Pandacan, Maynila

distrito ng Maynila, Pilipinas
(Idinirekta mula sa Pandakan)

Ang Pandacan (binabaybay ding Pandakan) ay isang distrito ng Lungsod ng Maynila, Pilipinas, na matatagpuan sa timog pampang ng Ilog Pasig. Binubuo ito ng apat na pu't tatlong (43) mga barangay.

Pandacan, Maynila
Makabagong pabahay sa kanto ng Abenida Quirino at Kalye Jesus sa Pandacan.
Makabagong pabahay sa kanto ng Abenida Quirino at Kalye Jesus sa Pandacan.
Lokasyon ng Pandacan, Maynila
BansaPilipinas
RehiyonPambansang Punong Rehiyon
LungsodMaynila
Distritong pang-KinatawanBahagi ng Ika-anim na distrito ng Maynila
Mga barangay38
Populasyon
 (2007[1])
 • Kabuuan76,134

Ugat ng Pangalan

baguhin

Nang unang maabot ng mga Kastilang dumayo sa Pilipinas noong ika-labing limang siglo, ang pook na ngayon ay Pandakan ay tinutubuan ng mga panahong yun ng halamang 'pandan' (Pangalang Pang-Agham: Pandanus fascicularis Lam), na mayabong na umuusbong sa gilid ng Ilog Pasig.

Nang tinanong ng mga Kastilang manglalakbay kung ano ang tawag sa pook, ang tawag sa pook ay "Pandanan," o kung saan umuusbong ang halamang 'pandan,' at sanhi diumano sa kahirapang maibigkas ng matuwid ang salitang 'pandanan,' naitala sa opisyal na tala na ang pook na naturan ay, 'Pandacan.'

Mga Kaalaman

baguhin

Ang Pandakan sa panahon ng mga Kastila ay isang kabukiran kung saan maaring makapag-tanim ng palay o asukal. Binubuo ang Pandakan dati ng mga mumunting sapa na dumadaloy sa Ilog Pasig. Dahil sa mga sapang ito, naging mainam ang pagsasaka sa naturang pook, pamamalakaya at ibang pang pangkabuhayan.

Unang dumayo sa pook ang mga lahing Tagalog mula sa probinsiya ng Bulakan upang dito'y manirahan at mamuhay ng mas malapit sa Maynila na dati'y nasa loob ng pader ng pook ng Intramuros.

Sa panahon ng mga Amerikano sa Ika-Dalawampung siglo, itinatag sa Pandakan ang kauna-unahang pook industriyal ng Pilipinas. Sa Pandakan inilagay ang mga tangke ng langis at ang pamamaraang paghahatid ng langis sa buong isla ng Luzon. Itinayo din sa Pandakan ang iba't ibang pabrika na gumagawa ng kopra na pinagmumulan ng langis pang-luto, gawaan ng mga lubid yari sa abaka, ilang pabrika na bumubuo ng mga sasakyan at ang kauna-unahang gawaan ng Coca-Cola sa Pilipinas.

Karamihan sa mga kasulukuyang naninirahan sa pook ay mga manggagawa sa mga katabing pabrika at kompanya o kaya naman ay mga manggagawa sa kalapit na sentrong pangalakal sa Lungsod ng Makati.

Ang silangang hangganan ng Pandakan ay ang Ilog Pasig habang ang kanlurang-timog, ang hangganan ay ang pook ng Paco at ang nasa kanlurang-hilaga ay ang pook ng Santa Ana.

Mga Pangunahing Pook

baguhin

Matatagpuan sa Pandakan ang kanlurang kalahati ng Palasyo ng Malakanyang na nahati ng Ilog Pasig (ang silangang bahagi ay nasa pook San Miguel). Ang bahaging ito ng kabuuang pook na sumasakop sa opisyal na tahanan ng Pangulo ng Pilipinas ay mas kilala sa tawag na Liwasang Malacanan na nagsisilbing tirahan para sa mga taga-pagtanggol ng Pangulo.

Naging makasaysayan ang Pandakan sa pamamagitan ni Apolinario Mabini, na dati'y taga probinsiya ng Batangas. Nagsilbing tirahan ni Mabini ang Pandakan, ang unang Kalihim ng Kagawaran ng Ugnayang Pang-labas ng Pilipinas sa panahon ni Pangulong Emilio Aguinaldo. Sa kasalukuyan, ang tirahan ni Mabini ay nakatayo pa rin at isang pook puntahan para sa mga mag-aaral ng kasaysayan.Isinilang din sa Pandakan si Padre Jacinto Zamora, isa sa mga paring martor na pinatay sa pamamagitan ng paggarote sa Bagumbayan (ngayon ay Rizal Park) noong 17 Pebrero 1972.

Ang dating tirahan ni dating Unang Ginang Imelda R. Marcos ay nasa Pandakan at ito'y matatagpuan sa harap ng Parokya ng Santo Nino de Pandacan sa kanto ng kalye Hesus at Labores. Ang lumang tirahan ni Ginang Marcos sa Pandakan ang nagsisilbing ugat niya sa pagiging residente ng Maynila, maliban sa kanyang pook kapanganakan sa Probinsiya ng Leyte.

Sa Pandakan din matatagpuan ang opisyal na tanggapan ng CARITAS o ang Catholic Charities. Sa taong 2007, nasa Pandakan din ang studio at tanggapan ng TV Maria, ang himpilang pantelebisyon ng Simbahang Katoliko sa Archdiocese ng Maynila.

Matatagpuan pa rin sa Pandakan ang tanggapan at pasilidad ng mga pangunahing kompanyang langis tulad ng Petron, Pilipinas Shell, at ng Chevron (na dati'y mas kilala sa tawag nga Caltex).

Ipinatayo ni dating alkalde, Antonio J. Villegas nuong dekada 60 ang isang monumento at palaruan sa ngalan ni Francisco P. Baltazar (o Francisco Balagtas), pangunahing manunulat ng dula sa kasaysayan ng Pilipinas na umakda sa "Florante at Laura." Ang monumento ay binago at pina-unlad ni dating alkalde Joselito Atienza nuong 2004 at dinagdagan ng mga ilaw at isang fountain.

Mga sanggunian

baguhin
  • "By Sword and Fire: The Destruction of Manila in World War II, 3 February-3 Marso 1945" by Alphonso J. Aluit (1994) Bookmark, Inc. © 1994 National Commission for Culture and the Arts ISBN 971-569-162-5
  • "Pandacan Oil Depot Relocation Plan Submitted," Business World, 14 Mayo 2008 [1][patay na link]