Pandaigdigang Araw ng Kabataan
Ang Pandaigdigang Araw ng Kabataan o World Youth Day (WYD) ay binuo ni Papa Juan Pablo II noong 1984 "upang pagsamahin ang mga karaniwang ministeryo ng kabataan sa pamamagitan ng pag-aalay ng bagong sigla para sa pagsalig, mga layunin na kinakandili ang mas higit pa na pagsangkot at paglahok" (Sulat mula kay Papa Juan Pablo II - Seminar noong WYD 1996).
Layunin
baguhinMay tatlong layunin ang World Youth Day:
- Magkaroon ng tiwala sa kabataan
- Ang World Youth Day ay isang pagsasama ng mga kabataan mula sa buong mundo at isang malakas na paalala ng kalakasan at tiwala ng Simbahang Katoliko sa kabataan ngayon.
- Sama-samang pagtitipon
- Hindi lamang pagtitipon sa kabataan ang World Youth Day, kundi isang oras na magkaroon ng tiwala sa kabataan ng mundo. Isang pagtawag para sa kabataan ng mundo upang magtipon bilang isa.
- Pagpulong ng internasyunal na mundo sa antas ng tao
- Nakakamangha pa rin ngayong ika-21 siglo na nakapagpalitan sa iba at maging bahagi sa karanasang internasyunal. Nagkakaroon ng lubos na pag-asa ang mga ganitong pangyayaring internasyunal ngunit marami rin takot (pagtaas sa pundamentalismo, nasyonalismo at ibang bagong salungatan). May ginagampanan ang Simbahang Katoliko at mga Kristiyano mismo sa pagpigil ng pagusbong ng mga ganitong takot, at tinutulungan ang bawat tao na maghanap ng mga paraan upang matuklasan ang pag-asa.
Mga pangyayari
baguhinPagdiriwang Pandaigdigan
baguhinTaon | Petsa | Lokasyon | Bilang ng Lumahok1 | Tema | Pan-temang Awitin
[Wika]2 |
Mga Nota |
---|---|---|---|---|---|---|
1984 | Abril 15 | Roma, Italya Santa Missa sa Piazza San Pietro |
300,000 | Banal na Taon ng Pagliligtas: Selebrasyon ng Pag-Asa | Resta Qui Con Noi
[Italyano] |
Ibinigay ni Juan Paulo II ang WYD Cross sa Kabataan ng mundo |
1985 | Marso 31 | Roma, Italya Santa Missa sa Piazza San Pietro |
300,000 | Internasyunal na Taon ng Kabataan | ||
1987 | Abril 11–12 | Buenos Aires, Arhentina |
1,000,000 | Nalalaman natin at pinananaligan ang pag-ibig ng Diyos sa atin. (1 Juan 4:16) | Un Nuevo Sol
[Espanyol] |
Unang WYD sa labas ng Italya at Europa |
1989 | Agosto 15–20 | Santiago de Compostela, Espanya Misang Pang-wakas sa Monte do Gozo |
400,000 | Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. (Juan 14:6) | Somos Los Jóvenes
[Espanyol] | |
1991 | Agosto 10–15 | Częstochowa, Polonya |
1,600,000 | Natanggap ninyo na ang espiritu ng pagiging anak. (Roma 8:15) | Abba Ojcze
[Polako Italyano Espanyol] | |
1993 | Agosto 10–15 | Denver, Nagkakaisang Estado ng Amerika Misang Pang-wakas sa Cherry Creek State Park |
500,000 | Naparito ako upang ang mga tupa’y magkaroon ng buhay—isang buhay na ganap at kasiya-siya. (Juan 10:10) | (We Are) One Body
[Ingles] |
Unang WYD sa Hilagang Amerika |
1995 | Enero 10–15 | Maynila, Pilipinas Misang Pang-wakas sa Luneta Park |
10,000,000 | Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo. (Juan 20:21) | Tell the World of His Love
[Ingles] |
|
1997 | Agosto 19–24 | Paris, Pransiya Misang Pang-wakas sa Longchamp Racecourse [3] |
1,200,000 | Guro, saan ka namamahaya? Halikayo at tignan. (cf. Jn 1:38-39) | Maître Et Seigneur
[Pranses] | |
2000 | Agosto 15–20 | Roma, Italya Misang Pang-wakas sa Tor Vergata |
2,000,000 | Naging tao ang Salita at siya’y nanirahan sa piling natin. (Juan 1:14) | Emmanuel
[Italyano Ingles Pranses Espanyol] |
Kasama sa selebrasyon ng Dakilang Hubileo |
2002 | Hulyo 23–28 | Toronto, Canada Misang Pang-wakas sa Downsview Park |
800,000 | Kayo’y asin sa mundo...kayo’y ilaw sa sanlibutan (Mateo 5:13-14) | Lumière Du Monde/Light Of The World
[Pranses Ingles Espanyol Italyano] |
Huling WYD na dinaluhan ni Juan Paulo II |
2005 | Agosto 16–21 | Cologne, Alemanya Misang Pang-wakas sa Marienfeld |
1,200,000[4][5] | Naparito kami upang sambahin siya (Mateo 2:2) | Venimus Adorare Eum
[Aleman Latin Pranses Espanya Ingles Italyano] |
|
2008 | Hulyo 15–20 | Sydney, Australia Misang Pang-wakas sa Southern Cross Precint |
400,000 [6] | Tatanggap kayo ng kapangyarihan kapag dumating ang Banal na Espiritu, at kayo ay magiging testigo ko. (Mga Gawa 1:8) | Receive The Power
[Ingles Italyano Espanyol Pranses] |
Unang WYD sa Oceania |
2011 | Agosto 16–21 | Madrid, Espanya[7] Misang Pang-wakas sa Cuatro Vientos Airport |
1,400,000–2,000,000[8][9][10] | Nananatili at Nagpapakatibay kay Krsto, Matatag sa Pananampalataya. (Col 2:7)[11] | Firmes en la Fe
[Español Ingles Pranses Italyano Aleman Polako Griego] |
|
2013 | Hulyo 23–28 | Rio de Janeiro, Brasil[12] Misang Pang-wakas sa Dalampasigang Copacabana |
3,700,000[13] | Humayo kayo at gawin ninyong alagad ang lahat ng bansa. (Mateo 28: 19) | Esperança do Amanhecer |
|
2016 | Hulyo 26-31 | Kraków, Polonya Misang Pang-wakas sa Kondado ng Brzegi, Wieliczka |
3,000,000 | Mapalad ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila. (Mateo 5:7) [14] | "Błogosławieni miłosierni" |
|
2019 | Enero 22-27 | Lungsod ng Panama, Panama Misang Pang-wakas sa Metro Park, Juan Díaz, Lungsod ng Panama |
700,000[15] | Ako'y alipin ng Panginoon. Mangyari sa akin ang iyong sinabi. (Lucas 1:38) [16] | "Hágase en mí, según tu palabra" |
|
2023 | Lisboa, Portugal |
Hindi nagtagal at si Maria'y nagmamadaling pumunta sa isang bayan sa bulubundukin ng Juda. (Lucas 1:39)[17] |
|
1Ito ay mula sa websayt ng USCCB Naka-arkibo 2008-09-17 sa Wayback Machine. maliban sa may ibang pinagmulan. Ang mga numero ay para sa Misang Pang-wakas kung saan sinasamahan ng maraming lokal na tao ang mga bumyahe para sa WYD. 2Inililista dito ang mga wikang ginamit sa pina-unang bersyong internasyunal ng awiting pan-tema. Maaaring may gumawa ng ibang bersyon ng kanta na posibleng gumamit ng ibang wika.
Pagdiriwang Pang-episkupo
baguhinPetsa | Tema |
---|---|
23 Marso 1986 | Humanda kayong lagi na magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa inyong pag-asa. (1 Pedro 3:15) |
27 Marso 1988 | Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa inyo. (Juan 2:5) |
8 Abril 1990 | Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. (Juan 15:5) |
12 Abril 1992 | Humayo kayo sa buong sanlibutan at ipangaral ninyo sa lahat ang Mabuting Balita. (Marcos 16:15) |
27 Marso 1994 | Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo (Juan 20:21) |
31 Marso 1996 | Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan. (Juan 6:68) |
5 Abril 1998 | Ang Espirtu Santo ang siyang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay (cf Juan 14:26) |
28 Marso 1999 | Iniibig kayo ng Ama. (cf. Juan 16:27) |
8 Abril 2001 | Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin araw-araw ang kanyang krus, at sumunod sa akin. (Lukas 9:23) |
13 Abril 2003 | Narito ang iyong ina. (Juan 19:27) |
4 Abril 2004 | Ibig po naming makita si Hesus. (Juan 12:21) |
9 Abril 2006 | Ang Iyong salita ay lampara sa'king paa at ilaw sa'king daan. (Mga Awit 119:105) |
1 Abril 2007 | Kung papaanong inibig ko kayo ay gayundin naman kayong mag-ibigan sa isa't isa. (Juan 13:34) |
5 Abril 2009 | Ang aming pag-asa ay nasa Buhay na Diyos. (1 Timoteo 4:10)[11] |
28 Marso 2010 | Mabuting Guro, ano po ba ang dapat kong gawin upang makamtan ko ang buhay na walang hanggan? (Marcos 10:17)[11] |
1 Abril 2012 | Magalak kayong lagi sa Panginoon. (Filipos 4:4) |
13 Abril 2014 | Mapalad ang mga aba, sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian. (Mateo 5:3)[14] |
29 Marso 2015 | Mapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos. (Mateo 5:8)[14] |
05 Abril 2020 | Binata, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka! (Luka 7:14)[17] |
28 Marso 2021 | Tumayo ka! Nagpakita ako sa iyo upang italaga ka bilang aking lingkod at magpatotoo tungkol sa mga nakita mo. (Gawa 26:16)[17] |
Tipikal na talatakdaan ng mga pangyayari
baguhinPandaigdigang Pagdiriwang
baguhinHanggang sa lingo ng pagdiriwang | MARTES | MIERKULES | HUWEBES | BIYERNES | SABADO | LINGO | |
---|---|---|---|---|---|---|---|
UMAGA | Mga Araw sa Episkupo:
|
Opisyal na araw ng pagdating ng mga Biyahero | Sesyong Katetikal kasama ang ilang obispo | Biyaheng paglalakad patungo sa lugar ng bigil | Seremonyang pang-wakas:
| ||
HAPON | Seremonyang Pambungad
|
Mga palabas, musika, pagdarasal at pag-kumpisal | Opisyal na pagdating ng Santo Papa kung saan ibinibigay niya ang mensaheng pambungad | Mga palabas, musika, pagdarasal at pag-kumpisal | Mga palabas, musika, pagdarasal at pag-kumpisal sa lugar ng bigil | ||
GABI | Mga palabas, musika, pagdarasal at pag-kumpisal | Estasyon ng Krus | Bigil kasama ang Santo Papa |
Pagdiriwang sa Lokal na Episkupo
baguhinAng mga kaganapan sa Episkupo ay pinaplano ng isang grupo na inatasan ng obispo.
Halos palaging kasabay ng pagdiriwang ang Linggo ng Palaspas, kayat laging kasama sa selebrasyon ang Santa Missa ng Domingo de Ramos - kung saan isinasagunita ang pagpasok ni Hesus sa Jerusalem sa kaniyang mga huling araw.
Kasama rin sa pagdiriwang ang musika, pagdarasal, pag-kumpisal, at ang eksposisyon ng Banal na Sacramento.
Tignan Din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Batikano: Kasaysayan ng WYD, 25 Hulyo 2008
- ↑ Guinness Book of World Records - Largest Papal Crowd
- ↑ Bigil kasama ng Kabataan
- ↑ "Tanong tungkol sa WYD". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-26. Nakuha noong 2008-08-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2007-10-26 sa Wayback Machine. - ↑ "Hansard ng New South Wales". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-03. Nakuha noong 2008-08-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2016-03-03 sa Wayback Machine. - ↑ "Mensahe ng pasasalamat ng Papa". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-01-12. Nakuha noong 2008-08-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2012-01-12 sa Wayback Machine. - ↑ "Hundreds of Thousands gather for pope's youth finale – SBS News". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-07-30. Nakuha noong 2012-09-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Cerca de un millón y medio de personas reciben al Papa en Cuatro Vientos". Europapress.es. 21 Agosto 2011. Nakuha noong 5 Disyembre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ juan vicente boo / corresponsal en el vaticano (21 Agosto 2011). "Dos millones de oraciones". ABC.es. Nakuha noong 5 Disyembre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "WYD: Looking back on the Pope's visit to Madrid". News.va. 24 Agosto 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Agosto 2017. Nakuha noong 5 Disyembre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 11.0 11.1 11.2 "Holy Father chooses themes for future World Youth Days". Catholicnewsagency.com. 16 Disyembre 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Disyembre 2008. Nakuha noong 5 Disyembre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 17 December 2008[Date mismatch] sa Wayback Machine. - ↑ "Brazil to host World Youth Day, pope announces", CNN, Al Goodman, 21 Agosto 2011
- ↑ "JMJ Rio 2013" (sa wikang Portuges).
- ↑ 14.0 14.1 14.2 "Pope Francis announces themes for World Youth Days". 07 Nobyembre 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-11-09. Nakuha noong 07 Nobyembre 2013.
{{cite web}}
: Check date values in:|accessdate=
at|date=
(tulong) Naka-arkibo 2013-11-09 sa Wayback Machine. - ↑ Lovett, Seàn-Patrick (Enero 27, 2019). "Pope to Youth at WYD Mass: "You are the Now of God"". Vatican News. Nakuha noong Enero 27, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Francis announces Panama as WYD venue for 2019". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-11-29. Nakuha noong 2019-01-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 17.0 17.1 17.2 "Pope announces themes for upcoming World Youth Day celebrations", 2019 06 24