Beijing 2008 (larong bidyo)
Ang Beijing 2008 ay ang opisyal na larong bidyo na Olimpiko ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008 na ginanap sa Beijing . Ito ay binuo at ginawa ng Eurocom at nai-publish ng Sega. Ang laro ay ang pangalawang larong bidyo na nakabatay sa Palarong Olimpiko 2008 na ipinakita sa publiko, ang una ay ang nakabatay sa gawang pantasiya na Mario & Sonic at the Olympic Games na lumitaw noong huling bahagi na ng 2007; gayunpaman, ang Beijing 2008 ay itinuturing bilang isang makatotohanang simulation tungkol sa palakasan.
Beijing 2008 | |
---|---|
Naglathala | Eurocom |
Nag-imprenta | Sega |
Plataporma | Microsoft Windows, PlayStation 3, Xbox 360 |
Release | PlayStation 3 & Xbox 360 Windows |
Dyanra | Isports |
Mode | Pang-isahan, Pangmaramihan |
Nagtatampok ang Beijing 2008 ng 32 na mga pambansang koponan at 38 na mga kaganapan.[kailangan ng sanggunian] Karagdagan pa rito, ang isang moda ng karera na katulad ng nakikita sa Sydney 2000 ay binalik, at sa kauna-unahang pagkakataon sa mga video game sa Olimpiko, kasama ang isang online mode.
Mga kaganapan
baguhinAng mga sumusunod na kaganapan ay nasa laro:
|
|
Bilang karagdagan, sinusuportahan ng laro ang mga kumpetisyon sa larong decathlon ng mga kalalakihan o ang heptathlon ng mga kababaihan, 5, 10 o 20 na iba't ibang kaganapan, o lahat ng mga kaganapan. Posibleng makilahok sa lahat ng mga kaganapan, lalaki man o babae, nang paisa-isa.
Mga bansang kabilang
baguhinMga pangalan ng mga bansang naisama sa laro (ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangalang Ingles):
Pagtanggap
baguhinNakatanggap ang Beijing 2008 ng "halo-halong" mga pagsusuri mula sa lahat ng mga plataporma ayon sa websayt ng Metacritic . Sinabi ng GameSpot tungkol sa laro, "ang mabilis na pagtulak ng mga pindutan ay hindi masaya", at itinuro ang labis na kahirapan sa paglalaro. Sa Hapon, binigyan ito ng Famitsu ng marka na isang tatlo, dalawang apat, at isang tatlo para sa bersyon ng PlayStation 3; at isang apat, isang lima, isang apat, at isang tatlo para sa bersyon ng Xbox 360.