Daambakal Pangkomyuter na Hilaga–Timog

linya ng daambakal ng Pilipinas
(Idinirekta mula sa North–South Commuter Railway)

Ang Daambakal Pangkomyuter na Hilaga–Timog (Ingles: North–South Commuter Railway, NSCR), na kilala rin bilang Daambakal ng Clark–Calamba (Ingles: Clark–Calamba Railway), ay isang 147 kilometro (91 mi) na sistema ng riles panlulan na urbano na ginagawa sa kapuluan ng Luzon, Pilipinas. Tumatakbo mula sa New Clark City sa Capas hanggang Calamba, Laguna na may 36 na estasyon at apat na serbisyo, ang linya ng daambakal na ito ay idinisenyo upang mapabuti ang koneksyon sa loob ng Malawakang Maynila (Greater Manila Area) at isasama sa network ng tren sa rehiyon.[1][2]

Orihinal na pinlano noong dekada-1990, ang proyekto ng daambakal na ito ay nagkaroon ng isang magulong kasaysayan, na paulit-ulit na itinigil at nagsimulang muli dahil sa iba't ibang dahilan.[3] Ang unang panukala nito ay ang 32 kilometro (20 mi) na "Mabilisang Daambakal ng Manila–Clark" (Ingles: Manila–Clark Rapid Railway) kasama ang Espanya noong dekada-1990 na itinigil pagkatapos ng hindi pagkakasundo sa pagpopondo,[3][4] at noong dekada-2000, ang proyektong NorthRail kasama ang Tsina na kung saan ay hindi na ipinagpatuloy noong 2011 dahil sa mga paratang ng labis na pagtaas ng presyo.[5][6][7] Ang kasalukuyang linya ng tren ay nagsimulang umunlad noong 2013. Ang paunang yugto ng proyekto ay naaprubahan noong 2015,[8] at nagsimula ang pagtatayo nito noong 2019.[9]

Inaasahang nagkakahalaga ito ng ₱873.62 bilyon,[10] ang linyang ito ay ang pinakamahal na proyekto sa transportasyon ng riles sa bansa. Ang buong sistema ng linyang ito ay inaasahang matatapos sa taong 2029.[11] Sa pagtatapos nito, papalitan ng linya ng daambakal na ito ang kasalukuyang Linyang Metro Commuter ng PNR.

Ang Daambakal Pangkomyuter na Hilaga–Timog ay bubuo ng dalawang seksyon na tumutugma sa mga lumang pangunahing linya ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas. Ang una ay ang 91 kilometro (57 mi)[12] na ganap na nakataas na PNR Clark na itinatayo sa ibabaw ng halos hindi na gumaganang Pangunahing Linyang Pahilaga sa hilagang Kalakhang Maynila at Gitnang Luzon.[13] Ang konstruksyon ng PNR Clark ay nahahati da dalawa pang bahagi: ang linyang PNR Clark 1 mula Tutuban hanggang Malolos na mayroong habang 38-kilometro (24-milya) at ang PNR Clark 2 mula Malolos hanggang New Clark City[14] na mayroong habang 53-kilometro (33-milya). Ang ikalawang komponente ay ang PNR Calamba na mayroong habang56-kilometro (35-milya)[12] na siyang gagamitin upang palitan ang PNR Metro Commuter Line mula Tutuban hanggang Calamba, na makasaysayang ginamit sa Linyang Pangunahin na Patimog at magkakaroon ng mga bahaging nakataas, nasa lupa, at sa ilalim ng lupa.[15]

Mga serbisyo

baguhin

Mayroong apat na klase ng serbisyo para sa linyang ito. Ang mga sumusunod ay:[16]

  • Ang Commuter ay ang pangunahing serbisyo ng riles-pangkomyuter at may pinakamababang priyoridad. Tumitigil ito sa lahat ng estasyon sa loob ng ruta nito. May tatlong ruta na binalak para sa klase na ito; Tutuban–New Clark City, Tutuban–Calamba, at Paliparang Pandaigdigang ng Clark–Calamba. Ang pinakamataas na bilis para sa serbisyong ito ay magiging 120 kilometres per hour (75 mph) para sa buong linya.
  • Ang Commuter Express ay ang limitadong paghinto ng serbisyo para sa linya, na humalili sa serbisyo ng Commex sa panahon ng Metrotren noong unang bahagi ng dekada-2000. Bagama't mas mabilis itong tatakbo kaysa sa mga karaniwan na tren pangkomyuter, gagamitin pa rin nito ang parehong mga ruta at bagon.
  • Ang Airport Limited Express ay ang pansamantalang pagtatalaga para sa nakaplanong link ng riles sa paliparan at serbisyong limitadong express sa pagitan ng mga estasyon ng Paliparang Pandaigdigang ng Clark at Alabang. Bilang pangunahing serbisyo ng NSCR, gagamit ito ng dedikadong bagon na kumpleto sa amenidad at bagahe para sa gradong pagitan ng mga lungsod para sa mga taong darating mula sa paliparan. Magkakaroon ito ng pinakamataas na bilis na 160 kilometres per hour (99 mph) sa kahabaan ng NSCR North. Magmula noong Enero 2022, hindi pa nalalaman ang huling pangalan nito sa ngayon.
  • Ang subway through-service ay ang iminungkahing ogmentasyon sa pagitan ng NSCR at ng Metro Manila Subway. Magsisilbi ito sa pinakatimog na mga pook ng Kalakhang Manila at karatig nitong lalawigan na Laguna, na sumasanga mula sa linya ng subway sa estasyon ng FTI habang ang natitira sa linya ay mapupunta sa direksyon ng Terminal 3 ng NAIA sa Pasay. Gagamitin nito ang mga bagon ng subway sa halip na sa NSCR, bagama't pareho ito mula sa pamilyang Sustina.

Mga estasyon

baguhin
Mga iminungkahing istasyon at serbisyo ng tren[17][18]
Yugto Estasyon Mga serbisyo Mga paglipat Lokasyon
Commuter Commuter express Limited express Sa pamamagitan ng serbisyo sa/mula
Metro Manila Subway[kailangan ng sanggunian]
NCC–Tutuban CIA–Calamba Tutuban–Calamba NCC–Tutuban CIA–Calamba Tutuban–Calamba
PNR Clark 2 New Clark City wala Capas, Tarlac
Clark International Airport   Clark International Airport Mabalacat, Pampanga
Clark wala
Angeles Angeles, Pampanga
San Fernando San Fernando, Pampanga
Apalit Apalit, Pampanga
Calumpit Calumpit, Bulacan
Malolos Malolos, Bulacan
PNR Clark 1
Timog Malolos
Guiguinto Guiguinto, Bulacan
Tuktukan
Balagtas Balagtas, Bulacan
Bocaue Bocaue, Bulacan
Tabing Ilog Marilao, Bulacan
Marilao
Meycauayan Meycauayan, Bulacan
Valenzuela Valenzuela
Valenzuela Polo
Malabon Malabon
Caloocan Caloocan
Solis Maynila
Tutuban  2  Tutuban
PNR Calamba Blumentritt  1  Blumentritt
España wala
Santa Mesa  2  Pureza
Paco wala
Buendia Makati
EDSA  3  Magallanes
Senate[19] wala Taguig
FTI  9 
   16  TITX
Bicutan  9 
   25  Bicutan
Parañaque
Sucat PNR Bicol
  25 Sucat
Muntinlupa
Alabang wala
Muntinlupa
San Pedro San Pedro, Laguna
Pacita
Biñan Biñan
Santa Rosa Santa Rosa, Laguna
Cabuyao Cabuyao, Laguna
Banlic PNR Bicol Calamba, Laguna
Calamba wala
Ang mga estasyon na nakapalihis ay magbubukas sa taong 2030.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Camus, Miguel R. (Pebrero 16, 2019). "DOTr plans to integrate new railway lines". business.inquirer.net (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Pebrero 2019. Nakuha noong 16 Pebrero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Pateña, Aerol John (30 Abril 2019). "DOTr awards contract to DMCI Consortium for PNR North Phase 1 Project". Philippine News Agency (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Nobyembre 2020. Nakuha noong 27 Mayo 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Off track: Northrail timeline". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 15 Hulyo 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Pebrero 2019. Nakuha noong 17 Pebrero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Inquirer, Philippine Daily (17 Enero 2019). "WHAT WENT BEFORE: The Northrail Project". newsinfo.inquirer.net (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Pebrero 2019. Nakuha noong 16 Pebrero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "U.P. study finds North Rail contract illegal, disadvantageous to government" (sa wikang Ingles). The PCIJ Blog. 29 Setyembre 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Agosto 2014. Nakuha noong 29 Hulyo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Nicolas, Jino (6 Nobyembre 2017). "Northrail dispute settled". BusinessWorld (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Hunyo 2021. Nakuha noong 26 Hunyo 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Philippines: China-funded Northrail project derailed". Financial Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Agosto 2018. Nakuha noong 17 Pebrero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Japan Commits JPY241.991 Billion ODA For North-South Commuter Railway Project (Malolos - Tutuban)". www.ph.emb-japan.go.jp (Embassy of Japan in the Philippines) (sa wikang Ingles). 19 Nobyembre 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Disyembre 2020. Nakuha noong 24 Disyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Mercurio, Richmond (16 Pebrero 2019). "Construction of North-South Commuter Railway kicks off". Philstar.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Setyembre 2021. Nakuha noong 1 Setyembre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Dela Cruz, Raymond Carl (11 Agosto 2022). "DOTr assures North-South Commuter Railway on-time completion". Philippine News Agency (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Nobyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "4 North-South Railway contracts awarded". PortCalls Asia. 6 Oktubre 2022. Nakuha noong 6 Oktubre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 "Civil works start for Metro Manila-Bulacan railway segment". www.pna.gov.ph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Hunyo 2020. Nakuha noong 22 Enero 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Project_Details – BUILD". build.gov.ph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Agosto 2020. Nakuha noong 27 Abril 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "PH, Japan sign P78-b loan for Luzon railway network". Manila Standard (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Nobyembre 2018. Nakuha noong 17 Pebrero 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Dela Paz, Chrissie (13 Setyembre 2017). "NEDA Board approves Manila subway, longest railway" (sa wikang Ingles). Rappler. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Setyembre 2017. Nakuha noong 15 Setyembre 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Department of Transportation The Republic of the Philippines (Oktubre 2018). "FEASIBILITY STUDY ON THE NORTH SOUTH RAILWAY PROJECT-SOUTH LINE (COMMUTER)(NORTH-SOUTH COMMUTER RAILWAY EXTENSION PROJECT) IN THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES" (PDF). jica.go.jp (sa wikang Ingles). Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 11 Abril 2021. Nakuha noong 26 Abril 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Department of Transportation The Republic of the Philippines (Oktubre 2018). "FEASIBILITY STUDY ON THE NORTH SOUTH RAILWAY PROJECT-SOUTH LINE (COMMUTER)(NORTH-SOUTH COMMUTER RAILWAY EXTENSION PROJECT) IN THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES" (PDF). jica.go.jp (sa wikang Ingles). Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 11 Abril 2021. Nakuha noong 26 Abril 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Railways Sector". www.dotr.gov.ph (sa wikang Ingles). Department of Transportation (Philippines). Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Mayo 2021. Nakuha noong 10 Hunyo 2021. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Philippines: South Commuter Railway Project" (sa wikang Ingles). Asian Development Bank. Mayo 2022. Nakuha noong 20 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)