Wikipedia:Kapihan/Sinupan 15

Archive Isang arkibo ang pahinang ito. Paki-usap, huwag baguhin ang nilalaman nito.. Ilagay ang mga bagong komento sa kasalukuyang pahina ng usapan.

Things to be requested

baguhin

This post is in English, and must be in English since this will contain the community's discussion on the proposed changes and additions to the MediaWiki software we use here in the Tagalog Wikipedia. MediaWiki developers don't speak Tagalog. -- Felipe Aira 12:41, 24 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

Everyone is invited to share their opinions on these matters.

Namespace

baguhin

Formal request

baguhin

We, the Tagalog Wikipedia community, request that the namespaces be changed into their Tagalog translations. Translations are as follows:

  1. Talk : Usapan
  2. User : Tagagamit
  3. User talk : Usapang tagagamit
  4. Image : Larawan
  5. Image talk : Usapang larawan
  6. MediaWiki talk : Usapang MediaWiki
  7. Template : Suleras
  8. Template talk : Usapang suleras
  9. Help : Tulong
  10. Help talk : Usapang tulong
  11. Category : Kategorya
  12. Category talk : Usapang kategorya
  13. Wikipedia talk : Usapang Wikipedia
  14. Special: Natatangi

Past discussions about these matters can be found at Archive 6 (October — December 2007) and Archive 9 (January 24 — February 26 2008). These translations have already achieved consensus. We only request that they be enacted. -- Felipe Aira 12:41, 24 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

Community Discussion

baguhin

I'll request this right ahead at bugzilla: after a week from now if nobody opposes the above translations. And also indicate if you agree. -- Felipe Aira 12:41, 24 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

I agree in all translations except for "user". Just like I said on my previous comments, it should be tagagamit and not manggagamit. I don't want to be called as manggagamit. ;) --Jojit (usapan) 14:34, 24 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
I am also in agreement with regards to the translations listed above. However, I also do prefer to use the word tagagamit instead of its "connotative" version which is manggagamit. - AnakngAraw 18:45, 24 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
I agree in all translation except for usapang tulong. If you read it in English and Tagalog it makes no sense at all. Estudyante (Pahina ng Usapan) 09:17, 25 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
What do you suggest then? PS People, you might also want to see the last section, I have additional suggestions. -- Felipe Aira 11:55, 25 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
These translations are consistent with the translations I encoded into BetaWiki a few months ago. However, if someone can confirm the use of the word "template", that would be good. I'm still wondering whether or not plantilya is more suitable than suleras for said translation in order to be less ambiguous (the word suleras also means "beam", but the word plantilya also means "payroll"). --Sky Harbor (usapan) 09:20, 27 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
True but I believe that suleras should be still favoured for two reasons:
  1. plantilya is very much Spanish, while suleras, although also from Spanish, still sound native-derived and thus easier to pronounce. Consonant clusters don't naturally exist in Tagalog.
  2. It is already well known by the active Wikipedians (you, I , they), and is the de facto translation that is being applied.
Change will also create confusion. And even if suleras is ambiguous that is not even a factor, as if the everyday Tagalophone knows what suleras means. PS Please see the last section. -- Felipe Aira 09:28, 27 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
According to this online English-Tagalog dictionary, "suleras" is indeed "template". --Jojit (usapan) 05:49, 29 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
(Answer to Felipe Aira) This might be long but usapang tulong (which I didn't accept earlier) can be rephrased as usapang sa pag-tulong. Estudyante (Pahina ng Usapan) 10:47, 29 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
That would translate to "discussion on help". Usapang tulong would literally mean "help talk". Let's try to be consistent. Most Wikipedias with translated namespaces also have a more-or-less literal help talk translation (like ayuda discusión for the Spanish Wikipedia and pembicaraan bantuan for the Indonesian Wikipedia). --Sky Harbor (usapan) 11:26, 29 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
As you may notice, Felipe Aira modified interface terms in a simpler and shorter way, which I think is good. So, to be consistent with the current practice, I prefer usapang tulong than usapan sa pag-tulong. --Jojit (usapan) 05:48, 30 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
We still have no translation for the special namespace. Per the previous discussions, the portal namespace is translated as Puntahan and Usapang puntahan. WikiFilipino uses lagusan. BTW, on a side note, WikiFilipino uses padron for "template". --Sky Harbor (usapan) 11:14, 30 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
Portal: and Portal talk are optional, and since we don't have those namespace yet we cannot translate them; we cannot change someting that we don't have. You (Wikipedia community) can request it if you wan't to along with this request. Although I myself don't really view it as any important, actually I view it as practically useless. So if any of you proposes, I won't really be in support.
Padron? -- Felipe Aira 12:32, 30 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
Keep in mind that when WikiFilipino was born, the interface was not fully translated into Tagalog, including the namespaces. I translated them in BetaWiki, but they were not incorporated into the build. So, the WikiFilipino contributors decided to translate their MediaWiki package to the point where the similarities between their translation and ours is largely cosmetic (the basis of translation for both projects are so different that a user transferring from one project to the other and vice-versa will have a hard time adjusting). Many fundamental parts of the interface (and even wiki terms) have different translations between WikiFilipino and Wikipedia. Compare, for example: usbong and katiting (stub), tingnan ang pinagmulan and tingnan ang batis (view source), suleras and padron (template) and even tagagamit and tao (user) and talaksan and papeles (file). If we both use Filipino as a basis for our projects, we should have uniform interface translations as I have said before. BTW, per the list on BetaWiki, I changed "user" and "user talk" to the ones we now use here, and the special namespace would be translated as Natatangi. --Sky Harbor (usapan) 13:31, 30 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
Added natatangi; forgot it. I don't really view those differences as a disadvantage, on the contrary I even view them as very good. Those differences in translations will distance us from WikiFilipino thus avoiding confusion. Just as how the Chinese Wikipedia is translates wiki as 维基 (transcription: wei ji; literally: safeguard-base/foundation) while all other Chinese wikis use 維客 (transcription: wei ke; literally: safeguard-guest) or 圍紀 (transcription: wei ji; literally: encircle-record/historical account) thus leading to the current situation that when 维基 (wei ji) is used, it only refers to the Chinese Wikimedia wikis. If we use different and correct translations, which is ours, it will lead to that when someone mentions tagagamit, talaksan or suleras people will only identify that as "Wikimedia". Those differences will lead to our own self-identity, which is good, so as, again, we'll not be confused with WikiFilipino. PS you forgot artsibo their translation for "archive". -- Felipe Aira 00:24, 31 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
I rechecked the dictionary...it's actually our translation that may be incorrect. We ended up borrowing arkibo from Portuguese (arquivo) than Spanish (archivo), or rather, we incorrectly borrowed archivo in terms of pronunciation. According to the Spanish Wiktionary, archivo is pronounced /aɾ.ˈtʃi.βo/, and artsibo is affirmed in the Sagalongos dictionary. Then again, we can use sinupan.
Just to add, the authoritative basis of WikiFilipino is the UP Diksyonaryong Filipino for vocabulary and the guidelines of the Gabay sa Editing of the UP-Sentro ng Wikang Filipino for editing (see this). We, on the other hand, use 7-8 dictionaries, with the UP, New Vicassan's, Sagalongos, Father English, De Dios, Panganiban (both Jose Villa and Consuelo) and Calderon dictionaries all equally valid, and if others come out, we accept them as well. Likewise, we have no strong basis for editing, instead relying on accepted Wikipedia practice. The issue of 维基 versus 維客 or 圍紀 is only the issue of the name "wiki", and wiki interfaces for Chinese (at least the ones that use MediaWiki) are bound to be uniform as the Chinese interface is well-maintained, something that Tagalog lacks, with only Bikol having a complete interface translation. --Sky Harbor (usapan) 01:19, 31 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
That's why we have a community to decide which dictionary offers the best translation. I agree that we should use sinupan. PS Off topic. -- Felipe Aira 10:21, 31 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
We can use supnayan for "archive" just like it was done here. --Jojit (usapan) 01:49, 3 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

So this is now final, I'm going to request it now. -- Felipe Aira 10:24, 31 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

When you request, please make it valid also for the Tagalog Wiktionary and Wikibooks. --Sky Harbor (usapan) 15:43, 31 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
Requested it at https://bugzilla.wikimedia.org/show_bug.cgi?id=15438. Sorry didn't include Wikibooks and Wiktionary. -- Felipe Aira 11:00, 2 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Since it is taking a while, a long while, I suggest that you vote for this bug at https://bugzilla.wikimedia.org/votes.cgi?action=show_user&bug_id=15438#vote_15438. Voting would help speed up the process since more people wants it then they'll prioritise it, hopefully. -- Felipe Aira 11:28, 8 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

When you have come to an agreement on how to use particular words for namespaces or other things, it makes sense to inform the admins at BetaWiki; they are able to make sure that it will find its place in MediaWiki and, that it will be implemented everywhere in the WMF wikis. Thanks, GerardM 10:49, 11 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Requested it at http://translatewiki.net/wiki/Translating:Tasks#Commit_requests. -- Felipe Aira 11:22, 11 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Hinggil sa Supnayan, Sinupan at Arkibo:

  • Sa kasalukuyang gamit natin sa Tagalog Wikipedia, tila ang supnayan ay pook o pahina pansamantalang imbakan ng mga "nagamit" nang mga artikulo. Pero wala pang katumbas talaga ng arkibo na siyang pangmatagalang taguan na maaaring buklatin at sangguniing muli kung kinakailangan. Kung gayon, kung gagamitin ang supnayan bilang huli -- pangmatagalang imbakan -- dapat na magtakda ng pangalang ipapalit sa kasalukuyang mga pansamantalang supnayan. - AnakngAraw 19:21, 9 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
    • Halimbawa na ang mga nakasupnay na mga artikulong pang-Alam Ba Ninyo?, hindi ba't ililipat pa ang mga iyon sa isang pangmatagalang arkibo. Supnayan din ba ang itatawag sa arkibong ito? - AnakngAraw 19:22, 9 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Maghihintay pa tayo nang ilang linggo bago magsapanahon ang mga tagapaglingkod (server) ng Wikimedia. Sa wakas makikita nanatin ang mga Tagalog na salin! Paano kaya kung gawin nating "kaurian" ang "kategorya"? Sinusuportahan ito ng Padre English. -- Felipe Aira 10:28, 18 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Sang-ayon. - Gawing kaurian ang kategorya. - AnakngAraw 15:54, 19 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Sumasang-ayon ba ang lahat? Hihilingin ko ito sa bugzilla: bukas kung walang tutol. -- Felipe Aira 04:51, 20 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Mabisa na po ang mga salin sa MediaWiki! Habang isinusulat ko ito ngayon, nagagaganap na ang palilipat ng mga kawing. Sa wakas!

Ngayong mabisa na ang mga pagsasalin, alalahaning simula ngayon kailangan, kung magkakawing sa mga suleras at usapang pahina, hindi na ang Ingles ang gamitin kundi ang Tagalog na dahil pinapabagal nito ang mga tagalingkod ng Wikimedia, at pati ang pagload ng pahina sa inyong pambasa-basahin (browser). Gagamitin ko rin ang bot ko upang isatagalog lahat ng mga kawing. -- Felipe Aira 05:24, 20 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Sa pagkakawing ng mga kategorya, gamitin pa rin ang Ingles na katumbas dahil mapapalitan ang Tagalog na salin sa darating na mga linggo, at maaaring hindi gumana ang mga malulumang Tagalog na salin kapag napatupad na ang bagong salin. -- Felipe Aira 05:42, 21 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Other requests

baguhin

Contributions tab

baguhin

People, I believe that this would be a great addition to the MediaWiki interface we use here. How about if we'll have a new tab at the rightmost portion of each page under the namespace "User:" and "User talk:" named "contributions". This new tab (tabs are the "history", "watch" etc at the top of each page) will link to the Tagalog-edition of Luxo's contribution counter (http://toolserver.org/~luxo/contributions/contributions.php?lang=tl). This is comparable to the "en" tab at Commons' images.

Example:

If I were at User:AnakngAraw's page, and I would like to know how many contributions had she given to the building of this encyclopedia. I would simply click the "contributions" tab at the rightmost-corner of her page and it would link to http://toolserver.org/~luxo/contributions/contributions.php?user=AnakngAraw&lang=tl. If I would want to know User:Bluemask's number of contribution, I'll do just the same thing, and it would direct me to http://toolserver.org/~luxo/contributions/contributions.php?user=Bluemask&lang=tl.

This would be very useful. Any opinions about this Wikipedians? Do you agree about this? PS Of course the tab will be translated to Tagalog later on after the feature has been added. It's just that we'll have to do with English first as explained above. -- Felipe Aira 13:03, 24 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

Probably include this as a Gadget instead. --Jojit (usapan) 05:53, 29 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
Just added it. See your preferences -> gadgets. My gadget is there named talaambagan. Partly based on en:Wikipedia:WikiProject_User_scripts/Scripts/User_Contribs_Tabs. Fully operational. It is actually activated on mine. I still advocate that it be part of the software so that everyone will have it by default though. Also I advise you all to activate it on yours. It's quite useful. It does just the things which I said above. Hey is there any way to know how many persons are using it? -- Felipe Aira 13:24, 29 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

Tell us about the Tagalog Wikipedia...

baguhin

Maaari niyo nang sagutin ang questionnaire tungkol sa Tagalog Wikipedia. Naglagay na ako ng mga sagot, pero maaari rin kayong magbigay ng sarili niyong sagot sa mga tanong. Makikita ito dito. Kung may kinalaman rin kayo sa mga Wikipedia ng ibang mga wika sa Pilipinas, maaari na rin kayong sumagot doon. --Sky Harbor (usapan) 04:08, 31 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

Naglagay na ako ng ilang mga kasagutan para sa ilang mga katanungan doon. Pero, marahil nararapat lamang na lagyan dito - sa ibaba - ng paliwanag hinggil sa kahalagan at kaugnayan ng seksyong ito sa ating Tagalog Wikipedia. Katulad ng paano ba ito makakatulong sa ating ensiklopedya at mga proyekto. Salamat. - AnakngAraw 05:58, 2 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Nakakainggit ang ibang bansa dahil sila ay may mahigpit na tagapangasiwa ng kanilang mga wika, kaya ang mga wika nila (baybay, balarila, atbp) ay mayroong consistency at nare-regulate nila. Tayo rin, meron din tayong tagapangasiwa, ngunit sa kasawiang palad parang wala pa tayong kakayahan na ipatupad ang mga bagong pamantayan. (Ito daw, sabi nila, ay isa sa mga resulta ng pangungurakot sa gobyerno (?)). Noong nag-aaral pa ako sa UST, ang ginagamit naming baybay sa aming subject na Filipino ay iba sa pinag-aralan namin sa elementarya at hayskul. Halimbawa, ang barayti ay naging varayti. Iyun daw ang bagong pamuntunan (rules) patungkol sa ating wika. Ano ang dapat gamitin sa Tagalog Wikipedia, yung bagong pamuntunan o yung pangkaraniwang ginagamit natin sa pang-araw-araw na pamumuhay?
Siyangapala, baguhan lang ako dito sa Tagalog Wikipedia. Meron din akong account sa English Wikipedia. Chitetskoy
Iminumungkahi kong gamitin mo ang alam mong pangkaraniwang ginagamit natin sa pang-araw-araw na pamumuhay? Mas alam at bihasa ka rito. Sa pangkalahatan, gagamitin ang bagong panuntunan kung walang katumbas na salita sa Tagalog. Mas mainam na magkaroon ka ng sangguniang diksyunaryo habang nagsusulat para sa ating Wikipedia. Mabuhay muli at maligayang pagdating. - AnakngAraw 14:51, 10 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Siyangapala, mas ginagamit pa rin natin dito ang mga titik na mas katutubo sa halip na mukhang pandayuhan. Halimbawa: B imbis na V, K imbis na C, P imbis na F, at iba pa. Maliban na lamang sa mga pangalan, ilang pook o katulad. - AnakngAraw 14:54, 10 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Makakatulong din sa iyon ang mga sumusunod:
- AnakngAraw 15:03, 10 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

WP:SALIN?

baguhin

Maari po ba tayong gumawa ng pahina na maaring tumulong sa pagsalin mula sa Ingles na Wikipedya? Mahirap po kasi mag-salin lalo na pag pang-agham na mga artikulo ang ginagawa mo. Mabuti rin kung may kawing papunta sa Tagalog na Wiksyonaryo. Salamat po.--Lenticel (usapan) 23:58, 9 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Maaari lamang po iyong gawin kapag mayroon na tayong mabisang patakaran ukol diyan. Nasa katuktukang seksyon ang usapin. -- Felipe Aira 10:36, 10 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Gawan natin ng balangkas. Nasa ibaba ang simula. - AnakngAraw 03:35, 13 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Paggamit ng ibang wika, maaari ba?

baguhin

May gusto lang akong maitanong sa inyong mga nandirito sa Wikpediang Tagalog. Alam natin na ang Tagalog ay may kakulangan sa mga salita. Halimbawa, wala itong mga salin para sa mga salitang tulad ng gravity, compute, multiply, atbp. Maaari bang manghiram mula sa ibang mga wika sa Pilipinas na may malapit na salin para sa mga salita na ito? Ang mga salitang Filipino ba na hindi Tagalog, dapwa't Ilokano, Cebuano, atbp ay maaaring gamitin? Salamat sa sinumang may maisasagot. --Lakastibay 05:52, 21 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Opo sa totoo nga lang po ay iyon dapat ang nauuna. Sa compute ay hindi na po kailangan, mayroon po ang Tagalog na "tuos". Ano po ang multiply sa ibang mga wikang Pilipino? -- Felipe Aira 06:19, 21 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Pagpaparami, paramihin, paramihin ng ilang ulit (mas angkop itong may matatapang na titik), maaari ring suplingan (ng ilang ulit), mula sa diwang Go and multiply o Humayo at magpakarami kayo. Naiiba naman yan sa addition na dagdag/pagdaragdag; subtraction na pagbabawas/pagbawas; division na paghahati. - AnakngAraw 07:51, 21 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Dagsin ang gamitin para sa gravity o mga katumbas na nasa artikulo na, sapagkat nariyan na. - AnakngAraw 07:51, 21 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Basahin din po ang WP:Salin. - AnakngAraw 07:53, 21 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Balangkas

baguhin

Kapupuntahang pahina: Wikipedia:Pagsasalinwika / Wikipedia:Salin / Wikipedia:Pagsasalin / WP:Salin / WP:Pagsasalin:

Ito ang gabay sa pagsasalin ng mga lathalian o artikulong mula sa Ingles, Kastila, at iba pang dayuhang wika ng Wikipedia.

  • Gamitin ang katumbas na salita, katawagan, o pangalan sa wikang Tagalog para sa pamagat ng pahina at pangalan ng artikulo (partikular na sa pambungad). Piliting huwag manghiram kung may katumbas sa Tagalog. Tahasang gamitin ang alam mo o sa tingin mong tawag nito sa Tagalog.
  • Manghiram lamang kung wala talagang mahanap na katumbas sa Tagalog o kung hindi alam ang katumbas sa Tagalog. May ibang mga Wikipedistang susuri sa ginamit na mga salita at pananalita, at tutulong sa pagsasalin at pagsasa-Tagalog ng mga ito. Ngunit mas makakatulong kung magagawa mo na ito.
  • Gumamit ng diksyunaryong nasa Tagalog, Pilipino, at Filipino.
  • Kung walang mahanap na katumbas sa Tagalog, maaaring hanapan ng katumbas sa ibang wikang Pilipino (Bikolano, Cebuano, Ilokano, Kapampangan, Pangasinense, Waray-Waray, Zamboangueño, at iba pa). Tagalugin ang nasa ibang wikang Pilipino kung magagawa.
  • Hinggil sa pagsasa-Tagalog, gamitin ang ortograpiya sang-ayon sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa ng Komisyon sa Wikang Filipino. Tagalugin pa ito kung maisasatagalog pa.
  • Ibigay ang sanggunian ng katumbas na salitang nasa Tagalog na. Maaaring banggiting sanggunian ang mga talahuluganan, ensiklopedya, websayt, o anumang babasahing gumamit ng salita (kabilang ang mga nobela, Bibliya, maikling kuwento, sanaysay, at iba pa) at iba pang katulad na mga lathalain, elektroniko man o hindi.
  • Maaaring humingi ng tulong at mungkahi sa Wikipedia:Kapihan at Wikipedia:Konsultasyon. Maaari ka ring magtala ng mga tanong at kumento sa pahina ng usapan ng artikulo o lathalain.
  • Maaari ring basahin ang Wikipedia:Tulong, Wikipedia:Kodigo ng Kaalaman, Wikipedia:Mga kumbensyon sa pagsusulat ng mga artikulo, Wikipedia:Paano magsimula ng pahina, Wikipedia:Pagpapangalan, at Wikipedia:Paano baguhin ang isang pahina.
  • Para sa mga pangalan ng bansa at mga kabansaan, tingnan ang talaan ng mga bansa at talaan ng mga kabansaan.
  • Sa teksto, ibigay ang lahad ng katumbas pang mga salita at katawagang nasa Tagalog sa pambungad o katawan ng teksto. Maaari ring gumawa ng seksyon para sa mga kasingkahulugan o sinonimo.
  • Huwag kalimutang lagyan ng interwiki, partikular na ang pinagmulang dayuhang bersyon ng artikulo para mas madaling masuri at maitama kung may kamalian man.
  • Para sa mga pangalan ng hayop at halaman, gamitin ang pangalang pang-agham kung walang mahanap na katumbas sa Tagalog. Maaaring tumbasan ng pinaniniwalaang katumbas sa Tagalog subalit ilagay din ang pangalang pang-agham.
Tingnan din:
Kawing sa ibang mga Wikipediang Pilipino:
Mga talahugunang magagamit
Nakalimbag na aklat:
Mula sa internet:
Usapan hinggil sa balangkas na nasa itaas
baguhin
Ito (ang nasa itaas) ang balangkas na iminumungkahi ko. Dagdagan at baguhin kung nais o nararapat- AnakngAraw 03:35, 13 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Magaling! -- Felipe Aira 03:38, 13 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Magaling siya mula sa aking pananaw. Komprehensibo ang sakop nito sa patakarang wika dito sa Wikipedia. Pero, kailangan pa rin nating ayusin ang problema hinggil sa pangalan ng mga lugar. Ayon sa Ortograpiya ng 1987 at 2008, kung walang katumbas ang pangalan ng isang lugar, panatilihin ang Ingles nito. O baka hihiram na tayo sa Bikol. --Sky Harbor (usapan) 13:39, 13 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Sinimulan ko na ang pahina sa Wikipedia:Pagsasalinwika, ayon sa inyong mga tugon at pagtanggap. Idaragdag ang nilalaman ng huling komento. - AnakngAraw 16:26, 13 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Para sa mga pangalan ng mga pook o pagsasa-Tagalog nito: natanaw kong mas nakakalamang ang may ibig sa bilang 5 (Kastilang Tinagalog, Tagalog). Kaya: Maaari nating sabihing "hanguin ang katawagan sa Ingles, tingnan at ibigay ang katawagan sa Kastila, tanawin at ibigay din ang anyong nasa Bikolano, pagkaraan ay Tagalugin ito o baybayin ayon sa ortograpiya. Maaaring ilagay sa teksto ito o kaya ay nakaparentesis." - AnakngAraw 16:38, 13 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Mas mainam nga sa palagay ko sa ngayon ang bilang 5 na dinagdagan ng kumentong pang-ortograpiya ni User:Sky Harbor dahil nasa prosesong ito ang pagsasa-Tagalog/pagsasalinwika ng mga katawagang pampook. - AnakngAraw 16:55, 13 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Maganda ngang manghiram tayo sa ating mga kalapit na wika, kagaya ng Bikol at mga wikang Bisaya, ngunit alam naman nating ang Tagalog ang may-pinakamalawak na talasalitaan kaya malabong mayroong katutubong salin ang Bikol sa isang banyagang pook at wala tayo. -- Felipe Aira 04:23, 14 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Ipinaalala sa lahat na ang ating usapan ukol doon ay tungkol lamang sa mga pook, bansa atbp.; hindi ibang mga kategorya katulad ng mga katawagang pang-agham, pangkompyuter atbp. kaya inilipat ko ang pahina sa Wikipedia:Pagsasalinwika (pook). -- Felipe Aira 06:43, 14 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Nalalaman kong ang pinag-uusapan natin ay hinggil sa pagsasalinwika ng mga pook, subalit ang hiling na sinimulan ni User:Lenticel ay ang paglikha ng pangkalahatang gabay sa pagsasalinwika. Kaya iminumungkahi kong ibalik ang pahina mula Wikipedia:Pagsasalinwika (pook) patungong Wikipedia:Pagsasalinwika. Gumawa na lamang ng mga natatanging seksyon para sa mga partikular na paksa kung saan babanggitin ang mga "ispesyal" na patakaran, halimbawa para sa (a) Wikang pangkompyuter, (b) Halaman at hayop, (c) Mga pook, at iba pa. Sa pananaw ko, kelangang "sentralisado" ang pahina para naroon na ang lahat ng gabay. Gagawa lamang ng hiwalay ngunit kaugnay at kakawing na pahina kung kailangan ang mas malawak na pagtalakay hinggil sa patakarang partikular para sa isang paksa. Salamat. - AnakngAraw 14:41, 15 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Ibinalik ko na sa Wikipedia:Pagsasalinwika dahil ginawan ko na ng mga seksyong pampaksang natatangi. Baguhin o magdagdag kung nais o kailangan. At dahil ayon sa mga binanggit ko na sa itaas. - AnakngAraw 15:42, 15 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Pagpapatupad

baguhin

Gagamitin ko ang aking User:AiraBot sa pagpapatupad ng bagong patakaran. Sumusunod ang mga saling nakakatiyak akong may-mag-aalinlangan. Hinihikayat ko kayong itama ang pagsasatagalog kung may-mali man sa mga sumusunod. Ipapatupad ko lang ito kapag pumayag na kayo kaya magbigay puna na. -- Felipe Aira 06:59, 14 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Mga puna
baguhin

Puna: Hindi na siguro natin kinakailangang itagalog ang mga pangalan ng mga lalawigang nasa Kastila. Halimabawa, ang Nueva Ecija, Camarines Sur, etc. --Lakastibay 11:43, 19 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Kumento: Kailangan po dahil hindi Tagalog ang mga iyon. Pero ilalagay din sila sa teksto. - AnakngAraw 05:50, 20 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Maliban na lamang kung may-ipinahayag na opisyal na Tagalog na salin ang lalawigan/bayan kagaya ng Kabite. -- Felipe Aira 06:03, 20 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Pakilagay naman yan sa artikulo tungkol sa Cavite. Partikular na sa teksto at sanggunian o talababa. Salamat. - AnakngAraw 06:13, 20 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Sa totoo lang po hindi ako makapagbibigay ng ganyan, pero ang alam ko po talaga ay ganoon. Tingnan ang selyo ng lalawigan. -- Felipe Aira 06:17, 21 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Nakita ko nga ang selyo bago pa ako magtanong, baka lang meron ka kasi. - AnakngAraw 07:43, 21 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Iba pang mga puna
baguhin

Dapat panatilihin ang Estados Unidos, hindi ang "Nagkakaisang Estado", na maaaring ituring na neolohismo. Dapat rin panatilihin ang mga lalawigan na may direksyon sa Espanyol (hal. Negros Occidental) maliban sa Mindoro, ang mala-Espanyol na pangalan ng mga kalye (tulad ng Abenida Ayala, 'di "Abenidang Ayala"), ang isina-Tagalog na baybay ng mga lalawigang pay pang-uri (tulad ng Nuweba Esiha, na iginamit na sa batas) at ang orihinal na baybay ng mga bansang may diptonggo (tulad ng Australya, 'di Awstralya). Masyadong neolohistiko ang mga itinuring na pangalan. Maglalagay rin ako ng tala ng mga lalawigang isina-Tagalog mamaya para maitunay natin ang mga lalawigang kailangang isalin. --Sky Harbor (usapan) 07:14, 14 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Mukhang ang sinasabi niyo po ay taliwas sa pinagsang-ayunan. Lahat ng bumoto ay sumasang-ayong tagalugin ang lahat ng maaaring maisatagalog, at gawin lamang ang pagbabagumbaybay kapag wala talaga itong katumbas sa Tagalog. Kagaya ng ibinigay at, muli, sinang-ayunang mga halibawang ("Bagong Selanda" at "Abenidang Ayala") kasama sa mungkahi ang ating dapat gawin. Para saan pa ang napagsang-ayunan kung hindi natin isasapatupad ang mga iyon? -- Felipe Aira 09:59, 14 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Kung tutuusin, mukhang misguided na ang lalabas dito kapag itinuloy natin ang paglilipat. Una, ang Abenida Ayala ay may precedent sa panitikan (tandaan: Kalye Anloague sa Noli Me Tangere) at kung isasa-Tagalog natin ang lahat ng mga mala-Espanyol na lugar at pangalan, mali pa rin ang lalabas dito (halimbawa: gagawin mo bang "Kawanihan ng Panloob na Rentas" ang Kawanihan ng Rentas Internas dahil mas Tagalog ito ngunit ang opisyal na salin ay ang ikalawa?). May ilang mga halimbawa na maaaring gumamit ng isina-Tagalog na pangalan, tulad ng New Zealand/Bagong Selanda, pero kung may naitanggap na salin na ito sa Tagalog (tulad ng Nuweba Esiha, na paksa ng tatlong batas na naisulat sa Filipino, at mula sa sudlong nito, ang Nuweba Biskaya), dapat gamitin ang naitibay na. Kailangan nating tandaan na ang Wikipedia ay para sa masa at dapat ginagamit natin ang karaniwan, 'di ang taliwas dito (tandaan rin: marami ang bumoto para sa halo ng ilan sa mga maaaring botohan, hindi ang bilang 5 lamang mismo). --Sky Harbor (usapan) 10:39, 14 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Ah naiitindihan ko. Oo nga dapat nating gamitin ang higit na karaniwan, at ang opisyal naman kung Tagalog. Ngayon paano na ang United Kingdom? At pumapayag ba kayong gamitin ko ang bot upang ipatupad ang bagong patakaran? -- Felipe Aira 11:08, 14 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Payag ako na gumamit ka ng bot sa paglipat. Pero dapat may discretion pa rin tayo kapag lilipat. Kailangan nating tandaan na ang paglipat ay maaaring magdulot ng kalituhan at kaguluhan 'di lamang sa pamayanan kundi rin sa nagbabasa. --Sky Harbor (usapan) 11:25, 14 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Ibigay ang mga bersyong pamilyar (Kastila man, Ingles o Bikol o anupaman) pagkaraan ng Tinagalog na bersyon. Katulad ng nabanggit ko, nakaparentesis o nakapahilig. Sa gayon, maiiwasan at mababawasan ang pagkalito kapag ipinakilala ang tunay na pang-Katagalugang anyo at baybay. Ituro (redirect) patungo sa naka-Tagalog ang lahat ng mga bersyon. Tagalog ang pangunahin dahil nasa Tagalog Wikipedia tayo. - AnakngAraw 17:56, 14 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Gagawin natin para sa lahat ang pagtatama di ba? E, di kasama riyan ang mga Kategorya at katulad. Lahat dapat patungo sa tamang Pananagalog (pangungusap, parirala, balarila at iba pa). Ang mga naunang bersyon na may kakulangan sa pagbabaybay ay dapat na ilipat talaga sa tama at tunay na Pagtatagalog. - AnakngAraw 17:59, 14 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Kinakalimutan ba natin na ang Filipino ay ang ginagamit dito sa Tagalog Wikipedia? Tandaan rin na dinamiko ang Tagalog at dapat ang karaniwan ang dapat gamitin. Ibig sabihin dito, kung mas karaniwan ang hiniram sa Espanyol kaysa sa umiiral na Tagalog, dapat iyon ang ginagamit. Pero, may ilang mga sitwasyon kung saan hindi kailangan itong obserbahin (tulad ng abogado at manananggol). --Sky Harbor (usapan) 10:47, 15 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Hindi ako sumasang-ayong Filipino ang ginagamit/dapat gamitin natin. At oo nga pala anong magiging salin ng United Kingdom of ... at kategorya = kaurian. -- Felipe Aira 12:06, 15 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Ano ba ang ibig mong sabihin? Hindi ba Filipino ang ginagamit natin dito sa Wikipediang ito? Kung ganun, may credence sa bakit dapat may Filipino Wikipedia, 'di ba? --Sky Harbor (usapan) 11:53, 16 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Naniniwala po akong hiwalay ang Tagalog sa Filipino, at wasto lamang na magkaroon ng Filipino Wikipedia kung mayroon mang pamayamanang susuporta roon; maihahambing sa paghahati ng Belarusong Wikipedya sa be: at be-x-old: (ang una ay ang may-balarilang makaruso; itinatag noong panahong ng mga Sobyet; ikalawa ang "purista"). Oh ano na ngang magiging salin ng United Kingdom? -- Felipe Aira 12:33, 16 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Hindi precedent ang pagkahiwalay ng Wikipediang Belaruso para magkahiwalay ang Tagalog at Filipino. Nagrereklamo na nga ang pamayanan kung paano nga silang maisama muli dahil iisang wika pa rin sila, kahit kung magkaiba ang ortograpiya. Anyway, sa tanong mo, maaari ang Nagkakaisang Kaharian o ang Reino Unido (parang Estados Unidos). --Sky Harbor (usapan) 14:35, 16 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Mga mamamayan

baguhin

Ano ang magiging patakaran natin ukol sa mga mamamayan? Ang American ba ay dapat "Tagaamerika" o "Amerikano"? "Tagahapon" o "Hapones"? "Tagapilipinas" o "Pilipino"? "Tagaalbanya" o "Albanes"? "Tagabritanya" o "Briton"? -- Felipe Aira 06:59, 14 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Mas tama sa palagay ako ang amerikano, hapones atbp. --Mananaliksik 13:11, 14 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Uy, pakitingnan ninyo ang Talaan ng mga kabansaan. Salamat. - AnakngAraw 17:35, 14 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Request bot flag for Albambot

baguhin
  • Operator: ko:User:알밤한대
  • Automatic or Manually Assisted: Automatic
  • Programming Language(s): Pywikipedia framework via SVN
  • Function Summary: Interwiki linking
  • Bot with flag: 50+ wikipedias

Thanks you! --Albambot 13:00, 12 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Pakisilip po iyon. Maraming kailangang burahin. -- Felipe Aira 09:53, 13 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Nasilip. - AnakngAraw 17:41, 14 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Pagsasalin: Wikang pangkompyuter

baguhin

Saan natin ilalagay (saan nakalagay, kung meron na) yung patakaran hinggil sa pagsasalinwika hinggil sa mga terminong pangkompyuter. Alam kong may napagkasunduan dito na pananatilihin ang orihinal na katawagang banyaga (partikular ang nasa Ingles), pero di ko makita (o maalala) kung saan nasulat ang gabay o patakarang ito. Marahil sa usapan pa lang at wala pang opisyal na pahina? kaya hindi ko mahalukay kung nasaan? - AnakngAraw 18:31, 14 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Sa totoo lang po, hindi ako sumasang-ayon sa paggamit ng mga Ingles na katawagan sa mga kompyuter kundi naniniwala rin akong dapat isatagalog ang mga iyon. Kaya upang makagawa na tayo ng isang sang-ayunan ukol dito, heto ang mga karaniwang katawagang kasalukuyang Ingles ang ginagamit. Sumusunod ang aking mga mungkahing salin. Hinihikayat ko kayong tumulong sa pakikisalin upang makapagsatagalog tayo nang pinakamabuti.
  • operating system = kaparaanang pampamamalakad
  • blue screen of death = bughaw na tabing ng kamatayan
  • random access memory = walang-piling daang pang-alaala
  • read-only memory = alaalang mababasa lamang
  • graphical user interface = pakikihalubilong makikitang pantagagamit (di-tahasang pagsasalin)
  • operating environment = kapaligirang pampamamalakad
  • computer = panuos
  • server = manlilingkod/tagapaglingkod
  • encryption = pagsasalihim (crypt = "lihim"/"tago")
-- Felipe Aira 12:18, 15 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Sang-ayon ako sa Pagtatagalog ng mga salita at pananalitang pangwikang pangkompyuter, pero para hindi makalito sa mga bihasa o hindi pa dalubhasa sa mga kompyuter, kailangang ilahad rin sa teksto ang mga orihinal na katawagang Ingles kasama ang mga Tinagalog na termino. Kasi nga, wala talagang software o mga aklat na nakasulat sa Tagalog hinggil sa paggamit o pag-aaral ng kompyuter (sa tingin ko ha). Pero, sang-ayon talaga ako sa Pagtatagalog ng mga ito para mas maunawaan ng mga mambabasa kung ano ang ibig sabihin ng mga banyagang salita. - AnakngAraw 14:27, 15 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Opo naman. Alam niyo naman ang sistema natin dito sa mga ganyan, pagkakarga at paglalagay sa loob ng mga panaklong. Paano nga pala ang software at hardware na malayung-malayo na sa totoong kahulugan nito? Sopwer at hardwer na lang. At oo nga pala ang "hardwer" ay kinukumpirma ng Padre English. -- Felipe Aira 11:01, 16 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
May iilang mali at/o malabo na naibigay sa itaas, at ikinorekta ko ito sa ibaba:
  • operating system: sistemang pamamalakad
  • computer: kompyuter (malamang; neolohismo ang panuos)
  • server: serbidor
Kapag may natitira pa, idadagdag ko ito sa tala. --Sky Harbor (usapan) 11:50, 16 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Sabi ng Padre English, system = kaparaanan, compute = tuos, server = tagapaglingkod. Para sa akin, mas mainam nang gamitin ang mga katutubong salita. -- Felipe Aira 12:35, 16 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Ok namang gawing purong Tagalog ang mga terminong pang-kompyuter, basta may sanggunian. --Jojit (usapan) 03:51, 17 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Ang problema lang ay dapat may sanggunian ang salita mismo, hindi ang pinagmulan ng salitang neolohistiko. Wala pa akong nakikitang piraso ng panitikan na gumagamit ng panuos bilang salita para sa "computer". --Sky Harbor (usapan) 11:39, 17 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Dahil napakatanyag ng gamit na iyon, mananatili ang "kompyuter" na "kompyuter". -- Felipe Aira 10:26, 18 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Ano ang salin ng desktop? -- Felipe Aira 12:46, 18 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Ano ang maimumungkahi ninyong salin/katumbas ng mga sumusunod:
Magdaragdag pa ako kapag may naisip pa. Batay lamang ito sa mga napansin kong ilang meron nang artikulo. Maaaring meron na itong mga "mungkahing" pagtutumbas sa kanilang sariling mga artikulo. Pero baka may mainam pa kayong bersyon. Salamat. - AnakngAraw 04:20, 19 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Ay, siyanga pala, para sa desktop puwede ba ang kompyuter na panghapag-gawaan o kompyuter na pangmesang-gawaan? - AnakngAraw 05:26, 19 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Para naman sa laptop ay nakakalong na kompyuter o kompyuter na pangkanlungan bagaman naipapatong din naman ito sa isang mesa. - AnakngAraw 05:26, 19 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Ang ibig ko pong sabihin sa desktop ay a en:desktop metaphor. Ngunit maayos na salin po iyan para sa desktop computer. -- Felipe Aira 12:44, 19 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Mga salin ko:
Ang accesssory sa kompyuter ay hindi maaaring maisalin nang gamit ang pinagmulang salita nitong access (daan) dahil malayo na ang gamit nito sa pinagmula nitong salita; lit.: used for access (daanan; pangkaparaanan; pamamaraan). Pati na rin ang backup/back-up atbp. -- Felipe Aira 12:44, 19 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Dapat siguro gawaang-baras ang sa taskbar para mas malapit, "katunog ng kaunti" at "katulad." - AnakngAraw 15:59, 19 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
E, ang floppy disk / floppy disk drive? - AnakngAraw 16:23, 19 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Nasa itaas. Hango sa salin ng Padre English. -- Felipe Aira 04:44, 20 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Abakada

baguhin

Patulong naman po sa pag-salin ng mga salitang ito, mas mahalagang maisalin yung mga naunang salita:

  • indigenized/indigenization
  • script
  • syllabry
  • quotation marks
  • grammarian = mambabalarila
  • Orthography

--Lenticel (usapan) 00:56, 15 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Inilagay ko ang katumbas ng grammarian (gramaryan) sa itaas: mambabalarila mula sa diksyunaryo ni Padre English. - AnakngAraw 06:09, 15 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Para sa iba narito ang mga maibibigay kong katumbas:
  • indigenized/indigenization = isinakatutubo/pagsasakatutubo
  • script = panitik
  • syllabry = maaaring isang anyo ng syllabary (ito lamang ang nasa diksyonaryong Ingles) = pantigan/talapantigan/palapantigan
  • quotation marks = mga panandang pambanggit/panandang pantukoy
  • orthography = kahulugan: "karunungan sa pagsulat" pero sa Wikang Filipino ortograpiya ang gamit; hindi pagbabaybay sapagkat kasama rito ang puntuwasyon atbp.
Ito ang mga mungkahi kong gamitin. Makapagbibigay pa ang ibang wikipedista ng kanilang mga ambag dito. - AnakngAraw 06:46, 15 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Inilagay ko yung mga tagalog na termino sa artikulo. Kasama ang Ingles nitong bersyon na ginawa kong italics.--Lenticel (usapan) 07:53, 15 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Tama po lahat iyan malibansa orthography na "palabaybayan". -- Felipe Aira 11:59, 15 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Aha, salamat, Ginoong Felipe. Nalito ako sa dahil pagkakatulad ng dalawa. Tunay ngang palabaybayan ang katumbas ng ortograpiya. - AnakngAraw 14:11, 15 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Nilikha ko na rin ito. Pakisuri, baguhin at dagdagan kung kinakailangan. - AnakngAraw 17:16, 15 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Nagdagdag rin ako ng ilang mga pangungusap sa Wikipedia:Pagbura ng mga pahina. Pakisuri na rin. Salamat po. - AnakngAraw 17:45, 15 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Magandang araw, yamang pinayayabong natin sa araw-araw ang ating Tagalog Wikipedia, maaari na sigurong pagandahin na natin ang ating mga Template:Pambati, katulad po ba nang halimbawang narito sa en:Template:Welcomeg. Para maging mas kaaya-aya, kahali-halina, at kaakit-akit. At mas interaktibo lalo na sa mga baguhang Wikipedista. Salamat po. - AnakngAraw 23:30, 16 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Susubukan kong tumulong sa pagsasaayos ng suleras. -- Felipe Aira 10:37, 18 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Salin ng prefecture

baguhin

Walang salita sa Tagalog ang katumbas ng "Prefecture". Ano ba dapat ang Tagalog para sa "Prefecture"? Ngunit sa tingin ko ay mas nararapat na lang ang "Prepektura" para sa Tagalog ng "Prefecture. Salamat. - Lee Heon Jin

Prepektura nga. Isasama ko ito sa mga ipapagawa sa bot ko. -- Felipe Aira 10:20, 18 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Sisimulan ko nang patakbuhin ang User:AiraBot. Kung may-katanungan, hiling, pagtatama atbp. mag-iwan ng liham sa usapan ng bot ko. -- Felipe Aira 11:31, 18 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Magsisimula ako sa paglilipat ng mga pahina ng mga prepekturang Hapon. -- Felipe Aira 11:34, 18 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Sa katapusan ko na lamang ng linggo ko itutuloy ito dahil masyadong matrabaho at kulang ako sa oras ngayon. -- Felipe Aira 12:17, 18 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Magsisimula ako ng paglilinis ng Tagalog sa mga Napiling Artikulo. -- Felipe Aira 12:19, 18 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

ano ba ang ibig sabihin ng prefecture? yaan ba ay gusali sa lalawigan o isang templo o isang bahay?hindi kaya iyan ay architecture at perfect?kung yaan nga ang kahulugan ang prefecture ay maaring tawaging tatak o tanda (mark,sign,symbol) maari bang maging tatak-uri ng hapon ang japanese prefecture?(willy) —Ang komentong ito ay idinagdag ni Willy agrimano (usapankontribusyon) noong {{{2}}}.
Ito po ang katumbas sa Hapon ng mga lalawigan natin sa Pilipinas. Felipe Aira 09:04, 22 Oktubre 2008 (UTC)[tugon]
Kaya, halimbawa, ang "Saitama Prefecture" ay magiging "Prepektura ng Saitama"? - Lee Heon Jin
Yup, tama iyan. --Sky Harbor (usapan) 10:06, 7 Oktubre 2008 (UTC)[tugon]

Mga mapa

baguhin

Maaari bang gumamit na ng mga mapang nasa wikang Tagalog? Kasi, nasa Ingles ang mga katulad ng Larawan:Ph regions and provinces.png, e? - AnakngAraw 06:19, 20 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Di bale gagawa ako ng mga iyan (kasama nga iyan sa plano ko), pagkatapos kong magawa ang Image:PhlMapCit.png. Ngunit baka sa katapusan pa ng taon iyon mangyari. -- Felipe Aira 08:53, 20 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Bagong paghaharap: para maging tagapangasiwa ang isa pang wikipedista

baguhin

Ipinababatid ko po lamang na mayroong bagong paghaharap sa Wikipedia:Nominasyon para sa Tagapangasiwa ng Wikipedia Tagalog. Si Delfindakila po ang nominado. Mangyari tumungo lamang po doon para sa paksang ito. Salamat po. - AnakngAraw 08:17, 21 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Wikipedia:Nominasyon para sa Tagapangasiwa ng Wikipedia Tagalog#Delfindakila --bluemask 08:52, 28 Oktubre 2008 (UTC)[tugon]

Natatangi:Estadistika

baguhin

Nasa Ingles na mga pananalita ang binagong Natatangi:Estadistika, nararapat lamang na tagalugin po ito. Salamat. - AnakngAraw 18:42, 23 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

At yung manggagamit dapat ay tagagamit po. Salamat. - AnakngAraw 19:32, 23 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Bilang kaugnay: dapat ring tagagamit po ang manggagamit na makikita sa gadyet na Mga ambag ng manggagamit. Salamat po. - AnakngAraw 20:54, 24 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Mukhang hindi rin gumagana ang pambilang ng mga artikulo. Nananatili lang sa 18,960. Pakisuri. - AnakngAraw 13:04, 25 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Gagawin ko po ngayon din. Susubukan kong magpadala ng sulat kay Luxo, gaya ng pagpapadala ko sa kanya ng sulat sa pagsasalin noong isinalin ko ang mga salita niyon. Ilan na ba dapat ang mga artikulo? Malabong masira po iyon. Ganoon lang po siguro karami ang artikulo natin. Felipe Aira 11:49, 26 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Tanong lang: ano ang batayan sa paggamit ng "palaulatan" para sa "statistics" kung saan ang tanggap na salin nito ay "estadistika"? --Sky Harbor (usapan) 12:01, 26 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
puristang tala sa blog, at usapan ni Zivot (na maaari ring kinuha sa puristang aklat na ibinabanggit sa tala). Susubukan kong maghanap ng sipi ng aklat. Felipe Aira 12:15, 26 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Ang batayan mo ay naglalarawan sa larangang matematikal na "statistics" at hindi ang "statistics" bilang impormasyon. Kung impormasyon ang pag-uusapan, mas tama ang salin na estadistika. --Sky Harbor (usapan) 15:10, 26 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Hindi malabong masira o hindi gumalaw ng pambilang. Hindi talaga ito nagbabago kahit na may mga bagong pahina akong naidagdag. Malamang may kaugnayan sa pagbabago ng kayarian o pagsasatablang kamakailan lamang ginawa o naganap. - AnakngAraw 19:31, 26 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Mukhang sira nga po. Siguro maghintay muna po tayo nang mga 1 linggo o dalawa upang makatiyak nga pong sira ito bago natin iulat ito sa bugzilla:. Felipe Aira 03:29, 27 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Mga 2 hanggang 3 araw na 'yang ganyan. - AnakngAraw 03:38, 27 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Mga Huling Binago

baguhin

Ayon po sa Natatangi:RecentChanges, wala daw po itong teksto. Mayroon po bang binago kaya nawala po ang recent changes natin?--58.69.149.127 10:30, 25 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Ah mukhang naayos na.--58.69.149.127 10:32, 25 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Wikipedyang Sinugbuanon

baguhin

Mukhang ang mga kapatid nating Sebwano ay may-balak na palawakin ang pagkakakilanlan nila sa Cebu/Pilipinas. http://ceb.wikipedia.org/wiki/Image:Wikipedya-Print.jpg at http://ceb.wikipedia.org/wiki/Image:Hernan_Palang.jpg. Nakakainggit. Siguro panahon na rin upang maglathala tayo ng mga nakalimbag na artikulo. Felipe Aira 13:35, 26 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Para sa Tagalog Wikipedia

baguhin

Gumawa ako ng ganito: Wikipedia:Paanyayang nalilimbag na maaaring limbagin at ipamigay ng sinuman. Nakasulat din sa loob nito na maaaring ipadala sa iba ang adres ng Tagalog Wikipedia sa pamamagitan ng e-liham. May mga pinagkawingan na ako, pakitingnan na lamang ang mga nakaturo rito. Salamat. - AnakngAraw 20:21, 27 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Iminumungkahi ko ring idagdag natin ito sa kaliwang kasangkapang pangnabigasyon, sa hanay ng mga nasa ilalim ng pakikihalubilo. Salamat. - AnakngAraw 20:23, 27 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Maari nyo bang imungkahi ito sa Tambayan sa Ingles na Wikipedya?--Lenticel (usapan) 04:47, 30 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
 Y Tapos na. Nagiwan na po ng pabatid sa en:Wikipedia:Tambayan Philippines. Salamat. - AnakngAraw 12:42, 30 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Hindi ba sapat na ang Wikipedia:Patungkol? Naniniwala akong kailangan muna nating maitayo ang Wikimedia Pilipinas bago makakausad ito dahil iyon lamang naman ang magpapapondo sa atin sa paglalatha niyan. Felipe Aira 11:05, 30 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Di sapat ang Wikipedia:Patungkol, kailangan ng isang imbitasyon na maipapadala sa pamamagitan ng regular na liham, e-liham, maiaabot ng kamay, at anupaman ang mambabasa. Ang patungkol ay kasaysayan, ayon sa meta maaaring gumawa ng mga flyer. Pero ito ang mas madali para sa atin at sa mambabasang ibig tumulong, isang bersyong elekroniko na maaari ding ilimbag. - AnakngAraw 12:28, 30 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Isa lamang po ito sa mga hakbang na magagawa bagaman di pa buo (o wala pa) ang Wikimedia Pilipinas. Sa ngayon, kahit wala pang tulong na pinansiyal, meron pa rin tayong nagagawa para patuloy na maipakilala at mabuo ang Tagalog Wikipedia. - AnakngAraw 12:45, 30 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]
Sa kasalukuyan, P20,000 ng donasyon ay ang naitala para sa WMPH. Pero, kulang pa rin ang mga istrukturang pansuporta nito (tulad ng alituntunin) na makakapaggana sa WMPH. Sana matatapos na ito. --Sky Harbor (usapan) 16:57, 30 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]