Si Darna (pagbigkas sa Tagalog: [daɾna]) ay isang kathang-isip na superhero na lumalabas sa mga komiks mula sa Pilipinas. Nilikha ang karakter para sa Pilipino Komiks ng manunulat na si Mars Ravelo at tagaguhit na si Nestor Redondo noong 1950. Una siyang lumabas sa Pilipino Komiks (Ace Publications, Inc.) #77 noong Mayo 13, 1950.[1] Si Darna ay muling pagbabago ng naunang karakter ni Ravelo na si Varga, na ang kuwento at ilustrasyon ay ginawa niya mismo. Unang lumabas ang karakter na ito sa Bulaklak Magazine, Bolyum 4, #17 noong Hulyo 23, 1947. Umalis si Ravelo sa Bulaklak dahil sa hindi pagkakasundo sa mga patnugot ng publikasyon.[2] Isa sa mga pinakatanyag na superhero na Pilipino, lumabas si Darna sa maraming mga pelikula at ilang seryeng pantelebisyon. hello hehehhe

Darna
Impormasyon ng paglalathala
Unang paglabasPilipino Komiks, #77 (Mayo 13, 1950)
TagapaglikhaMars Ravelo
Nestor Redondo
Impormasyon sa loob ng kwento
Ibang katauhanNarda
EspesyeNagbabagong-anyong tao / pinaghalong extra-terrestrial
Lugar ng pinagmulanPilipinas
Kasaping pangkatCaptain Barbell
Dyesebel
Kilalang alyasDaria (alternatibong mortal na pagbabalatkayo)
Kakayahan
  • Nagbabagong-anyo si Narda at nagiging ang superhero na si Darna pagkatapos ilunok ang Puting Bato at isigaw ang "Darna." Bumalik siya sa pagiging mortal pagkatapos isigaw ang "Narda" at ang Puting Bato ay nailuwa.

Mga kakayahan ni Darna:

  • Nagtataglay ng kaakitan ni Venus, ang kaluwalhatian ni Apollo at ang lakas ni Samson
  • Higit-sa-taong lakas, istamina, bilis, liksi at tatag
  • Paglipad
  • Pagtatanggol sa salamangka
  • Rehenerasyon
  • Telepatiya
  • Telekinesis
  • Heat vision o nag-aapoy na mata
  • Gumagamit ng di-masirang pulseras, inarmasang salakot at medalyon (shuriken) sa pamamagitan ng sinturon

Si Darna ay isang namatay na taga-ibang planeta o extra-terrestrial na mandirigma na lumalabas sa pamamagitan ng salamangka sa isang babaeng mula sa Daigdig na nagngagalang Narda. Pakatapos lunokin ni Narda ang Puting Bato na may mahika at isigaw ang "Darna," nagbabagong-anyo siya sa makapangyarihang mandirigmang si Darna. Bilang Darna, ipinagtatanggol niya ang mga naaapi at nilalabanan ang mga kriminal at mga kampon ng kasamaan, isa na dito si Valentina, isang babaeng may buhok na ahas na parang si Medusa. Madalas siyang samahan ng kanyang nakakabatang kapatid na si Ding. May ilang mga alternatibong bersyon ni Darna na binagyan ng bagong katauhan sa paglipas ng mga taon. Chat nyo po ako: MaryJane Santos

Natatangi at ikoniko ang itsura ni Darna: kadalasang nakasuot siya ng pulang bikini na may mga ginutuang bituin sa bawat takip ng bra; pulang kalubkob na napapalamutian ng gintong medalyong may pakpak; gintong pulseras; gintong medalyong sinturon na may bahag sa gitna; at halos hanggang tuhod na pulang bota. Malawak na tinuturing si Darna bilang ikono sa kalinangan ng Pilipinas, at tinuturing na pinakabantog na superhero na karakter sa Pilipinas.[3]

Malawak na hinalaw at ginampanan ang karakter sa ibang anyo ng midya, kabilang ang mga pelikula at seryeng pantelebisyon, Kabilang sa ilang mga artista na ginampanan si Darna sa pelikula at telebisyon sina Rosa del Rosario, Liza Moreno, Eva Montes, Gina Pareño, Vilma Santos, Lorna Tolentino, Rio Locsin, Sharon Cuneta, Nanette Medved, Anjanette Abayari, Regine Velasquez, Angel Locsin, at Marian Rivera.[4]

Sa ibang midya

baguhin

Tala ng mga gumanap ng Darna sa mga pelikula at palabas sa telebisyon

baguhin

Rosa del Rosario (1951–1952)

baguhin

Ang kauna-unahang Darna ay ginampanan ng isang Pilipino-Amerikanong mestisang si Rosa del Rosario sa pelikulang Darna (1951). Ginampanan niya si Darna sa ilalim ng Royal Films na pagmamay-ari ni Fernando Poe. Si Valentina, ang orihinal na kalaban ni Darna, ay ginampanan ni Cristina Aragon samantalang ang ibang katauhan ni Darna na si Narda ay ginampanan ng isang batang artista na si Mila Nimfa. Pagkaraan ng isang taon si Rosa del Rosario pa rin ang gumanap na Darna sa pelilkulang Darna at ang Babaing Lawin at sa pagkakataong ito ay isang Babaeng Lawin ang kanyang kalaban na ginampanan naman ni Elvira Reyes.

 
Darna at ang Babeng Lawin na ginampanan ni Rosa del Rosario (1952)


Liza Moreno (1963-1964)

baguhin

Pagkatapos ng labing-isang taon na lumipas muling binigyang buhay ng isang artistang mula sa LVN Pictures na si Liza Moreno ang papel ng isang Darna kasama si Danilo Jurado bilang Ding sa pelikulang Si Darna at ang Impakta.[5][4] Sa isa pang pelikula sa sumunod na taon, ang Isputnik vs. Darna, sa pagkakataong ito ay sinagupa niya ang isa pang babaeng bida ng kalawakan na si Isputnik na ginampanan naman ng isa pang artista ng LVN Pictures na si Nida Blanca.[6]

Eva Montes (1965)

baguhin

Noong 1965, isang baguhang artista na si Eva Montes ang gumanap bilang Darna habang si Connie Angeles ang gumanap na Narda sa pelikulang Darna at ang Babaing Tuod. Si Montes ay gumanap noong 1964 bilang anak ni Dyesebel na si Alona sa pelikulang Anak ni Dyesebel. Ang gumanap sa kontrabidang si Babaing Tuod ay si Gina Alonzo na unang gumanap na Impakta sa naunang pelikulang Darna at ang Babaing Impakta.

Gina Pareno (1969)

baguhin

Si Gina Pareno na galing sa Sampaguita Pictures ang gumanap naman na Darna noong 1969 sa pelikulang Si Darna at ang Planetman. Ginampanan din niya ang papel na Daria at si Narda ay ginampanan ng batang artista na si Gina Alajar. Sa pelikula na ginawa ng Vera Perez Productions, umibig si Darna sa isang lalaki na may ibang katauhan, si Planetman, na kailangan niyang talunin.[7]

Vilma Santos (1973–1980)

baguhin

Naging ikoniko ang pagganap ni Vilma Santos bilang Darna noong dekada 1970. Tumabo sa takilya ang tanging pelikulang trilohiya (isang pelikulang na may tatlong hiwalay na istorya) ng Darna na Lipad, Darna, Lipad! noong 1973 at pagganap ni Santos ay naging isang pambihirang pagkakataon para sa pagyabong ng kanyang karera sa pagiging artista.[8] Ito ang kauna-unahang pagkakataon na gumanap na Narda ay pareho ng gumanap ng Darna. Nag-iwan din ng tatak sa popular na kultura ang katagang sinambit ni Darna na "Ding, ang bato!" sa pelikula ngunit hindi ito orihinal na linya sa komiks.

Nasundan pa ng tatlong pang pelikula na si Santos ang Darna, at ito ang Darna ang the Giants (1974), Darna vs. The Planet Women (1975) at Darna at Ding (1980).

 
Vilma Santos bilang si Darna sa Darna and the Giants (1974)

Lorna Tolentino (1977)

baguhin

Noong 1977, ang kauna-unahng seryeng palabas sa telebisyon tungkol kay Darna ay ipinalabas sa KBS 9 (RPN 9) kung saan ginampanan ni Lorna Tolentino si Darna at Narda.

Dolphy (1978)

baguhin

Ang bersiyong ito ng Darna ay isang katatawanan, sapagkat ito ay ginampanan ng komedyanteng si Dolphy. Ang pelikulang ito ay gawa ng Regal Films at ginampanan din ni Lotis Key ang papel na Darna

Ang pelikulang ito ay halos tumabo rin sa takilya dahil ang Darna dito sa kuna-unahang pagkakataon ay isang binabae.

Rio Locsin (1979)

baguhin

Pagkatapos ng pamamayagpag at matagumpay na pagkakaganap ni Vilma Santos bilang Darna, mayroon na namang ibang babeng sumulpot upang gumanap at ito ay si Rio Locsin..

Kung may Darna meron din na isang Ding, at ang gumanap dito ay ang batang paslit na si Romnick Sarmenta. Ang pelikulang ito ay mula sa MBM Film Productions at ipinalabas noong 1980.

Nanette Medved (1991)

baguhin

Eksaktong sampung taon o mahigit isang dekada ang lumipas, ang Reyna ng himpapawid na si Darna ay muling namayagpag sa ere at ito ay binigyang buhay naman ng isangseksing artista sa katauhan ni Nanette Medved.

Ang bersiyon ng pelikulang ito ay pinamahalaan ni Joel Lamangan at ang kaniyang nakalaban dito ay isang Babaeng Impakta na ginampanan naman ni Bing Loyzaga at isang Babaeng Ahas na ginampanan naman ni Pilar Pilapil.

Dito ginampanan ni Nanette Medved ang isang modelo na lingid sa kaalaman ng lahat na siya pala ang Darna, at si Ding naman na ginampanan ng dating miyembro ng Smokey Mountain (banda) an si Tony Lambino.

 
Nanette Medved bilang si Darna na pinamahalaan ni Joel Lamangan


Anjanette Abayari (1993)

baguhin

Ang naturang bersiyon na ito ng Darna ay tinatayang may pinakamaraming nakuhang kita sa takilya. Ang pelikulang Darna Ang Pagbabalik ay tumatalakay tungkol noon na nangyari sa Bundok ng Pinatubo kung saan nililigtas niya ang mga tao laban sa Lahar.

Ang pelikulang ito ni Anjanette Abayari na gumanap bilang Darna ay kulang sa inaasahang aksiyon ng mga tao na dating ginagawa ng isang Bida sa himpapawid.

Angel Locsin (2005)

baguhin

Taong 2005 ng mabili ng GMA Network ang karapatan para isahimpapawid ang makabagong bersiyon ng Darna kung saan ang bata at seksing si Angel Locsin ang gaganap.

Sa bersiyong pantelebisyon na ito ay makakasagupa niya ang reyna ng ahas na si Alessandra de Rossi kung saan pinakahihintay ng mga tao ang eksenang iyon.

Sa telebisyon, ginawa ng GMA Network ang teleseryeng 'Darna' at binago nila ng kaunti ang orihinal na lathala ni Mars Ravelo.

Marian Rivera (2009)

baguhin

Taong 2009 nang muling gumawa ng isa pang bersiyon ang GMA Network. Ito ay pinangunahan ni Marian Rivera

Taong Enero 2008 nang unang sinabi ang pagbabalik ng karakter ni Narda kasama si Capt. Barbell ngunit dahil sa pagkakabungo ng oras ay una nang ipapalabas si Darna ngunit sinabi na maaring lumabas sa serye ang isa pang tagapagligtas.

Iba pang gumanap ng Darna

baguhin

Tala ng mga pelikula at palabas sa telebisyon tungkol kay Darna

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Darna internationalhero.co.uk (sa Ingles)
  2. "Mars Ravelo". lambiek.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Hunyo 2015.
  3. "Darna" (sa wikang Ingles). Philippine Daily Inquirer. 2003-02-17. Nakuha noong 2014-07-19.
  4. 4.0 4.1 "IN PHOTOS: 13 actresses who played Darna". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). ABS-CBN Corporation. Nakuha noong Mayo 31, 2017.
  5. Lo, Ricky (Abril 21, 2017). "The artist who drew the original Darna" (sa wikang Ingles). The Philippine Star. Nakuha noong Abril 25, 2019. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)
  6. PINOY SUPERHEROES OF THE 60s#3: THE FORGOTTEN ONES video48 (sa Ingles)
  7. DARNA IN THE 60s video48 (sa Ingles).
  8. VILMA SANTOS : THE BEST DARNA EVER video48 (sa Ingles)
baguhin