Ilocos

rehiyon ng Pilipinas
(Idinirekta mula sa Rehiyon I (Pilipinas))

Ang Rehiyon ng Ilocos,[a] kilala rin sa pagtatakda nito na Rehiyon I, ay isang rehiyong administratibo ng Pilipinas na makikita sa hilagang-kanlurang bahagi ng Luzon. May apat na lalawigan ito: Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan, at isang malayang lungsod: Dagupan. Pinapaligiran ito ng mga rehiyon ng Lambak ng Cagayan at Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera sa silangan at Gitnang Luzon sa timog. Nasa kanluran naman nito ang Dagat Kanlurang Pilipinas. Ang sentrong panrehiyon nito ay ang San Fernando sa La Union. Ilan sa mga lungsod na nandito ang mga lungsod ng Vigan sa Ilocos Sur at Laoag sa Ilocos Norte, gayundin ang Alaminos at San Carlos sa Pangasinan.

Rehiyong Ilocos

Rehiyon I
Bangui Wind Farm in Bangui, Ilocos Norte
Calle Crisologo in Vigan, Ilocos Sur
Dingras Church in Dingras, Ilocos Norte
Ma-Cho Temple in San Fernando, La Union
Hundred Islands National Park in Alaminos, Pangasinan
Lokasyon sa Pilipinas
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 16°37′N 120°19′E / 16.62°N 120.32°E / 16.62; 120.32
Bansa Pilipinas
KapuluanLuzon
Sentrong panrehiyonSan Fernando, La Union
Lawak
 • Kabuuan13,012.60 km2 (5,024.19 milya kuwadrado)
Populasyon
 (senso ng 2020)[1]
 • Kabuuan5,301,139
 • Kapal410/km2 (1,100/milya kuwadrado)
Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao
 • HDI (2018)0.719[2]
high · Pang-lima
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigo ng ISO 3166PH-01
Mga lalawigan
Mga lungsod
Mga bayan116
Mga barangay3,265
Mga distritong kongresyonal12
Mga wika

Ayon sa senso noong 2020, higit limang milyong katao ang nakatira sa rehiyon, at may densidad na 410 katao kada kilometro kuwadrado. Wikang Ilokano at wikang Pangasinense ang mga madalas gamiting wika sa rehiyon, ayon sa senso noong 2000.

Heograpiya

baguhin
 
Isang tanawin sa San Fernando, La Union

Ang Rehiyong Ilocos ay matatagpuan sa isang makipot na katapatagan sa pagitan ng Kabundukan ng Cordillera, Dagat Timog Tsina, hilagang bahagi ng kapatagan ng Gitnang Luzon, at hilagang silangang bahagi ng Bulubundukin ng Zambales.

Matatagpuan dito ang Golpo ng Lingayen, ang pinakatanyag na anyong tubig sa rehiyon na naglalaman ng Hundred Islands National Park. Matatagpuan naman sa hilaga ang Kipot ng Luzon.

Ang Ilog ng Agno ay bumabagtas mula Benguet hanggang Pangasinan, na umaagos sa isang malapad na delta sa Lingayen at Dagupan bago umagos sa Golpo ng Lingayen.

Paghahating pampangasiwaan

baguhin
 
Mapang polikal ng Ilocos

Ang Rehiyong Ilocos ay binubuo ng 4 mga lalawigan, 1 malayang nakapaloob na lungsod, 8 nakapaloob na mga lungsod, 116 bayan, at 3,265 mga barangay.[3]

Lalawigan Kabisera Populasyon (2015)[1] Lawak[4] Kapal ng populasyon Mga lungsod Mga bayan Mga barangay
km2 sq mi /km2 /sq mi
Ilocos Norte Laoag 11.8% 593,081 3,467.89 1,338.96 170 440 2 21 557
Ilocos Sur Vigan 13.7% 689,668 2,596.00 1,002.32 270 700 2 32 768
La Union San Fernando 15.7% 786,653 1,497.70 578.27 530 1,400 1 19 576
Pangasinan Lingayen 58.8% 2,956,726 5,451.01 2,104.65 540 1,400 4 44 1,364
Total 5,026,128 13,012.60 5,024.19 390 1,000 9 116 3,265

• Kasama sa mga bilang para sa Pangasinan ang malayang nakapaloob na lungsod ng Dagupan.

  •  †  Sentrong panrehiyon

Demograpiko

baguhin
Sensus ng populasyon
ng Rehiyong Ilocos
TaonPop.±% p.a.
1990 3,550,642—    
2000 4,200,478+1.69%
2010 4,748,372+1.23%
2015 5,026,128+1.09%
Pinagmulan: Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas[6]

Tahanan sa mga Ilokano ang mga makasaysayang lalawigan ng Ilocos. Ayon sa sensus noong taong 2000, ang rehiyon ay binubuo ng 66% ng mga Ilokano, 27% ng mga Pangasinense, at 3% ng mga Tagalog.[7]

Tahanan naman para sa mga Pangasinense ang lalawigan ng Pangasinan. Ang populasyon ng Pangasinan ay bumubuo sa humigit kumulang 60% ng buong populasyon ng rehiyon. Nagsimula ang mga Ilocano na dayuhin ang Pangasinan noong ikalabing-siyam na siglo.[8] Ang Pangasinan ay dating parte ng Gitnang Luzon ngunit inilipat ito sa Ilocos noong nilagdaan ng Pangulong Marcos ang Kautusan ng Pangulo Blg. 1 noong 1972. Kasama din ang mga komunidad ng mga Tingguian at Isneg sa rehiyon na nakatira sa may paanan ng mga bundok ng Cordillera.

Karamihan sa mga mamamayan ay Katoliko ngunit may mga Protestante din katulad ng mga Apligayan sa bandang hilaga ng rehiyon. Ang iba ay mga miyembro ng Iglesia ni Cristo, Mormon at iba pa.

Mayroon ding mga nakakubling paniniwalang animistiko lalo na sa mga pook na rural. Pangunahing mga Budista, Taoista at Hindu ang mga Tsino at Indiyano na namamalagi sa maliit na mga pamayanang pangkalakalan sa rehiyon.[kailangan ng sanggunian]

Talababa

baguhin
  1. Ingles: Ilocos Region; Ilokano: Rehion/Deppaar ti Ilocos; Pangasinan: Sagor na Baybay na Luzon

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Census of Population (2015). "Region I (Ilocos Region)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "Sub-national HDI - Area Database - Global Data Lab". hdi.globaldatalab.org. Nakuha noong Marso 13, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "List of Regions". National Statistical Coordination Board. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 13, 2008. Nakuha noong Enero 9, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "PSGC Interactive; List of Provinces". Philippine Statistics Authority. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 11, 2013. Nakuha noong Marso 30, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "PSGC Interactive; List of Cities". Philippine Statistics Authority. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 29, 2011. Nakuha noong Marso 29, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Population and Annual Growth Rates for The Philippines and Its Regions, Provinces, and Highly Urbanized Cities" (PDF). 2010 Census and Housing Population. Philippine Statistics Authority. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Setyembre 28, 2013. Nakuha noong Agosto 9, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Ilocos Region: To Reach Five Millionth Mark in Nine Years (Results from the 2000 Census of Population and Housing, NSO); Table 8. Language/Dialect Generally Spoken in the Households: Ilocos Region, 2000". Philippine Statistics Authority. Enero 31, 2003. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 28, 2003. Nakuha noong Marso 29, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Rosario Mendoza Cortes, Pangasinan, 1801-1900: The Beginnings of Modernization

Mga kawing panlabas

baguhin