Bagyong Pepito (2020)
Ang Bagyong Pepito, (Pagtatalagang Pandaigdig: Bagyong Saudel) ay isang bagyong pumasok sa Pilipinas ay ang ika 16 na bagyo sa taong 2020 at ika-3 na bagyong pumasok sa buwan ng Oktubre, ito ay namataan sa layong 1, 125 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes at kumikilos sa bilis na 100 kilometro, kanluran-hilagang kanluran at inaasahang mag lalandfall sa landmass ng Hilagang Luzon, pagitan ng Lambak ng Cagayan at Gitnang Luzon.[1][2]
Matinding bagyo (JMA) | |
---|---|
Kategorya 1 (Saffir–Simpson) | |
Nabuo | Oktubre 19, 2020 |
Nalusaw | Oktubre 26, 2020 |
Pinakamalakas na hangin | Sa loob ng 10 minuto: 140 km/h (85 mph) Sa loob ng 1 minuto: 150 km/h (90 mph) |
Pinakamababang presyur | 965 hPa (mbar); 28.5 inHg |
Namatay | 0 |
Napinsala | $2.19 milyon (USD) |
Apektado | Pilipinas, Vietnam, Tsina |
Bahagi ng Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2020 |
Kasaysayan
baguhinIto ay namataan noong Oktubre 16, bilang isang Low Pressure Area sa 1, 500 kilometro silangan ng Can-avid, Eastern Samar matapos kung saan nag land-fall ang Bagyong Ofel noong Oktubre 14. Ito ay mag laland-fall sa petsa ng Oktubre 21 sa Dinapigue, Isabela o sa Dilasag, Aurora.[3][4]Si 'Pepito' ay naging ganap na Severe Tropikal Bagyo sa bahagi ng Isla ng Paracel sa Timog Dagat Tsina habang tinutumbok ang Hainan, Tsina sa direksyong kanluran sa lakas na 70 kilometro bawat oras, Ito ay inaasahang tatawid sa vicinity landmass ng Vietnam at Laos sa Oktubre 29-30, 2020. Ito ay nag landfall sa mga bayan ng: Casiguran, Aurora, Bolinao, Pangasinan at Spratley island.
Banta
baguhinNagbigay ng babala sa mga lalawigan ng Aurora at Isabela kung saan direktang daraanan ng Bagyong Pepito (Saudel) ito ay madadala ng mga kalat-kalat na pagulan sa mga rehiyon Gitnang Luzon, Lambak ng Cagayan at Rehiyon ng Ilocos ito ay inaasang lalabas sa Hundred Islands sa Pangasinan, habang palabas ng Pilipinas, ito ay tatawid sa Kanlurang Dagat Pilipinas patungong Vinh, Vietnam.[5][6]
Pinsala
baguhinPilipinas
baguhinNag-iwan si 'Pepito' at nag-dulot ng malawakang pagbaha sa Quezon, Aurora, Camarines Sur, Camarines Norte, Nueva Ecija, Quezon City at Cotabato, Maguindanao sa Mindanao, Nagdala si Pepito ng matitinding pag-ulan sa Quezon City kung saan sa Brgy. Payatas ay nag paguho ito ng mga kabahayan dahil sa tinding ibinuhos na ulan.[7][8] [9].
Biyetnam at Malaysia
baguhinSi Pepito (Saudel) ay patuloy na nanalasa sa Vietnam habang humihina bilang Tropikal Bagyo noong Oktubre 24, 2020, Si Saudel ay nagbuhos ng mabibigat na ulan sa "Gitnang Biyetnam".
Ang bagyo ay naminsala sa taglay na bugsong hangin, bunsod ng pagtaas ng alon sa dagat sa Sabah sa Malaysia ay naglabas na rin ng "tropical storm" advisory" ay sa pagitan malapit sa bayan ng Kudat na may 1,315 na kilometro.
Typhoon Storm Warning Signal
baguhinPSWS | LUZON |
---|---|
PSWS #2 | Aurora, Benguet, Ifugao, Isabela, La Union, Nueva Vizcaya, Pangasinan, Quirino, Tarlac |
PSWS #1 | Bulacan, Ilocos Sur, Kalakhang Maynila, Mountain Province, Nueva Ecija, Pampanga, General Nakar, Quezon, Rizal, Zambales |
Tingnan rin
baguhinSinundan: Ofel |
Pacific typhoon season names Saudel |
Susunod: Quinta |
Sanggunian
baguhin- ↑ https://news.abs-cbn.com/news/10/20/20/bagyong-pepito-lumakas-pa-ilang-lugar-sa-luzon-binaha.
- ↑ https://news.abs-cbn.com/news/10/20/20/tropical-storm-pepito-makes-landfall-over-aurora
- ↑ https://www.thesummitexpress.com/2020/10/bagyong-pepito-pagasa-weather-update-octobeer-21-2020.html
- ↑ https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2020/10/20/2050999/13-areas-isinailalim-sa-signal-no-2-dahil-sa-tropical-storm-pepito
- ↑ https://www.gmanetwork.com/news/video/qrt/543502/bagyong-pepito-palayo-na-sa-bansa/video
- ↑ https://www.thesummitexpress.com/2020/10/bagyong-pepito-pagasa-weather-update-october-20-2020.html
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-10-24. Nakuha noong 2020-10-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ https://news.abs-cbn.com/news/10/22/20/pepito-nears-par-exit-may-intensify-as-it-heads-for-vietnam-pagasa
- ↑ https://mb.com.ph/2020/10/21/ndrrmc-typhoon-pepito-displaces-thousands-in-3-regions[patay na link]