Miswa

(Idinirekta mula sa Misua)

Ang miswa (na binabaybay ring misua o mee sua; Tsino: 麵線; Pe̍h-ōe-jī: mī-sòaⁿ) ay isang uri ng napakanipis na pansit na gawa sa harinang de-trigo.[1][2] Nagmula ito sa Fujian, Tsina.[2] Iba ito sa bihon at sotanghon na gawa sa bigas at monggo, ayon sa pagkabanggit.

Miswa
Miswa mula sa Taywan
Ibang tawagMisua, wheat vermicelli
UriTsinong pansit
LugarTsina
Rehiyon o bansaFujian
Pangunahing SangkapHarinang de-trigo
Miswa
Pangalang Tsino
Tradisyunal na Tsino麵線
Pinapayak na Tsino面线
Kahulugang literalsinulid na pansit
Pangalang Khmer
Khmerមីសួ (mii suə)

Kultura

baguhin

Kumakatawan ang miswa sa mahabang buhay sa kulturang Tsino, kaya isa itong tradisyonal na pangkaarawang pagkain sa kanila. Dahil dito, madalas hinihimok na huwag nguyain o hiwain ang pansit miswa.[3] Kadalasan itong sinasahugan ng itlog, tokwa, siling-pula,[3] talaba, isaw ng baboy,[4] kabuteng shiitake, baka, lasuna o tanduyong, tinostang mani o pritong isda.

Galeriya

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Lacquian, Eleanor at Irene Sobreviñas (1977). "Misua". Filipino Cooking Here & Abroad (Lutuing Pilipino Dito at sa Labas ng Bansa).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Albala, K. (2017). Noodle Soup: Recipes, Techniques, Obsession [Luglog: Mga Resipi, Pamamaraan, Pagkahumaling] (sa wikang Ingles). University of Illinois Press. p. 173. ISBN 978-0-252-05019-0. Nakuha noong Agosto 26, 2018.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "LIST: 'Lucky food' to prepare for Chinese New year, and why" [LISTAHAN: 'Maswerteng pagkain' na ihahanda para sa Bagong Taon ng Mga Tsino, at kung bakit]. Rappler (sa wikang Ingles). Enero 24, 2020. Nakuha noong Agosto 18, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Cosmo, S. (2017). The Ultimate Pasta and Noodle Cookbook [Ang Ultimong Aklat Panluto ng Pasta at Pansit] (sa wikang Ingles). Cider Mill Press. p. 92. ISBN 978-1-60433-733-4. Nakuha noong 4 Enero 2020.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.