Mga Peranakan

pangkat etniko sa Timog-silangang Asya na nagmula sa mga Tsino
(Idinirekta mula sa Peranakan)

Ang mga Peranakan ( /pəˈrɑːnəˌkɑːn,_ʔkən/) ay isang pangkat etniko na tinutukoy ng kanilang pinagmulang angkan mula sa unang bugso ng mga dayuhan mula sa Timog Tsina patungo sa maritimong Timog-silangang Asya, kilala bilang Nanyang (Tsino: 南洋; pinyin: nán yáng; lit.: "Timugang Karagatan"), yaon ay, ang mga daungang pinamumunuan ng mga Briton sa Tangway ng Malaya, Kapuluang Indonesia pati na rin ang Singapore.[4][5] Kilala ang kulturang Peranakan, lalo na sa mga sentro ng Peranakan: Malacca, Singapore, Penang at Medan, sa natatanging paghahalo ng sinaunang kultura ng Tsina sa mga lokal na kultura ng rehiyong Nusantara. Bunga ito ng siglu-siglong kasaysayan ng transkulturasyon at pag-aasawa ng magkaibang lahi.

Mga Peranakan
峇峇娘惹
Baba Nyonya
Isang larawan ng Peranakang mag-asawang kasal – Chung Guat Hooi, ang iha ni Kapitan Chung Thye Phin at Khoo Soo Beow, ang iho ni Khoo Heng Pan, dalawa silang taga-Penang – mula sa museo sa Penang
Kabuuang populasyon
8,000,000+ (tinatantiya)[1]
Mga rehiyong may malaking bilang nila
Indonesia, Malaysia, Singapore,[2] Timog Thailand[3]
Relihiyon
Budismong Mahayana, Kristiyanismo, Confucianismo, Taoismo, Sunismo
Mga Peranakan
Pangalang Tsino
Tsino峇峇娘惹
Pangalang Malay
MalayPeranakan / Tionghoa-Selat / Kiau-Seng

Dumagsa ang mga imigrante mula sa timugang lalawigan ng Tsina sa rehiyon sa pagitan ng ika-14 at ika-17 siglo, at nanirahan sa Kapuluang Malay (kung saan tinatawag na Baba–Nyonya ang kanilang mga inapo sa Malacca, Singapore at Penang); Kapuluang Indonesia (kung saan tinatawag na Kiau–Seng ang kanilang mga inapo);[6] at Timog Thailand, lalo na sa Phuket, Trang, Phang Nga, Takaupa at Ranong.[7][8] Nakatulong ang pag-aasawa ng mga Tsinong nakipamayan at Malay, Thai, Javanese o ibang hinalinhan sa rehiyon sa paglitaw ng katangi-tanging kulturang mestiso at lantarang pagkakaiba sa penotipo.[9][10]

Kinokonsiderang multirasyal na komunidad ang mga Peranakan, kasama ang paunawa na nagkakaiba ang mga kasaysayan ng bawat pamilya at iba-iba rin ang pakikiisa sa multirasyalismo kaysa sa pagiging Tsino.[10][11] Binubuod ng pariralang Malay/Indones na "orang Cina bukan Cina" ("isang Tsinong hindi Tsino")[12] ang kumplikadong kaugnayan ng pagkakakilanlang Peranakan at pagkakakilanlang Tsino. Mga partikularidad ng talaangkanan at kakaibang magkakahalong kultura ang mga pangunahing tampok na nagbubukod ng mga Peranakan mula sa mga inapo ng mga kalaunang pagdagsa ng mga Tsinong imigrante sa rehiyon.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Chinese Indonesians can't be put in boxes" [Hindi pwedeng ikahon ang mga Tsino Indones]. The Jakarta Post (sa wikang Ingles). 26 Mayo 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Pebrero 2014. Nakuha noong 10 Pebrero 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Peranakan Publications. "Tionghua Indonesian Chinese Peranakans" [Tionghua Mga Indones Tsinong Peranakan] (sa wikang Ingles). Peranakan.hostoi.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Hunyo 2013. Nakuha noong 10 Pebrero 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Forbes, Andrew. "Phuket's Peranakan Community" [Ang Peranakang Komunidad ng Phuket]. CPA Media (sa wikang Ingles).
  4. "Peranakan". Forvo (sa wikang Ingles). Nakuha noong 15 Enero 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Scientists in Singapore complete DNA study on Peranakans" [Mga siyentipiko sa Singapore, nagkumpleto ng pag-aaral sa DNA ng mga Peranakan]. Youtube (sa wikang Ingles). 15 Hulyo 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Enero 2020. Nakuha noong 16 Enero 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Remy Sylado (2004). Sam Po Kong: Perjalanan Pertama. Gramedia Pustaka Utama. ISBN 978-979-22-0685-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. D'Oliveiro, Michael (31 Marso 2007). "The Peranakan Trail" [Ang Landas Peranakan]. The Star Online (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Setyembre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. West, Barbara A. (2009). Encyclopedia Of The Peoples Of Asia And Oceania [Ensiklopedia ng mga Tao ng Asya at Oseaniya] (sa wikang Ingles). Facts On File. p. 657. ISBN 978-0-8160-7109-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Peranakan". Encyclopaedia Britannica (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Oktubre 2019. Nakuha noong 14 Enero 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 Pue, Giok Hun (2017). "'Our Chinese': the mixedness of Peranakan Chinese identities in Kelantan, Malaysia". Sa Rocha, Zarine L. (pat.). Mixed Race in Asia: Past, Present and Future [Pinaghalong Lahi sa Asya: Nakaraan, Kasalukuyan at Hinaharap] (sa wikang Ingles). London: Routledge. pp. 147–161.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Chia, Josephine (7 Oktubre 2018). "I am Peranakan, not Chinese". Channel News Asia. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Enero 2019. Nakuha noong 14 Enero 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Peranakans" [Mga Peranakan]. Baba & Nyonya Heritage Museum, Malacca (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Enero 2020. Nakuha noong 16 Enero 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)