Dagat

(Idinirekta mula sa Sea)

Ang dagat ay isang malaking anyong tubig na maalat. May mga partikular na dagat at dagat. Ang dagat ay karaniwang tumutukoy sa karagatan, ang mas malawak na anyong tubig-dagat. Ang mga partikular na dagat ay alinman sa dagat na marhinal, mga seksyong ikalawang-pagkakaayos ng karagatang dagat (hal. Dagat Mediteraneo), o ilang malalaking, halos napapagitna ng lupain na anyong tubig.

Paglubog ng araw sa dagat.

Ang kaasinan ng mga anyong tubig ay malawak na nag-iiba, na mas mababa malapit sa ibabaw at ang mga bunganga ng malalaking ilog at mas mataas sa kailaliman ng karagatan; gayunpaman, ang mga relatibong proporsyon ng mga natunaw na asin ay hindi gaanong nag-iiba sa mga karagatan. Ang pinaka-masaganang solido na natunaw sa tubig-dagat ay ang kloruro de sodiyo. Naglalaman din ang tubig ng mga asin ng magnesiyo, kalsiyo, potasiyo, at asoge, sa gitna ng maraming iba pang elemento, ang ilan ay nasa minutong konsentrasyon. Maraming iba't ibang mga organismo, kabilang ang bakterya, protista, alga, halaman, halamang-singaw at, hayop na naninirahan sa mga dagat, na nag-aalok ng malawak na hanay ng mga tirahang marino at ekosistema, na patayong sumasaklaw mula sa naliliwanagan ng araw sa ibabaw at baybayin hanggang sa napakalalim at presyon ng ang malamig, madilim na sonang kailaliman, at nasa latitud mula sa malamig na tubig sa ilalim ng mga kapang yelo ng polar hanggang sa mainit na tubig ng mga bahura ng mga bulaklak na bato sa mga tropikal na rehiyon. Marami sa mga pangunahing grupo ng mga organismo ang umunlad sa dagat at maaaring nagsimula ang buhay doon.

Kahulugan

baguhin
 
Mga karagatan at marhinal na dagat gaya ng tinukoy ng International Maritime Organization (Internasyunal na Organisasyong Maritimo)

Ang dagat ay ang magkakaugnay na sistema ng lahat ng karagatan sa daigdig, kabilang ang Atlantiko, Pasipiko, Indiyano, Katimugan at Artiko na mga Karagatan.[1] Gayunpaman, maaring gamitin din ang salitang "dagat" para sa maraming partikular, mas maliliit na anyong tubig-dagat, gaya ng Dagat Hilaga o Dagat Pula. Walang maliwanag na pagkakaiba sa pagitan ng mga dagat at karagatan, bagama't mas maliit sa pangkalahatan ang mga dagat, at kadalasang bahagya (bilang dagat na marhinal partikular na bilang isang dagat mediteraneo) o ganap (bilang mga panloob na dagat) na napapalibutan ng lupa.[2] Gayunpaman, ang isang pagbubukod dito ay ang Dagat Sargasos na walang baybayin at nasa loob ng isang pabilog na agos, ang Hilagang Girong Atlantiko.[3]:90  Karaniwang mas malaki ang mga dagat kaysa sa mga lawa at naglalaman ng maalat na tubig, subalit ang Dagat ng Galilea ay isang lawa na tubig-tabang.[4][a] Nasasaad sa United Nations Convention on the Law of the Sea (Kumbensyon sa Batas ng Dagat ng Mga Nagkakaisang Bansa) na "dagat" ang lahat ng karagatan.[8][9][b]

Agham pisikal

baguhin

Ang Daigdig ay ang tanging kilalang planeta na may mga dagat ng likidong tubig sa ibabaw nito,[3]:22 bagaman nagtataglay ang Marte ng mga takip ng yelo at maaaring may mga karagatan ang mga katulad na planeta sa ibang mga sistemang solar. Naglalaman ang Daigdig ng 1,335,000,000 kilometriko kubiko (320,000,000 ku mi) ng humigit-kumulang 97.2 porsiyento ng kilalang tubig nito[11][c] at sumasakop sa humigit-kumulang 71 porsiyento ng ibabaw nito.[3]:7[16] Ang isa pang 2.15% ng tubig ng Daigdig ay yelo, na matatagpuan sa yelong dagat na sumasaklaw sa Karagatang Artiko, ang takip ng yelo na sumasakop sa Antartika at ang mga katabing dagat nito, at iba't ibang mga glasyar at mga deposito sa ibabaw sa buong mundo. Ang natitira (humigit-kumulang 0.65% ng kabuuan) ay bumubuo ng mga imbakan ng tubig sa ilalim ng lupa o iba't ibang yugto ng siklo ng tubig, na naglalaman ng tubig-tabang na nakatagpo at ginagamit ng karamihan sa buhay sa lupa: singaw sa hangin, ang mga ulap na dahan-dahang nabubuo, ang ulan na bumabagsak mula sa kanila, at kusang nabuo ang mga lawa at ilog habang paulit-ulit na dumadaloy ang tubig nito patungo sa dagat.

Ang siyentipikong pag-aaral ng tubig at siklo ng tubig ng Daigdig ay hidrolohiya; pinag-aaralan ng hidrodinamika ang pisika ng tubig sa paggalaw. Sa partikular, ang kamakailang pag-aaral ng dagat ay ang oseanograpiya. Nagsimula ito bilang pag-aaral sa hugis ng mga agos ng karagatan[17] subalit lumawak mula noon sa isang malaki at multidisiplinaryong larangan:[18] sinusuri nito ang mga katangian ng tubig-dagat; pag-aaral ng mga alon, mga kati, at agos; mga tsart ng mga baybayin at imapa ang mga kailaliman ng dagat; at nag-aaral ng buhay dagat.[19] Tumatalakay ang sub-larangan sa paggalaw ng dagat, mga puwersa nito, at mga puwersang kumikilos dito ay kilala bilang pisikal na oseanograpiya. Ang biyolohiyang pandagat (oseanograpiyang pambiyolohiya) ay nag-aaral ng mga halaman, hayop, at iba pang organismo na naninirahan sa ekosistemang pandagat. Parehong nababatid ng oseanograping pangkimika, na nag-aaral sa gawi ng mga elemento at molekula sa loob ng mga karagatan: partikular, sa ngayon, ang papel ng karagatan sa siklong karbono at papel ng diyoksong karbono sa pagtaas ng pagiging asido ng tubig-dagat. Nagta-tsart ang heograpiyang pandagat at maritima ng hugis at hugis ng dagat, habang nagbibigay ang heolohiyang pandagat (oseanongrapiyang pangheolohiya) ng ebidensya ng pag-anod ng lupalop at ang komposisyon at istraktura ng Daigdig, nilinaw ang proseso ng sedimentasyon, at tumulong sa pag-aaral ng bulkanismo at lindol.[18]

Antas ng dagat

baguhin

Sa karamihan ng panahon ng heolohiko, ang antas ng dagat ay mas mataas kaysa ngayon.[3]:74 Ang pangunahing salik na nakakaapekto sa lebel ng dagat sa paglipas ng panahon ay ang resulta ng mga pagbabago sa pang-ibabaw ng karagatan, na may pababang pagkahilig na inaasahang magpapatuloy sa napakatagal na panahon.[20] Sa huling pinakamataas na glasyal, mga 20,000 taon na ang nakalilipas, humigit-kumulang ang antas ng dagat sa 125 metro (410 tal) na mas mababa kaysa sa kasalukuyang panahon (2012).

Sa loob ng hindi bababa sa huling 100 taon, tumataas ang antas ng dagat sa katamtamang bilis na humigit-kumulang 1.8 millimetro (0.071 pul) bawat taon.[21] Karamihan sa pagtaas na ito ay maaaring maiugnay sa pagtaas ng temperatura ng dagat dahil sa pagbabago ng klima, at ang nagresultang bahagyang termal na pagpapalawak ng itaas na 500 metro (1,600 tal) ng tubig. Nagmumula ang mga karagdagang kontribusyon, hanggang isang-kapat ng kabuuan, sa mga pinagmumulan ng tubig sa lupa, tulad ng natutunaw na niyebe at glasyer at pagkuha ng tubig sa lupa para sa irigasyon at iba pang pang-agrikultura at pangangailangan ng tao.[22]

Mga pananda

baguhin
  1. Walang tinatanggap na depinisyong teknikal ng dagat ng mga oseanograpo. Ang isang depinisyon ay subdibisyon ng karagatan ang isang dagat, na nangangahulugang mayroon dapat itong pang-ibabaw na palangganang pangkaragatan sa palapag nito. Tinatanggap ng kahulugan na ito ang Kaspiyo bilang isang dagat dahil minsan ito naging bahagi ng isang sinaunang karagatan.[5] Binibigyan kahulugan ng Introduction to Marine Biology ang isang dagat bilang isang lupaing napapaligiran ng lupain na anyong-tubig, dinadagdag na ang "dagat" ay isa lamang kaluwagan.[6] Parehong nasaad din sa The Glossary of Mapping Sciences na arbitraryo ang hanggganan sa pagitan ng mga dagat at anyong-tubig.[7]
  2. Sang-ayon sa kahulugang ito, hindi maisasama ang Kaspiyo dahil isa itong "lawang internasyunal" sa legal na usapin.[10]
  3. Ang nakuhang hidratong ringwoodita mula mga pagsabog ng bulkan ay minumungkahi na ang sa pagitan ng masa mababa at mas mataas na manto ay humahawak sa pagitan ng isa[12] at tatlo[13] beses na kasing dami ng tubig ng lahat ng pang-ibabaw na karagatan ng mundo kapag pinagsama-sama. Minumungkahi ng mga eksperimento na muling paglikha ng mga kondisyon ng mas mababang manto na maari itong naglalaman pa rin ng mas maraming tubig din, kasing dami ng limang beses ng bigat ng tubig na mayroon sa mga karagatan sa daigdig.[14][15]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Sea." Merriam-Webster.com Dictionary, Merriam-Webster, https://www.merriam-webster.com/dictionary/sea . Accessed 14 Marso 2021. (sa Ingles)
  2. "What's the difference between an ocean and a sea?". Ocean facts (sa wikang em). National Oceanic and Atmospheric Administration. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Enero 2017. Nakuha noong 19 Abril 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: unrecognized language (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 Stow, Dorrik (2004). Encyclopedia of the Oceans (sa wikang Ingles). Oxford University Press. ISBN 978-0-19-860687-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Nishri, A.; Stiller, M; Rimmer, A.; Geifman, Y.; Krom, M. (1999). "Lake Kinneret (The Sea of Galilee): the effects of diversion of external salinity sources and the probable chemical composition of the internal salinity sources". Chemical Geology (sa wikang Ingles). 158 (1–2): 37–52. Bibcode:1999ChGeo.158...37N. doi:10.1016/S0009-2541(99)00007-8.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Conforti, B.; Bravo, Luigi Ferrari (2005). The Italian Yearbook of International Law, Volume 14 (sa wikang Ingles). Martinus Nijhoff Publishers. p. 237. ISBN 978-90-04-15027-0. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Setyembre 2020. Nakuha noong 27 Agosto 2020.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Karleskint, George; Turner, Richard L.; Small, James W. (2009). Introduction to Marine Biology (sa wikang Ingles). Cengage Learning. p. 47. ISBN 978-0-495-56197-2. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Hulyo 2022. Nakuha noong 27 Agosto 2020.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. American Society of Civil Engineers (1994). The Glossary of the Mapping Sciences (sa wikang Ingles). ASCE Publications. p. 365. ISBN 978-0-7844-7570-6. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Abril 2021. Nakuha noong 22 Enero 2019.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Vukas, B. (2004). The Law of the Sea: Selected Writings (sa wikang Ingles). Martinus Nijhoff Publishers. p. 271. ISBN 978-90-04-13863-6. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Marso 2021. Nakuha noong 22 Enero 2019.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Gupta, Manoj (2010). Indian Ocean Region: Maritime Regimes for Regional Cooperation (sa wikang Ingles). Springer. p. 57. ISBN 978-1-4419-5989-8. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Hunyo 2020. Nakuha noong 22 Enero 2019.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Gokay, Bulent (2001). The Politics of Caspian Oil (sa wikang Ingles). Palgrave Macmillan. p. 74. ISBN 978-0-333-73973-0. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Marso 2021. Nakuha noong 22 Enero 2019.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. NOAA. "Lesson 7: The Water Cycle Naka-arkibo 2013-04-25 sa Wayback Machine." sa Ocean Explorer. (sa Ingles)
  12. Oskin, Becky (12 Mar 2014). "Rare Diamond Confirms that Earth's Mantle Holds an Ocean's Worth of Water" Naka-arkibo 13 March 2014[Date mismatch] sa Wayback Machine. sa Scientific American (sa Ingles).
  13. Schmandt, B.; Jacobsen, S. D.; Becker, T. W.; Liu, Z.; Dueker, K. G. (2014). "Dehydration melting at the top of the lower mantle". Science (sa wikang Ingles). 344 (6189): 1265–1268. Bibcode:2014Sci...344.1265S. doi:10.1126/science.1253358. PMID 24926016. S2CID 206556921.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Harder, Ben (7 Mar 2002). "Inner Earth May Hold More Water Than the Seas Naka-arkibo 2013-11-12 sa Wayback Machine." sa National Geographic. (sa Ingles)
  15. Murakami, M. (2002). "Water in Earth's Lower Mantle". Science (sa wikang Ingles). 295 (5561): 1885–1887. Bibcode:2002Sci...295.1885M. doi:10.1126/science.1065998. PMID 11884752. S2CID 21421320.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Voyager: How much of the earth is truly undiscovered, above and/or below water?". Scripp's Institute of Oceanography (sa wikang Ingles). UC San Diego. Setyembre 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Hulyo 2021. Nakuha noong 15 Hulyo 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Lee, Sidney, ed. "Rennell, James" in the Dictionary of National Biography, Bol. 48. Smith, Elder, & Co. (London), 1896. Nakalagay sa Wikisource. (sa Ingles)
  18. 18.0 18.1 Monkhouse, F.J. (1975) Principles of Physical Geography. pp. 327–328. Hodder & Stoughton. ISBN 978-0-340-04944-0. (sa Ingles)
  19. b., R. N. R.; Russell, F. S.; Yonge, C. M. (1929). "The Seas: Our Knowledge of Life in the Sea and How It is Gained". The Geographical Journal (sa wikang Ingles). 73 (6): 571–572. Bibcode:1929GeogJ..73R.571B. doi:10.2307/1785367. JSTOR 1785367. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Hunyo 2018. Nakuha noong 1 Hulyo 2021.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Muller, R. D.; Sdrolias, M.; Gaina, C.; Steinberger, B.; Heine, C. (2008). "Long-Term Sea-Level Fluctuations Driven by Ocean Basin Dynamics". Science (sa wikang Ingles). 319 (5868): 1357–1362. Bibcode:2008Sci...319.1357M. doi:10.1126/science.1151540. PMID 18323446.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Bruce C. Douglas (1997). "Global sea rise: a redetermination". Surveys in Geophysics (sa wikang Ingles). 18 (2/3): 279–292. Bibcode:1997SGeo...18..279D. doi:10.1023/A:1006544227856.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Bindoff, N. L.; Willebrand, J.; Artale, V.; Cazenave, A.; Gregory, J.; Gulev, S.; Hanawa, K.; Le Quéré, C.; Levitus, S. (2007). Observations: Oceanic Climate Change and Sea Level (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. pp. 385–428. ISBN 978-0-521-88009-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)