Aklat ni Malakias

(Idinirekta mula sa Book of Malachi)
Mga Aklat ng Bibliya

Ang Aklat ni Malakias[1], Aklat ni Malaquias[2], o Aklat ni Malachi[3] ay isang aklat na isinulat ng mga propeta na nasa Lumang Tipan ng Bibliya. Isinulat ito ng propetang si Malakias.[1] Sa aklat na ito, sinasabing ang Diyos mismo ang nagtatanong.[4]

May-akda

baguhin
Lumang Tipan ng Bibliya

 
Si Malakias.

Nangangahulugang "sugo ng Panginoon" o "aking tagapagbalita"[5] (tagapag-ulat ng Diyos) ang pangalan ni Malakias.[2][4] Si Malakias ang pinakahuling propeta ng Israel, na namuhay noong mga panahon nina Esdras at Nehemias, sa ika-5 daantaon BK. Ngunit pinaniniwalaan ni San Jeronimo, at ng ilan pa, na iisang tao lamang si Malakias at si Esdras.[2] Nilalarawan si Malakias bilang isang manunulat sa Lumang Tipan na may pagpapahalaga sa panlahatang pakikipag-ugnayan sa pinakamahalagang ama sa lahat, ang Diyos.[4] May nagsasabi rin na maaaring hindi ito ang tunay na pangalan ng may-akda ng aklat na ito.[6]

Panahon ng pagkakasulat

baguhin

Isinulat ni Malakias ang aklat na ito noong ikalimang daantaon bago dumating si Kristo, pagkaraang maitatag na muli ang templo ng Jerusalem.[1] Mga ilang dekada ito makaraan ang pagbabalik ng ma Hudyo sa kanilang pagkakadalang-bihag sa Babilonia.[6]

Layunin

baguhin

Nilayon ni Malakias na himukin ang sambayanan at mga saserdo para pag-alabin ng mga ito ang kanilang pagiging matapat sa Diyos, sapagkat namamayani ang kahinaan sa pamumuhay at pananampalataya sa Diyos.[1] Hindi katulad ng mga sinundang niyang mga propetang sina Ageo at Zacarias, hindi inaliw ni Malakias ang kaniyang bayan, bagkus pinagsalitaan niya ito ng mga ukol sa parusang ibibigay ng Diyos. Binabanggit rin sa hula ni Malakias ang isang "panibagong paghahain sa Bagong Tipan na iniaalay sa lahat ng dako." Tumutukoy ang katagang ito sa pagdaraos ng Misa.[2]

Mga bahagi

baguhin

Binubuo ng dalawang bahagi ang Aklat ni Malakias. Nilalaman ng una ang pag-aala-ala sa mga kasalanang nagawa ng mga kaparian at ng sambayanan, kabilang ang pagkukulang nila sa dalanginan. Ipinahahayag naman sa pangalawang bahagi ang kaparusahang magmumula sa Diyos sa kapanahunan ng Mesias.[2] Katulad ng propetang si Zacarias, sinambit ni Malakias ang pagdating ng "araw ng Panginoon," isang pagdating na may pagdadalisay, pagpapala, at paghahatol ng kaniyang bayan. Ngunit may isang bagong sangkap ang aklat ni Malakias: ang pangako ng pagpapauna sa isang sugo bilang tagpahawan ng landas at bilang isang umalahokan[7] (tagapagbalita) na magpapahayag ng kanyang tipan.[1][6]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "Aklat ni Malakias". Ang Biblia/Bagong Magandang Balita Biblia (Lumang Tipan, Deuterocanonico at Bagong Tipan). Philippine Bible Society, Lungsod ng Batangas, Pilipinas. 2008.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 Abriol, Jose C. (2000). "Malaquias". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Long, Dolores; Long, Richard (1905). "Malachi". Ang Dating Biblia (Ang Biblia/Ang Biblia Tagalog), wika: Tagalog/Pambansang Wika ng Pilipinas, nasa dominyong publiko. Online Bible, Byblos.com.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 "Malachi". Fackler, Mark (patnugot). 500 Questions & Answers from the Bible / 500 mga Katanungan at mga Kasagutan mula sa Bibliya. The Livingston Corporation/Barbour Publishing, Inc., Uhrichsville, Ohio, ISBN 9781597894739. 2006.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Salin mula sa Ingles na: "my messenger"
  6. 6.0 6.1 6.2 Reader's Digest (1995). "Malachi". The Reader's Digest Bible, Illustrated Edition (Condensed from the Revised Standard Version: Old and New Testaments). The Reader's Digest Association, Inc., Pleasantville, London/New York/Montreal/Sydney/Auckland/Cape Town, ISBN 0276420136.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Gaboy, Luciano L. Herald, umalahokan, tagapagbalita, atbp - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

Panlabas na kawing

baguhin