Tagaytay
Ang Lungsod ng Tagaytay ay Ikalawang Klase na lungsod sa lalawigan ng Cavite, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 85,330 sa may 22,399 na kabahayan. Ang Lungsod nang Tagaytay ay matatagpuan sa katimugang Cavite, Silangan ng Alfonso, Timog ng Silang, Kanlurang ng Calamba sa Laguna at Hilaga ng Talisay sa Batangas, Taong 2017 sa pagbabago ng Pederalismo sa Pilipinas ang Tagaytay ang (kapitolyo) ng Timog Katagalugan, Ang lungsod ay tinagurian itong 2nd Summer Capital nang bansa dahil sa katamtaman nitong klima, Ang lungsod na ito ay pinakamataas at mabundok na lungsod nang Kabite, People's Park in the Sky ang tawag rito, nasa itaas nito ang tinaguriang "Bundok Sungay" o "Bundok Gonzales".
Tagaytay ᜆᜄᜌ̟ᜆᜌ̟ Lungsod ng Tagaytay | ||
---|---|---|
Ang "People's Park in the Sky" sa Bundok Sungay | ||
| ||
Bansag: Your quick scape from Manila's urban jungle | ||
Map of Cavite showing the location of Tagaytay. | ||
Mga koordinado: 14°06′N 120°56′E / 14.1°N 120.93°E | ||
Bansa | Pilipinas | |
Rehiyon | Calabarzon (Rehiyong IV-A) | |
Lalawigan | Kabite | |
Distrito | Pang-walong Distrito ng Cavite | |
Mga barangay | 34 (alamin) | |
Pagkatatag | 21 Hunyo 1938 | |
Ganap na Lungsod | 21 Hunyo 1938 | |
Pamahalaan | ||
• Punong Lungsod | Agnes Tolentino,DMD | |
• Pangalawang Punong Lungsod | Raymond A. Ambion | |
• Manghalalal | 51,601 botante (2022) | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 65.00 km2 (25.10 milya kuwadrado) | |
Populasyon (Senso ng 2020) | ||
• Kabuuan | 85,330 | |
• Kapal | 1,300/km2 (3,400/milya kuwadrado) | |
• Kabahayan | 22,399 | |
Ekonomiya | ||
• Kaurian ng kita | ika-2 klase ng kita ng lungsod | |
• Antas ng kahirapan | 15.28% (2021)[2] | |
• Kita | ₱1,270,453,684.95 (2020) | |
• Aset | ₱6,679,898,156.73 (2020) | |
• Pananagutan | ₱1,764,264,036.73 (2020) | |
• Paggasta | ₱1,249,554,254.36 (2020) | |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) | |
Kodigong Pangsulat | 4120 | |
PSGC | 042119000 | |
Kodigong pantawag | 46 | |
Uri ng klima | Tropikal na monsoon na klima | |
Mga wika | wikang Tagalog | |
Websayt | tagaytay.gov.ph |
Ang Tagaytay ay isa sa mga lugar pang-turismo sa bansa, dinarayo ito nang mga turista galing sa iba't ibang lugar at karatig lugar na kalapit nito. Ang Tagaytay ay may layo nang 59 kilometro o 37 milya sa Maynila.
Etemolohiya
baguhinAng Tagaytay ay hango sa salitang "taga",is to cut, ang "itay" ay father, ang kwentong ito ay nagmula sa dalawang mag-ama na nakakita nang baboy ramo sa bukirin at napaiyak ang bata at napasigaw na taga-itay kaya't naging bansag ito sa mga baryo-baryo kaya't tinagurian itong "Tagaytay". Mula sa lungsod nang Calamba sa lalawigan nang Laguna ay tanaw-tanaw ang Tagaytay.
Pinagmumulan ng tubig
baguhinsapagkat dito rin nangagagling ang pinagmumulan nang tubig nang mga ilog sa Calamba na nang galing pa sa Tagaytay. Ang "San Cristobal River" o Ilog ng San Cristobal sa pagitan nang dalawang lungsod nang Cabuyao at Calamba.
Kasaysayan
baguhinHimagsikang Pilipino
baguhinNoong habang panahon ng Himagsikang Pilipino ng 1896, ang dalisdis at ang gubat sa Tagaytay ay naging santuwaryo ng mga rebolusyonaryo, kabilang rin ang mga kalapit probinsiya nito tulad nang Laguna at Batangas, Ang hangganan nito mula sa Tagaytay at idinagdag sa salitang "mananagaytay" sa mga tubong bokabularyo.
Panahon ng Ikalawakng Digmaang Pandaigdig
baguhinNoong 23 Pebrero 1945, ang 11th Airborne Division ni Lt. Hen. Robert L. Eichelberger's 8th Army ay nagsagawa ng isang combat jump ng 511th Parachute Infantry Regiment at mga nauugnay na elemento sa tagaytay, na may drop zone sa paligid ng Manila Hotel Annex, na nagawang palayasin ang mga puwersang Hapones ng mga sundalong Pilipino mula sa ika-4i, 42, 43, 45 at 46 Infantry Division ng Hukbo ng Komonwelt ng Pilipinas, Ika-4 na Constabulary Regiment ng Philippine Constabulary at mga kinikilalang gerilya. Upang alalahanin ang kaganapang ito, isang panandang pangkasaysayan ang pinasinayaan noong 1951 sa kantong ng mga kalsada ng Silang, Canlubang-Nasugbu ng mga opisyal ng lungsod sa koordinasyon ng Pambansang Suriang Pangkasaysayan ng Pilipinas.[3]
Heograpiya
baguhinAng Tagaytay ay may lawak na 66.1 km2 (26 sq mi) at nagrerepresenta nang 4.37% sa buong sukat nito sa probinsya nang Cavite. At ito ay nasa layong 120° 56' na haba at taas, tanaw ang Manila Bay o baybaying Maynila mula sa hilaga, Bulkang Taal mula sa timog at Laguna de Bay mula sa silangan.
Topograpiya
baguhinAng silangan at timog bahagi nang Tagaytay ay napapalibutan nang mga mapuno at matatarik na bangin at dito nagpapadagdag atraksyon mula sa itaas nang Bundok Sungay nang Tagaytay ito ang Tagaytay Picnic Grove at Tagaytay Midlands ang ma burol at mga nakatirik na gusali, Ang Tagaytay Ridge naman ay may layo mula hanggang 32 kilometro (20 mi) mula sa Bundok Batulao sa gawing kanluran nang "Bundok Sungay" (Bundok Gonzales) o ang tinatawag na "People's Park in the Sky ang Bundok Sungay sa silangan ay may lalim na umaabot sa 610 na metro (2,000 ft) pataas katumbas nang lalim nang dagat. ang bundok na ito sa Tagaytay ang pinakmataas na lupain nang Cavite ito ang tinaguriang "Bundok ng Cavite" na may taas 709 na metro tanaw sa mga bayan nang Alfonso, Mendez, Indang, Amadeo at Silang sa mga kalapit lugar nito.
Ang ridge ay kita mula sa Laws ng Taal sa Batangas, Ay dulo nang Taal Caldera. Na may sukat 25-by-30-kilometro (16 mi × 19 mi) Ang lawak at may kapasidad sa Lawa nang Caldera, Ito rin ay binubuo malapit sa mga bayan nang Mendez, Indang, Amadeo, Silang at Alfonso ay magkakalebel ang taas ng lupa dahil sa magkakadikit at maggkakalapit na lugar ay tanaw na ang mga ilang bayan sa Kabite, Laguna at maging sa Batangas, Tanaw tagos rin hanggang Lawa sa Taal lake ay magkalayo mula sa "Bundok Macolod" ang mataas na lupain sa Taal Caldera.
Pagiging Lungsod
baguhinAng tagaytay ay naging lungsod ay naipasa at napirmahan sa Commonwealth Act no. Ng 338 kay President Manuel L. Quezon noong 21 Enero 1938, at kay authored Rep. Justiniano Montano ng Cavite. tulad sa Trece Martires, ay pinag planohan gawing lungsod at mga karatig nito mula sa mga bayan ng Mendez, Silang and Amadeo.
Klima
baguhinAng Tagaytay at mayroong katamtamang bersyon nang tropical monsoon climate (Köppen climate classification: Am) at characterized na may relative kumpara sa Maynila, at mababa sa humidity nang ulan. Ang lungsod ay may temperatura na 24 °C (75 °F). Ay kabilang sa taas, Ang Tagaytay at lumalamig sa mga buwan nang of Disyembre, Enero, Pebrero at maging any Mayo sa tag-ulan. At sa ilang mga bayan kalapit bayan sa Tagayaty sa Cavite, At kapag Tag-init tuwing from Nobyembre hanggang Abril at Tag-ulan sa buong taon. Ang klima Tito sa Tagaytay at nagtalaga nang mga panlaro, picnic at iba pa.
Halumigmig
baguhinTagaytay ay umaabot sa average nang of 78% na halumigmig kumpara sa Kalakhang Maynila at relative humidity nang 81%. Northeasterly nang hangin sa lungsod ay pumapatak sa mga buwan nang Oktubre hanggang Abril at kapag southwest mula Mayo hanggang Setyembre.
Datos ng klima para sa Tagaytay | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Katamtamang taas °S (°P) | 26.9 (80.4) |
27.8 (82) |
29 (84) |
30.1 (86.2) |
29.7 (85.5) |
28.4 (83.1) |
27.2 (81) |
27 (81) |
27.4 (81.3) |
27.9 (82.2) |
27.4 (81.3) |
26.8 (80.2) |
27.97 (82.35) |
Arawang tamtaman °S (°P) | 22.8 (73) |
23.3 (73.9) |
24.2 (75.6) |
25.3 (77.5) |
25.3 (77.5) |
24.6 (76.3) |
23.7 (74.7) |
23.7 (74.7) |
23.8 (74.8) |
24.1 (75.4) |
23.6 (74.5) |
23.1 (73.6) |
23.96 (75.13) |
Katamtamang baba °S (°P) | 18.8 (65.8) |
18.8 (65.8) |
19.5 (67.1) |
20.6 (69.1) |
21 (70) |
20.8 (69.4) |
20.2 (68.4) |
20.5 (68.9) |
20.3 (68.5) |
20.3 (68.5) |
19.9 (67.8) |
19.4 (66.9) |
20.01 (68.02) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 51 (2.01) |
27 (1.06) |
32 (1.26) |
54 (2.13) |
205 (8.07) |
301 (11.85) |
451 (17.76) |
459 (18.07) |
363 (14.29) |
252 (9.92) |
213 (8.39) |
138 (5.43) |
2,546 (100.24) |
Sanggunian: Climate-Data.org,[4] |
Ekonomiya
baguhinAgrikultura
baguhinAng mga bukirin nang Pinya sa Tagaytay at mga tanim na papaya, saging at iba pa na nakapiligid Ay isa sa mga agrikultira nang lungsod sa pay redevelop nito. Noong ika 2009, at may lawak na kabuuang 1,292 ektarya (3,190 acres) sa agrikultura sa lupain na 20 percent ayon sa lungsod, Ang mga pangunahing produktong rito at mga prutas na pinya, kape, saging, kamote at mga gulay, bulaklak at mga paso pamg halamana ay mga isinusuplay sa mga malalaking palengke.
Turismo
baguhinAng Tagaytay ay isa sa mga ipinagmamalaki nang rehiyon Calabarzon na lungsod dahil sa ankin nitong at ganda at katamtamang temperatura, maihahalintulad ito sa Lungsod ng Baguio dahil sa magkaprehas ang Taas at Klima nito, tinagurian ang dalawang lungsod na ito na "Summer Capital ng Pilipinas" dahil sa haba, lawak, taas at sukat. Ang Tagaytay ay isa sa mataas na lugar sa Calabarzon, tulad nang Bundok Makiling sa Calamba, Laguna, "Bundok Makulot" sa Cuenca, Batangas at Bundok Banahaw sa Lukban, Quezon, Kilala ang Tagaytay dahil sa pangdagdag atraksyon dahil tanaw rito ang "Bulkang Taal" sa bayan nang Talisay at Laurel sa Batangas, At mga Amusement park na nagpadagdag atraksyon sa mga turista ang Amusement Park Timezone, Tagaytay Picnic Grove, Tagaytay Midlands, Tagaytay Highlands, People's Park in the Sky (Palace in the Sky), Sky Ranch (Sky Eye) at iba pa. At ayon noong 2005 at maging sa kasalukuyan.
Transportasyon
baguhinMula sa Tagaytay nakalinked mula Kalakhang Maynila karatig ang mga probinsya nang Batangas at Laguna. Mga sumunod na daraanan ang Amadeo, Mendez, Indang, Silang and Alfonso sa Cavitte, patungo ng Norte at patagos mula Calamba at Santa Rosa sa Laguna sa hilagang silangan at sea bayan hang Talisay, Batangas mula sa timog.
South Luzon Expressway
baguhin- via Santa Rosa-Tagaytay- Santa Rosa at Silang from Santa Rosa and Eton City-ABI-Greenfield Exits
- Tagaytay-Calamba Road that passes Tagaytay Highlands at Calamba Premiere International Park sa Batino Exit.
- Manila-Cavite Expressway (CAVITEX or formerly, Coastal Road) - Tagaytay via the southbound Aguinaldo Highway.
- Ang ginagawang expressway sa Tagaytay is Cavite–Tagaytay–Batangas Expressway (CTBEx)
- Cavite-Laguna Expressway from CAVITEx-Kawit up to SLEx-Mamplasan. CTBEx and CALAEx
Mula Batangas, ay sa ruta nang Tagaytay o kaya sa Ligaya Drive, ay naguumpisa malapit sa bayan nang Talisay at nagtatapos sa Tagaytay Picnic Grove, o kaya sa Talisay-Tagaytay Road, a 12-kilometre (7.5 mi) nang kalsada sa Lemery–Agoncillo–Laurel–Talisay Road to Tagaytay Rotunda. Mula Laguna ay sa ruta nang Santa Rosa–Tagaytay Road from Santa Rosa, Laguna o kaya sa ibang ruta sa Tagaytay–Calamba Road (via Tagaytay Highlands) sa Calamba Premiere International Park at Calamba, Laguna.
Barangay
baguhinAng Lungsod ng Tagaytay.
|
|
|
Demograpiko
baguhinTaon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1939 | 1,657 | — |
1948 | 5,233 | +13.63% |
1960 | 7,203 | +2.70% |
1970 | 10,907 | +4.23% |
1975 | 13,388 | +4.20% |
1980 | 16,322 | +4.04% |
1990 | 23,739 | +3.82% |
1995 | 29,419 | +4.10% |
2000 | 45,287 | +9.69% |
2007 | 61,623 | +4.34% |
2010 | 62,030 | +0.24% |
2015 | 71,181 | +2.66% |
2020 | 85,330 | +3.63% |
Sanggunian: PSA[5][6][7][8] |
Mga sanggunian
baguhin- ↑
"Province: Cavite". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Tagaytay City Ecological Profile 2013" (PDF). Tagaytay City Official Web site. Tagaytay City Government. pp. 1–2. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2015-11-17. Nakuha noong 15 Nobyembre 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
"Climate: Tagaytay - Climate graph, Temperature graph, Climate table". Climate-data.org. Nakuha noong 25 Mayo 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population (2015). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population and Housing (2010). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Censuses of Population (1903–2007). "Region IV-A (Calabarzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: url-status (link) - ↑
"Province of Cavite". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)