Propesiya
Ang propesiya ay ang pagsasalaysay ng mga pangyayaring mangyayari sa hinaharap. Ito ang mga pagsasaad ng mga maaaring maganap, sasapit, o darating sa hinaharap na karaniwang pinaniniwalaan sa iba't ibang mga relihiyon na nangyayari sa pamamagitan ng paranormal o inspirasyon ng supernatural o mga diyos. Ang mga paraan ng panghuhula sa iba't ibang mga relihiyon o paranormal ay kinabibilangan ng mga dibinasyon, astrolohiya, numerolohiya, panghuhula ng suwerte, pagpapakahulugan ng mga panaginip at iba pang maraming mga anyo ng dibinasyon na ginamit sa loob ng mga libo libong taon at maging hanggang sa kasalukuyang panahon upang tangkaing hulaan ang mga pangyayari sa hinaharap. Ang mga paraang ito ay hindi napatunayan ng mga eksperimentong siyentipiko.
May iba't ibang mga konsepto ng propesiya o hula ang matatagpuan sa lahat ng mga relihiyon at kulto sa buong mundo. Sa isang digri, ang propesiya ay maaaring isang integral na konsepto sa loob ng anumang relihiyon o kulto.[1]
Mga pag-aangkin ng propesiya
baguhinRelihiyon at mitolohiya
baguhinMga relihiyon sa Sinaunang Malapit na Silangan
baguhinAng propesiya o mga hula ay laganap sa mga relihiyon at mitolohiya sa Sinaunang Malapit na Silangan noong sinaunang mga panahon. Halimbawa nito ay ang mga propesiya ni Marduk, propesiya ni Neferti at mga propesiya sa mga bansa at siyudad gaya ng Mari, Asirya, Ehipto at sa Israel(tignan ang propesiya ng Bibliya). Napagmasdan ni Walter Burkert na "ang mga nasabik na babae na ang mga labi ay pinagsasalitaan ng diyos" ay itinala sa Sinaunang Malapit na Silangan gaya ng kay Mari sa ikalawang milenyo BCE at sa Asirya noong unang milenyo BCE.[2]
Bahá'í
baguhinNoong 1863, si Bahá'u'lláh(1817-1892) na tagapagtatag ng pananampalatayang Bahá'í ay nag-angkin bilang isang ipinangakong mesiyas ng mga nakaraang relihiyon at isang manipestasyon ng diyos[3] na isang uri ng propeta sa mga kasulatang Bahá'í na nagsisilbi bilang tagapamagitan sa pagitan ng diyos at sangkatauhan at nagsasalita ng tinig ng diyos.[4] Si Bahá'u'lláh ay nag-angkin na habang siya ay nakabilanggo sa Siyah-Chal sa Iran, siya ay sumailalim sa sunod sunod na mga karanasang mistikal kabilang ang pagkakaroon ng isang pangitain ng donselya ng langit na nagsabi sa kanya ng misyong pang-diyos at pangako ng tulong pang-diyos.[5] Sa paniniwalang Bahá'í, ang donselya ng langit ay isang representasyon ng diyos.[6] Sa buong mga kasulatang Bahá'í, ang mga pangyayari sa hinaharap ay sinasabing hinulaan Bahá'u'lláh. Ang pinakaspesipikong mga propesiya o hula ay nauugnay sa pag-akyat at pagbagsak sa kapangyarihan ng mga pinuno at organisasyon. Kabilang sa mga inaangking hula ni Bahá'u'lláh na natupad ang mga sumusunod:
- Ang kanyang hula noong 1868–69 ng pagbasak sa kapangyarihan ni Sultan Abdülaziz na pinatalsik noong 1876.
- Noong 1869, si Bahá'u'lláh ay sumulat kay Napoleon III na bumubuo sa Súriy-i-Haykal. Sa tableta, isinulat ni Bahá'u'lláh na kung hindi susunod si Napoleon III kay Bahá'u'lláh, kanyang maiwawala ang kanyang kaharian at ang isang kaguluhan ay mangyayari sa Pransiya.[7][8] Sa loob ng isang taon sa labanan laban sa Prusya noong Hulyo 1870, si Napoleon ay nabihag sa Laban ng Sedan noong 2 Setyembre 1870 at pinatalsik sa posisyon ng mga pwersa ng Ikatlong Republika sa Paris pagkatapos ng dalawang araw. Si Napoleon ay ipinatapon sa Inglatera kung saan siya namatay.
- Hinulaan rin ni Bahá'u'lláh sa Kitáb-i-Aqdas na nakumpleto noong 1873 ang pagbagsak ng Kalipata na pinuno ng Sunni Islam ng Imperyong Ottoman. Noong 3 Marso 1924, konstitusyonal na binuwag ng unang Pangulo ng Republikang Turkish na si Kemal Atatürk ang institusyon ng Kalipata. Ang mga kapangyarihan nito ay inilipat sa Dakilang Pambansang Asemblea ng Turkey ng bagong nabuong estadong-bansang Turkish at simula nito, ang pamagat na Kalipat ay naging hindi aktibo.
- Ang pagbagsak ng Komunismo
- Ang pagsiklab ng mga Digmaang Pandaigdig na kinabibilangan ng pagbagsak ng mga kaharian ng Europa noong 1917, ang pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na kinasasangkutan ng mga Balkan[9] at mga pagdurusa ng Alemanya sa dalawang mga digmaan.:[10]
- Ang pagkakatuklas ng enerhiyang nukleyar at paggamit ng mga sandatang nukleyar: ""Ang kakaiba at kahanga-hangang mga bagay ay umiiral sa mundong ito ngunit nakatago mula sa mga isipan at pagkaunawa ng mga tao. Ang mga bagay na ito ay may kakayahang magpabago ng buong atmospero at ang kanilang kontaminasyon ay mapapatunayang nakamamatay".(Bahá'u'lláh, Kalímát-i-Firdawsíyyih (Words of Paradise), c.1879–91) Ang pagkakatuklas ng radiasyong atomiko at nukleyar fission ay umunlad noong 1895 hanggang 1945.[11]
Mga orakulo sa sinaunang Gresya
baguhinSa sinaunang Gresya, ang mga orakulo ay nakaalan sa Diyosang Ina. Nagmula pa noong 1400 BCE, ang Orakulo ng Delphi ang pinakamahalagang dambana sa lahat ng Sinaunang Gresya. Ang mga tao ay nagmula mula sa buong Gresya at lagpas pa rito upang ang kanilang mga tanong tungkol sa hinaharap ay magsagot ng Pythia na saserdotisa ng diyos na si Apollo. Ang kanyang mga sagot ay karaniwang kriptiko at maaaring tumukoy sa kurso ng bawat bagay mula sa kung kailan itatanim ng magsasaka ang kanyang mga buto hanggang sa kung kailan magdedeklara ng digmaan ang isang imperyo.[12]
Budismo
baguhinAng Haedong Kosung-jon(Biographies of High Monks) ay nagtatala na si Haring Beopheung of Silla ay nagnais na ipalaganap ang Budismo bilang relihiyon ng estado. Gayunpaman, ang mga opisyal ng korte ay tumutol sa kanya. Sa kanyang ika-14 na paghahari, ang kanyang dakilang kalihim na si Ichadon ay nagplano ng isang stratehiya upang mapaglabanan ang pagtutol ng korte. Si Ichadon ay nakipagsabwatan sa hari na humikayat dito na gumawa ng isang proklamasyon na pumapayag sa isang opisyal na sanksiyon ng estado sa Budismo gamit ang selyo ng hari. Sinabi ni Ichadon sa hari na itanggi na ginawa nito ang proklamasyon kapag ito ay natanggap ng mga tumututol na opisyal at humingi ng paliwanag. Bagkus, si Ichadon ay aamin at tatanggapin ang parusa ng eksekusyon para sa mabilis na makikitang isang pandaraya. Si Ichadon ay humula sa hari na sa kanyang eksekusyon, isang kahanga hangang milagro ang hihikayat sa tumututol na korte sa kapangyarihan ng Budismo. Ang plano ni Ichadon ay nangyari gaya ng kanyang pinlano at kinagat ng korte ang pain ni Ichadon. Si Ichadon ay pinaslang noong ika-15 araw nang ika-9 na buwan nang taong 527 at ang kanyang hula ay natupad. Ang daigdig ay nayanig, ang araw ay dumilim, ang mga magagandang bulaklak ay nahulog mula sa kalangitan, ang kanyang pinugot na ulo ay lumipad sa sagradong kabundukan ng Geumgang at ang gatas imbis na dugo ay tumilamsik mga 100 talampakan sa hangin mula sa kanyang napugot na bangkay. Ang tandang ito ay tinanggap ng tumututol na korte bilang isang manipestasyon ng pagpapahintulot ng langit at ang Budismo ay ginawang relihiyon ng estado noong 527.[13]
Tsina
baguhinSa sinaunang Tsina, ang mga tekstong propetiko ay kilala bilang Chen(谶).
Mga sinaunang kabihasnan
baguhinAng propesiya ay hindi bago o limitado sa anumang isang kultura. Ito ay karaniwang katangian sa lahat ng alam na mga sinaunang lipunan sa buong mundo na ang iba ay higit sa iba. Ang maraming mga sistema at patakaran tungkol sa propesiya ay iminungkahi sa loob ng ilang mga millenia.
Katutubong Amerikano
baguhinAng maraming mga kaso ng propesiya ay umiiral sa mga populasyon ng Katutubong Amerikano(Native Americans). Ang Onandaga at Hopi kabilang sa iba pa ay may mga propesiya na nauugnay sa mga panahon na ating pinapasok ngayon. Halimbawa, ang Onandag ay nagsasalita ng isang panahon kapag ang tubig ay hindi na pwedeng mainom sa mga batis. Ito ay kanilang sinasabi na naghuhudyat ng pagsisimula ng yugto na kanilang tinatawag na "ang dakilang puripikasyon" kung saan ang mga tao ay dadaan sa labis na mga pagsubok upang dalisayin ang kanilang sarili sa mga tiwaling impluwensiya na dumagsa sa kanila. Kanilang sinasabi na ito ay makikitang yugto ng kagalakan para sa mga nakauunawa kung ano ang nangyayari at sasagupain ang yugtong ito bilang panahon ng puripikasyon ngunit ito ay magiging isang yugto ng labis na pagdurusa para sa mga kumakapit sa kanilang pananaw at pamumuhay na tiwali. Ang Aklat ng Hopi ay maaaring makita bilang isang akda ng propesiya. Tinatalakay nito ang parehong sinaunang kasaysayan ng mga panahon na dumating sa nakaraan, ang kasalukuyanbg panahon at ang mga panahon na darating. Naitala rin na may tatlong mga propetang Dogrib na nag-angkin na kinasihan ng diyos upang dalhin ang mensahe ng diyos ng Kristiyanismo sa kanilang mga tao.[14] Ang propesiyang ito sa mga Dogrib ay kinasasangkutan ng mga elementong gaya ng mga pagsasayaw at mga estadong tulad ng transiya(trance).[15]
Mga indibidwal
baguhinPythagoras
baguhinAng mga hula o propesiya ni Pythagoras ay kinabibilangan ng paghula sa pagdating ng isang barko na nagdadala ng isang bangkay, paghula sa paglitaw ng isang polar na oso sa Kaulonia, at paghula sa pag-aalsa laban sa kanyang mga tagasunod na Pythagorean.
Nostradamus
baguhinAng esoterikong prophesiya ay inangkin para kay ngunit hindi ni Michel de Nostredame na kilala bilang si Nostradamus inaangkin na naakay sa Kristiyanismo. Alam na siya ay dumanas ng mga trahedya sa kanyang buhay at inusig dahil sa kanyang mga kriptikong esoterikong mga kasulatan tungkol sa hinaharap na iniulat na hinango sa pamamagitan ng paggamit ng bolang kristal. Si Nostradamus ay isang Pranses na apotekaryo at ipinagpapalagay na manghuhula na naglimbag ng mga kalipunan ng mga kaalaman bago mangyari ang mga pangyayaring panghinaharap. Siya ay kilala sa kanyang aklat na Les Propheties ("The Prophecies") na ang unang edisyon ay lumabas noong 1555. Simula nang pagkakalimbag ng aklat na ito, si Nostradamus ay umakit ng mga tagasunod na esoteriko kasama ng mga popularistikong press na nagkekredito sa kanyang nakikita ang mga pangyayari ng mundo sa hinaharap. Ang karamihan sa mga sangguniang akademiko ay naniniwala na ang mga asosiasyong ginawa sa pagitan ng mga pangyayari sa daigdig at mga quatrain ni Nostradamus ay malaking resulta ng mga misinterpretasyon o mistranslasyon o labis na walang sustansiya upang maging walang saysay bilang ebidensiya ng anumang tunay na kapangyarihan ng paghula. Sa karagdagan, walang mga naitalang sanggunian may anumang ebidensiya na ang sinuman ay nakapagbigay kahulugan kailanman ng anumang mga akda ni Nostradamus na sapat na spesipiko upang pumayag ng maliwanag na pagtukoy sa anumang pangyayari ng pauna.[16]
Jesus ben Ananias
baguhinAyon sa historyan na si Josephus, si Jesus ben Ananias(ang anak ni Ananias) ay isang plebeian at magsasaka na noong mga apat na taon bago ang pagsisimula ng digmaang Hudyo-Romano noong 66 CE ay nagpalibot libot sa Herusalem na humuhula ng pagkawasak ng siyudad na Herusalem.[17] Ang Herusalem ay winasak ng mga Romano noong 70 CE.
Muhammad
baguhinAng mga Muslim ay naniniwalang ang propetang si Muhammad ay nakaranas ng isang propetikong phenomena na itinumbas sa interpretasyon ng mga panaginip, pangitain at malayong panonood na tumutukoy sa kanyang bilang isang propeta. Sahih Bukhari, Volume 9, Book 87, Number 112: Anas bin Malik: Ang apostol ni Allah na si Muhammad ay nagsabing "Ang isang mabuting panaginip(na nagkatotoo) ng isang matuwid na tao ay isa sa 46 mga bahagi ng propetismo".
Iba pa
baguhinAng Adbentismo(Sabadista) ay nag-uugat sa mga katuruan ng mangangaral na Baptist na si William Miller. Kanyang unang hinulaan na ang Ikalawang Pagbabalik ni Hesus ay mangyayari bago ang 21 Marso 1844. Nang lumipas ang petsang ito, ang isang bagong petsa ay hinulaan na 18 Abril 1844. Muli ay lumipas ang petsang ito at is pang Millerite na si Samuel Snow ay humango ng petsang 22 Oktubre 1844. Ang pagiging hindi natupad ng mga hulang ito ay pinangalanang Millerite na Dakilang Pagkasiphayo. Ang ilang mga anabaptist noong ika-16 siglo ay naniniwalang ang milenyum sa Aklat ng Pahayag ay mangyayari noong 1533. Si San Malakias(1094-1148) ang santong Irish at Arsobispo ng Argmagh na kinanonisa ng Papa na sinasabing nagsagawa ng mga ilang milagro at nag-angkin isang pangitain ng mga identidad ng huling mga 112 Papa. Ayon sa paring Benito Jerónimo Feijóo, ang mga ito ay nakakahiyang pandaraya na nilikhang ad hoc noong ika-16 siglo CE. Ayon kay Feijóo, ang unang beses na ang hula ni Malakias ay binanggit ay sa isang isinulat na salaysay ni Patriarka Alfonso Chacón (a.k.a. Alphonsus Ciacconus, 1540–1599) noong 1590. Ang Hesuitang paring si Claude-François Menestrier ay nagsaad na ang mga hulang ito ni Malakias ay dinaya upang tulungan ang kandidasya ni Girolamo Simoncelli. Ayon sa historyan na Espanyol na si José Luis Calvo, ang mga hula ni Malakias ay tila napakatumpak hanggang kay Papa Urbano VII na perpektong nagkakasya kahit ang mga antipapa ngunit pagkatapos ay ang malaking mga pagsisikap ay dapat gawin upang ang mga hula na ito ay magkasya sa kanilang papa. Si Malakias ay inaangkin ring humula na ang Irlanda ay sasailalim sa Inglatera sa loob ng 700 taon. Gayunpman noong 1869, pagkatapos ng 700 taon pagkatapos magsimula ang pananakop na Normano ng Irlanda, ang Irlanda ay bahagi pa rin ng Nagkakaisang Kahairan ng Britanya. si Martin Luther ay sinasabing umasa sa pagwawakas ng daigdig sa loob ng 300 taon.[18] Si Kahit pagkatapos ng kamatayan ni Luther noong 1546, ang mga pinunong Lutherano ay nag-angkin ng malapit na pagwawakas ng mundo. Si Joseph Smith na tagapagtatag ng Mormonismo ay gumawa ng ilang mga dosenang hula sa kanyang buhay na ang karamihan ay itinala sa mga sagradong kasulatan ng Mormonismo. Ang mga ito ay kinabibilangan ng Digmaang Sibil, ang pagbagsak ng pamahalaan ng Estados Unidos, pagdating ni Hesus at iba pa. Ang mga apolohista ng Mormonismo ay nag-aangkin ang mga ito ay natupad samantalang ang mga kritiko nito ay nagsasaad na ang karamihan ng mga hulang ito ay hindi nangyari.[19]
Ang isang 1917 publikasyon ng Watch Tower Society publication ay humula na sa 1918 ay wawasakin ng diyos ang mga simbahan at ang mga milyon ng mga kasapi nito.
Skeptisismo ng mga hula
baguhinAyon sa mga skeptiko, ang maraming mga pinaniniwalaang katuparan ng mga hula ay maaaring ipaliwanag bilang mga koinsidensiya na posibleng tinulungan ng pagiging hindi malinaw ng propesiya o ang ilang mga propesiya ay aktuwal na inimbento pagkatapos ng pangyayari upang umayon sa mga sirkunstansiya ng isang nakaraang pangyayari na tinatawag na postdiction. Ang halimbawa nito ay mga hula sa Bibliya gaya ng Aklat ni Daniel na aktuwal na isinulat noong ika-2 siglo BCE sa halip na sa ika-6 siglo BCE gaya ng ipinapahiwatig ng teksto. Ang mga hula ay maaring ring natupad dahil ito ay sinanhing matupad ng naniniwala sa mga propesiyang ito.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Jewish Encyclopedia: "Prophets and Prophecy" at JewishEncyclopedia.com
- ↑ Walter Burkert.Greek Religion. Harvard University Press.1985.p 116-118
- ↑ Smith, Peter (2000). "Bahá'u'lláh – Theological Status". A concise encyclopedia of the Bahá'í Faith. Oxford: Oneworld Publications. pp. 78–79. ISBN 1-85168-184-1.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hatcher, W.S.; & Martin, J.D. (1998). The Bahá'í Faith: The Emerging Global Religion. San Francisco: Harper & Row. pp. 116–123. ISBN 0-87743-264-3.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Smith, Peter (2000). "Bahá'u'lláh – Life". A concise encyclopedia of the Bahá'í Faith. Oxford: Oneworld Publications. p. 73. ISBN 1-85168-184-1.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Smith, Peter (2000). "Maid of Heaven". A concise encyclopedia of the Bahá'í Faith. Oxford: Oneworld Publications. p. 230. ISBN 1-85168-184-1.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Smith, Peter (2000). "Napoleon III". A concise encyclopedia of the Bahá'í Faith. Oxford: Oneworld Publications. p. 278. ISBN 1-85168-184-1.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bahá'u'lláh, Súriy-i-Haykal, 1869
- ↑ Smith, Peter (2000). "war". A concise encyclopedia of the Bahá'í Faith. Oxford: Oneworld Publications. p. 354. ISBN 1-85168-184-1.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Smith, Peter (2000). "Wilhelm I". A concise encyclopedia of the Bahá'í Faith. Oxford: Oneworld Publications. p. 356. ISBN 1-85168-184-1.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.world-nuclear.org/info/inf54.html
- ↑ http://www.pbs.org/empires/thegreeks/background/7_p1.html
- ↑ Korea: a religious history, James Huntley Grayson, p. 34
- ↑ p.27, Helm
- ↑ Dogrib prophecy
- ↑ Lemesurier, Peter, The Unknown Nostradamus, 2003
- ↑ http://www.josephus.org/causeofDestruct.htm#voice
- ↑ The Familiar Discourses of Dr. Martin Luther, trans. by Henry Bell and revised by Joseph Kerby (London: Baldwin, Craddock and Joy, 1818), pp. 7,8.
- ↑
Abanes, Richard (2003). One Nation Under Gods: A History of the Mormon Church. Thunder's Mouth Press. pp. 461–467. ISBN 1568582838.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)