Agrikultura sa Pilipinas
Nagpapatrabaho ang agrikultura sa Pilipinas ng 27.7% ng manggagawang Pilipino magmula noong 2017[update], ayon sa Bangkong Pandaigdig.[1]
Bigas
baguhinAng Pilipinas ay ika-8 sa paggawa ng bigas sa mundo, na nananagot sa 2.8% ng pandaigidang produksyon ng bigas.[2] Naging pinakamalaking tagapag-angkat (importer) ng bigas din ang Pilipinas noong 2010.[3] Noong 2010, halos 15.7 milyong metriko tonelada ng palay ang naaani.[4] Noong 2010, nag-ambag ang palay sa 21.86% ng kabuuang nadagdag na halaga (gross value added) sa agrikultura at 2.37% ng GNP.[5] Ang pagkasarili sa bigas ay umabot sa 88.93% noong 2015.[6]
Lumago nang malaki ang produksyon ng bigas sa Pilipinas mula dekada 1950. Nagparami sa naaani ang mga pinabuting uri ng bigas na nalinang noong Berdeng Rebolusyon, kabilang ang nagawa sa Pandaigdigang Surian sa Pananaliksik sa Palay na nakabase sa Pilipinas. Naparami rin ang naaani dahil sa dumaraming paggamit ng mga pataba. Tumaas ang balasak na produktibidad (average productivity) mula 1.23 metriko tonelada bawat ektarya noong 1961 patungo sa 3.59 metriko tonelada bawat ektarya noong 2009.[2]
Naparami nang malaki ang ani sa pamamagitan ng patabang foliar (Rc 62 -> 27% dagdag, Rc 80 -> 40% dagdag, Rc 64 -> 86% dagdag) batay sa mga Pambansang Balasak ng PhilRice.
Ipinapakita sa talahanayan sa ibaba ang ilan sa mga agrikulturang produkto ng bansa sa bawat rehiyon.[7]
Rehiyon | Bigas | Mais | Niyog | Tubo | Pinya | Pakwan | Saging |
---|---|---|---|---|---|---|---|
Ilocos | 1,777,122 | 490,943 | 39,463 | 19,512 | 197 | 26,936 | 43,164 |
Cordillera (CAR) | 400,911 | 237,823 | 1,165 | 51,787 | 814 | 141 | 26,576 |
Lambak ng Cagayan | 2,489,647 | 1,801,194 | 77,118 | 583,808 | 35,129 | 7,416 | 384,134 |
Gitnang Luzon | 3,304,310 | 271,319 | 167,737 | 678,439 | 1,657 | 7,103 | 58,439 |
NCR | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
CALABARZON | 392,907 | 64,823 | 1,379,297 | 1,741,706 | 88,660 | 2,950 | 96,306 |
MIMAROPA | 1,081,833 | 125,492 | 818,146 | 0 | 448 | 3,192 | 168,299 |
Kabikulan | 1,264,448 | 243,908 | 1,105,743 | 239,010 | 130,595 | 5,598 | 76,452 |
Kanlurang Kabisayaan | 1,565,585 | 213,362 | 294,547 | 1,682,940 | 12,687 | 83,336 | 200,222 |
Rehiyon ng Pulo ng Negros | 557,632 | 185,747 | 274,315 | 13,440,259 | 9,468 | 546 | 157,974 |
Gitnang Kabisayaan | 269,801 | 101,333 | 274,069 | 241,573 | 998 | 1,161 | 126,220 |
Silangang Kabisayaan | 955,709 | 91,145 | 1,165,867 | 179,363 | 7,186 | 670 | 227,223 |
Tangway ng Zamboanga | 661,775 | 220,180 | 1,682,121 | 107 | 1,657 | 638 | 281,856 |
Hilagang Mindanao | 725,120 | 1,216,301 | 1,851,702 | 3,065,463 | 1,468,386 | 2,024 | 1,832,173 |
Rehiyon ng Davao | 441,868 | 224,100 | 2,246,188 | 208,743 | 26,880 | 1,070 | 3,455,014 |
Soccsksargen | 1,291,644 | 1,239,275 | 1,159,818 | 680,383 | 794,334 | 2,132 | 1,159,091 |
Caraga | 653,431 | 118,774 | 804,722 | 0 | 2,682 | 3,010 | 259,738 |
ARMM | 488,215 | 673,036 | 1,393,168 | 113,343 | 921 | 80 | 531,048 |
Asukal
baguhinMayroong hindi bababa sa 19 lalawigan at 11 rehiyon na nagluluwal ng tubo sa Pilipinas. Nilalalaan ang 360,000 hanggang 390,000 ektarya sa produksyon ng tubo. Matatagpuan ang mga pinakamalaking tubuhan sa Rehiyon ng Pulo ng Negros, kung saan makikita ang 51% ng pinagtataniman ng tubo. Sinusundan ito ng Mindanao na nananagot sa 20%; 17% naman sa Luzon; 07% sa Panay; at 04% sa Silangang Kabisayaan.[8][8] Tinatantya na pagsapit ng 2012, ang industriya ay nagpapatrabaho sa 700,000 manggagawa sa tubuhan na nakakalat sa 19 lalawigan na nagluluwal ng asukal.[9]
Mas nauna pa ang pagtatanim ng tubo sa Pilipinas kaysa sa pakikipag-ugnayan sa mga Kastila.[10] Ang asukal ay naging pinakaimportanteng iniluwas sa agrikultura ng Pilipinas mula hulihan ng ikalabing-walong dantaon at gitna ng dekada 1970.[10] Noong dekada 1950 at 1960, higit sa 20 bahagdan ng kita ng mga iniluluwas ng Pilipinas ay nanggaling sa industriya ng asukal.[10] Mula 1913 hanggang 1974, tinamasa ng industriya ng asukal sa Pilipinas ang mga magagandang terminong pangkalakal sa Amerika, na may pantanging pribilehiyo sa protektadong at tinustusang Amerikanong merkado sa asukal.[10]
Niyog
baguhinMahalaga ang papel ng niyog sa pambansang ekonomiya ng Pilipinas. Ayon sa mga numerong inilathala noong Disyembre 2015 ng Organisasyon sa Pagkain at Agrikultura ng mga Nagkakaisang Bansa, ang bansa ay nangunguna sa mundo sa paggawa ng niyog, nag-ani ng 19,500,000 tonelada noong 2015.[11] Kadalasan, nakatipon ang produksyon ng Pilipinas sa mga taniman ng katamtamang sukat.[12] Nakalaan ang 3.5 milyon ektarya sa produksyon ng niyog sa Pilipinas, na sumasakop sa 25 bahagdan ng kabuuang lupaing pang-agrikultura sa bansa.[13] Noong 1989, tinantya na mula 25 bahagdan hanggang 33 bahagdan ng populasyon ay bahagyang o lubusang nakadepende sa mga niyog para sa kani-kanilang hanapbuhay. Sa kasaysayan, naging sentro ng produksyon ng niyog ang mga rehiyon ng Timog Katagalugan at Kabikulan sa Luzon at ang Silangang Kabisayaan.[14] Noong dekada 1980, naging mahalagang rehiyon din ang Kanlurang Mindanao at Timog Mindanao sa pagluluwal ng niyog.[14]
Abaka
baguhinAyon sa Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Industriya ng Himaymay, nagbigay ang Pilipinas ng 87.4% ng abaka sa mundo noong 2014, na ipinagkita ng Pilipinas ng US$111.33 milyon.[15] Mas malaki pa rin ang pangangailangan kaysa sa suplay.[15] Nanggaling ang natitira mula sa Ecuador (12.5%) at Costa Rica (0.1%).[15] Nakagawa ang Kabikulan sa Pilipinas ng 27,885 metriko tonelada ng abaka noong 2014, ang pinakamalaki sa anumang rehiyon ng Pilipinas.[15] Inulat ng Programa ng Pagpapaunlad ng Kabukiran sa Pilipinas (PRDP) at Kagawaran ng Agrikultura na mula 2009-2013, 39% ang ambag ng Kabikulan sa paggawa ng abaka sa Pilipinas habang ang napakalaking 92% ay nagmumula sa Catanduanes. 24% ang ambag ng Silangang Kabisayaan, ang ikalawa sa paggawa, at sa rehiyon ng Davao, ang ikatlo sa paggawa, ay may 11% ng kabuuang produksyon. Halos 42 bahagdan ng kabuuang kargamento ng abaka mula sa Pilipinas ay napunta sa United Kingdom noong 2014, anupat ito ang nangunguna sa pag-aangkat.[15] Nag-angkat ang Alemanya ng 37.1 bahagdan o 7,755 metriko tonelada (MT) ng kalamnan ng abaka mula sa Pilipinas.[15] Tumaas ng 20 bahagdan ang benta ng abakang lubid noong 2014 tungo sa kabuuang 5,093 MT mula sa 4,240 MT, kung saan halos 68 bahagdan ang hawak ng Estados Unidos sa merkado.[15]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ http://data.worldbank.org/indicator/SL.AGR.EMPL.ZS?locations=PH
- ↑ 2.0 2.1 "2009 Crop Production Statistics" [Mga Estadistika ng Produksyon ng Pananim ng 2009]. FAO Stat (sa wikang Ingles). FAO Statistics. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Abril 2012. Nakuha noong 30 Marso 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Factbox - Top 10 rice exporting, importing countries" [Factbox - Pangunahing 10 bansa sa pagluwas at pag-angkat ng bigas]. Reuters (sa wikang Ingles). Enero 28, 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 15, 2014. Nakuha noong Marso 30, 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Palay: Volume of Production by Cereal Type, Geolocation, Period and Year" [Palay: Dami ng Produksyon ayon sa Uri ng Binutil, Heolokasyon, Panahon at Taon]. CountrySTAT Database (sa wikang Ingles). Bureau of Agricultural Statistics. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 20, 2011. Nakuha noong Marso 30, 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Philippine economy posts 7.1 percent GDP growth". National Accounts of the Philippines. National Statistical Coordination Board. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-04-15. Nakuha noong 30 Marso 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Authority, Philippine Statistics. "Self-Sufficiency Ratio of Selected Agricultural Commodities" [Tagway ng Pagkasarili ng Napiling Paninda sa Agrikultura]. countrystat.psa.gov.ph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-10-28. Nakuha noong 2016-10-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Philippine Statistics Authority: CountrySTAT Philippines" [Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas: CountrySTAT Pilipinas] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-10-28. Nakuha noong 2016-10-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 Master Plan For the Philippine Sugar Industry. Sugar Master Plan Foundation, Inc. 2010. p. 7.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Master Plan For the Philippine Sugar Industry [Plano Maestro para sa Industriya ng Asukal sa Pilipinas] (sa wikang Ingles). Sugar Master Plan Foundation, Inc. 2010. pp. 4–6.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 10.0 10.1 10.2 10.3 "History" [Kasaysayan] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 19, 2015. Nakuha noong Marso 17, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Food And Agriculture Organization of the United Nations:
Economic And Social Department: The Statistical Division [Organisasyon sa Pagkain at Agrikultura ng mga Nagkakaisang Bansa: Kagawaran sa Ekonomiya at Lipunan: Pang-estadistikang Paghahati] (sa Wikang Ingles). Naka-arkibo 2015-09-06 sa Wayback Machine. - ↑ Hayami, Yūjirō; Quisumbing, Maria Agnes R.; Adriano, Lourdes S. (1990). Toward an alternative land reform paradigm: a Philippine perspective [Patungo sa alternatibong paradigma sa reporma sa lupa: isang Pilipinong pananaw] (sa wikang Ingles). Ateneo de Manila University Press. p. 108. ISBN 978-971-11-3096-1. Nakuha noong Nobyembre 15, 2011.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Philippines to launch coconut cluster" [Pilipinas, maglulunsad ng kumpulan ng niyog] (sa wikang Ingles). Investvine.com. 2013-02-16. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-02-19. Nakuha noong 2013-02-22.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 14.0 14.1 Ronald E. Dolan, ed. Philippines: A Country Study [Pilipinas: Isang Pag-aaral ng Bansa] (sa Wikang Ingles). Washington: GPO para sa Library of Congress, 1991.
- ↑ 15.0 15.1 15.2 15.3 15.4 15.5 15.6 "PH biggest abaca exporter | Malaya Business Insight" [PH pinakamalaking tagapagluwas ng abaka | Malaya Business Insight]. Malaya Business Insight (sa wikang Ingles). Hunyo 15, 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 9, 2016. Nakuha noong Oktubre 8, 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)