Siklong biyoheokimikal
Sa agham pandaigdig, ang siklong biyoheokimikal o ang pagpalit ng substansya o ang siklo ng substansya ay isang daan kung saan ang isang sustansyang kimikal ay dumadan sa parehong buhay (biosphere) at hindi buhay (litospera, atmospera, at hidrospera) na bahagi ng mundo. Ang siklo ay isang pamamaraan ng pagbabago na bumabalik sa sinimulan at may kakayanan na ulitin. Ang tubig, bilang halimbawa, ay laging nababago gamit ang siklo ng tubig, makikita ito sa larawan. Ang tubig ay sumasailalim sa singaw (evaporation), kondensasyon, at ulan (precipitation), bumabalik muli ito sa mundo. Elemento, kompuwesto sa kimika at iba pang uri ng materya ay pinapasa mula sa isang organismo papunta sa iba at galing sa isang bahagi ng biyospera papunta sa iba gamit ang siklo ng biyoheokimikal.
Ang salitang “biyoheokimikal” ay nagsasabi na ang biyolohikal, heolohikal at kimikal na pamamaraan ay lahat nakikilahok dito. Ang pag-ikot ng sustansya sa kimika tulad ng karbon, oksiheno, nitroheno, posporo, kalsyo, tubig atbp sa biyolohikal at pisikal na mundo ay kilala bilang siklo na biyoheokimikal. Dahil dito, ang elemento ay nagagamit muli, ngunit sa ibang siklo pwedeng magkaroon ng lugar (tawag ay imbakang-tubig o reservoir) kung saan ang elemento ay naiipon o naiimbak sa matagal na panahon (tulad ng karagatan o lawa para sa tubig).
Mahalagang siklo Ang pinakakilala at mahalaga na siklo na biyoheokimikal ay:
- ang siklo ng karbon
- ang siklo ng nitroheno
- ang siklo ng oksiheno
- ang siklo ng posporo
- ang siklo ng asupre
- ang siklo ng tubig
- at ang siklo ng bato
Maraming siklo na biyoheokimikal na sa kasalukuyan ay pinag-aaralan habang ang klima ay nagbabago at ang mga idinudulot ng tao sa kalikasan ay bigla nag-bago ang bilis, lakas at pagkapantay ng mga siklong hindi gaanong kilala. Nabibilang sa bagong pinag-aaralan na siklo na biyoheokimikal ay: