimita ng impeksiyon.[48]

Pamprotektang pagsamsam

baguhin

Noong epidemya ng trangkaso ng 1918, ibinukod ng bayan ng Gunnison, Colorado, ang sarili nang dalawang buwan upang iwasan ang paghahantad ng impeksiyon. Binakaridahan ang lahat ng lansangang-bayan at ikinuwarentenas ang mga nakarating na pasahero nang limang araw. Bilang resulta ng pagbubukod, walang namatay sa trangkaso sa Gunnison noong pandemya.[49] Pinagtibay rin ng iilang komunidad ang mga ganoong hakbang.[50]

Kabilang sa mga ibang hakbang ang pagsasara o paglilimita ng mass transit[51] at pagsasara ng mga pasilidad sa paglilibang (mga languyan ng komunidad, samahan ng kabataan, at himnasyo).[52]

Kasaysayan

baguhin

Itinayo ang mga kolonya ng mga ketongin at lazaretto bilang paraan para pigilan ang pagkalat ng ketong at iba pang nakahahawang sakit sa pamamagitan ng pagdidistansiyang panlipunan,[53] hangga't naintindihan ang pagkakalat at naimbento ang mga epektibong panggamot.

Epidemya ng polio ng 1916 sa Lungsod ng New York

baguhin
 
Isinara ang mga liwasan at palaruan ng New York noong epidemya ng polio noong 1916.[54]

Noong epidemya ng polio ng 1916 sa Lungsod ng New York, noong may higit sa 27,000 kaso at higit sa 6,000 nangamatay dahil sa polio sa Estados Unidos, nang may higit sa 2,000 nangamatay sa Lungsod ng New York mismo, isinara ang mga sinehan, kinansela ang mga pulong, halos walang pagtitipon sa publiko, at binabalaan ang mga kabataan na huwag uminom sa mga paunten ng tubig, at sinabihan na iwasan ang mga parkeng libangan, languyan at dalampasigan.[55][56]

Noong pandemya ng coronavirus ng 2019–20, binigyang-diin ang mga hakbang sa pagdidistansiyang panlipunan at ang mga may kaugnayan dito ng iilang pamahalaan bilang alternatibo sa ipinatupad na kuwarentena ng mga lugar na lubhang naapektuhan; halimbawa, sa Reyno Unido, ipinayo ng gobyerno sa publiko na iwasan ang mga pampublikong lugar, at kusang nagsara ang mga sinehan at teatro upang hikayatin ang mensahe ng pamahalaan.[57]

Trangkaso, 1918 hanggang ngayon

baguhin
 
Isang pasaherong walang mask na tinatanggihang sumakay sa isang trambya (Seattle, Washington, 1918)

Noong pandemya ng trangkaso ng 1918, natanaw ng Philadelphia ang kanyang mga unang kaso ng trangkaso noong 17 Setyembre.[58][11] Ipinatuloy ng lungsod ang naplanong parada at pagtitipon ng higit sa 200,000 katao sa tatlong kasunod na araw, okupadong okupado noon ang 31 ospital ng lungsod. Sa isang linggo, 4500 ang namatay.[31][59] Ipinatupad ang mga hakbang ng pagdidistansiya noong 3 Oktubre, higit sa dalawang linggo pagkatapos ng unang kaso.[11] Di-katulad sa Philadelphia, natanaw ng St. Louis ang kanyang mga unang kaso ng trangkaso noong 5 Oktubre at umabot ng dalawang araw bago maipatupad ang iilang hakbang ng pagdidistansiya,[11] kabilang ang pagsasara ng paaralan, teatro, at iba pang lugar kung saan nagtitipun-tipon ang mga tao. Pinagbawalan ang mga pampublikong pagtitipon, kabilang dito ang mga libing. Pinabagal ng mga aksiyon ang pagkalat ng trangkaso sa St. Louis, at hindi nagkaroon ng lubhang pagdami ng kaso at kamatayan, gaya ng nangyari sa Philadelphia.[60] Tumaas ang huling bilang ng namatay sa St. Louis kasunod ng ikalawang alon ng kaso, ngunit nanatiling mas mababa sa kabuuan kumpara sa mga ibang lungsod.[61] Sinuri ni Bootsma at Ferguson ang mga pakikialam ng pagdidistansiya sa 16 Amerikanong lungsod noong epidemya ng 1918 at natuklas nila na ang mga pakikialam na may takdang oras ay nakapagbawas lamang ng pagkamatay nang katamtaman (marahil 10–30%), at kadalasang limitadong limitado ang dagok dahil nahuli na ang pakikialam at inalis nang masyadong maaga. Naobserbahan na nakaranas ang iilang lungsod ng ikalawang rurok ng epidemya pagkatapos alisin ang mga kontrol ng pagdidistansiya, dahil nalantad ang mga madaling tablan na dating protektado.[62]

Ipinakita na binawas ng pagsasara ng mga paaralan ng pagkamatay sa Trangkasong Asyano nang 90% noong 1957–58 siklab,[63] at hanggang 50% sa pagkontrol ng influenza sa Estados Unidos, 2004–2008.[64] Katulad nito, iniugnay ang mga sapilitang pagsasara ng mga paaralan at iba pang hakbang ng pagdidistansiya sa 29% hanggang 37% pagbawas sa kabilisan ng pagkalat ng influenza noong epidemya ng trangkaso ng 2009 sa Mehiko.[65]

Noong siklab ng trangkasong baboy ng 2009 sa UK, sa isang artikulong pinamagatang "Closure of schools during an influenza pandemic" ("Pagsasara ng mga paaralan tuwing pandemya ng influenza") na inilathala sa Lancet Infectious Diseases, inindorso ng pangkat ng epidemiologo ang pagsasara ng mga paaralan upang gambalain ang daloy ng impeksiyon, pabagalan ang higit pang pagkalat at bumili ng panahon upang manaliksik at bumuo ng bakuna.[66] Matapos pag-aralan ng mga pandemya ng influenza kabilang ang pandemya ng trangkaso ng 1918, ang pandemya ng influenza ng 1957 at ang pandemya ng influenza ng 1968, nag-ulat sila tungkol sa epekto ng pagsasara ng mga paaralan sa ekonomiya at nagtatrabaho, lalo na dahil sa malaking bahagdan ng doktora at babaeng nars, kung kanino kalahati ay may batang wala pang 16 taong gulang. Tiningnan din nila ang dinamika ng pagkalat ng influenza sa Pransiya tuwing mga Pransesang holiday ng paaralan at itinala na bumaba ang mga kaso ng trangkaso noong nagsara ang mga paaralan at bumalik noong muli silang nagbukas. Itinala nila na noong nagwelga ang mga guro sa Israel noong panahon ng trangkaso ng 1999–2000, bumaba ang pagpapatingin sa doktor at ang bilang ng impeksiyon sa palahingahan nang higit pa sa ikalima at higit pa sa dalawang ikalima ayon sa pagkabanggit.[67]

SARS 2003

baguhin

Noong siklab ng SARS ng 2003, dinagdagan ang mga hakbang ng pandaigdigang pagdidistansiya tulad ng pagbabawal ng malaking pagtitipon, pagsasara ng mga paaralan at teatro, at mga iba pang pampublikong lugar ang mga hakbang ng pampublikong kalusugan tulad ng paghahanap at pagbubukod ng apektadong tao, pagkukuwarentena sa kanilang nakisalamuha, at hakbang sa pagkokontrol ng impeksiyon. Isinama ito sa pagpapasuot ng mask sa mga ilang tao.[68] Noong panahong ito sa Kanada, ginamit ang "kuwarantenang pampamayanan" upang mabawasan ang pagkalat ng sakit na may katamtamang tagumpay.[69]

Pandemya ng COVID-19

baguhin
 
Mga paimbabaw na naghahambing ng pagkalat ng impeksiyon, at bilang ng namatay dahil nasobrahan ang kapasidad ng mga ospital, kapag "karaniwan" ang mga pakikisalamuha (kaliwa, 200 ang malayang nakakikilos) at "nadistansiya" (kanan, 25 ang malayang nakakikilos).
Luntian = Mga malulusog, di-nahawahanPula = Mga nahawa
Bughaw = Mga gumaling
Itim = Mga namatay

Noong pandemya ng COVID-19, binigyang-diin ang pagdidistansiyang panlipunan at kaugnay na hakbang ng iilang pamahalaan bilang alternatibo sa ipinatupad na kuwarentena ng mga lugar na naapektuhan nang malubha. Ayon sa pagsubaybay ng UNESCO, higit sa 100 bansa ang nagpatupad ng pagsasara ng paaralan sa buong bansa bilang tugon sa COVID-19, na nakaapekto sa higit sa kalahting pandaigdigang populasyon ng estudyante.[70] Sa Reyno Unido, ipinayo ng gobyerno sa publiko ang pag-iiwas sa pampublikong lugar, at kusang-loob na nagsara ang mga sinehan at teatro upang hikayatin ang mensahe ng gobyerno.[71]

Tumanggi ang iilang tinedyer at batang adulto sa kusang-loob na pagsunod sa mga hakbang ng pagdidistansiya. Sa Belhika, iniulat ng midya na dinaluhan ang isang rave ng hindi bababa sa 300 bago ito pinawatak-watak ng mga lokal na awtoridad. Sa Pransiya, pinagmumulta ng hanggang US$150 ang mga tinedyer na nagpapasyalan. Isinara ang mga dalampasigan sa Florida at Alabama upang watakin ang mga nagpaparti sa bakasyon sa tagsibol.[72] Winatak-watak ang mga kasal sa New Jersay at ipinataw ang curfew ng alas-8 ng gabi sa Newark. Ang New York, New Jersey, Connecticut at Pennsylvania ang mga unang estado na nakatibay ng magkakatugmang patakaran sa pagdidistansiya na nagsara ng mga di-esensiyal na negosyo at naghigpit sa mga malaking pagtitipon. Pinalawig ang mga tagubiling manganlong sa lugar sa California sa buong estado noong 19 Marso. Sa parehong araw dineklara ng Texas ang sakuna sa publiko at nagpataw ng mga paghihigpit sa buong estado.[73]

Nag-udyok ang mga hakbang sa pag-iwas tulad ng pagdidistansiyang panlipunan at pagbubukod ng sarili sa malawakang pagsasara ng mababang, mataas, at lalong mataas na paaralan sa higit sa 120 bansa. Noong pagsapit ng 23 Marso 2020, higit sa 1.2 mag-aaral ang wala sa eskwela dahil sa pagsasara ng mga paaralan bilang tugon sa COVID-19.[70] Dahil sa mababang antas ng impeksiyong COVID-19 sa mga kabataan, kinuwestiyon ang bisa ng pagsasara ng mga paaralan.[74] Kahit pansamantala pa man lang ang mga pagsasara ng paaralan, nagdadala ito ng mataas na gastos sa lipunan at ekonomiya.[75] Gayunpaman, hindi malinaw ang papel ng kabataan sa pagkakalat ng COVID-19.[76][77] Habang hindi pa alam ang buong epekto ng pagsasara ng mga paaralan sa pandemya ng coronavirus, iminumungkahi ng unang ebidensiya na negatibo ang mga epekto ng pagsasara ng paaralan sa mga lokal na ekonomiya at resulta sa pag-aaral para sa mga estudyante.[78][79]

Noong unang bahagi ng Marso 2020, ang sentimentong "Stay The Fuck Home" ay inilikha ni Florian Reifschneider, isang Alemanong inhinyero at mabilisang inulit ng mga kilalang-kilala artista tulad nina Taylor Swift, Ariana Grande[80][81] at Busy Philipps[82] sa pag-asang mabawasan at maantala ang rurok ng siklab.

Sumali rin ang Facebook, Twitter at Instagram sa kampanya na may mga magkatulad na hashtag, sticker, at filter sa ilalim ng #staythefhome, #stayhome, #staythefuckhome at nagsimulang sumikat sa social media.[83][84][85][86] Sinasabi ng websayt na nakaabot na ito sa 2 milyong katao online at sinasabi rin na naisalinwika na ang teksto sa 17 wika.[86]

Mga balakid

baguhin

Mayroong mga ikinababahala ukol sa pagdidistansiyang panlipunan na maaaring magkaroon ng masang epekto sa kalusugan ng isip ng mga nakikilahok.[87] Maaaring humantong ito sa kaigtingan, pagkabalisa, panlulumo, o pagkataranta, lalo na sa mga indibidwal na may dati nang umiiral na kondisyon tulad ng mga diperensiya ng pagkabalisa, di-masupil na paggawi, at paghihinala.[88] Maaaring lumikha ng pagkabalisa ang malawakang pagbabalita ng midya tungkol sa isang pandemya, ang kanyang epekto sa ekonomiya, at mga nagreresultang paghihirap. Ang pagbabago sa kalagayan sa araw-araw at kawalan ng katiyakan ay maaaring dumagdag din sa kaigtingan ng isip dahil sa pagiging hiwalay sa mga ibang tao.[89]

Teoretikal na batayan

baguhin

Mula sa pananaw ng epidemiyolohiya, ang pangunahing layunin ng pagdidistansiyang panlipunan ay bawasan ang pangunahing reproduktibong bilang,  , na katamtamang bilang ng pangalahawing nahawang indibidwal na nabuo mula sa isang pangunahing nahawang indibidwal sa populasyon kung saan pantay-pantay na madaling tablan ng sakit. Sa isang panimulang modelo ng pagdidistansiyang panlipunan,[90] kung saan ang hagway   ng populasyon ay nagsasagawa ng pagdidistansiyang panlipunan upang bawasan ang kanilang pakikipag-ugnayan sa hatimbilang   ng kanilang katamtamang kontak, ang bagong nabisang reproduktibong bilang   ay binibigay ng: [90]

Halimbawa, 25% ng populsyon ang nagbabawas ng kanilang pakikipag-ugnayan sa iba patungo sa 50% ng kanilang katamtamang antas ay nagbibigay ng mabisang reproduktibong bilang ng halos 81% ng pangunahing reproduktibong bilang. Isang tila maliit na pagbawas, ngunit makabuluhan sa pag-aantala ng pauliting paglaki at pagkalat ng sakit.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Harris, Margaret; Adhanom Ghebreyesus, Tedros; Liu, Tu; Ryan, Michael "Mike" J.; Vadia; Van Kerkhove, Maria D.; Diego; Foulkes, Imogen; Ondelam, Charles; Gretler, Corinne; Costas (2020-03-20). "COVID-19" (PDF). World Health Organization. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2020-03-25. Nakuha noong 2020-03-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Hensley, Laura (2020-03-23). "Social distancing is out, physical distancing is in — here's how to do it". Global News. Corus Entertainment Inc. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-27. Nakuha noong 2020-03-29. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Venske, Regula [sa Aleman] (2020-03-26). Schwyzer, Andrea (pat.). "Die Wirkung von Sprache in Krisenzeiten" [The effect of language in times of crisis] (Interview). NDR Kultur (sa wikang Aleman). Norddeutscher Rundfunk. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-27. Nakuha noong 2020-03-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (NB. Regula Venske is president of the PEN Centre Germany.)
  4. 4.0 4.1 4.2 Johnson, Carolyn Y.; Sun, Lena; Freedman, Andrew (2020-03-10). "Social distancing could buy U.S. valuable time against coronavirus: It's a make-or-break moment with coronavirus to test one of the most basic — but disruptive — public health tools". The Washington Post. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-27. Nakuha noong 2020-03-11.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 Pearce, Katie (2020-03-13). "What is social distancing and how can it slow the spread of COVID-19?". The Hub (sa wikang Ingles). Johns Hopkins University. Nakuha noong 2020-03-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  6. 6.0 6.1 "Risk Assessment and Management" (sa wikang Ingles). Centers for Disease Control and Prevention. 2020-03-22. Nakuha noong 2020-03-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  7. 7.0 7.1 7.2 "Pandemic influenza prevention and mitigation in low resource communities" (PDF). World Health Organization. 2009-05-02. Nakuha noong 2020-03-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  8. 8.0 8.1 "Guidance on social distancing for everyone in the UK". GOV.UK (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-03-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  9. Tangermann, Victor (2020-03-24) [2020-03-20]. "It's Officially Time to Stop Using The Phrase 'Social Distancing'". science alert (Futurism / The Byte). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-29. Nakuha noong 2020-03-29. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) [1]
  10. 10.0 10.1 10.2 Kinlaw, Kathy; Levine, Robert J. (2007-02-15). "Ethical guidelines in Pandemic Influenza – Recommendations of the Ethics Subcommittee of the Advisory Committee to the Director, Centers for Disease Control and Prevention" (PDF). Centers for Disease Control and Prevention. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2020-02-05. Nakuha noong 2020-03-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (12 pages)
  11. 11.0 11.1 11.2 11.3 Ryan, Jeffrey R. (2008-08-01). "Chapter 6.3.3. Response and Containment: Lessons from the 1918 Pandemic Can Help Communities Today". Pandemic Influenza: Emergency Planning and Community Preparedness (sa wikang Ingles). CRC Press. pp. 123–133 [133]. ISBN 978-1-4200-6088-1. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-29. Nakuha noong 2020-03-29.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. ""Information about Social Distancing," Santa Clara Public Health Department" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2020-03-27. Nakuha noong 2020-03-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Interim Pre-Pandemic Planning Guidance: Community Strategy for Pandemic Influenza Mitigation in the United States—Early, Targeted, Layered Use of Nonpharmaceutical Interventions," CDC, Feb 2007
  14. 14.0 14.1 Brooks, Samantha K.; Webster, Rebecca K.; Smith, Louise E.; Woodland, Lisa; Wessely, Simon; Greenberg, Neil; Rubin, Gideon James (2020-03-14). "The psychological impact of quarantine and how to reduce it: rapid review of the evidence". The Lancet (sa wikang Ingles). 395 (10227): 912–920. doi:10.1016/S0140-6736(20)30460-8. ISSN 0140-6736. PMID 32112714.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Wiles, Siouxsie (2020-03-09). "The three phases of Covid-19 – and how we can make it manageable". The Spinoff. Morningside, Auckland, New Zealand. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-27. Nakuha noong 2020-03-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Wiles, Siouxsie (2020-03-14). "After 'Flatten the Curve', we must now 'Stop the Spread'. Here's what that means". The Spinoff. Morningside, Auckland, New Zealand. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-26. Nakuha noong 2020-03-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Anderson, Roy Malcom; Heesterbeek, Hans J. A. P.; Klinkenberg, Don; Hollingsworth, T. Déirdre (2020-03-09). "How will country-based mitigation measures influence the course of the COVID-19 epidemic?". The Lancet (sa wikang Ingles). 395 (10228): 931–934. doi:10.1016/S0140-6736(20)30567-5. ISSN 0140-6736. PMID 32164834. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-27. Nakuha noong 2020-03-28. A key issue for epidemiologists is helping policy makers decide the main objectives of mitigation—e.g., minimising morbidity and associated mortality, avoiding an epidemic peak that overwhelms health-care services, keeping the effects on the economy within manageable levels, and flattening the epidemic curve to wait for vaccine development and manufacture on scale and antiviral drug therapies. {{cite journal}}: Check |author-link4= value (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Maharaj, Savi; Kleczkowski, Adam (2012). "Controlling epidemic spread by social distancing: Do it well or not at all". BMC Public Health. 12 (1): 679. doi:10.1186/1471-2458-12-679. PMC 3563464. PMID 22905965.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Information about social distancing" (PDF). www.cidrap.umn.edu. Public Health Department: Santa Clara Valley Health & Hospital System. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 27 Marso 2020. Nakuha noong 17 Marso 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Guidance on Preparing Workplaces for an Influenza Pandemic". Occupational Safety and Health Act of 1970. United States Department of Labor. OSHA 3327-02N 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-25. Nakuha noong 2020-03-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2020-03-25 sa Wayback Machine. [2]
  21. "Social Distancing". safety-security.uchicago.edu. Department of Safety & Security, The University of Chicago. 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-24. Nakuha noong 2020-03-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. 22.0 22.1 Barajas, Julia; Etehad, Melissa (2020-03-13). "Joined palms, hands on hearts, Vulcan salutes: Saying hello in a no-handshake era". Los Angeles Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-27. Nakuha noong 2020-03-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "2009 Press Releases". Health Protection Agency. 24 Disyembre 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Disyembre 2009. Nakuha noong 24 Disyembre 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Zumla, Alimuddin; Yew, Wing-Wai; Hui, David S. C. (2010). Emerging Respiratory Infections in the 21st Century, An Issue of Infectious Disease Clinics (sa wikang Ingles). Bol. 24. Elsevier Health Sciences. p. 614. ISBN 978-1-4557-0038-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Cauchemez, Simon; Ferguson, Neil M; Wachtel, Claude; Tegnell, Anders; Saour, Guillaume; Duncan, Ben; Nicoll, Angus (2009). "Closure of schools during an influenza pandemic". The Lancet Infectious Diseases. 9 (8): 473–481. doi:10.1016/S1473-3099(09)70176-8. ISSN 1473-3099. PMID 19628172.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. Rousculp, Matthew D.; Johnston, Stephen S.; Palmer, Liisa A.; Chu, Bong-Chul; Mahadevia, Parthiv J.; Nichol, Kristin L. (Oktubre 2010). "Attending Work While Sick: Implication of Flexible Sick Leave Policies". Journal of Occupational and Environmental Medicine. 52 (10): 1009–1013. doi:10.1097/jom.0b013e3181f43844. PMID 20881626.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Kumar, Supriya; Crouse Quinn, Sandra; Kim, Kevin H.; Daniel, Laura H.; Freimuth, Vicki S. (Enero 2012). "The Impact of Workplace Policies and Other Social Factors on Self-Reported Influenza-Like Illness Incidence During the 2009 H1N1 Pandemic". American Journal of Public Health. 102 (1): 134–140. doi:10.2105/AJPH.2011.300307. PMC 3490553. PMID 22095353.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "Social Distancing Support Guidelines For Pandemic Readiness" (PDF). Colorado Department of Public Health and Environment. Marso 2008. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2017-02-13. Nakuha noong 2017-02-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2017-02-13 sa Wayback Machine.
  29. Booy, Robert; Ward, James (2015). "Evidence compendium and advice on social distancing and other related measures for response to an influenza pandemic" (PDF). Paediatric Respiratory Reviews. National Centre for Immunisation Research and Surveillance. 16 (2): 119–126. doi:10.1016/j.prrv.2014.01.003. PMID 24630149. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2015-05-15. Nakuha noong 2015-05-15.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2015-05-15 sa Wayback Machine. (13 pages)
  30. Thomas V. Inglersby et al, "Disease Mitigation Measures in the Control of Pandemic Influenza", Biosecurity and Bioterrorism Biodefense Strategy & Science, Volume 4, Number 4, 2006
  31. 31.0 31.1 Davis, Kenneth C. (2018-09-21). "Philadelphia Threw a WWI Parade That Gave Thousands of Onlookers the Flu". Smithsonian Magazine. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-27. Nakuha noong 2020-03-27.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. "The Flu in Boston", American Experience, WGBH
  33. Ishola DA, Phin N (2011). "Could influenza transmission be reduced by restricting mass gatherings? Towards an evidence-based policy framework". Journal of Epidemiology and Global Health. 1 (1): 33–60. doi:10.1016/j.jegh.2011.06.004. PMID 23856374.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. Ferguson NM, Cummings DA, Fraser C, Cajka JC, Cooley PC, Burke DS (2006). "Strategies for mitigating an influenza pandemic". Nature. 442 (7101): 448–52. Bibcode:2006Natur.442..448F. doi:10.1038/nature04795. PMID 16642006.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. Bell DM, World, Community (2004). "Public health interventions and SARS spread, 2003". Emerging Infectious Diseases. 10 (11): 1900–1906. doi:10.3201/eid1011.040729. PMC 3329045. PMID 15550198.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. Martin Cetron et al. "Isolation and Quarantine: Containment Strategies for SARS, 2003", from Learning from SARS: Preparing for the Next Disease Outbreak, National Academy of Sciences, 2004. ISBN 0309594332
  37. George C. Kohn, Encyclopedia of Plague and Pestilence: From Ancient Times to the Present, Infobase Publishing, 2007; p. 30. ISBN 1438129238
  38. Emily Arntsen, "Closing borders can delay, but can't stop the spread of COVID-19, new report says", News@Northeastern, March 6, 2020.
  39. Matteo Chinazzi1, Jessica T. Davis1, Marco Ajelli, Corrado Gioannini, Maria Litvinova, Stefano Merler, Ana Pastore y Piontti1, Kunpeng Mu1, Luca Rossi, Kaiyuan Sun, Cécile Viboud, Xinyue Xiong, Hongjie Yu, M. Elizabeth Halloran, Ira M. Longini Jr. Alessandro Vespignani1, "The effect of travel restrictions on the spread of the 2019 novel coronavirus (COVID-19) outbreak", Science 6 March 2020
  40. Glass, Robert J.; Glass, Laura M.; Beyeler, Walter E.; Min, H. Jason (Nobyembre 2006). "Targeted Social Distancing Designs for Pandemic Influenza". Emerging Infectious Diseases. Centers for Disease Control and Prevention. 12 (11): 1671–1681. doi:10.3201/eid1211.060255. PMC 3372334. PMID 17283616. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-23. Nakuha noong 2020-03-29.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. "Social Distancing Guidelines (for workplace communicable disease outbreaks)". Society for Human Resource Management. 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-04-23. Nakuha noong 2017-04-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2017-04-23 sa Wayback Machine.
  42. "What's the difference between shielding, self-isolation and social distancing?". www.bhf.org.uk (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-29. Nakuha noong 2020-03-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2020-03-29 sa Wayback Machine.
  43. Chorh-Chuan Tan, "SARS in Singapore – Key Lessons from an Epidemic" Naka-arkibo 2017-04-24 sa Wayback Machine., Annals Academy of Medicine, May 2006, Vol. 35 No.5.
  44. Teh B, Olsen K, Black J, Cheng AC, Aboltins C, Bull K, atbp. (2012). "Impact of swine influenza and quarantine measures on patients and households during the H1N1/09 pandemic". Scandinavian Journal of Infectious Diseases. 44 (4): 289–296. doi:10.3109/00365548.2011.631572. PMID 22106922.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. Laurie Garrett, "Heartless but Effective: I've Seen 'Cordon Sanitaire' Work Against Ebola", The New Republic, 14 August 2014
  46. "Outbreak of Ebola Viral Hemorrhagic Fever -- Zaire, 1995" Morbidity and Mortality Weekly Report, 19 May 1995 / 44(19);381-382
  47. Rachel Kaplan Hoffmann and Keith Hoffmann, "Ethical Considerations in the Use of Cordons Sanitaires", Clinical Correlations, 19 February 2015.
  48. Laurie Garrett, Betrayal of Trust: The Collapse of Global Public Health, Hachette Books, 2011 ISBN 1401303862
  49. Gunnison: Case Study, University of Michigan Medical School, Center for the History of Medicine
  50. H. Markel, A.M. Stern, J. A. Navarro, J. R. Michalsen, A. S. Monto, and C. DiGiovanni, "Nonpharmaceutical Influenza Mitigation Strategies, US Communities, 1918–1920 Pandemic", Emerging Infectious Diseases, Vol. 12, No. 12, December 2006.
  51. Taylor, Kate (2020-03-20) [2020-03-17]. "No Bus Service. Crowded Trains. Transit Systems Struggle With the Virus. - U.S. cities with public transit systems are being forced to adapt to the risks posed by the coronavirus, implementing new sanitation protocols while contending with fewer riders and workers". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-25. Nakuha noong 2020-03-25.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  52. "Flu Pandemic Mitigation - Social Distancing". globalsecurity.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-22. Nakuha noong 2020-03-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  53. Souvay, Charles Léon (1913). "Leprosy". Catholic Encyclopedia. Bol. 9. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-28. Nakuha noong 2020-03-28.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  54. Popular science monthly. New York, USA: D. Appleton. 1916. p. 400.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  55. Battin, M. Pabst; Francis, Leslie P.; Jacobson, Jay A.; Smith, Charles B. (2009). The Patient as Victim and Vector: Ethics and Infectious Disease (sa wikang Ingles). Oxford University Press. p. 87. ISBN 978-0-19-533583-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  56. Melnick J. (1 July 1996). "Current status of poliovirus infections". Clinical Microbiology Reviews. 9 (3): 293–300. doi:10.1128/CMR.9.3.293. PMC 172894. PMID 8809461. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Septiyembre 2011. Nakuha noong 21 Marso 2020. {{cite journal}}: Check date values in: |archive-date= (tulong) Naka-arkibo 28 September 2011[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  57. "Most UK cinemas shut after virus advice". BBC News (sa wikang Ingles). 2020-03-17. Nakuha noong 2020-03-21.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  58. Hatchett, Richard J.; Mecher, Carter E.; Lipsitch, Marc (2007-05-01) [2007-04-06, 2007-02-14, 2006-12-09]. Singer, Burton H. (pat.). "Public health interventions and epidemic intensity during the 1918 influenza pandemic". Proceedings of the National Academy of Sciences of the United States of America. 104 (18): 7582–7587. doi:10.1073/pnas.0610941104. PMC 1849867. PMID 17416679. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-03-09. Nakuha noong 2020-03-19. {{cite journal}}: Check |author-link3= value (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2008-03-09 sa Wayback Machine.
  59. Starr, Isaac (1976-10-01). "Influenza in 1918: Recollections of the Epidemic in Philadelphia". Annals of Internal Medicine (sa wikang Ingles). 85 (4): 516–518. doi:10.7326/0003-4819-85-4-516. PMID 788585.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  60. Smith, Richard (2007-06-30). "Social measures may control pandemic flu better than drugs and vaccines" (PDF). British Medical Journal. 334 (7608): 1341. doi:10.1136/bmj.39255.606713.DB. ISSN 0959-8138. PMC 1906625. PMID 17599996. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2020-03-27. Nakuha noong 2020-03-27.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  61. Kalnins, Irene (Setyembre 2006). "The Spanish influenza of 1918 in St. Louis, Missouri". Public Health Nursing. Boston, Massachusetts, USA. 23 (5): 479–483. doi:10.1111/j.1525-1446.2006.00586.x. ISSN 0737-1209. PMID 16961567.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  62. Bootsma MC, Ferguson NM (2007). "The effect of public health measures on the 1918 influenza pandemic in U.S. cities". Proc Natl Acad Sci U S A. 104 (18): 7588–7593. doi:10.1073/pnas.0611071104. PMC 1849868. PMID 17416677. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-22. Nakuha noong 2020-03-19.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2020-03-22 sa Wayback Machine.
  63. Chin TD, Foley JF, Doto IL, Gravelle CR, Weston J (1960). "Morbidity and mortality characteristics of Asian strain influenza". Public Health Reports. 75 (2): 148–58. doi:10.2307/4590751. JSTOR 4590751. PMC 1929395. PMID 19316351.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  64. Wheeler CC, Erhart LM, Jehn ML (2010). "Effect of school closure on the incidence of influenza among school -age children in Arizona". Public Health Reports. 125 (6): 851–859. doi:10.1177/003335491012500612. PMC 2966666. PMID 21121230.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  65. Flu Pandemic Study Supports Social Distancing", NIH Research Matters, 6 June 2011.
  66. Wardrop, Murray (21 Hulyo 2009). "Swine flu: schools should close to halt spread of virus, ministers told". The Telegraph (sa wikang Ingles). ISSN 0307-1235. Nakuha noong 17 Marso 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  67. Walsh, Eric, pat. (20 Hulyo 2009). "Closing schools won't stop pandemics: study" (sa wikang Ingles). Reuters. Nakuha noong 17 Marso 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  68. Bell, David M. (Nobyembre 2004). "Public Health Interventions and SARS Spread, 2003". Emerging Infectious Diseases. 10 (11): 1900–1906. doi:10.3201/eid1011.040729. ISSN 1080-6040. PMC 3329045. PMID 15550198.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  69. Bondy, Susan J.; Russell, Margaret L.; Laflèche, Julie M. L.; Rea, Elizabeth (2009-12-24). "Quantifying the impact of community quarantine on SARS transmission in Ontario: estimation of secondary case count difference and number needed to quarantine". BMC Public Health. 9 (1): 488. doi:10.1186/1471-2458-9-488. PMC 2808319. PMID 20034405.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  70. 70.0 70.1 "COVID-19 Educational Disruption and Response". UNESCO (sa wikang Ingles). 2020-03-04. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-29. Nakuha noong 2020-03-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  71. "Most UK cinemas shut after virus advice". BBC News (sa wikang Ingles). 2020-03-17. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-23. Nakuha noong 2020-03-21.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  72. "Parents, police struggle to social distance the young in coronavirus outbreak". 2020-03-20. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-23. Nakuha noong 2020-04-03.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2020-03-23 sa Wayback Machine.
  73. Young, Elise; Baker, David R. (2020-03-20). "Uh-Oh Moment Finally Hits States Slow to Adopt Social Distancing". Bloomberg News. Bloomberg L.P. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-23. Nakuha noong 2020-03-29.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  74. Frieden, Tom. "Lessons from Ebola: The secret of successful epidemic response". CNN. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-23. Nakuha noong 2020-03-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  75. "Coronavirus deprives nearly 300 million students of their schooling: UNESCO". The Telegram (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-28. Nakuha noong 2020-03-23 – sa pamamagitan ni/ng Reuters.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  76. Lipsitch, Marc; Swerdlow, David L.; Finelli, Lyn (2020-03-26) [2020-02-19]. "Defining the Epidemiology of Covid-19 — Studies Needed". New England Journal of Medicine. 382 (13): 1194–1196. doi:10.1056/NEJMp2002125. ISSN 0028-4793. PMID 32074416. {{cite journal}}: Check |author-link1= value (tulong); Check |author-link3= value (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  77. Zimmermann, Petra; Curtis, Nigel (2020-03-18). "Coronavirus Infections in Children Including COVID-19: An Overview of the Epidemiology, Clinical Features, Diagnosis, Treatment and Prevention Options in Children". The Pediatric Infectious Disease Journal (sa wikang Ingles). Online First. doi:10.1097/INF.0000000000002660. ISSN 0891-3668. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-24. Nakuha noong 2020-03-30. {{cite journal}}: Check |author-link2= value (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  78. "Adverse consequences of school closures". UNESCO (sa wikang Ingles). 2020-03-10. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-25. Nakuha noong 2020-03-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  79. Stevens, Harry (2020-03-14). "These simulations show how to flatten the coronavirus growth curve". Washington Post (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-30. Nakuha noong 2020-03-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  80. Ehrlich, Brenna (2020-03-15). "Taylor Swift Urges Fans to Stay Home Amid COVID-19 Outbreak: "I love you so much and I need to express my concern that things aren't being taken seriously enough right now," superstar writes". Rolling Stone. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-28. Nakuha noong 2020-03-28. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  81. Reifschneider, Florian (2020). "A Movement to Stop the COVID-19 Pandemic". #StayTheFuckHome. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-29. Nakuha noong 2020-03-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  82. Hudson, Alex (2020-03-17). "Busy Philipps Joins Cameo to Record "Stay the Fuck Home" Messages for Coronavirus". exclaim.ca. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-27. Nakuha noong 2020-03-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  83. "AMA, AHA, ANA: #StayHome to confront COVID-19". Chicago, USA: American Medical Association. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-28. Nakuha noong 2020-03-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  84. Berg, Madeline. "No, Netflix Is Not Spoiling Its Own Shows To Fight Coronavirus". Forbes. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-27. Nakuha noong 2020-03-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  85. Sayej, Nadja (2020-03-25). "'It feels like wartime': how street artists are responding to coronavirus - The pandemic may have closed museums and galleries down but artists have found other ways to comment on the crisis". The Guardian. Street art. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-29. Nakuha noong 2020-03-30.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  86. 86.0 86.1 Solis, Jorge (2020-03-16). "The #StayTheF***kHome movement just wants you to, well, you know". Newsweek. Culture (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-27. Nakuha noong 2020-03-30.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  87. Ao, Bethany (2020-03-19). "Social distancing can strain mental health. Here's how you can protect yourself". The Philadelphia Inquirer (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-26. Nakuha noong 2020-03-24.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  88. "Stress and Coping". Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) (sa wikang Ingles). Centers for Disease Control and Prevention. 2020-03-23 [2020-02-11]. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-29. Nakuha noong 2020-03-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  89. Willis, Olivia (2020-03-22). "Coronavirus: Social distancing and isolation can take a toll on your mental health, here's how some people are coping - Managing mental health in the time of coronavirus". ABC News (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-28. Nakuha noong 2020-03-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  90. 90.0 90.1 Becker, Niels (2015). Modeling to Inform Infectious Disease Control. CRC Press. p. 104. ISBN 9781498731072.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin