Ang Bagyong Durian (internasyonal na designasyon: 0621, designasyon ng JTWC: 24W, pangalan ng PAGASA: Reming) ay isang bagyong nagdulot ng malawakang pinsala sa Pilipinas, kung saan natabunan ng putik na galing sa Bulkang Mayon ang mga nakapalibot na barangay. Ayon sa Joint Typhoon Warning Center, si Reming ang ika-24 na tropical depression, ika-23 na tropical storm, ika-14 na typhoon at ika-7 na super typhoon na humagupit sa mga karatig-bansa ng Karagatang Pasipiko noong taong iyon. Ito rin ang pang-dalawampu't isang bagyo at pang-labing-apat na super typhoon na kinilala ng Japan Meteorological Agency. Ang pangalang "Durian" na pandaigdig na pangalan nito ay isinumete ng Thailand na tumutukoy sa prutas na Durio zibethinus.

Bagyong Reming (Durian)
Matinding bagyo (JMA)
Kategorya 4 (Saffir–Simpson)
Si Bagyong Reming noong Nobyembre 2006
NabuoNobyembre 25, 2006
NalusawDisyembre 6, 2006
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 195 km/h (120 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 250 km/h (155 mph)
Pinakamababang presyur915 hPa (mbar); 27.02 inHg
Namatay1, 500 total
Napinsala$530 milyon (2006)
ApektadoYap State, Pilipinas, Vietnam, Thailand, Malaysia, Isla ng Andaman at India
Bahagi ng
Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2006

Umabot sa 720 katao na ang namatay.[1]

Kasaysayan ng bagyo

baguhin

Namuo ang bagyong "Reming" sa timog-silangan ng Chuuk noong Nobyembre 24, 2006. Nagtagal ito hanggang Disyembre 5, 2006. Ito ay naglandfall sa mga bayan ng:Tiwi, Albay, San Narciso, Quezon, Santa Cruz, Marinduque at Calapan.

Preparasyon

baguhin

Pilipinas

baguhin
 
Map plotting the storm's track and intensity, according to the Saffir–Simpson scale

Iniutos ng mga opisyal ang paglikas ng mga naninirahan sa mga baybaying dagat. Sa Lungsod ng Naga, 1,500 katao ang lumikas sa mga emergency shelter. 1,000 ang lumikas sa iba pang mga lugar sa rehiyon,[2] kasama na ang 120 sa kabisera ng Maynila at humigit-kumulang na 800 sa Lungsod ng Legazpi. Sinuspinde ang klase sa Kamaynilaan at ang 11 pag-biyaheng himpapawid sa Pandaigdigang Paliparan ng Ninoy Aquino. Ipinagbawal ang pagbiyahe sa dagat, na nagdulot ng pagka-stranded ng 4,000 pasahero sa lalawigan ng Quezon. 25 lalawigan sa kapuluan ang inilagay sa alerto tungkol sa bagyo.[3]

Typhoon Storm Warning Signal

baguhin
PSWS LUZON BISAYAS
PSWS #4 Albay, Sorsogon, Camarines Sur WALA
PSWS #3 Camarines Norte, Catanduanes, Marinduque, Masbate at (Burias Isla), Quezon, Romblon Hilagang Samar, Silangang Samar
PSWS #2 Batangas, Cavite, Kalakhang Maynila, Laguna, Rizal, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro Biliran, Leyte, Samar
PSWS #1 Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Zambales Cebu, Timog Leyte

Pinsala

baguhin

Pilipinas

baguhin

Nagdulot ang bagyong Durian ng mga lahar at pagguho ng lupa sa mga lugar na malapit sa Bulkang Mayon sa Albay. Nabaon ang maraming mga barangay na nakapalibot sa bulkan. Naputol ang distribusyon ng kuryente sa Bikol dahil sa mga nagbagsakang mga poste ng kuryente. Naputol din ang distribusyon ng tubig at nawalan ng komunikasyon sa mga apektadong lugar. Nasira ang mga daan papunta dito. Nagkaroon ng sakit ang karamihan sa mga biktima.

Tingnan rin

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. http://www.reliefweb.int/rw/RWB.NSF/db900SID/EKOI-6WF8T8?OpenDocument&rc=3&emid=TC-2006-000175-PHL
  2. Associated Press (2006-12-01). "Powerful Typhoon Durian lashes eastern Philippines". Nakuha noong 2007-02-20.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Associated Press (2006-11-29). "Powerful Typhoon Durian blows away houses, knocks off power as it slams into Philippines". Nakuha noong 2007-02-20.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Sinundan:
Queenie
Kapalitan
Ruby
Susunod:
Seniang

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.