Portada:Agham/Itinatampok na Artikulo
Paggamit
baguhinAng disenyong pangkatapusan para sa subpahinang ito ay makikita sa Portada:Agham/Itinatampok na Artikulo/Layout.
- Magdagdag ng bagong itinatampok na artikulo sa susunod na subpahina.
- Baguhin ang "max=" para sa bagong kabuuan ng {{Random portal component}} sa pangunahing pahina.
Talaan ng mga Itinatampok na Artikulo
baguhinArtikulo 1 – 5
baguhinPortada:Agham/Itinatampok na Artikulo/1
Ang alkimiya ay isang sinaunang mala-agham na may elemento ng kimika, pisika, astrolohiya, sining, semiotika, metalurhiya, medisina, mistisismo, at relihiyon. Tatlo ang pangunahing layunin ng maraming alkimiko. Isa sa pinakakilala rito ay ang layuning makagawa ng ginto o ng pilak mula sa ano mang karaniwang metal sa pamamagitan ng transmutasyon (pagbabagong-anyo). Sinubukan din nilang gumawa ng isang tanging gamot na makapagpapagaling sa lahat ng sakit at magpapahaba ng buhay. Isa rito ay ang paggamit ng bato ng pilosopo. Ang maalamat na batong ito, na maaaring ring pulbos o likido, ay may katangian daw gawin ang dalawang nasabi. Ang paglalang ng buhay ng tao ang ikatlong layunin nito. Sinasabing ang alkimiya ang siyang pinagmulan ng makabagong agham ng kimika bago ang pormulasasyon ng makaagham na pamamaraan.
Ang karaniwang paniniwala na mga huwad na siyentipiko ang mga alkimiko na nagsikap makagawa ng ginto mula sa tingga, at naniwalang ang lahat ng bagay ay binubuo ng apat na elemento: lupa, hangin, apoy at tubig, at ang kanilang gawa ay nasasamahan ng mistisismo at salamangka. Sa kasalukuyang paningin, ang kanilang mga gawa at paniniwala ay maliit sa katotohanan; ngunit kung may matuwid tayo, ating hatulan sila sa mga pangyayari noong kapanahunan nila. Sila ang mga naunang sumubok na manaliksik sa kalikasan bago pa man dumating ang mga kagamitan at panuntunan pang-agham. Sa halip, sila'y sumunod sa mga karaniwang tuntunin, kaugalian, obserbasyon at mistisismo upang maipaliwanag ang mga bagay sa paligid nila.
Portada:Agham/Itinatampok na Artikulo/2
Ang Tamaraw (Bubalus mindorensis; dating Anoa mindorensis) ay isang bovine (wangis-baka). Kabilang ang ungguladong mamalyang ito sa pamilyang Bovidae na endemiko sa pulo ng Mindoro sa Pilipinas, bagaman pinaniniwalaan din na namuhay ito sa pulo ng Luzon. Unang natagpuan sa buong Mindoro, mula kapatagan hanggang sa kabundukan (2000 metro sa ibabaw ng antas ng dagat), ngunit dahil sa paglawak ng tirahan ng mga tao, pangangaso at pagtrotroso, may iilan lamang ang natira sa mga walang nakatira at madamong lugar, kaya nanganganib na ngayon ito.
Salungat sa karaniwang paniniwala at nakaraang klasipikasyon, hindi sub-uri ang tamaraw ng kalabaw, na mas malaki lamang ng kaunti. May mga ilang pagkakaiba ito sa kalabaw: ang tamaraw ay mas mabuhok ng kaunti, may mga maliwanag na marka sa kanyang mukha at may mas maikling mga sungay na parang titik V. Ito ang pinakamalaking katutubong panlupang mamalya sa bansa.
Tinuturing na pambansang simbolo ng Pilipinas ang tamaraw. Makikita ang larawan ng tamaraw sa mga baryang Piso noong 1980 hanggang sa unang bahagi ng 1990.
Portada:Agham/Itinatampok na Artikulo/3
Ang Microsoft Windows ['maɪˌkɹaʊsɒft 'wɪndəʊs], kilala rin sa katawagang Windows ['wɪndəʊs] o MS-Windows ['ɛmɛs 'wɪndəʊs], ay isang kamag-anakan ng mga kaparaanang pampamamalakad na ginawa ng Microsoft. Bagaman sa mga unang bersyon nito ang Windows ay ginawa ng Microsoft bilang isang kapaligirang pampamamalakad at pakikihalubilong makikitang pantagagamit lamang habang halos lahat ng mga paglakad ay sa MS-DOS pa rin isinasalalay, lahat na ng mga sumunod na bersyon nito ay mga OS na. At noong simula rin, ang mga bersyon ng Windows ay ginawa alang-alang sa mga tahanan lamang, at ang mga OS namang pantanggapan ay sa mga bersyon ng Windows NT. Ngunit nagtapos ito noong inilabas ang Windows XP, na nagsanib ng dalawang hanay na pang-OS ng Microsoft, ang Microsoft Windows at ang Windows NT.
Sa kasalukuyan, ang Windows ang pinakatanyag na kaparaananang pampamamalakad sa buong mundo. Pinanghahawakan sa kasalukuyan ng Microsoft ang 91.13% ng pamilihang pang-OS habang ang hinahawakan ng pinakamalaking katunggali nito sa pamilihan ay 7.82%; ito ang Mac OS ng Apple Inc..
Portada:Agham/Itinatampok na Artikulo/4 Portada:Agham/Itinatampok na Artikulo/4
Portada:Agham/Itinatampok na Artikulo/5 Portada:Agham/Itinatampok na Artikulo/5
Nominasyon
baguhinMaging maluwag sa pagdaragdag ng itinatampok na artikulong pang-agham sa itaas na talaan.