Spaghetti alla puttanesca


Spaghetti alla puttanesca (pagbigkas [spaˈɡetti alla puttaˈneska]; "spaghetti sa estilo ng isang puta" sa wikang Italyano) ay isang putahe ng Italyanong pasta na naimbento sa Naples noong kalagitnaan ng ika-20 siglo. Karaniwang kasama sa mga sangkap nito ang mga kamatis, langis ng oliba, mga anchovy, mga oliba, mga caper, at bawang.[1]

Spaghetti alla puttanesca
spaghetti alla puttanesca
Ibang tawagpasta alla puttanesca, pasta puttanesca
KursoMain
LugarItalya
Rehiyon o bansaCampania
GumawaSandro Petti (pinagtatalunan ng iba)
Taonkalagitnaan ng ika-20 siglo
Ihain nangMainit
Pangunahing SangkapSpaghetti, mga kamatis, mga oliba, mga caper, mga bawang, at mga dilis (sa Lazio).
Baryasyonspaghetti alla puttanesca with tuna

Pinanggalingan

baguhin

Mayroong iba't-ibang mga salaysay kung kailan at kung paano nagmula ang putahe, ngunit marahil na nagmula ito sa kalagitnaan ng ikadalawampu siglo. Ang alam na pinakamaagang pagbanggit nito ay sa Ferito a Morte (Nakakamatay na Sugat) ni Raffaele La Capria, isang Italyanong nobela noong 1961 kung saan ibinabanggit ang "spaghetti alla puttanesca come li fanno a Siracusa (spaghetti alla puttanesca katulad ng ginawa sa Siracusa)".[2] Naging popular ang sarsa noong dekada '60, ayon sa Professional Union of Italian Pasta Makers.[3]

Walang resipi na may ganitong pangalan sa 1971 na edisyon ng Cucchiaio d'argento (Ang Pilak na Kutsara), isa sa mga pinakakilalang cookbook ng Italya, ngunit may dalawa na katulad nito: Ang Napolitanong spaghetti alla partenopea, ay may mga anchovy at napakaraming oregano; habang ang spaghetti alla siciliana ay nakikilala sa pamamagitan ng pagdaragdag ng siling-berde. Higit pa rito, may isang popular na estilong Sicilian sa palibot ng Palermo na may kasamang mga olive, mga anchovy, at mga pasas.[4]

Sa isang artikulo noong 2005 mula sa Il Golfo—isang pang-araw-araw na diyaryong na nagsisilbi sa mga islang Italyano ng Ischia at Procida—sinabi ni Annarita Cuomo na inimbento ang sugo na alla puttanesca noong 1950s ni Sandro Petti, isang may-ari ng Rancio Fellone, isang sikat na restauranteng Ischian at lakwatsahan.[5] Ayon kay Cuomo, dumating ang panandaliang inspirasyon ni Petti noong malapit na ang pagsasara ng restaurante noong isang gabi—nadiskubre ni Petti ang isang grupo ng mga mamimili na nakaupo sa isa sa kanyang mga lamesa. Paubos na ang mga sangkap niya at sa gayon sinabi sa kanila na hindi sapat ang mayroon sa kanya upang gumawa ng pagkain. Nagreklamo sila na gabi na at nagugutom sila. "Facci una puttanata qualsiasi," o "ihagis nang magkasama ang anuman," ang sabi nila.a[›] Si Petti ay may apat na mga kamatis, dalawang olibo at ilang mga caperss—ang mga basikong sangkap para sa sugo, "Kaya ginamit ko ang mga ito upang lutuin ang sarsa para sa spaghetti," sinabi ni Petti kay Cuomo. Mamaya, isinama ni Petti ang putaheng ito sa kanyang talaulaman bilang spaghetti alla puttanesca.

Batayang resipi

baguhin

Tinatawag na sugo alla puttanesca ang sarsa lamang sa Italyano. Maaaring mag-iba ang mga resipi ayon sa kagustuhan; halimbawa, ang Napolitanong bersyon ay inihanda nang walang anchovies, hindi katulad ng sikat na bersyon sa Lazio. Minsan, idinadagdag ang mga pampaanghang. Kadalasan, gayunpaman, medyo maalat ang sugo (mula sa mga capers, mga oliba, at mga anchovy) at medyo mahalimuyak din (mula sa bawang). Ayon sa kaugalian, inihahain ang sarsa na may kasamang spaghetti, pero ipinapares din ito sa penne, bucatini, linguine at vermicelli.

Iginigisa sa langis ng oliba ang mga bawang at mga anchovy (naiwan sa Napolitanong bersyon). Idinadagdag ang mga tinadtad na chili pepper, mga oliba, mga capers, mga dince na kamatis at oregano kasama ang asin at paminta ayon sa kagustuhan. Pagkatapos binabawasan ng tagapagluto ang pinaghalo sa pamamagitan ng pagkukulo at ibinubuhos ito sa spaghetting niluto nang al dente. Ang paghantong ay isang topping ng perehil.[6]

Sa kalinangang tanyag

baguhin

Itinatampok ang putaheng ito sa The Bad Beginning mula sa nobeserye na A Series of Unfortunate Events ni Lemony Snicket bilang ang inihahanda na putahe ng mga batang Baudelaire sa bahay ni Count Olaf. Lutang din ang putaheng ito sa pelikulang batay sa mga nobela, pati na rin sa orihinal na serye ng Netflix. Naging masama ang loob ni Count Olaf na hindi nila inihanda ang sinugbang karneng baka sa halip para sa kanya.[7]

Tingnan din

baguhin

Mga tala

baguhin
^ a: Sa paggamit nito, isang Italyanong pangngalan ang puttanata na may kahulugan na isang bagay na walang kwenta. Galing ito sa Italyanong salita para sa puta, puttana.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Zanini De Vita & Fant 2013, p. 68.
  2. Ang entry sa diksyunaryo ay binanggit sa Jeremy Parzen, 'Ang pinagmulan ng Sugo alla puttanesca?' , Do Bianchi , Enero 13, 2008, isang artikulo na nagtustos ng ilang mga mapagkukunan na ginagamit dito.
  3. ‘Sughi d’Italia: 1000 anni di pasta, 1000 anni di condimenti’ Error in webarchive template: Check |url= value. Empty., Unione Industriali Pastai Italiani
  4. Ilang araw ang pagbubukas ng argento , ed. ni Antonia Monti Tedeschi, ika-6 na edn (Editoriale Domus, 1971), pp. 220-221
  5. Annarita Cuomo (Pebrero 17, 2005). 'Ang mga sugo' ay ang lahat ng mga bagay na nakuha sa pamamagitan ng Ischia, na may kaugnayan sa Sandro Petti ' . Il Golfo . Naka-archive mula sa orihinal noong ika-13 ng Agosto 2014
  6. Recipe on the site for the Accademia Italiana della Cucina Error in webarchive template: Check |url= value. Empty.
  7. Lemony,, Snicket,. The Bad Beginning. Helquist, Brett, (ika-1st (na) edisyon). New York. pp. 41–46. ISBN 0060283122. OCLC 41070636.{{cite book}}: CS1 maint: extra punctuation (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)