Piso ng Pilipinas

(Idinirekta mula sa Piso sa Pilipinas)

Ang piso ng Pilipinas (Ingles: Philippine peso; simbolo: ₱; kodigo: PHP) ay ang opisyal na pananalapi ng Pilipinas. Nagmula sa salitang Kastila na peso ang piso na nangangahulugang "timbang". Nahahati ito sa 100 sentimos. Ang "PHP" ay ang kodigo nito sa ISO_4217. Ang Pilipinas ay isa mga bansang naging Kolonya ng Espanya na gumagamit ng piso bilang kanilang pananalapi, katulad ng Mehiko, Colombia at Argentina. Noong Oktubre 2005, ang suplay ng piso ng Pilipinas ay umabot ng 569.2 bilyong piso (halos USD $11.5 bilyon).

Piso ng Pilipinas
Perang papel na piso ng Pilipinas
Perang papel na piso ng Pilipinas
(2010 Bagong Salinlahing Salapi)
ISO 4217 code PH
Bangko sentral Bangko Sentral ng Pilipinas
 Website www.bsp.gov.ph
User(s) Pilipinas Pilipinas
Pagtaas 0.9%
 Pinagmulan Bangko Sentral ng Pilipinas, Marso 2016[1]
Subunit
 1/100 Sentimo o centavo
Sagisag
Perang barya
 Freq. used ₱1, ₱5, ₱10
 Rarely used 1¢, 5¢, 10¢, 25¢
Perang papel
 Freq. used ₱20, ₱50, ₱100, ₱500, ₱1000
 Rarely used ₱200
Limbagan ng perang barya The Security Plant Complex
 Website bsp.gov.ph
Gawaan ng perang barya The Security Plant Complex
 Website bsp.gov.ph

Bago pa ang 1967, nang ang Pilipinas ay kolonya pa ng Estados Unidos, ang wikang ginagamit sa perang papel at barya ay nasa Ingles; kaya “peso” ang ginamit noon. Ngayon na Filipino na ang gamit sa mga perang papel at barya, naging “piso” na ang pangalan ng salapi ng Pilipinas.

Ang piso ay kadalasang sinusulat sa simbolong “₱”. Ang ibang paraan ay: “PHP”, “PhP”, “Php” o kaya’y simpling “P”. Ang ₱ ay naidagdag sa pamantayang Unicode sa bersiyong 3.2 at itinala sa U+20B1. Ang simbolo maipalalabas sa mga sulat-tala (Ingles: word processor) sa pamamagitan ng pagpindot ng “20B1” at pindutin ang Alt at X nang sabay.[2] Ang simbolong ito ay natatangi sa Pilipinas dahil ang mga bansang gumagamit ng piso tulad ng Mehiko at ang mga iba pang dating sakop ng Espanya sa Amerikang Latin ay gumagamit ng “$”.

Ang mga perang papel at barya ng Pilipinas ay nililimbag at ginagawa sa Bangko Sentral ng Pilipinas sa Lungsod ng Quezon.[3]

Mga nilalaman

KasaysayanBaguhin

Bago ang Panahong KastilaBaguhin

Ang pakikipagkalakalan ng mga sinaunang Pilipino sa mga mangangalakal gáling sa mga kalapit pulo ay sinasagawa sa pamamagitan ng palítan ng mga bagay. Ang hindi magandang naidudulot ng palítan na ito ay nagbunsod ng paggamit ng ginto bílang sukatán ng palítan.

Kastilang Kolonyal na PanahonBaguhin

Dalá-dalá ng mga Kastila ang kanilang salaping barya ng dumating sila noong 1521. Ang teston o apat na reales na baryang pilak ang tinuturing na kaunaunahang baryang Europeo na nakarating sa isla ng Pilipinas sabay sa pagdating ni Ferdinand Magellan. Ang teston ay naging de facto na yunit ng kalakalan sa pagitan ng mga Espanyol at Pilipino bago ang pagbangon ng Maynila noong 1574. Ang katutubong pangalan sa Tagalog ng barya ay salapi ("money").

Salaping barya (Coins)Baguhin

BSP Serye ng Salaping Barya (BSP Coin Series, 1995 – Kasalukyan)Baguhin

Noong 1995, isang bagong pangkat ng salaping barya at papel ang nilabas na tampok ang sagisag ng bagong BSP: 5- at 1- piso at 25-, 10-, 5- at 1-sentimo. Noong ika-10 ng Hulyo, 2001, nilabas ng BSP ang 10-pisong barya para sa pangkalahatang sirkulasyon upang ipagunita ang ikawalong taóng anibersaryo nito. Tampok dito ang magkasamang tagiliran nina Andres Bonifacio at Apolinario Mabini sa tagiliran ng barya. Tampok sa baliktaran ang selyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas na kasang-ayon sa karaniwang baliktarang disenyo ng iba pang anim na halaga ng salaping barya. Ito ay karagdagang halaga sa kasalukuyang sirkulasyon ng barya at pamalit sa 10-pisong Serye ng Bagong Disenyong salaping papel.[4]

Serye ng Salaping Barya
Talaksan Halaga Teknikal na parametro Deskripsyon Taon ng Unang Isyu
Tagiliran Baliktaran Dyametro Bigat Komposisyon Gilid Tagiliran Baliktaran
    1 sentimo 15.5 mm 2.0 g Bakal na tubog sa tanso Payak "Republika ng Pilipinas", halaga at taon ng paggawa ng salaping barya Sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas 1995
    5 sentimos 15.5 mm 1.9 g Payak

(may 4 mm butas sa gitna)

"Republika ng Pilipinas", halaga at taon ng paggawa ng salaping barya Sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas
    10 sentimos 17.0 mm 2.5 g Mala-tinubuan ng tambo "Republika ng Pilipinas", halaga at taon ng paggawa ng salaping barya Sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas
    25 sentimos 20.0 mm 3.8 g Tanso Payak "Republika ng Pilipinas", halaga at taon ng paggawa ng salaping barya Sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas 1995
3.6 g Bakal na tubog sa tanso 2004
    1 piso 24.0 mm 6.1 g Cupronikel Mala-tinubuan ng tambo Sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas

"Republika ng Pilipinas", tagiliran ni Jose Rizal, halaga at taon ng paggawa ng salaping barya

Sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas 1995
5.35 g Bakal na tubog sa nikel 2004
    5 piso 27.0 mm 7.7 g 70% tanso

5.5% nikel

24.5% sink

Payak 12-tulis na disenyong mala-kabibe sa tagiliran, "Republika ng Pilipinas", tagiliran ni Emilio Aguinaldo, halaga at taon ng paggawa ng salaping barya 12-tulis na disenyong mala-kabibe sa tagiliran, Sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas 1995
    10 piso 26.5 mm 8.7 g Argola: Cupronickel Naantalang pagkabyaw Argola: "Republika ng Pilipinas", taon ng paggawa ng salaping barya Sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas 2000
Gitna: Tansong aluminyo Gitna: Tagiliran nina Andrés Bonifacio and Apolinario Mabini, halaga

Salaping papel (Bills)Baguhin

 
Pilipinong 20-pisong salaping papel, tampok si Manuel L. Quezon sa harapan.

Serye ng Bagong Salinlahing Salapi (New Generation Currency, 2010 - Kasalukuyan)Baguhin

Noong 2009, ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay naganunsyo na maglulunsad ito ng malawakang pagbabago sa disenyo ng kasalukuyang salaping papel at barya upang paigtingin pa ang mga tampok na panseguridad at kalidad nito.[5] Ang mga kasapi ng munismatikong komite ay sina Deputy Governor Diwa Guinigundo at Ambeth Ocampo, Chairman ng Pambansang Pangkasaysayang Institusyon (Ingles: National Historical Institute). Tampok sa bagong disenyo ng mga salapi ang mga sikát na Pilipino at tanawin. Ang BSP ay nagsimulang magpaikot ng unang pangkat ng mga bagong salaping papel noong Disyembre 2010.

Serye ng Bagong Salinlahing Salapi
Talaksan Halaga Pangunahing Kulay Deskripsiyon Taon ng Unang Isyu
Tagiliran Baligtaran Tagiliran Baligtarin
    ₱20 Kahel 2010
    ₱50 Pula 2010
  ₱100 Lila 2010
  ₱200 Luntian 2010
    ₱500 Dilaw 2010
    ₱1000 Bughaw 2010

PagkakamaliBaguhin

Ilang pagkakamali ang natuklasan sa mga salapi ng seryeng Bagong Salinlahi at naging paksa ng panlilibak sa social networking sites. Kabílang sa mga ito ang pagbukod sa Batanes mula sa mapa ng Pilipinas sa likod ng lahat ng salaping papel, ang maling kinalalagyan ng Pambansang Liwasang Ilog sa Ilalim ng Lupa ng Puerto Princesa sa likod ng 500-pisong salaping papel at ng Bahurang Tubbataha sa likod ng 1000-pisong salaping papel, at ang maling pagkukulay sa tuka at mga balahibo ng blue-naped parrot sa 500-pisong salaping papel,[6][7] ngunit agad natuklasan ito na dulot ng limitasyon ng kulay ng intalioung paglilimbag.[8] Ang pang-agham na mga pangalan ng mga hayop na tampok sa likod ng lahat ng salaping papel ay nalimbag na mali rin.[9]

PinagmulanBaguhin

Kawing panlabasBaguhin



  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.