Tsiko

(Idinirekta mula sa Siko (prutas))

Ang tsiko[1][2] o siko[1] (Ingles: sapodilla) ay isang uri ng prutas at puno na may pangalang pang-agham na Manilkara zapota. Mahaba ang buhay ng punong ito na palagiang lunti ang mga dahon at nabubuhay sa mga tropikong lugar ng Bagong Mundo. Katutubo ito sa Mehiko at naipakilala sa Pilipinas noong kapanahunan ng kolonisasyong Kastila. Matamis ang bilog na bunga nito, na may mabuhok na balat at kulay kayumangging madilim.[2]

Tsiko
Ang puno ng tsiko
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Asterids
Orden: Ericales
Pamilya: Sapotaceae
Sari: Manilkara
Espesye:
M. zapota
Pangalang binomial
Manilkara zapota
(L.) P. Royen
Para sa ibang gamit, tingnan ang siko (paglilinaw) at chico (paglilinaw)

Paglalarawan

baguhin

Tumataas ang tsiko mula 30 hanggang 40 metro. Hindi ito naaantig ng hangin at mayaman ang balat sa puti, malambot at madikit na dagtang (latex) tinatawag na chicle. Medyo hindi kalakihan at makintab ang mapandekorasyong mga dahon nito. Palaktaw-laktaw ang mga dahong ito, eliptiko hanggang bilohaba ang hugis, may 7 hanggang 15 sentimetro ang haba, at may buong mga gilid.

Hindi lantaran ang mga mapuputi at mukhang-kampanang mga bulaklak, na may corolla na anim ang patong. Bilugan ang malaki nitong bunga, na may 4 - 8 sentimetrong diyametro, at kahawig ng patatas na may makinis na balat. Naglalaman ang prutas na ito ng mga dalawa hanggang sampung mga buto. Bilang dagdag, nagkukulay ang laman sa loob ng mapanglaw na dilaw hanggang sa kayumanggi o kulay-lupang anyo na may kagaspangan sa salat, kaparis ng hinog na hinog na peras.

May natatanging katamisan ang lasa nito na ikinukumpara sa lasa ng kending bulak o karamelo. Matigas sa pandama ang hilaw na bunga at naglalaman ng mataas na bilang ng mga sapponin na, katulad ng mga tannin, nakasasanhi ng pagkatuyo ng bibig.

Maiitim ang mga buto ng prutas at kahawig ng mga munggo na may kawit sa isang dulo na maaaring dumikit sa lalamunan kapag nalunok.

Namumunga ang mga puno ng tsiko dalawang beses sa loob ng isang taon, bagaman maaaring magpatuloy ang pamumulaklak buong taon. Mataas ang antas ng lamang dagta ng bunga at hindi kaagad nahihinog, maliban na lamang kung pipitasin. May ilang bungang bilog, samantalang may iba namang bilohaba na may matutulis na dulo.

 
Halaman na may bata pang bunga at nasa panahon rin ng pamumulaklak.
 
Mga tsiko.

Impormasyon hinggil sa nutrisyon
Batay sa diyetang may 2,000 kaloriya ang mga pang-araw-araw na bahagdang halagang nabanggit sa ibaba. Maaaring mas mataas o mas mababa ang pang-araw-araw na halagang nababagay para sa iyo, depende sa kaloriyang kailangan mo:

Bilang ng hain: 1 tsiko (170 g)
Kaloriya (calories) 141
Kaloriya mula sa taba 17

Kabuoang bilang ng taba 1.9 g (3%)
Nasasalang taba (saturated fat) 0.3g (2%)
Maramihan at hindi nasalang taba (polyunsaturated fat) 0 g
Isahan at hindi nasalang taba (monounsaturated fat) 0.9 g
Kolesterol (cholesterol) 0 mg (0%)
Sodium 20.4 mg (1%)
Potassium 328.1mg(9%)
Kabuong bilang ng carbohydrate 33.9 g (11%)
Hiblang diyetaryo (dietary fiber) 9 g (3%)
Protina 0.7 g (1%)
Bitamina A 2%
Bitamina C 42%
Calcium 4%
Iron 8%

  1. Mababa ito sa nasasalang taba
  2. Walang kolesterol
  3. Lubhang mababa sa sodium
  4. Walang asukal
  5. May mataas na bilang ng mga hibla o pibrang diyetaryo
  6. Lubhang mayaman sa bitamina C

Iba pang mga pangalan

baguhin

Dati itong tinatawag na Achras sapota, isang pangalang mali at hindi naaangkop sa halamang ito. Kilala din sa ganitong mga katawagan sa iba't ibang mga bansa: chikoo o sapota sa India, sofeda sa Bangladesh, chikoo (binabaybay ding "chikku," "chiku," o "ciku") sa Timog Asia at Pakistan, chico o tsiko sa Pilipinas, sawo sa Indonesia, ciku sa Malaysia, hồng xiêm (xa pô chê) sa Vietnam, sapodilla sa Guyana, sapodilla o rata-mi sa Sri Lanka, lamoot (ละมุด) sa Thailand at Cambodia, níspero sa Colombia, Nicaragua, El Salvador, Dominican Republic at Venezuela, nípero sa Cuba at Republika Dominikana, dilly sa Bahamas, naseberry sa iba pang mga pook sa West Indies, at sapoti sa Brazil.

Mga sanggunian

baguhin

Mga talababa

baguhin
  1. 1.0 1.1 English, Leo James (1977). "Tsiko, siko, sapodilla". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 De Guzman, Maria Odulio (1968). "Tsiko, binabaybay ding chico sa talahuluganan ni de Guzman". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Iba pang mga sanggunian

baguhin