Meycauayan

lungsod ng Pilipinas sa lalawigan ng Bulacan
(Idinirekta mula sa Lungsod ng Meycauayan)

Ang Meycauayan ay isang lungsod na matatagpuan sa lalawigan ng Bulacan. Ito ay matatagpuan labingsyam na kilometro sa hilaga ng Maynila at dalawampu't dalawang kilometro mula sa siyudad ng Malolos. Ang Lungsod ng Meycauayan ay napaliligiran ng Marilao sa hilaga, Lungsod ng Valenzuela sa timog, Lungsod ng Caloocan sa silangan, at ng Obando sa kanluran. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 225,673 sa may 60,570 na kabahayan.

Meycauayan

Lungsod ng Meycauayan
Mapa ng Bulacan na nagpapakita ng lokasyon ng Meycauayan. Coordinates 14°44'N 120°57'E
Mapa ng Bulacan na nagpapakita ng lokasyon ng Meycauayan.
Coordinates 14°44'N 120°57'E
Map
Meycauayan is located in Pilipinas
Meycauayan
Meycauayan
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°44′N 120°57′E / 14.73°N 120.95°E / 14.73; 120.95
Bansa Pilipinas
RehiyonGitnang Luzon (Rehiyong III)
LalawiganBulacan
DistritoPang-apat na Distrito ng Bulacan
Mga barangay26 (alamin)
Ganap na LungsodDisyembre 10, 2006
Pamahalaan
 • Punong LungsodLinabelle Villarica (PDP-Laban)
 • Manghalalal128,237 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan32.10 km2 (12.39 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan225,673
 • Kapal7,000/km2 (18,000/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
60,570
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-3 klase ng kita ng lungsod
 • Antas ng kahirapan12.62% (2021)[2]
 • Kita₱1,780,818,057.48 (2020)
 • Aset₱5,483,211,537.01 (2020)
 • Pananagutan₱1,248,671,239.43 (2020)
 • Paggasta₱1,302,647,373.19 (2020)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigong Pangsulat
3020
PSGC
031412000
Kodigong pantawag44
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikawikang Tagalog
Websaytmeycauayan.gov.ph

Kilala ang lungsod ng Meycauayan bilang sentro ng industriya ng pag-aalahas sa Pilipinas.

Mga Baranggay

baguhin

Ang Lungsod ng Meycauayan ay nahahati sa 26 na mga baranggay.

  • Bagbaguin
  • Bahay Pare
  • Bancal
  • Banga
  • Bayugo
  • Calvario
  • Caingin
  • Camalig
  • Hulo
  • Iba
  • Langka
  • Lawa
  • Libtong
  • Liputan
  • Longos
  • Malhacan
  • Pajo
  • Pandayan
  • Pantoc
  • Perez
  • Poblacion
  • Saluysoy
  • Gasak
  • Tugatog
  • Ubihan
  • Zamora

Kasaysayan

baguhin

Ang taguring "Meycauayan" ay mula sa wikang Tagalog na "may kawayan". Ito ay dahil sa ang lugar noon ay katatagpuan ng maraming kawayanan. Ayon sa alamat, mayroong dalawang magkalabang tribo, ang tribo ni Raha Yantok at Raha Sugod. Nais ni Raha Yantok na sakupin ang pangkat ni Raha Sugod kaya ito ay natakda ng labanan. Sa paglawig ng kanilang labanan natuklasan nila ang isang lugar na puno ng kawayan na siya nilang tinawag na "pook na may kawayan".

Noong 1578, ilang taon matapos maitatag ang Siyudad ng Maynila, naitatag ang bayan ng Meycauayan sa ilalim ng mga Fraileng Pransiskano na sina Juan de Plasencia at Diego Oropeza. Sila ay nagtayo ng isang kapilyang gawa sa pawid sa isang nayon na nasa gawing silangan ng bayan at ito ay isinailalim sa pamamatnubay ni San Fransisco ng Assisi bilang kanilang patron. Ito ay kanilang tinawag na Sitio Torril. Ang maliit na pamayanang ito ay tumagal ng humigit kumulang sampung taon hanggang ito ay masira dahil sa isang malakas na bagyo. Taong 1588, inilipat ang pamayanan sa isang lugar na tinatawag na Lagolo (ngayon ay sakop ng Banga at Caingin) sa pamumuno ng fraileng si Padre Fransisco Pusiquit. Dahil sa pagsalakay ng mga Ita, inilipat ang kabayanan sa kasalukuyan nitong kinalalagyan sa Baranggay Poblacion. Dito matatagpuuan ang lumang Munisipyo at ang Simbahan ng Parokya ni San Fransisco ng Assisi.

Ang Meycauayan ay kilala noong Panahon ng Kastila bilang lugar na mayaman sa adobe. Ang mga batong ito ay ginamit hindi lang sa pagpapatayo ng mga gusali sa bayan kundi gayundin ang mga pangunahing gusali sa Maynila tulad ng moog ng Intramuros at ang Katedral ng Maynila.

Ang Bayan ng Meycauayan ay kinilala noon bilang isa sa pinakamalaking bayan sa Bulacan. Ang mga bayan ng San Jose Del Monte, Bocaue, Marilao, Valenzuela, Obando, Santa Maria at Pandi ay nasa ilalim noon ng pamahalaan ng Meycauayan.

Noong panahon ng Himagsikan, nakapag-ambag ang Meycauayan ng mga Dakilang Anak nito upang tumulong sa pagpapalaya sa ating bansa. Ilan dito ay sina Andres Pacheco, Ciriaco Contreras, Guillermo Contreras, Guillermo Bonque, at Liberato Exaltacion. Lahat ng mga nabangit na ito ay pinarangalan sa pamamagitan ng pagpapangalan ng mga pagunahing kalye sa Meycauayan sa kanilang karangalan.

Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, muling naging matatag ang kabuhayan at ekonomiya sa Meycauayan. Subalit ito ay naunsyami noong 1949, nang masunog ang sentro ng kabayanan kasama na ang munisipyo nito at ang lumang simbahan.

Ang pagpasok ng Dekada 60 at 70 ay nagbigay ng bagong pag-asa sa pagsulong ng bayan. Nagkaroon ng rehabilitasyon at pagtatayo ng mga imprastraktura upang tugunan ang paglago ng ibat-ibang industriya sa bayan.

Noong taong 2000, sinubukan ng Pamahalaan ng Meycauayan na iakyat ang estado nito sa pagiging siyudad ngunit ito at natalo sa isang plebisito.

Noong taong 2005, inilipat ang munisipyo nito sa mas malaking lupa sa Baranggay Camalig. Ang lumang Munisipyo ay pinananahanan ngayon ng Mariano Quinto Alarilla Polytechnic College.

Noong ika-10 ng Disyembre, 2006 sa bisa ng isang plebisito ay naging isang ganap na lungsod ang meycauayan mula sa pagiging isang bayan ng Meycauayan. [3]

Mga AM Transmiter

baguhin
  • (PA) 1206 kHz (Audiovisual Communicators)

Demograpiko

baguhin
Senso ng populasyon ng
Meycauayan
TaonPop.±% p.a.
1903 9,742—    
1918 11,285+0.99%
1939 16,082+1.70%
1948 21,695+3.38%
1960 32,234+3.35%
1970 50,977+4.68%
1975 60,225+3.40%
1980 83,579+6.77%
1990 123,982+4.02%
1995 137,081+1.90%
2000 163,037+3.79%
2007 196,569+2.61%
2010 199,154+0.48%
2015 209,083+0.93%
2020 225,673+1.51%
Sanggunian: PSA[4][5][6][7]


Mga sanggunian

baguhin
  1. "Province: Bulacan". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. http://www.senate.gov.ph/republic_acts/RA%209356.pdf
  4. Census of Population (2015). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Census of Population and Housing (2010). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Censuses of Population (1903–2007). "Region III (Central Luzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  7. "Province of Bulacan". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Kawing Panlabas

baguhin