Pabo
Ang pabo (Ingles: turkey, Kastila: pavo) ay isang uri ng ibong kinakain ng tao.[1] Kabilang ito sa mga tinatawag na ibong pampoltri.[1] Ang pabo ay isang malaking ibon na nasa saring Meleagris. Ang isang espesye nito, ang Meleagris gallopavo, na karaniwang nakikilala bilang pabo ng kalikasan/pabong labuyo o pabo ng ilang ay katutubo sa mga kagubatan ng Hilagang Amerika. Ang pabong domestiko (pabong domestikado) ay isang inapo ng espesyeng ito. Ang isa umiiral pa ring espesye ay ang Meleagris ocellata na katutubo sa mga kagubatan ng Tangway ng Yucatán.[2]
Pabo Temporal na saklaw: Maagang Plioseno hanggang Kamakailan
| |
---|---|
Ligaw na pabo (Meleagris gallopavo) | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Orden: | |
Pamilya: | Meleagrididae Gray, 1840
|
Sari: | Meleagris Linnaeus, 1758
|
Uri | |
Ang mga pabo nakauri sa ordeng pangtaksonomiya ng Galliformes. Sa loob ng orden na ito, ang mga pabo ay mga kamag-anakan ng mag-anak o subpamilya ng grouse. Ang mga lalaki ng kapwa espesye ay mayroong isang namumukod-tanging malaman na palong o umbok na nakabitin magmula sa ituktok ng tuka sa mga pabong labuyo at mga inapo nitong domestikado. Kabilang ang mga pabo sa pinakamalalaking mga ibon na nasa loob ng kanilang mga nasasakupang lugar. Katulad ng sa maraming mga espesyeng galiporma, ang lalaki (tandang) ay mas malaki at mas makulay kaysa sa babae (inahin).
Lutuin
baguhinAng inihaw na pabo ay isa sa mga lutuing inihaw na nag mula sa karne ng pabo (turkey) na karaniwang inihahanda tuwing may gaganaping handaan, kaarawan, holiday at "Thanksgiving".
Ang tamang pamamaraan ng pagluluto ay nilahokan ng mga spices at sinahogan ng mga halimbawa: puting sibuyas, kamatis, bawang, lemon at iba pa. At kabilang ang gravy o sawsawan na madalas ginagawa ng nag-luluto kasabay ng pag-serve ng ito'y nakasalang sa oven toaster ng mahigit na 3-4 oras.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
- ↑ Donald Stanley Farner and James R. King (1971). Avian biology. Boston: Academic Press. ISBN 0-12-249408-3.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)