Maynila (lalawigan)

dating lalawigan ng Pilipinas
(Idinirekta mula sa Maynila (Probinsya))

Ang Maynila, tinatawag ding dati bilang Tondo hanggang sa taong 1859, sa kasalukuyan ngayon ay Kalakhang Maynila, ay isang dating lalawigan sa Pilipinas na sumasaklaw sa Tondo at Maynila, mga dating kaharian na umiral bago dumating ng mga Kastila.[1] Noong 1898 kinabilangan ito ng Lungsod ng Maynila at 23 ibang mga bayan. Sinama ito sa lalawigan ng Rizal noong 1901.

Maynila
Maynila
Dating lalawigan ng Pilipinas

 

1571–1901
 

Location of Maynila
Location of Maynila
Kinaroroonan ng dating lalawigan ng Maynila
Kabisera Manila
Mariquina (1898–1899)
Panahon sa kasaysayan Panahong Kolonyal
 -  Panlulupig ni Legazpi ng Maynila at Tondo 1571
 -  Naging kabisera ng kolonyal na Pilipinas 1595
 -  Sinakop ng Gran Britanya 1762–1764
 -  Inilipat ang soberanya sa Estados Unidos 1899
 -  Binuwag 1901
Ngayon bahagi ng Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Manila, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Pasig, Pateros, Lungsod Quezon, San Juan, Taguig, mga bahagi ng Rizal

Mga lungsod at bayan

baguhin

Ang dating lalawigan ay binubuo ng Lungsod ng Maynila at 23 ibang mga bayan. Ang mga distrito ng Binondo, Dilao, Ermita, Malate, Pandacan, Quiapo, Sampaloc, San Miguel, Santa Ana, Santa Cruz, at Tondo ay kalimitang tinutukoy bilang mga "pueblo", "arrabal" ("mga naik") o "neighbourhood" ng Maynila. Unang tumutukoy ang Maynila sa "lungsod sa loob ng pader" (kasalukuyang Intramuros), ngunit ang kahulugan nito ay napalakip sa huli ang mga naik na pumapalibot dito, kaya humantong ito sa pagkalito hinggil sa kung ano ang mga lugar na bumubuo sa "Maynila" noong kahulihan ng ika-19 na siglo.[1][2] Simula noong dekada-1860, ang lugar ay kadalasang tinutukoy bilang Ciudad de Manila y sus arrabales ("Ang Lungsod ng Maynila at mga naik nito") o bilang Manila y los pueblos de extramuros ("Maynila at mga pamayanang sa labas ng mga pader").[2] Kinabibilangan ng kasalukuyang Lungsod ng Maynila ang lahat ng mga lugar na ito.

Inilalahad ng talahanayan sa baba ang kabatiran mula sa binaggit na sanggunian.[1]

Lungsod/Bayan Populasyon (1898) Mga tala
Maynila[A 1] 110,000
Caloocan 9,843 Nasa 7 milya mula Maynila. May pangunahing mga daan (highroads) patungong Maynila, Novaliches, Mariquina, at Sampaloc.
Dilao (Paco)[A 2][A 3] 4,625 Nasa 3 milya mula Maynila.
Ermita[A 2] 4,726 Nasa 1¼ milya mula Maynila.
Las Piñas 4,000 Nasa 8 milya mula Maynila.
Malate[A 2] 2,319 Nasa 1⅔ milya mula Maynila.
Malibay[A 4] 2,890 Nasa 4 na milya mula Maynila.
Mariquina[A 5] 10,313 Nasa 7 milya mula Maynila. May ugnayan ito sa Caloocan sa pamamagitan ng isang pangunahing daan.
Montalban[A 6] 3,055 Nasa 16 milya mula Maynila.
Muntinlupa 5,068 Nasa 21 milya mula Maynila.
Navotas 9,154 Nasa 6¼ milya mula Maynila.
Novaliches[A 7] 1,871 Nasa 10 milya mula Maynila. May ugnayan ito sa Caloocan at Maynila sa pamamagitan ng pangunahing mga daan.
Pandacan[A 2] 2,446 Nasa 2 milya mula Maynila.
Parañaque 9,863 Nasa layong 6⅛ milya mula Maynila.
Pasig 22,000 Nasa 7 milya mula Maynila.
Pateros 2,842 Nasa 3 milya mula Maynila.
Pineda[A 8] 9,825 Nasa 3⅛ milya mula Maynila.
San Felipe Neri[A 9] 5,465.
San Juan del Monte[A 10] 2,011
San Mateo[A 11] 6,700 Nasa 17 milya mula Maynila.
San Pedro de Macati[A 12] 3,921 Nasa 3 milya mula Maynila.
Santa Ana[A 2] 2,194 Nasa humigit-kumulang 3 milya mula Maynila.
Tagig 9,662 Nasa 4 milya mula Maynila.
Tambobong[A 13] 25,000 Nasa 3 milya mula Maynila.
  1. Tumutukoy sa Intramuros
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 Bahagi ngayon ng kasalukuyang Lungsod ng Maynila
  3. Tumutukoy sa Paco, Maynila
  4. Sumama sa Pasay noong Oktubre 12, 1903
  5. Ngayon ay Marikina
  6. Ngayon ay Rodriguez, Rizal
  7. Idinagdag ng Caloocan noong unang bahagi ng ika-20 siglo. Ang mga lugar na dating bahagi ng Novaliches ay kasalukuyang hati sa pagitan ng Hilagang Caloocan at Lungsod Quezon
  8. Ngayon ay Pasay
  9. Ngayon ay Mandaluyong
  10. Ngayon ay San Juan
  11. Ngayon ay San Mateo, Rizal
  12. Ngayon ay Makati
  13. Ngayon ay Malabon

Makikita sa baba ang kinaroroonan ng mga bayan ng dating lalawigan ng Maynila. Maliban sa Montalban at San Mateo, lahat ng mga lugar na ito ay nakapaloob ngayon sa Kalakhang Maynila.[3]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Military notes on the Philippines: September 1898 By United States. Adjutant-General's Office. Military Information Division
  2. 2.0 2.1 Old ties and new solidarities: studies on Philippine communities, by Charles J-H. Macdonald, Guillermo Mangubat Pesigan – Shifts in the meaning of "Manila" in the Nineteenth Century – Xavier Huetz de Lemps
  3. "1901 Mapa ng Luzon na nagpapakita ng lalawigan ng Maynila". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-11. Nakuha noong 2020-04-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°35′N 121°00′E / 14.583°N 121.000°E / 14.583; 121.000