Kasangkapang pangkasarian

(Idinirekta mula sa Anatomiyang seksuwal)

Ang kasangkapang pangkasarian o pangunahing katangiang pangkasarian o organong sekswal (Ingles: sex organ), sa isang makitid na katuturan, ay kahit na ano sa mga bahaging pang-anatomiya ng katawan na may kaugnayan sa reproduksiyong sekswal at kinabibilangan ng sistemang reproduktibo sa isang masalimuot na organismo, na siyang sumusunod sa ibaba:

Ang pangalang henitalya na nagmula sa wikang Latin, at kadalasang isina-Ingles bilang genitalia, genital (panghenitalya), o genital area (pook ng henitalya), ay ginagamit upang tukuyin ang panlabas at nakikitang mga kasangkapang pangkasarian[1] na kilala bilang pangunahing kasarian (primary genitalia) o panlabas na kasarian (extenal genitalia): na ang titi at iskrotum sa mga kalalakihan, at ang tinggil at bulba ng mga kababaihan.

Ang iba pang mga nakakubling mga kasangkapang pangkasarian ay tinagurian bilang pangalawang kasarian o pangalawang henitalya (secondary genitalia) o kaya panloob na kasarian o panloob na kasarian (internal genitalia). Sa mga ito, ang pinakamahalaga ay ang mga gonad, isang pares na kasangkapang pangkasarian, lalo na ang mga itlog ng bayag o testes sa lalaki at ang mga obaryo ng babae. Ang mga gonad ang tunay na mga kasangkapang pangkasarian, na lumilikha ng mga reproduktibong gameto na naglalaman ng namamanang DNA. Gumagawa rin ang mga ito ng halos lahat ng mga pangunahing hormon na nakaka-apekto sa pag-unlad ng kasarian, at nangangalaga sa ibang mga kasangkapang pangkasarian at mga iba't ibang kaugaliang pangkasarian.

Ang isang katawagang may mas malabong kahulugan ay ang sonang erohenosa o sonang nakadadarang o nakahihikayat, na tumutukoy sa anumang bahagi ng katawan na kung hihipuin ay nakapagdudulot ng pagkadama ng pagkalibog, ngunit laging tahasang kabilang ang mga kasangkapang pangkasarian o henitalya.

Paglikha at pag-unlad

baguhin

Sa pangkaraniwang paglikha bago mabuo ang tunay na sanggol, nagmumula ang mga kasangkapang pangkasarian mula sa isang pangkaraniwang anatomiyang anlage sa panahon ng maagang bahagi ng hestasyon at bago malaman ang pagiging lalaki at babae. Ang SRY na gene, na karaniwang nakalagay sa ibabaw ng kromosomang Y at tatatakan ang tagapag-alam ng pagkakaroon ng testis, na siyang umaalam sa panuto ng pagkakaibang ito. Ang kawalan ng tagapag-alam na ito ang siyang nagdudulot sa mga gonad upang magpatuloy na umunlad at maging mga obaryo.

Pagkatapos, ang pag-unlad ng mga panloob na kasangkapang pangkasarian at ng panlabas na kasangkapang pangkasarian ay pinag-iisipan ng mga hormong nilikha ng ilang mga gonad na pang-fetus (obaryo o testes) at ng mga tugon ng mga selula sa kanila. Mukhang pambabae ang mga unang itsura ng mga henitalya ng namumuong sanggol (ilang linggo matapos ang paglilihi): isang magkatambal na mga tiklop na urohenital na may isang maliit na tangos sa gitna, at ang uretra sa likuran ng tangos. Kung may testes ang fetus, at kung lilikha ang testes ng testosteron, at kung tutugon sa testosteron ang mga selula ng mga kasangkapang pangkasarian, mamamaga ang mga panlabas na tiklop yurohenital at magsasanib sa kalagitnaan upang mabuo ang iskrotum; magiging mas malaki at mas tuwid ang tangos upang mabuo ang titi; magsisilaki ang mga panloob na pamamagang yurohenital, babalutan ang titi, at magsasanib sa kalagitnaan upang mabuo ang yuretrang pangtiti.

Bawat isa sa mga kasangkapang pangkasarian sa lalaki ay may katumbas sa babae. Tingnan ang talaan ng mga magkakatumbas sa sistemang reproduktibo ng tao.

Sa mas malawak na pananaw, kabilang din sa kabuuan ng gawaing pagkilala sa kasarian ang pag-unlad ng pangalawang mga katangiang pangkasarian katulad ng gawi ng tubo ng mga bulbol, buhok sa mukha at mga pambabaeng suso na lumilitaw sa panahon ng pagbibinata't pagdadalaga. Bilang karagdagan, lumilitaw ang mga pagkakaiba sa kayarian ng utak na naka-aapekto, subalit hindi naman lubos na huhusga, sa magiging pag-uugali ng isang tao.

Mga pangalang pang-anatomiya na may kaugnayan sa kasarian

baguhin

Ang mga sumusunod ay isang tala ng mga katawagang pang-anatomiya na may kaugnayan sa kasarian, pakikipagtalik at sekswalidad:

 

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Harmatz, Morton G. at Melinda A. Novak. Glossary, Human Sexuality, Harper & Row Publishers, New York, 1983, pahina 560.