"Maligayang pagdating sa aking usapan!"

Maraming maraming salamat po sa mga Wikipedista na malugod akong binati sa paggamit ng Wikipedia!


Mabuhay!

Magandang araw, Antonotaku, at maligayang pagdating sa Wikipedia! Salamat sa iyong mga ambag. Sana ay magustuhan mo at manatili ka sa websayt na ito. Ito ay isang talaan ng mga pahina na sa tingin ko ay makatutulong sa iyo:

Sana ay malibang ka sa pagbabago ng mga artikulo at pagiging isang Wikipedista! Maaari ninyo pong ilagda ang inyong pangalan sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na tidles (~~~~); ito ay automatikong maglalagay ng pangalan at petsa. Kung kailangan mo ng tulong, maaari kang pumunta sa Wikipedia:Konsultasyon, tanungin mo ako sa aking pahinang pang-usapan, o ilagay ang {{saklolo}} sa iyong pahinang pang-usapan at isang Wikipedista ang madaling lalabas upang sagutin ang iyong mga tanong. Huwag rin ninyo pong makalimutang lumagda sa ating guestbook. Muli, mabuhay!

AnakngAraw 12:57, 8 Hulyo 2008 (UTC)Reply

Salamat din sa iyong pagsapi

baguhin

Salamat din sa iyong pagtugon... Wala pong anuman, at muli maligayang pagdating sa Tagalog Wikipedia. Malaking tulong ang magagawa mo kung mahihikayat ang iba pang mga mamamayan na mag-ambag dito sa ating Wikipedia. Madali namang mag-ambag ng mga sulatin, maaari kayong bumatay sa inyong mga nababasang mga aklat, magasin, o pahayagan, at maging mula sa internet lalo na kung may mga lathalaing nasa wikang Tagalog na (bilang sanggunian). Ipagkalat mo sana ang pangalang Tagalog Wikipedia... Kung nakakagawa ang lahat ng takdang-aralin lalo na mula sa mga larangan ng agham, panitikan, araling-panlipunan at iba pa, ay makasusulat din ang lahat dito. Mabuhay ka! Naririto ang pamayanan para tumulong din sa inyo! - AnakngAraw 14:28, 8 Hulyo 2008 (UTC)Reply

Alam Ba Ninyo? (sa unang pahina)

baguhin
  Noong Hulyo 18, 2008, ang Alam Ba Ninyo? ay napunan ng kaalaman mula sa artikulong My Chemical Romance, na iyong kinatha o pinalawig. Magpatuloy ka pa sana sa paglikha ng ganitong uri ng mga lathalain. Salamat sa iyo at mabuhay ka!

--AnakngAraw 15:09, 18 Hulyo 2008 (UTC)Reply