Unang Pahina
Napiling artikulo
Si Chiune Sugihara (Hapones: 杉原千畝, Sugihara Chiune; Enero 1, 1900 – Hulyo 1986) ay isang diplomatikong Hapones, na naglingkod bilang isang Pangalawang Konsul para sa Imperyong Hapones sa Litwanya. Daglian pagkaraan ng Pananakop sa Litwanya (Pananakop sa mga estadong Baltiko) ng Unyong Sobyet, tinulungan niya ang ilang libong mga Hudyo upang makalikas sa bansa sa pamamagitan ng mga bisa (sa pasaporte) na pantawid sa mga Hudyo upang makapaglakbay sila patungong bansang Hapón. Karamihan sa mga Hudyong nakaligtas ang nanggaling sa Polonya o mga naninirahan sa Litwaniya. Dahil sa kaniyang mga ginawa sa pagsagip sa mga Hudyo mula sa mga Nazi, pinarangalan si Sugihara ng Israel bílang Matuwid at Makatuwirang Kahalubilo ng mga Nasyon (o Righteous Among the Nations). Ipinanganak si Chiune Sugihara noong sa Yaotsu, isang rural na pook sa Prepekturang Gipu ng rehiyong Chūbu sa bansang Hapón, sa isang panggitnang-antas na ama, si Yoshimizu Sugihara, at Yatsu Sugihara, isang uring-samurai na ina.Ikalawa siya sa limang magkakapatid na laláki at iisang babae. Noong 1912, nagtapos siya ng may mga karangalan mula sa Paaralang Furuwatari, at pumasok sa Nagoya Daigo Chugaku (mataas na paaralang Zuiryo ngayon), isang magkasanib na mataas na paaralang pang-dyunyor at seniyor. Gusto ng tatay ni Sugiharang sundin nito ang mga yapak niya bílang isang manggagámot, ngunit sinadyang ibagsak ni Sugihara ang sarili mula sa pagsusulit para makapasok sa paaralang pangmedisina sa pamamagitan ng pagsulat lamang ng kaniyang pangalan sa mga papel ng pagsusulit. Sa halip, nagpatala siya sa Pamantasang Waseda noong 1918 at nagkaroon ng degri sa panitikang Ingles. Noong 1919, pumasa siya sa pagsusulit ng pang-iskolar ng Ministeryo ng Ugnayang Panlabas. Kinuha siya ng Ministeryo ng Ugnayang Panlabas ng Hapon at itinalaga siya sa Harbin, Tsina, kung saan nag-aral din siya ng mga wikang Ruso at Aleman, at naging isang dalubhasa sa pakikipag-ugnayang pang-Ruso sa kalaunan.
Alam ba ninyo ...
- ...na nagsampa ng petisyon si Solisitor Heneral Menardo Guevarra para kanselahin ang sertipiko ng kapanganakan ni Alice Guo, alkalde ng Bamban, Tarlac, na inisyu ng Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas, kasunod ng mga pagdududa sa kanyang pinagmulan at pagkamamamayan?
- ...na nakabuo ang OpenAI, ang may gawa ng ChatGPT, ng ilang malalaking modelo ng wika na nailabas sa mga open source na modelo dati?
- ... na unang inilagak ang labi ni Jose Rizal sa Liwasang Paco bago ito nailipat sa bahay ng kapatid niyang si Narcisa at kalaunan, sa Liwasang Rizal?
- ... na maaring makuha ang langis ng niyog sa dalawang uri ng proseso: basa o tuyo?
- ... na nakakahawa ang pagtawa, (nakalarawan ang batang tumatawa) at maaaring magdulot ang pagtawa ng isang tao ng pagtawa mula sa iba bilang positibong tugon?
Napiling larawan
Si Sally Kristen Ride (Mayo 26, 1951 – Hulyo 23, 2012) ay isang Amerikanong astronauta at pisiko. Ipinanganak sa Los Angeles, sumali siya sa NASA noong 1978, at noong 1983 naging unang babaeng Amerikano at pangatlong babae na lumipad sa kalawakan, pagkatapos ng mga kosmonauta na sina Valentina Tereshkova noong 1963 at Svetlana Savitskaya noong 1982. Siya ang pinakabatang Amerikanong astronauta na lumipad sa kalawakan, na nagawa ito sa edad na 32.
May-akda ng larawan: NASA
Sa araw na ito (Oktubre 31)
- 1864 — Ang Nebada ay naging ika-36 na Estado ng Estados Unidos.
- 1956 — Sinimulan na nang Nagkakaisang Kaharian at Pransiya ang pambobomba sa Ehipto upang pwersahin na buksan ang Agusan ng Suez.
- 1984 — Pinatay ng dalawang sekyu ang Punong Ministro ng India, si Indira Gandhi, na nakapagpasimula ng gulo sa New Delhi at humigit kumulang 10,000 Sikh ang namatay.
- 1998 — Inanunsyo ng Iraq na hindi na siya makikikoopera sa Mga Nagkakaisang Bansa tungkol sa pagtingin sa mga sandatang militar.
Mga huling araw: Oktubre 29 — Oktubre 28 — Oktubre 27
Patungkol
Ang Wikipedia ay isang proyektong online na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyong wiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mga nilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman. Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mga naitatag na prinsipyo. Nakalisensiya ang nilalaman nito sa ilalim ng Creative Commons BY-SA. Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensiya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.
Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.
Sa ngayon, mayroon ang Wikipediang Tagalog na: | |
47,689 artikulo |
141 aktibong tagapag-ambag |
Paano makapag-ambag?
Maaring maglathala ng online na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ng Pundasyong Wikimedia at ng pamayanan; halimbawa, pagpapatunay ng nilalaman, notabilidad, at pagkamagalang.
Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sa paglikha ng artikulo, pagbago ng artikulo o pagpasok ng litrato. Huwag mag-atubiling magtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mga proyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan
Ginagamit ang mga pahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrong portal o puntahan ng pamayanan, ang Kapihan, kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog. Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog.
Kaganapan
- Palarong Olimpiko sa Tag-init 2024: Pinanalunan ni himnasta na si Carlos Yulo (nakalarawan) ang kanyang ikalawang medalya para sa luksong Kalalakihan (Men's vault) na unang Pilipinong nakakuha ng dalawang medalya mula noong lumahok ang Pilipinas sa Palarong Olimpiko noong 1924.
- Hindi bababa sa 11 ang namatay sa isang sunog sa isang gusaling residensyal-komersyal sa Binondo, Maynila, Pilipinas.
- Nagdeklera ang pamahalaang panlalawigan ng Kabite sa Pilipinas ng "estado ng kalamidad" pagkatapos umabot ang pagtagas ng langis mula sa lumubog na barkong MT Terra Nova sa mga baybayin ng walong bayan, na nangangailangan ng implementasyon ng isang sonang walang-huli at ayuda na ibibigay sa mga tinatayang naapektuhang 25,000 mangingisda.
- Ipinabatid ng Kalihim ng Estado ng Estados Unidos ang alokasyon ng $500 milyon para pondohan ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
- Naaresto si Freddy Superlano, ang nangungunang personalidad sa koalisyon ng oposisyon sa Venezuela habang tumaas sa apat ang namatay mula sa protestang kontra-Maduro.