Buwan ng Multo
Ang Buwan ng Multo (Ingles: Ghost Month), na kilala rin bilang Pista ng Nagugutom na Multo, Zhongyuan Jie (中元節), Gui Jie (鬼節) o Pistang Yulan (Tsinong tradisyonal: 盂蘭盆節; Tsinong pinayak: 盂兰盆节; pinyin: Yúlánpénjié; Jyutping ng Kantones: jyu4 laan4 pun4 zit3) ay isang tradisyonal na Budistang at Taoistang pista na ginaganap sa ilang mga bansa sa Silangang Asya. Ayon sa kalendaryong Tsino (isang kalendaryong lunisolar), ang Buwan ng Multo ay nasa ika-15 gabi ng ikapitong buwan (ika-14 sa mga bahagi ng timog Tsina).[1]:4,6 [note 1]
Buwan ng Multo | |
---|---|
Opisyal na pangalan | Budismo: Ullambana (TC: 盂蘭盆, SC: 盂兰盆 Yúlánpén) Taoismo at Katutubong Paniniwala: Zhōngyuán Jié (TC: 中元節, SC: 中元节) |
Ibang tawag | Pista ng Multo |
Ipinagdiriwang ng | Budista, Taoista, mga naniniwala sa Tsinong katutubong relihiyon lalo na sa Tsina, Vietnam, Taiwan, Korea, Hapon, Singapore, Malaysia at Indonesia na may kaugnayang tradisyon at pagdiriwang na sinusundan sa Cambodia, Laos, Sri Lanka at Thailand |
Kahalagahan | Pagbukas ng mga tarangkahan ng Impiyerno, nagpapahintulot sa lahat ng mga multo na makatanggap ng pagkain at inumin |
Mga pamimitagan | Pagsamba sa mga ninuno, pag-aalay ng pagkain (sa mga monghe pati na rin ang mga namatay), pagsunog ng papel de joss, pag-awit ng mga banal na kasulatan |
Petsa | Ika-15 gabi ng ika-7 Tsinong buwan |
Kaugnay sa | Obon (in Japan) Baekjung (in Korea) Tết Trung Nguyên (in Vietnam) Pchum Ben (in Cambodia) Boun Khao Padap Din (in Laos) Mataka dānēs (in Sri Lanka) Sat Thai (in Thailand) |
Sa kulturang Tsino, tinatawag na Araw ng Multo ang ikalabinlimang araw ng ikapitong buwan sa kalendaryong lunar at itinuturing naman na Buwan ng Multo (鬼月) ang ikapitong buwan, kung saan lumalabas ang mga multo at espiritu, kabilang ang mga namatay na ninuno mula sa mas mundong ilalim. Ang pagkakaiba-iba mula sa Pistang Qingming (o Araw ng Pagwawalis ng Libingan, sa tagsibol) at Pistang Dobleng Ikasiyam (sa taglagas) kung saan sumasamba ang mga nabubuhay na inapo sa kanilang mga namatay na ninuno, sa panahon ng Pista ng Multo, pinaniniwalaang bumibisita sa buhay ang mga namatay.
Sa ikalabinglimang araw nagbubukas ang mga larangan ng Langit at Impiyerno at ang lupain ng buhay at magsasagawa ang mga kapwang Taoista at Budista ng mga ritwal upang maipadala at mapawi ang mga pagdurusa ng mga namatay. Intrinsiko sa Buwan ng Multo ang benerasyon ng mga patay, kung saan nagpapatuloy ayon sa kaugalian ang debosyon ng mga inaapo sa kanilang mga ninuno kahit pagkatapos ng kanilang pagkamatay. Kasama sa mga aktibidad sa buwan ang paghahanda ng mga ritwalistang handog-pagkain, pagsusunog ng kamangyan, at pagsusunog ng papel de joss, mga bagay-bagay na gawa sa papel tulad ng damit, ginto at iba pang mga magandang kalakal para sa mga dumadalaw na espiritu ng mga ninuno. Inihahandong ang mga masasalimuot na pagkain (madalas na panggugulaying pagkain) sa tabi ng mga upang bakante para sa bawat isa sa mga namatay sa pamilya na parang buhay pa ang pagtrato sa kanila. Ang pagsamba sa ninuno ay ang nagbubukod sa Pistang Qingming mula sa Buwan ng Multo dahil kasama sa ikalawa ang pagbibigay respeto sa lahat ng namatay, pati ang mga henerasyong kasing-edad at mas bata pa, habang kasama lamang sa nauna ang mga matatandang henerasyon. Kabilang sa mga iba pang pagdiriwang ang pagbili at pagpapakawala ng mga miniyaturang papel na bangka at mga parol sa tubig na nangangahulugang pagbibigay ng mga direksyon sa mga nawawalang multo at espiritu ng mga ninuno at iba pang mga diwata.
Pinagmulan
baguhinNagmula ang pagsasaoras at kwentong pinagmulan ng modernong Buwan ng Multo sa eskriturang Mahayana na kilala bilang Yulanpen o Ullambana Sutra.[2]:301,302[note 2] Itinala ng sutra ang oras kung kailan nakamit ni Maudgalyayana ang abhijñā at ginamit ang kanyang mga bagong kapangyarihan upang hanapan ang kanyang namatay na magulang. Natuklasan ni Maudgalyayana na muling ipinanganak ang kanyang namatay na ina sa preta o kaharian ng mga gutom na multo. Amoy-tsiko siya noon at sinubukan ni Maudgalyayana na tulungan siya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng isang mangkok ng bigas. Sa kasawiangpalad bilang isang preta, hindi siya nakakain ng bigas dahil ito ay naging uling na nasusunog. Pagkatapos, hiniling ni Maudgalyayana sa Buddha na tulungan siya; pagkatapos niyon nagpapaliwanag si Buddha kung paano makatulong sa mga kasalukuyang magulang at magulang na patay sa buhay na ito at sa nakaraang pitong buhay sa pamamagitan ng kusang-loob na pag-aalok ng pagkain, at iba pa, sa sangha o komunidad ng kumbento sa panahong Pravarana (ang katapusan ng balaklaot o vassa), na karaniwang nagaganap sa ika-15 araw ng ikapitong buwan kung saan inililipat ng komunidad ng kumbento ang mga merito sa namatay na mga magulang, atbp.,[3]:185 [note 3] :293 [note 4] [4] :286 [note 5]
Mas matanda ang mga anyong Theravada ng pagdiriwang sa Timog at Timog Silangang Asya (kasama na ang Pchum Ben ng Kambodya), na nagmula sa Petavatthu, isang banal na kasulatan sa Kanon ng Pali na marahil ay mapepetsahan sa ika-3 siglo BK.[5] Aproksimadong magkatulad ang salaysay ng Petavatthu sa kalaunang naitala sa Yulanpen Sutra, bagaman may kinalaman ito sa alagad na si Sāriputta at sa kanyang pamilya sa halip ng Moggallana.
Pag-oobserba
baguhinNagaganap ang Buwan ng Multo sa ikapitong buwan ng kalendaryong Tsino. Nangyayari rin ito nang sabay sa kabilugan ng buwan, sa bagong kapanahunan, sa pag-aani sa taglagas, sa rurok ng Budistang monastikong asetisismo, ang muling pagkakatawang-tao ng mga ninuno, at ang pagtitipon ng lokal na pamayanan.[6] Sa buwan na ito, binubuksan ang mga pintuan ng impyerno at malayang gumala ang mga multo sa mundo kung saan naghahanap sila ng pagkain at libangan. Pinaniniwalaan na itong mga multo ang mga ninuno ng mga nakalimot na magbigay pugay sa kanila pagkamatay nila o ang mga hindi pa nabigyan ng wastong ritwal na despidida. Mayroon silang leeg na mahaba at kapayat ng karayom dahil hindi sila pinapakain ng kanilang pamilya, o bilang parusa upang hindi sila makakapaglunok. Naghahandog ang mga kapamilya ng mga panalangin sa kanilang mga namatay na kamag-anak, naghahandog ng pagkain at inumin at sinusunog ang mga papel de bangko ng impiyerno at iba pang anyo ng papel de joss. Pinaniniwalaan na may halaga sa kabilang buhay ang mga bagay na gawa sa papel de joss na itinuturing na halos kapareho sa ilang mga aspeto sa mundong materyal. Sinusunog ng mga tao ang mga papel na bahay, kotse, katulong at telebisyon upang matuwa ang mga multo. Nagbibigay din ang mga pamilya ng parangal sa iba pang di-kilalang multo na halaghag para hindi makialam itong mga kaluluwang walang tirahan sa kanilang buhay at magdala ng kasawian. Pinaghahandaan ang mga multo ng isang malaking kapistahan sa ikalabing-apat na araw ng ikapitong buwan, kung kailan nagdadala ang mga tao ng mga pagkain at inilalagay ang mga ito sa isang mesang pang-alay upang mapalugdan ang mga multo at maitaboy ang masamang kapalaran. Iniilawan ang mga parol-loto at pinapakawalan sa mga ilog at sa mga dagat upang masagisag na magabayan ang mga nawawalang kaluluwa ng mga nakalimutan na ninuno sa kabilang buhay.
Sa ilang mga bansa sa Silangang Asya sa kasalukuyan, nagkakaroon ng mga live na konsiyerto at inaanyaya ang lahat na dumalo. Palaging walang nakaupo sa unang hilera dahil nakaupo ang mga multo rito. Ang mga palabas ay palaging sa gabi at napakaingay dahil pinaniniwalaang kaakit-akit at kaaya-aya sa mga multo. Kinabibilangan ang ilang mga palabas ng mga operang Tsino, drama, at sa ilang mga lugar, pati burles. Ayon sa kaugalian, operang Tsino ang pangunahing aliwan ngunit ang mga mas bagong palabas, konsiyerto, drama, digmaan, at iba pa ay tinutukoy bilang Getai. mas kilala itong mga kilos bilang "Merry-making".
Tungkol sa mga ritwal, nagsasagawa ang mga Budista at Taoista ng mga seremonya upang mapawi ang mga multo mula sa pagdurusa, nagtitipun-tipon ang karamihan sa kanila para sa seremonya sa hapon o sa gabi (dahil pinaniniwalaan na pinapalaya ang mga multo mula sa impiyerno pagkalubog ng araw). Ipinagtatayo ang mga namatay ng mga altar at nagsisisagawa ang mga pari at monghe ng mga ritwal para sa kapakinabangan ng mga multo. Madalas na naghahagis ang mga monghe at pari ng bigas o iba pang maliliit na pagkain sa hangin sa lahat ng direksyon upang ipamahagi ang mga ito sa mga multo.
Sa gabi, inusunog ang insenso sa harap ng mga pintuan ng kabahayan. Kumakatawan ang insenso sa kaunlaran sa kulturang Tsino, kaya naniniwala ang mga pamilya na may higit na kasaganaan sa pagsunog ng mas maraming insenso. Sa pagdiriwang, sarado ang ilang mga tindahan dahil nais nilang iwanang bukas ang mga kalye para sa mga multo. Sa gitna ng bawat kalye, nakatayo ang isang altar ng insenso na may sariwang prutas at mga alay na niladlad sa ibabaw nito.
Labing-apat na araw pagkatapos ng pagdiriwang, nagpapalutang ang mga tao ng mga parol-tubig at pinapakawala sa labas ng kanilang mga bahay upang matiyak na nakakapunta ang lahat ng mga nagugutom na multo sa impyerno. Ginawa itong mga parol sa pamamagitan ng paglagay ng isang parol na hugis-loto sa isang papel na bangka. Ipinapanggabay ang mga parol sa mga multo pabalik sa ilalim ng daigdig, at sinisimbolo ng pagkawala ng mga ito ang paghahanap nila sa kanilang daan.
Mga pagdiriwang sa ibang bahagi ng Asya
baguhinIndonesia, Singapore at Malaysia
baguhinSa Singapore at Malaysia, halatang tampok ng Buwan ng Multo ang mga malakonsiyertong pagtatanghal. Kilalang-kilala ang mga konsyertong live bilang Getai sa Mandarin o Koh-tai sa Hokkien. Ginampanan sila ng mga pangkat ng mga mang-aawit, mananayaw, tagapaglibang at mga tropa ng opera o palatuntunang papet sa isang pansamantalang entablado na itinayo sa loob ng isang pamahayang distrito. Pinopondohan ang pagdiriwang ng mga residente ng bawat distrito. Sa panahon nitong mga Getai iiniwanang bakante ang mga upuan sa unang hilera para sa mga espesyal na bisita—ang mga multo. Pinaniniwalaang malas na umupo sa harapan ng mga pulang upuan, kung may sinumang makaupo roon, magkakasakit sila.
Sa Singapore, ipinapanalangin ng mga tao ang mga multo/espiritu o ninuno na may kasamang alay at iba pa sa labas ng kanilang mga tahanan para sa pagsisimula ng ika-7 buwan. Karamihan sa mga kaganapang makabayan ay noong ika-7 buwan para sa Singapore, kinabibilangan ng pangkalahatang at panguluhang halalan, ang Olimpiko at Parada ng Pambansang Araw. Ito ay kung saan nabawasan ang bilang ng mga pagliliwaliw.
Sa Indonesia, kilalang-kilala ang pagdiriwang bilang Cioko, o Sembahyang Rebutan sa Indones, (Panalangin ng pagkakalat). Nagtitipon-tipon ang mga tao sa paligid ng mga templo at nag-aalay sa isang espiritu na namatay sa malas na paraan, at pagkatapos nito, ipinapamahagi nila ito sa mahihirap. Pinagmulan ng pangalan ng kapistahan ang pinapakalat ng mga tao na mga handog.
Taiwan
baguhinAyon sa kaugalian, pinaniniwalaan na naglalagi ang mga multo sa isla ng Taiwan sa buong ikapitong bulaning buwan, kung kailangan nagaganap ang gitag-arawang Pista ng Multo. Kilala ang buwan bilang Buwan ng Multo. Minamarkahan ang unang araw ng buwan sa pamamagitan ng pagbubukas ng tarangkahan ng isang templo na sumisimbolo sa mga pintuang-daan ng impiyerno. Sa ikalabindalawang araw, iniilawan ang mga lampara sa pangunahing dambana. Sa ikalabintatlong araw, nagaganap ang prusisyon ng mga parol. Sa ikalabing-apat na araw, nagaganap ang parada para sa pagpapakawala ng mga parol de-tubig. Inihahandog ang insenso at pagkain sa mga espiritu upang maitaboy ang mga ito mula sa pagbisita sa mga bahay at sinusunog din ang salaping papel pang-espiritu bilang handog. Tuwing itong buwan, iniiwasan ng mga tao ang pagtitistis, pagbili ng mga kotse, paglalangoy, paglipat ng bahay, pag-aasawa, pagsisipol at paglalakwatsa o pagkukuha ng litrato sa gabi. Mahalaga rin na hindi ipinapahayag ang mga tirahan sa mga multo.[kailangan ng sanggunian]
Hapon
baguhinChūgen
baguhinAng Chūgen (中元) o Ochūgen (お中元) ay isang taunang kaganapan sa Japan sa ika-15 araw ng ika-7 bulaning buwan, kapag kailan nagbibigay ang mga tao ng mga regalo sa kanilang mga superyor at kakilala. Dati, taunang kaganapan ito para sa pagbibigay ng mga regalo sa mga espiritu ng mga ninuno.
Dahil isa ito sa tatlong araw na bumubuo sa sangen (三元) ng Taoismo, itinuturing ito minsan bilang zassetsu, isang uri ng pana-panahong araw sa kalendaryo ng Hapon.
Bon
baguhinAng Obon (isinasalin minsan na O-bon), o Bon lamang, ay ang bersyong Hapones ng Pista ng Multo. Sa paglipas ng panahon, nagbago para maging isang pista ng muling pagsasama-sama ng pamilya kung saan umuuwi ang mga tao mula sa mga malalaking lungsod papunta sa kanilang mga bayan at binibisita at nililinis ang mga libingan ng kanilang mga ninuno.
Tumagal na ang Obon nang higit sa 500 taon sa Hapon, kasama ang isang pagdiriwang ng sayaw na tinatawag na Bon Odori, ayon sa kaugalian. Sa modernong Hapon, nagaganap ito sa Hulyo 15 sa silangang bahagi (Kantō), sa Agosto 15 sa kanlurang bahagi (Kansai), at sa ika-15 araw ng ika-7 bulaning buwan sa Okinawa at sa Kapuluang Amami tulad ng sa Tsina. Noong 2019, naganap ang Obon sa parehong petsa sa Kansai, Okinawa at ang Kapuluang Amami dahil Agosto 15 sa taong iyon ang ika-15 araw rin ng ika-7 bulaning buwan.
Biyetnam
baguhinKilala itong pagdiriwang bilang Tết Trung Nguyên at itinuturing bilang panahon para sa pagpapatawad ng mga nahatulang kaluluwa na pinalaya mula sa impiyerno. Dapat "pinapakain" ang mga "walang bahay" at pinapalugod sa mga handog-pagkain. Naiipon din ang mga gantimpala para sa nabubuhay kapag pinapalaya ang mga ibon at isda. Karaniwang kilala ang bulaning buwan kung saan nagaganap ang pagdiriwang bilang Tháng Cô Hồn - ang buwan ng mga nalulumbay na espiritu, at pinaniniwalaang pinagmumultuhan at lalong malas.
Naimpluwensyahan ng Budismo, nagkakasabay itong pista sa Vu Lan, ang pagsasalinwikang Biyetnames para sa Ullambana.
Sa modernong panahon, nakikita rin ang Vu Lan bilang Araw ng Ina. Magdadala ang mga taong may buhay na ina ng isang pulang rosas at magpapasalamat samantalang ang mga wala ay maaaring magdala ng isang puting rosas; at dumalo sa mga seremonya upang ipanalangin ang mga namatay.
Kaugnay na mga Budistang tradisyon sa ibang bahagi ng Asya
baguhinSa mga bansang Budistang Theravada, nagaganap din ang mga kaugnay na tradisyon, seremonya at pista. Tulad ng mga pinagmulang Ullambana Sutra nito sa bansang Budistang Mahayana, ang eskriturang Theravada, ang Petavatthu ay nagbigay-daan sa ideya na mag-alay ng pagkain sa mga gutom na multo sa tradisyong Theravada bilang isang uri ng pag-ipon ng gantimpala. Sa mga kwentong nailathala sa Petavatthu Maudgalyayana na pumapapel sa paglago ng konsepto sa tradisyong Mahayana, kasama ng Sariputta na may papel din sa paglago ng konsepto sa tradisyong Theravada. Katulad sa paglago ng konsepto sa Budismong Mahayana, isang bersyon ng Inililigtas ni Maudgalyayana Ang Kanyang Ina, kung saan pinalitan si Maudgalyayana ni Sariputta na naitala sa Petavatthu at bahagyang naging batayan sa pagsasagawa ng konsepto sa mga lipunang Theravada. Matatagpuan din ang konsepto ng paghahandog ng pagkain sa mga gutom na multo sa mga sinaunang panitikan ng Budismo, sa Tirokudda Kanda.
Cambodia
baguhinSa Cambodia, isang taunang pagdiriwang na kilala bilang Pchum Ben na tumatagal nang labinlimang araw ay karaniwang nagaganap sa Setyembre o Oktubre. Nagbigay-respeto ang mga taga-Cambodia sa mga namatay na kamag-anak hanggang sa pitong henerasyon. Pinaniniwalaan na nagbubukas ang mga tarangkahan ng impyerno sa panahong ito at maraming tao ang nag-aalay sa mga nagugutom na multong ito.
Laos
baguhinSa Laos, ang isang pagdiriwang na kilala bilang, Boun khao padap din ay karaniwang nagaganap sa Setyembre bawat taon at tumatagal nang dalawang linggo. Sa panahong ito, pinaniniwalaan na pinapalaya ang mga gutom na multo mula sa impiyerno at pumapasok sa mundo ng mga buhay. Nagaganap ang pangalawang pagdiriwang na kilala bilang Boun khao salak direktang pagkatapos ng Boun khay padab din. Sa panahong ito, iniaalay ang mga handog-pagkain sa mga gutom na multo.
Sri Lanka
baguhinSa Sri Lanka, inihahandog ang mga pagkain sa mga multong gutom sa ikapitong araw, tatlong buwan at isang taon pagkatapos ng araw ng pagkamatay ng isang tao. Isa itong seremonya na isinasagawa pagkatapos ng kamatayan bilang bahagi ng tradisyunal na ritong panlibing na taga-Sri Lanka at kilala bilang mataka dānēs o matakadānaya. Nagkakamit ang mga nahandog ng merito na nagiging katumbas na bagay sa mundo ng mga gutom na multo. Dumarating ang alay sa ikapitong araw isang araw pagkatapos ng pagbibigay sa hardin ng mga isinapersonal na handog-pagkain sa espiritu ng namatay na kamag-anak na nagaganap sa ikaanim na araw. Ang mga patay na hindi nakararating sa wastong kabilang buhay, ang kaharian ng mga Multong Gutom, ay kinatatakutan ng mga nabubuhay dahil pinaniniwalaan na sila ang sanhi ng mga iba't ibang sakit at sakuna sa mga nabubuhay. Inaanyayahan ang mga Budistang monghe na gawin ang pirit upang salagin ang mga espiritung lumulutang. Isinasagawa rin ang ritwal sa Taylandiya at Myanmar at isinasagawa rin tuwing Pista ng Multo sa ibang mga bansa sa Asya.
Taylandiya
baguhinSa Taylandiya, ipinagdiriwang ang Sat Thai, isang labinlimang araw na pang-taunang pagdiriwang, sa Setyembre at Oktubre sa Taylandiya lalo na sa katimugang Taylandiya, partikular sa lalawigan ng Nakhon Si Thammarat. Tulad ng mga kaugnay na mga kapistahan at tradisyon sa iba pang mga bahagi ng Asya, pinaniniwalaang bumabalik ang mga patay sa mundo sa loob ng labinglimang araw at ipinahahandog sila ng mga tao. Kilala ang pista bilang Sat Thai upang maiba ito mula sa Tsinong Pista ng Multo na kilala bilang Sat Chin sa wikang Thai.
Mga kaugnay na tradisyong Hindu sa ibang bahagi ng Asya
baguhinIndiya
baguhinitinuturing ng mga Hindu na kailangan ang pagsasagawa ng Shraddha ng isang lalaking anak tuwing Pitru Paksha, upang matiyak na pupunta sa langit ang kaluluwa ng ninuno. Sa kontekstong ito, sinasabi ng eskriturang Garuda Purana, "walang kaligtasan para sa lalaking walang iho". Ipinangangaral ng mga eskritura na ang isang maybahay ay dapat manuyo ng mga ninuno (Pitris), kasama ng mga diyos (devas), mga multo (bhutas) at mga bisita. Sinasabi ng eskriturang Markandeya Purana na kung kontento ang mga ninuno sa mga shraddha, magbibigay sila ng kalusugan, kayamanan, kaalaman at mahabang buhay, at sa huli ang kalangitan at kaligtasan (moksha sa tagapalabas.
Indonesia
baguhinSa Bali at ilang bahagi ng Indonesia, lalo na sa mga katutubong Hindu ng Indonesia, sinasabing bumabalik ang mga ninuno na namatay at nakrema upang bisitahin ang kanilang mga dating tahanan. Kilala itong araw bilang Hari Raya Galungan at karaniwang tumatagal nang higit sa dalawang linggoang mga pagdiriwang madalas sa anyo ng mga tespesipikong pagkain t relihiyonsongkhandog asama ag mga pagdiriwang. Madalas na kinakalkula ang petsa ng pagdiriwang ayon sa Balinesang kalendaryo at karaniwang gumaganap bawat 210 araw.
Tingnan din
baguhin- Mga multong Tsino
- Sining ng Budista
- Siyam na Emperador-Diyos / Pista ng Siyam na Emperador-Diyos (Tsino: 九 皇爺, Hokkien: Kow Ong Yah, Kantones: Kow Wong Yeh)
- Phi Ta Khon
- Tōrō nagashi
Mga tala
baguhin- ↑ Chow:
On page 4 said:
'鬼節原是農曆七月十五,但元末明初之際,有言客家為了躲避元兵,提前一日過節,以便南下走難,自此鬼節就變成七月十四,流傳至今。[1]'
English translation:
'The Ghost Festival originally was on the 15th day of the 7th month in the lunar calendar, but during the late Yuan to early Ming period, it's said that the Hakkas in order to escape the Yuan troops, celebrated the Ghost Festival one day earlier, in order to escape disaster they fled southward. Since that time and continuing today, the date of the Ghost Festival changed to the 14th day of the 7th [lunar] month' [in parts of Southern China].
On page 6 footnote [1] said:
Source - 1783 Qianlong era "Annals of Guishan County" (歸善縣志} Scroll 15 - Customs... - ↑ Karashima:
On p. 302 'Although this sutra has often been regarded as apocryphal [Japanese version has in recent times], the contents and ideas in it are well rooted in India as we have seen above. In addition to that, the vocabulary and usage of Chinese words are more archaic, compared with Kumārajīva's corpus (401-413 CE), while they resemble greatly the translations by Dharmarakṣa (fl. 265?-311 CE). Moreover, the transliteration 鉢和羅 (EH pat γwa la > MC pwât γwâ lâ} of Skt. pravāra(ṇā), which only occurs in this sutra and its adaptation, i.e. the Baoen Fengpen jing 報恩奉盆經 (T. 16, no. 686, 780a20), indicates clearly that this sutra is not apocryphal but a genuine translation, because only somebody who knew the original Indian form was able to transliterate it thus correctly into Chinese. In conclusion, I assume that [<-preceding 3 words missing in Japanese version] this sutra is not apocryphal, but a translation from an Indian text translated by Dharmarakṣa or somebody else in pre-Kumārajīva times [Japanese version has 3rd to 4th century CE]. [c.f. p 189 for equivalent in Japanese version]
c.f. p 301 for derivation of Yulan from Middle Indic (Gandhari) *olana. - ↑ Karashima:
'東アジアの盂蘭盆と東南アジアのワン・オ一クパンサーなどは、いずれも、釈尊の時代に規定された様に七月十五日の自恣の日を祝っているのだが(日本ではこのことはすでに意識されていない)、東南アジアでは古代インドの暦に基づいて行われるのに対し、東アジアでは、中国の太陰暦に従っているので、ニケ月の差があり、これらが同一の行事ということに気付く人は少ない。'
English Translation:
'Both the East Asian Urabon [Yulanpen] and Southeast Asian Wan Ok Phansa [Thai name for Pravāraṇā] are celebrated on the 15th day of the seventh month, the day of Pravāraṇā just as it was promulgated in Lord Buddha's time (in Japan, this matter is not known to people). In Southeast Asian countries, they use the ancient Indian calendar [or Buddhist calendar] as opposed to East Asian countries where they use the Chinese calendar. As there is a two month difference between the two calendars, few people realized that the two are [in fact] the same event.' - ↑ Karashima:
Pravāraṇā (Pāli Pavāraṇā) zizi 自恣 and suiyi 隨意 in Chinese, is a ceremony held at the end of the three-month rainy season retreat [also called vassa] by Buddhist monks. In Theravada Buddhism and in Nepal, it was and is still held on the full moon day of the seventh or eight month. i.e. Āśvina (September–October) or Kārttika (October–November) respectively. - ↑ Karashima:
'對佛教徒來說,自古印度年曆(元旦相當於公曆三月中至四月中)四月十五日(公曆六至七月)或五月十五日(公曆七至八月)開始的三個月是雨安居。直至今天,西藏、尼泊爾、東南亞地區的僧人依然在此期間行雨安居。這一習俗也傳到沒有雨季的中國大陸中原地域,年曆和數字被原封不動地保留下來,但由印度年曆變為中國太陰曆。在中國、日本、朝鮮半島等東亞地區,雨安居從陰曆四月(公曆五月)開始,持續三個月。'
English Translation: 'From the Buddhist viewpoint, based on the Ancient Indian calendar [or Buddhist calendar] (New Years is in the middle of March to the middle of April [in the Gregorian calendar]) the 15th day of the fourth month [Āṣāḍha] (June to July [in the Gregorian calendar]) or the 15th day of the fifth month [Śrāvaṇa] (July to August [in Gregorian calendar]) is the start of three month period called vassa. From ancient times to even today, the monastic community of Tibet, Nepal and Southeast Asia still follow this schedule to observe vassa. This custom was also transmitted to China which does not have a rainy season, the calendar and dates preserved unchanged from the original but instead of using the ancient Indian calendar, the lunar Chinese calendar is used. In China, Japan, the Korean peninsula and other East Asian regions, vassa starts on the fourth month of the lunar Chinese calendar (May (in the Gregorian calendar) and lasts 3 months.' [n.b. Since the start of vassa is fixed in East Asia in the fourth month, Pravāraṇā is also fixed to the 15th day of the seventh month].
Mga pagsipi
baguhin- ↑ Chow 2015
- ↑ Karashima 2013a
- ↑ Karashima 2013b
- ↑ Karashima 2014
- ↑ Langer (2007).
- ↑ Teiser (1988).
Bibliograpiya
baguhin- Bandō, Shōjun, pat. (2005), "The Ullambana Sutra (Taishō Vol. 16, No. 685)", Apocryphal Scriptures (PDF), Bukkyō Dendō Kyōkai English Tripitaka Series, Berkeley: Numata Center for Buddhist Translation and Research, pp. 17–44, ISBN 978-1-886439-29-0, inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Pebrero 10, 2013
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Chow, Shu Kai (周樹佳) (2015), 鬼月鉤沉-中元、盂蘭、餓鬼節 [Investigation of Ghost Month - Zhong Yuan, Ullambana and Hungry Ghost Festivals] (sa wikang Tsino), Hong Kong: Chung Hwa Books (Hong Kong), ISBN 9789888366392
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Langer, Rita (2007), Buddhist Rituals of Death and Rebirth: Contemporary Sri Lankan Practice and Its Origins, Abingdon: Routledge, ISBN 9781134158720
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Karashima, Seishi (2013a), "The Meaning of Yulanpen 盂蘭盆 "Rice Bowl" On Pravāraṇā Day", Annual Report of The International Research Institute for Advance Buddhology at Soka University for the Academic Year 2012, XVI: 289–305
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Karashima, Seishi (辛嶋静志) (2013b), 「盂蘭盆」の本当の意味 ―千四百間の誤解を解く [The Real Meaning of Urabon [Yulanpen] –The Solution to a 1400 Year Misunderstanding], 大法輪 (The Great Wheel of the Dharma) (sa wikang Hapones): 182-189
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Karashima, Seishi (辛嶋静志)(in Chinese->辛島靜志) (2014), sinalin ni Qiu, Yun Qing (裘雲青), 盂蘭盆之意-自恣日的“飯鉢” [The Meaning of Yulanpen 盂蘭盆 "Rice Bowl" On Pravāraṇā Day], 中華文史論叢 (Journal of Chinese Literature and History) (sa wikang Tsino) (114): 279–301
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Mair, Victor H. (1989), T'ang Transformation Texts, Cambridge: Harvard University Press, ISBN 9780674868151
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Teiser, Stephen F. (1988), The Ghost Festival in Medieval China, Princeton: Princeton University Press, ISBN 978-0-691-02677-0
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
baguhin- The Bristol University Buddhist Death Ritual Project Images and a documentary film by Ingmar Heise and Han Zhang "The Spirit's Happy Days: Buddhist Festivals for the Dead in Southeast China" can be downloaded there.
- Zhongyuan Festival Naka-arkibo 2012-08-05 sa Wayback Machine.
- Chinese Ghost Culture
- Hong Kong University Library Digital Archives Oral History Project of Hong Kong
- Waters, Dan (2004). "The Hungry Ghosts Festival in Aberdeen Street, Hong Kong" (PDF). Journal of the Royal Asiatic Society Hong Kong Branch. 44: 41–55.