Antipolo
Ang Antipolo (pagbigkas: án•ti•pó•lo) ay isang lungsod at kabisera ng lalawigan ng Rizal, Pilipinas. Ito ay matatagpuan 25 km sa silangan ng Maynila. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 887,399 sa may 208,324 na kabahayan. Ito ang pinakamataong lungsod sa Luzon sa labas ng Kalakhang Maynila at ika-pito naman sa buong bansa.[3]
Antipolo Lungsod ng Antipolo | ||
---|---|---|
City of Antipolo | ||
| ||
Mapa ng Rizal na nagpapakita ng lokasyon ng Lungsod ng Antipolo. | ||
Mga koordinado: 14°35′03″N 121°10′35″E / 14.584244°N 121.176289°E | ||
Bansa | Pilipinas | |
Rehiyon | Calabarzon (Rehiyong IV-A) | |
Lalawigan | Rizal | |
Distrito | Una hanggang pangalawang Distrito ng Antipolo | |
Mga barangay | 16 (alamin) | |
Pagkatatag | 1650, 4 Abril 1998 | |
Ganap na Lungsod | 4 Abril 1998 | |
Pamahalaan | ||
• Punong Lungsod | Andrea "Andeng" Bautista-Ynares | |
• Manghalalal | 471,250 botante (2022) | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 306.10 km2 (118.19 milya kuwadrado) | |
Populasyon (Senso ng 2020) | ||
• Kabuuan | 887,399 | |
• Kapal | 2,900/km2 (7,500/milya kuwadrado) | |
• Kabahayan | 208,324 | |
Ekonomiya | ||
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng lungsod | |
• Antas ng kahirapan | 9.29% (2021)[2] | |
• Kita | (2022) | |
• Aset | (2022) | |
• Pananagutan | (2022) | |
• Paggasta | (2022) | |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) | |
Kodigong Pangsulat | 1870 | |
PSGC | 045802000 | |
Kodigong pantawag | 2 | |
Uri ng klima | Tropikal na monsoon na klima | |
Mga wika | Wikang Remontado Agta wikang Tagalog | |
Websayt | antipolo.ph |
Sa ilalim ng Batas Republika Blg. 8508,[4] naging kabahaging lungsod ng Rizal ang Antipolo noong 4 Abril 1998 mula sa pagiging isang bayan ng naturang lalawigan. Pinasinayaan ang bagong kapitolyo ng Rizal sa lungsod noong Marso 2009, upang palitan ang kapitolyo nito sa Pasig na matagal nang nasa labas ng hurisdiksiyon ng lalawigan mula pa noong 1975 nang maging bahagi ng Kalakhang Maynila ang Pasig. Sa paglipat ng kapitolyo sa Antipolo, napipisil itong hirangin bilang bagong kabisera ng lalawigan.[5] Sa huli, sa ilalim ng Batas Republika Blg. 11475, opisyal nang naging kabisera ng Rizal ang Antipolo noong Hulyo 7, 2020.[6] Ipinroklama bilang isang lubos na urbanisadong lungsod ni Pangulong Benigno Aquino III ang Antipolo noong 14 Marso 2011, ngunit ipinagpaliban sa 'di pa tiyak na panahon ang plebisito upang magkabisa ang nasabing proklamasyon.[7][8]
Marahil na rin sa katanyagan ng Antipolo sa mga manlalakbay kaya't ipinakikilala ito bilang "Kabisera ng Paglalakbay sa Pilipinas".[9] Ang imahen ng Mahal na Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay o Birhen ng Antipolo na nagbuhat pa sa Mexico noong 1626 at idinambana sa Simbahan ng Antipolo ay patuloy na dinadayo ng mga Pilipinong Katoliko mula pa noong panahon ng mga Espanyol.[10] Isa sa mga nakagawian ng mga milyun-milyong manlalakbay[11] sa dambana ng Birhen ng Antipolo ay ang paglahok sa taunang "Alay Lakad" na ginaganap tuwing bisperas ng Biyernes Santo at Mayo 1. Kung saan magmula sa Simbahan ng Quiapo, kasunod ng ipinuprusisyong imahen ng Birhen ng Antipolo, at iba't-ibang bayan ng Rizal at Kalakhang Maynila ang mga deboto ay naglalakad lamang patungo sa Simbahan ng Antipolo. Nakagawian rin na ipinapabendisyon ang mga bagong sasakyan sa simbahan, sa paniwalang ito'y magbibigay proteksiyon at kaligtasan sa sasakyan at sa mga sasakay rito.[12]
Ang mas mataas na kinatatayuan ng lungsod kumpara sa Kalakhang Maynila ay nagbibigay rito ng magandang tanawin ng Kamaynilaan, lalo na tuwing gabi. Popular sa mga dayo ang lokal na mangga, kasoy at suman. Ang dating sikat na Hinulugan Taktak, na dati-rati'y isa sa mga pangunahing dinarayo tuwing tag-init, ay pinagaganda upang muling maging isa sa mga pangunahing atraksiyon ng lungsod.[13]
Heograpiya
Sakop ng Antipolo ang buong kalaparan ng gitnang bahagi ng Rizal. Ito'y nasa paanan ng Sierra Madre kung kaya't malaking bahagi ng lungsod ay bulubundukin na may karaniwang taas na 150 metro.
Pamahalaan
Gaya ng iba pang mga lungsod sa Pilipinas, ang balangkas ng pamahalaan ng Antipolo ay nakabatay sa Kodigo ng Pamahalaang Lokal ng 1991 at ipinag-ibayo pa ng Batas Republika Blg. 8508, ang kartang nagsalungsod dito.[4] Sa ilalim ng Kodigo ng Pamahalaang Lokal, ito ay pinamumunuan ng isang alkalde o punong lungsod, bilang punong ehekutibo ng lungsod na siyang nangangasiwa sa iba't-ibang tanggapang pampangasiwaan ng lungsod.[14]
Ang bise alkalde naman ay naninilbihan bilang tagapangulo ng Sangguniang Panlungsod, at bumuboto lamang sa tuwing kinakailangang basagin ang patas na boto ng sanggunian. Ang bise alkalde rin ang hinihirang na punong lungsod, kapag ito'y nabakante.[14]
Ang mga halal na opisyal ng Antipolo, gaya ng iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan sa buong Pilipinas ay may termino ng tatlong taon na nagsisimula tuwing Hunyo 30 pagkalipas ng halalan, at nagtatapos naman sa Hunyo 30 ng ikatlong taon. Sila ay maaaring mahalal ng di-lalagpas sa tatlong magkakasunod na termino.[14]
Barangay
Ang lungsod ng Antipolo ay nahahati sa 16 barangay.[15]
Barangay | Itinatag | Lawak (ha.) |
Populasyon (2000) |
Kapal Tao/ha |
---|---|---|---|---|
Bagong Nayon | 1984[16] | 301.34 | 33,787 | 112.12 |
Beverly Hills | 1984[17] | 28.76 | 1,973 | 68.60 |
Calawis | 1591 | 5,581.12 | 2,510 | 0.45 |
Cupang | 1591 | 1,568.23 | 56,131 | 35.79 |
Dalig | 1984[18] | 406.48 | 31,109 | 76.53 |
Dela Paz (Pob.) | 1591 | 597.99 | 45,185 | 75.56 |
Inarawan | 1984[19] | 959.9 | 11,040 | 11.50 |
Mambugan | 1591 | 368.21 | 31,305 | 85.02 |
Mayamot | 1591 | 540.74 | 40,784 | 75.42 |
Muntindilaw | 1984[20] | 473.11 | 7,922 | 16.74 |
San Isidro (Pob.) | 1591 | 479.7 | 39,242 | 81.81 |
San Jose (Pob.) | 1591 | 13,787.77 | 55,136 | 4.00 |
San Juan | 1984[21] | 3,327.69 | 5,583 | 1.68 |
San Luis | 1984[22] | 502.99 | 37,667 | 74.89 |
San Roque (Pob.) | 1591 | 723.25 | 36,431 | 50.37 |
Santa Cruz | 1984[23] | 725.52 | 35,061 | 48.33 |
Mga Punong-bayan / Punong-lungsod
Punong-bayan / Punong-lungsod | In office |
---|---|
Valentin Sumulong | 1901–1904 |
Tranquilino Oldan | 1904–1907 |
Severino Oliveros | 1907–1909 |
Francisco Dimanlig | 1909–1911 |
Ambrocio Masangkay | 1912–1914 |
Roberto de Jesus | 1914–1916 |
Federico Asuncion | 1916–1918 |
Sixto Pedracio | 1916–1918 |
Cornelio Lawis | 1918–1920 |
Jose Carigma | 1920–1926 |
Marcelino Santos | 1927–1931 |
Pascual Oliveros | 1931–1944 |
Marcelino Santos | 1945–1946 |
Isaias Tapales | 1946–1964 |
Francisco de Jesus | 1964–1967 |
Jose R. Oliveros | 1968–1986 |
Felix Mariñas | 1986–1988 |
Daniel Garcia | 1988–1998 |
Angelito C. Gatlabayan | 1998–2007 |
Victor R. Sumulong | 2007–2009 |
Danilo O. Leyble | 2009–2013 |
Casimiro A. Ynares III | 2013–2019 |
Andrea B. Ynares | 2019–kasalukuyan |
Demograpiko
Taon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1903 | 3,286 | — |
1918 | 6,076 | +4.18% |
1939 | 6,135 | +0.05% |
1948 | 7,604 | +2.41% |
1960 | 21,598 | +9.09% |
1970 | 26,508 | +2.07% |
1975 | 40,944 | +9.11% |
1980 | 68,912 | +10.97% |
1990 | 205,096 | +11.53% |
1995 | 345,512 | +10.27% |
2000 | 470,866 | +6.86% |
2007 | 633,971 | +4.19% |
2010 | 677,741 | +2.46% |
2015 | 776,386 | +2.62% |
2020 | 887,399 | +2.66% |
Sanggunian: PSA[24][25][26][27] |
Mga sanggunian
- ↑
"Province: Rizal". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2007 Census of Population. National Statistics Office. Naka-arkibo 2008-11-20 sa Wayback Machine. Hinango noong 3 Disyembre 2011. (sa Ingles)
- ↑ 4.0 4.1 Charter of the City of Antipolo (Republic Act No. 8508). Naka-arkibo 2016-03-03 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
- ↑ Galvez, James Konstantin. "Board wants Antipolo officially named capital of Rizal". Manila Times, 3 Marso 2009. Hinango noong 3 Disyembre 2011. (sa Ingles)
- ↑ Aguilar, Krissy (Hunyo 22, 2020). "Duterte transfers capital, seat of gov't of Rizal from Pasig City to Antipolo City". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong Hunyo 22, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Andrade, Nel. "Antipolo City's urbanization put on hold temporarily." Manila Bulletin, 6 Abril 2011. Hinango noong 3 Disyembre 2011. (sa Ingles)
- ↑ "Plebisito para maging highly urbanized city ang Antipolo, ipinagpaliban". Philippine Information Agency. 31 Mayo 2011. Hinango noong 3 Disyembre 2011.
- ↑ Antipolo City's Official Seal. Antipolo.gov.ph. Naka-arkibo 2011-11-13 sa Wayback Machine. Hinango noong 3 Disyembre 2011. (sa Ingles)
- ↑ Antipolocity.com. Hinango noong 3 Disyembre 2011. (sa Ingles)
- ↑ Andrade, Nel. "Thousands flood Antipolo for ‘Alay Lakad’ tradition." Manila Bulletin, 22 Abril 2011.[patay na link] Hinango noong 3 Disyembre 2011. (sa Ingles)
- ↑ New Car Blessing at Antipolo Church. Philippine Travel Blog, 9 Oktubre 2006. Naka-arkibo 2009-08-19 sa Wayback Machine. Hinango noong 3 Disyembre 2011. (sa Ingles)
- ↑ Tandoc, Edson Jr. "Hinulugang Taktak gets a P100-M makeover." Inquirer.net, 30 Agosto 2009. Naka-arkibo 29 October 2013[Date mismatch] sa Wayback Machine. Hinango noong 3 Disyembre 2011. (sa Ingles)
- ↑ 14.0 14.1 14.2 Local Government Code of 1991 (Republic Act No. 7160), as amended. (sa Ingles)
- ↑ "City of Antipolo". National Statistical Coordination Board. Naka-arkibo 2011-11-14 sa Wayback Machine. Hinango noong 3 Disyembre 2011. (sa Ingles)
- ↑ Batas Pambansa Blg. 789
- ↑ Batas Pambansa Blg. 787
- ↑ Batas Pambansa Blg. 788
- ↑ Batas Pambansa Blg. 794
- ↑ Batas Pambansa Blg. 792
- ↑ Batas Pambansa Blg. 790
- ↑ Batas Pambansa Blg. 793
- ↑ Batas Pambansa Blg. 791
- ↑
Census of Population (2015). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population and Housing (2010). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Censuses of Population (1903–2007). "Region IV-A (Calabarzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: url-status (link) - ↑
"Province of Rizal". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga Kawing Panlabas
- Antipolo City Naka-arkibo 2018-08-26 sa Wayback Machine. Official website
- Philippine Standard Geographic Code Naka-arkibo 2012-04-13 sa Wayback Machine.
- List of Antipolo subdivisions Naka-arkibo 2007-03-11 sa Wayback Machine.
- List of schools in Antipolo Naka-arkibo 2006-11-15 sa Wayback Machine.