Aklat ni Ezekiel

(Idinirekta mula sa Aklat ni Ezequiel)
Lumang Tipan ng Bibliya

Ang Aklat ni Ezekiel[1], Aklat ni Esekiel[2], o Aklat ni Ezequiel[2] ay isa sa mga aklat na isinulat ng mga propeta na nasa Lumang Tipan ng Bibliya. Isinulat ito ng propetang si Ezekiel[1] kaya't nakapangalan din sa kaniya. Matutunghayan sa aklat na ito ang pinakakapatda-patdang mga kaganapan sa kabuoan ng Bibliya.[3] Ayon sa aklat ni Ezekiel, ang propetang si Ezekiel na ipinatapon sa Babilonya ay nakaranas ng sunod sunod na pitong mga pangitan ng 22 taon mula 593 hanggang 571 BCE. Ang mga pangitain at ang aklat ay nakaistruktura sa mga tatlong tema: paghatol sa Israel(Kapitulo 1-24), paghatol sa mga bansa(Kapitulo 25-32), at mga hinaharap na pagpapala sa Israel(Kapitulo 33-48).[4]

Layunin

baguhin

Layunin ni Ezekiel na magpabatid ng isang mensahe para sa mga nadalang-bihag sa Babilonia at sa mga naiwanan sa Jerusalem. Binigyan niya ng kadiinan ang kahalagahan ng pagbabago ng puso at kaluluwa, ang pananagutan ng isang tao sa mga kasalanan at kamalian, ang pagkakaroon niya ng pag-asang magbabagong-buhay ang sariling sambayanan.[1] Itinatakwil ng Aklat ni Ezekiel ang paniniwalang ang mga kasalanan ng mga ama ay napupunta o naipapasa sa mga anak ng mga ito, at ipinagdiriinan ang diwa ng sariling tungkulin sa harapan ng Diyos.[5]

Mga bahagi

baguhin

Binubuo ng anim na bahagi ang Aklat ni Ezekiel:[1]

  • Ang pagkatawag ng Diyos kay Ezekiel bilang propeta
  • Ang mga babala tungkol sa kahatulan ng Diyos at sa darating na pagkawasak ng Jerusalem
  • Mga pahayag ng Panginoon tungkol sa kahatulan sa mga bansang umapi at nagligaw sa kaniyang bayan
  • Pag-aliw para sa Israel matapos bumagsak ang Jerusalem, at pangako ng isang mas maningning na hinaharap
  • Ang hula laban sa Gog
  • Paglalarawan ni Ezekiel sa muling itatayong templo at bansa

May naghati rin dito sa ganitong apat na mga pangkat:[2]

  • Pagkakatawag ng Propeta at mga Kahatulan ng Diyos sa Juda (1-24)
  • Mga Hula Tungkol sa mga Bansa (25-32)
  • Mga Hulang Pang-aliw sa Israel (33-39)
  • Tungkol sa Bagong Kaharian ng Mesias (40-48)

Hula tungkol kay Nabucodonosor II

baguhin

Hinulaan sa Aklat ni Ezekiel 26:7-21 na "Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, aking dadalhin sa Tiro si Nabucodonosor na hari sa Babilonia, na hari ng mga hari, mula sa hilagaan, na may mga kabayo, at may mga karo, at may mga nangangabayo, at isang pulutong, at maraming tao...At gagawin kitang(Tiro) hubad na bato: ikaw ay magiging dakong ladlaran ng mga lambat; ikaw ay hindi na matatayo; sapagka't akong Panginoon ang nagsalita, sabi ng Panginoong Dios...Ang mga pulo nga ay mayayanig sa kaarawan ng iyong pagbagsak; oo, ang mga pulo na nangasa dagat ay manganglulupaypay sa iyong pagyaon. Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Pagka ikaw ay aking gagawing sirang bayan, na parang mga bayan na hindi tinatahanan, pagka tatabunan kita ng kalaliman, at tatakpan ka ng maraming tubig; Ibababa nga kita na kasama nila na bumababa sa hukay, sa mga tao nang una, at patatahanin kita sa mga malalim na bahagi ng lupa, sa mga dakong sira nang una, na kasama ng nagsibaba sa hukay, upang ikaw ay huwag tahanan; at ako'y maglalagay ng kaluwalhatian sa lupain ng buhay. Gagawin kitang kakilakilabot, at hindi ka na mabubuhay: bagaman ikaw ay hanapin ay hindi ka na masusumpungan pa uli, sabi ng Panginoong Dios. Ito ay hindi natupad dahil ang Tiro ay nakatayo pa rin hanggang ngayon. Tinangka ni Nabucodonosor II na kubukubin ang Tiro na tumagal ng 13 taon (585 BCE–572 BCE) at nagtapos sa isang kompromiso. Kalaunang inamin sa Ezekiel 29:18 ang pagkabigo ng pagwasak ni Nabucodonosor II sa Tiro. Dahil sa pagkabigong ito, inihayag sa sumunod na mga talata sa Ezekiel 29:19-20, na Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, aking ibibigay ang lupain ng Egipto kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia; at dadalhin niya ang kaniyang karamihan, at kukunin ang samsam sa kaniya, at kukunin ang huli sa kaniya; at magiging kaupahan para sa kaniyang hukbo. binigay ko sa kaniya ang lupain ng Egipto na pinakaganti sa kaniya dahil sa kaniyang ipinaglingkod, sapagka't sila'y nagsipagpagal ng dahil sa akin, sabi ng Panginoong Dios. Ito ay hindi rin natupad dahil hindi nasakop ni Nabucodonosor II ang Ehipto sa kanyang pakikidigma rito noong 568 BCE.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "Aklat ni Ezekiel". Ang Biblia/Bagong Magandang Balita Biblia (Lumang Tipan, Deuterocanonico at Bagong Tipan). Philippine Bible Society, Lungsod ng Batangas, Pilipinas. 2008.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 Abriol, Jose C. (2000). "Ezequiel, Esek(iel)". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Ezekiel". Fackler, Mark (patnugot). 500 Questions & Answers from the Bible / 500 mga Katanungan at mga Kasagutan mula sa Bibliya. The Livingston Corporation/Barbour Publishing, Inc., Uhrichsville, Ohio, ISBN 9781597894739. 2006.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Petersen 2002, p.140
  5. Reader's Digest (1995). "Ezekiel". The Reader's Digest Bible, Illustrated Edition (Condensed from the Revised Standard Version: Old and New Testaments). The Reader's Digest Association, Inc., Pleasantville, London/New York/Montreal/Sydney/Auckland/Cape Town, ISBN 0276420136.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin