Wikang Tsino

(Idinirekta mula sa Varieties of Chinese)

Ang wikang Tsino o Intsik (汉语/漢語, pinyin: Hànyǔ; 中文, pinyin: Zhōngwén) ay maaaring ituring bilang isang wika o pamilya ng wika at orihinal na katutubong wika ng mga Han sa Tsina. Binubuo nito ang isa sa dalawang sangay ng mga wikang Sino-Tibetano na pamilyang wika.[3]. Isa sa anim ng populasyon ng mundo, o higit sa isang bilyong katao, ang nagsasalita ng ilang anyo ng Tsino bilang kanilang katutubong wika. Kontrobersiyal ang pagkakakilala ng mga iba't ibang uri ng Tsino bilang wika o diyalekto.[4] Bilang isang pamilya ng wikang Tsino na may tinatayang 1.2 bilyong tagapagsalita; may 850 milyon katutubong tagapagsalita ang Mandarin pa lamang, na siyang pinakamaraming mananalita sa buong mundo.

Tsino
汉语/漢語 o 中文
Hànyǔ o Zhōngwén
Ang Hànyǔ (Tsino) na isinulat sa tradisyunal (itaas), pinayak (gitna) mga titik at alternatibong pangalan (ibaba)
Katutubo saRepublikang Bayan ng Tsina, Republika ng Tsina (Taiwan), Singapore
Pangkat-etnikoTsinong Han
Mga natibong tagapagsalita
(1.2 bilyon ang nasipi 1984–2001)[1]
Mga sinaunang anyo
Pamantayang anyo
Mga diyalekto
Pinayak na Tsino
Tradisyunal na Tsino

Mga salinsulat:
Zhuyin
Pinyin (Latin)
Xiao'erjing (Arabe)
Dungan (Siriliko)
Tsinong Braille
Panitikang 'Phags-pa (Makasaysayan)
Opisyal na katayuan
Pinapamahalaan ngPambansang Komisyon sa Wika at Gawang Panunulat (Tsina)[2]
Pambansang Komite ng mga Wika (Taiwan)
Kawanihan ng Serbisyong Sibil (Hong Kong)
Konsehong Ipagtaguyod ang Mandarin (Singapore)
Konseho ng Pagpapa-alinsunod sa Pamantayan ang Wikang Tsino (Malaysia)
Mga kodigong pangwika
ISO 639-1zh
ISO 639-2chi (B)
zho (T)
ISO 639-3zho – inclusive code
mGa indibidwal na kodigo:
cdo – [[Min Dong]]
cjy – [[Jinyu]]
cmn – [[Mandarin]]
cpx – [[Pu Xian]]
czh – [[Huizhou]]
czo – [[Min Zhong]]
gan – [[Gan]]
hak – [[Hakka]]
hsn – [[Xiang]]
mnp – [[Min Bei]]
nan – [[Min Nan]]
wuu – [[Wu]]
yue – [[Yue]]
och – [[Tsinong Luma]]
ltc – [[Huling Gitnang Tsino]]
lzh – [[Tsinong Klasiko]]
Glottologsini1245
Linguasphere79-AAA
Mapa ng Sinoponong mundo

Legend:

  Mga bansang nangingilala ng Tsino bilang isang pangunahing, administratibong, o katutubong wika
  Mga bansa na may higit 5,000,000 Tsinong mananalita
  Mga bansa na may higit 1,000,000 Tsinong mananalita
  Mga bansa na may higit 500,000 Tsinong mananalita
  Mga bansa na may higit 100,000 Tsinong mananalita
  Pangunahing Tsinong-nananalita na mga paninirahan
Naglalaman ang artikulong ito ng mga simbolong ponetiko ng IPA Posible po kayong makakita ng mga tandang pananong, kahon, o iba pang mga simbolo imbes ng mga karakter ng Unicode dahil sa kakulangan ng suporta sa pag-render sa mga ito. Para sa isang panimulang gabay sa mga simbolong IPA, tingnan ang en:Help:IPA.
Mga wikang Tsino (sinalita)
Tradisyunal na Tsino漢語
Pinapayak na Tsino汉语
Kahulugang literalWikang Han
Wikang Tsino (isinulat)
Tsino中文
Kahulugang literalGitna/Sentral/Tsinong teksto
Naglalaman ang artikulong ito ng mga tekstong Tsino.
Kapag walang tamang suportang pampanitik, maari kang makakita ng mga tandang pananong, mga kahon, o ibang sagisag sa halip na mga karakter na Intsik.

Kasaysayan

baguhin

Lumitaw ang mga unang rekord na nakasulat noong mahigit 3,000 taon na ang nakalilipas habang Dinastiyang Shang.

Lumang at Gitnang Tsino

baguhin

Ang mga pinakaunang halimbawa ng Tsino (Lumang Tsino) ay mga inskripsiyong pampanghuhula sa mga butong orakulo mula sa paligid ng 1250 BK sa hulang dinastiyang Shang. Ang kasunod na yugtong nagpatunay ay nagmula sa mga inskripsiyon sa artipakto ng bronse mula sa panahong Kanluraning Dinastiyang Zhou (1046–771 BK), Klasiko ng Panulaan, at mga kabahagi ng Aklat ng mga Dokumento at I Ching. Nagtangka ang mga iskolar muling magtayo ang ponolohiya ng Lumang Tsino sa pamamagitan ng mga hambingan ng mga mamamayang diyalekto ng Tsino sa mga tugma ng Klasiko ng Panulaan at mga elementong ponetiko na hinahanap sa karamihan ng mga panitik ng wikang Tsino.

Ang Gitnang Tsino ang wika na ginamit habang Katimugan at Hilagaing mga Dinastiya at mga dinastiyang Sui, Tang, at Song (ika-6–10 na mga siglo AD). Maaaring hatiin sa isang maagang panahon, na ipinakita sa Qieyun (601 AD), at isang huling panahon sa ika-10 na siglo, na ipinakita sa Yunjing, na ginawa ng mga sinaunang Tsinong pilologo bilang isang giya sa sistemang Qieyun. Ipinaliwanag ng mga aklat ang mga ponolohikal na kategorya, pero ibinagay kaunti hiwatig tungkol sa mga tunog na kinatawan (sa madaling salita, ang ganyang mga obra ay inilaan bilang mga aklat na sanggunian para mga nakaalam na wikang Tsino). Tinukoy ng mga lingguwista ang itong mga tunog sa pamamagitan ng mga hambingan sa mga pagbigkas na modernong mga diyalekto ng Tsino, mga Sino-Henikong bokabularyo sa Hapones, Koreano, at Biyetnames (ang huling tatlo ay kinakataguriang mga wikang Sino-Heniko), at saka ebidensiya mula sa mga transkripsiyon. Napakasalimuot ang bunga, na may mararaming katinig at patinig, pero hindi malamang itinatangi ang lahat ng mga ito sa anumang partikular na diyalekto. Naniniwala ang karamihang mga lingguwista na kinakatawan ang isang diyasistema na sumaklaw ng mga uliran ng ika-6 na siglo (ng mga diyalekto ng parehong Hilaga at Timog) para basahan ang mga klasiko.

Mga pormang klasiko at pampanitikan

baguhin

Masalimuot ang kaugnayan sa patigan ng sinasalita at nakasulat na Tsino ("diglosiya"). Ang mga sinasalitang diyalekto ay nag-evolve bilang magkaibang mga antas, yamang mas lalong hindi nagbago ang nakasulat na Tsino. Nagsimula ang panitikan ng Klasikong Tsino noong Panahon ng Tagsibol at Taglagas.

Akyat ng mga hilagang diyalekto

baguhin

Pagkatapos ng pagbagsak ng dinastiyang Hilagang Song at kasunod na paghahari ng mga dinastiyang Jin (Jurchen) at Yuan (Mongol), sa hilagang Tsina, tumubo ang isang karaniwang pagsasalita (na ngayong tinatawag na Lumang Mandarin) batay sa mga diyalekto ng Kapatagan ng Hilagang Tsina na malalapit sa kabisera. Ang Zhongyuan Yinyun (1324) ay talahuluganan na itinala ang mga kombensyong tugma ng bagong pormang sanqu sa itong wika. Kasama na medyo mas huling Menggu Ziyun, inilalarawan ng itong talahuluganan ang isang wika na may mararaming katangian na nakakahanap sa mga modernong diyalekto ng Mandarin.

Hanggang sa maagang ika-20 na siglo, ang karamihan ng mga Tsino ay lang nagsalita ng nilang lokal na bernakular. Kaya, bilang isang praktikal na hakbang, ginanap ng mga opisyal ng mga dinastiyang Ming at Qing ang pangasiwaan ng Imperyong Tsina sa pamamagitan ng isang karaniwang wika na batay sa mga diyalekto ng Mandarin, na kilala bilang Guānhuà (官话/官話, lit. na 'ang wika ng mga opisyal'). Noong karamihan ng itong panahon, ang itong wika ay isang koine, na batay sa mga diyalekto na sinalita sa pook ng Nanjing, ngunit hindi magkamukha sa anumang partikular na diyalekto. Noong gitnang ika-19 na siglo, ang diyalekto Beijing ay naging pangunahin at kailangan para sa anumang gawain sa korteng imperyal.

Noong dekada 1930, inampong ang Guóyǔ (国语/國語, lit. na 'pambansang wika').

Impluwensiya

baguhin

Makasaysayan na, kumalat ang wikang Tsino sa kaniyang mga kapitbahay sa pamamagitan ng iba't ibang paraan. Isinama ang hilagang Biyetnam sa imperyong Han noong 111 BK, na minarkahan ang simula ng Biyetnam sa ilalim ng paghaharing Tsino (Biyetnames: Bắc thuộc o 北屬, lit. na 'pagsapi sa Hilaga') na tumagal ng halos isang libong taon. Kumalat ang Budismong Tsino sa Silangang Asya sa pagitan ng mga ika-2 at ika-5 na mga siglo AD, at kasama nito, ang pag-aaral ng mga kasulatang panrelihiyon at ibang panitikan sa Klasikong Tsino. Mamaya, tumobo ang Korea, Hapon, at Biyetnam ng malalakas na gitnang gobyerno na batay sa mga institusyong Tsino, na may Klasikong Tsino bilang wika ng pangasiwaan at pag-aaral. Pinanatili ng wika ang itong kalagayan hanggang sa huling ika-19 na siglo sa Korea at (sa mas mababang lawak) Hapon, at maagang ika-20 na siglo sa Biyetnam. Kaya naiparating ng mga iskolar, ngunit lang sa pagsulat, sa pamamagitan ng Klasikong Tsino.

Ang bawa't isang bansa ay gumamit ng Tsino lang para sa nakasulat na komunikasyon, pero sabay-sabay nagkaroon ng sariling tradisyon ng pagbabasa ng mga teksto nang makalas. Ang itong mga tradisyon ay tinatawag na mga Sino-Henikong pagbigkas. Ang mga Tsinong salita na may itong mga pagbigkas ay malawak na inangkat sa mga wikang Koreano, Hapones, at Biyetnames, at ngayong bumubuo ng karamihan ng mga leksiko. Ang itong napakalaking dagsa ay nagdulot ng mga pagbabago sa ponolohiya ng itong mga wika: ang kaunlaran ng istrukturang moraiko sa Hapones, at pagkagambala ng pagkakasundo ng mga patinig sa Koreano.

Sa lahat ng itong mga wika, ang mga morpemang Tsinong hiram ay malawak na ginamit para sa likha ng mga salitang kompuwesto para sa mga bagong konsepto, katulad ng paggamit ng Griyego at Latin sa mga wikang Europeo. Nilikha ang mararaming bagong kompuwesto, o mga bagong kahulugan para sa mga lumang prase, noong huling ika-19 at maagang ika-20 na siglo para pangalanan ang mga Kanluraning konsepto at artipakto. Pagkatapos ang itong mga konsepto ay malayang hiniram sa pagitan ng mga wika. Mga ito ay tinanggap nga sa Tsino, isang wika na madalas na nakakatiis ang mga hiram na salita, kasi ang dayuhang pinagmulan ay nakatago sa pamamagitan ng kanilang pormang nakasulat. Madalas na kumalat mga magkaibang kompuwesto para sa mismong konsepto para sa ilang oras bago lumabas ang isang nagwagi, at minsan na nagkaiba ang pinal na pagpili sa pagitan ng mga bansa. Kaya ang proporsiyon ng bokabularyo na hango sa mga salitang Tsino ay madalas na mas malaki pagdating sa wikang teknikal, abstrakto, o pormal. Halimbawa, sa Hapon, ang bokabularyo Sino-Hapones (Hapones: 漢語, romanisadokango) ay bumubuo ng mga 35% ng mga salita sa mga magasin ng paglilibang, ng karamihan ng mga salita sa mga pahayagan, at ng 60% ng mga salita sa mga magasin ng agham.

Biyetnam, Korea, at Hapon bawa't isa ay bumuo ng mga sistema ng pagsulat para sa sariling mga wika, noong una batay sa mga panitik ng wikang Tsino. Gayunman, pinalitan ng hangul para sa Koreano at mga kana para sa Hapones, yamang patuloy na sinulat ang Biyetnames sa pamamagitan ng masalimuot na iskrip na Chữ Nôm. Ang mga ito ay lang nahanap sa popular na panitikan hanggang sa huling ika-19 na siglo. Ngayong sinusulat ang Hapones sa pamamagitan ng isang halo ng kanji at kana, at ang Koreano sa pamamagitan ng hangul sa dalawang Korea. (Ang hanja ay ngayong bihira sa Timog Korea, pero sapilitan pa ang kanilang kaalaman sa Hilagang Korea.) Dahil sa kolonisasyong Pranses, ngayong sinusulat ang Biyetnames sa pamamagitan ng isang iskrip batay sa Latin.

Ang mga halimbawa ng mga salitang hiniram mula sa Tsino (lalo na Hokkien) ay sumasaklaw ng tsaa, mula sa Hokkieng 茶, dim sum, mula sa Kantones na dim2 sam1 (點心), at kumquat, mula sa Kantones na gam1 gwat1 (金橘).

Mga sanggunian

baguhin
  1. Lewis, Simons & Fennig (2015).
  2. china-language.gov.cn Naka-arkibo 2015-12-18 sa Wayback Machine. (sa Tsino)
  3. *David Crystal, The Cambridge Encyclopedia of Language (Cambridge: Cambridge University Press, 1987) , p. 312. “The mutual unintelligibility of the varieties is the main ground for referring to them as separate languages.”
    • Charles N. Li, Sandra A. Thompson. Mandarin Chinese: A Functional Reference Grammar (1989), p 2. “The Chinese language family is genetically classified as an independent branch of the Sino-Tibetan language family.”
    • Jerry Norman. Chinese (1988), p.1. “The modern Chinese dialects are really more like a family of language.
  4. Mair, Victor H. (1991). "What Is a Chinese "Dialect/Topolect"? Reflections on Some Key Sino-English Linguistic Terms" (PDF). Sino-Platonic Papers.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin
 
Wikipedia
Edisyon ng Wikipedia sa Wikang Tsino