Pag-ipit ng mga tao sa Seoul noong Halloween ng 2022
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Noong ika-29 ng Oktubre 2022, bandang 10:15 ng gabi sa distrito ng Itaewon sa Seoul, Timog Korea, habang ipinagdiriwang ang Halloween, naganap ang isang malakihang pag-ipit ng mga tao dahil sa siksikan sa isang makitid na eskinita, na ikinasawi ng di bababa sa 150 katao at ikinasugat ng 150 iba pa. Ito ang pinakanakamamatay na trahedya sa Timog Korea simula noong naganap ang paglubog ng MV Sewol noong 2014 at ang pinakamalalang pangyayari kung saan marami ang namatay simula noong pagguho ng Sampoong Department Store noong 1995.
Oras | c. 22:15 KST |
---|---|
Petsa | 29 Oktubre 2022 |
Lugar | Itaewon, Yongsan-gu, Seoul, Timog Korea |
Mga koordinado | 37°32′05″N 126°59′36″E / 37.53472°N 126.99333°E |
Uri | Crowd crush |
Dahilan | Iniimbestigahan |
Mga namatay | 156+ |
Mga nasugatan | 152+ |
Panimula
baguhinKilala ang distrito ng Itaewon sa gitna ng Seoul, Timog Korea bilang isang lugar ng mga panggabing kaganapan, dahil sa mga nightclub nito, restawran, kainan, at bar. Noong ika-29 ng Oktubre 2022, inorganisa ang isang pagdiriwang sa Halloween, na dinaluhan ng tinatayang 100,000 katao. Ito ang pinakamalaking pagdiriwang sa okasyon simula noong simula ng pandemya ng COVID-19. Ito rin ang kauna-unahang malakihang kaganapan sa lungsod kung saan hindi na kinakailangan ang paggamit sa mga face mask.
Maraming mga makikitid na eskinita sa naturang lugar, kung saan marami ang walang labasan. Nangyari ang trahedya sa Itaewon-ro, ang pangunahing kalsada sa lugar. Pataas ang kalsada mula Itaewon-ro, at kalaunan ay sasalubong sa isa pang panibagong kalsada. Ito ang itinuturong dahilan bakit nagsiksikan ang mga tao, dahil sa pagiging makitid nito. Napatumba at nagbagsakan ang mga tao sa mga nasa likod nito, pababa. Ang naturang kalsada ay may habang 45 metro at may lapad na 3.2 metro, na naging hadlang sa mga rumeresponde.
Pangyayari
baguhinDakong 10:15 pm ng gabi sa isang maliit na espasyong iskinita na kung saan ang nangyari ang pagbulusok ng mga tao na matatagpuan sa tabi ng Hamilton hotel sa Itaewon road at malapit sa Itaewon station, Nakatanggap ng 81 tawag ang emergency dahil sa mga tao na nasuffocate sanhi ng pagdagan at tapakan, pasadong 10:15 ay higit na 4 na ambulansya ang dumating at sunod sunod pa ang nagdadatingan dahil lumampas sa mahigit 100+ katao ang naipit.[1]
Dakong 11:45 pm ng gabi ay higit 83 bilang ng ambulansya ang dumating dahil sa pagdami ng patay at sugatan, at pansamantalang sinara ang Itaewon road.[2]
Mga biktima
baguhinNasyonalidad | Mga namatay |
---|---|
South Korea | 130
|
Iran | 5
|
China | 4
|
Russia | 4
|
Japan | 2
|
United States | 2
|
Australia | 1
|
Austria | 1
|
France | 1
|
Kazakhstan | 1
|
Malaysia | 1
|
Norway | 1
|
Sri Lanka | 1
|
Thailand | 1
|
Uzbekistan | 1
|
Vietnam | 1
|
Total | 156
|
Mahigit 130 ang mga naitalang Koreanong namatay at ang iilan rito ay banyaga na mula sa ibang bansa, sinabi ng Central Disaster at Safety Countermeasures Headquarters, Ay kumpirmadong 156, Ang pagkakakilanlan sa mga namatay higit na 101 mga babae at 55 mga lalaki, 4 na teenagers, 90 mga nasa taong ikalawang baitang, 32 katao ang nasa edad 30+, 9 katao sa edad na 40 at 13 pa ang hindi naiulat, 26 ang mga dayuhang kasama sa mga namatay.
152 ang mga sugatang nakaligtas, 30 sa mga ito ang nasa malalang kundisyon, Ang National Fire Agency at Ministry of the Interior at Safety ay sinabi sa kanilang pahayag na mga 100 ang sugatan, at 50 ang nakatanggap ng atensyong medikal para sa cardiac arrests.