Impeachment ni Renato Corona

Si Renato Corona, ang ika-23 Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ay nilitis ng Kapulungan ng mga Kinatawan noong 12 Disyembre 2011.[1] Mayo 188 kinatawan ang lumagda sa reklamong impeachment ni Renato Corona na mahigit sa kinakailangang 95 boto o isang-katlo (⅓)[2] ng lahat ng kagawad ng Kapulungan na bumibilang sa 285.[1][3] Inakusahan si Corona ng pagkakanulo sa pagtitiwala ng bayan, tandisang paglabag sa konstitusyon, at pagnanakaw at katiwalian na ipinaloob sa walong kaso.[4] Nagsimula ang paglilitis ng Punong Mahistrado sa Senado noong 16 Enero 2012 at nagtapos noong 29 Mayo 2012 nang tuluyan nang napatalsik si Corona.[5]

Mga artikulo ng impeachment

baguhin

Nakapaloob sa walong artikulo ng impeachment ang mga isinampang reklamo laban kay Corona na siyang mga sumusunod:[4]

Artikulo # Habla Paglabag
I sa mga kasong kinasangkutan ng administrasyong Arroyo, magmula nang siya'y itinalaga bilang kasamang mahistrado hanggang sa kanyang "midnight appointment" bilang punong mahistrado.
  • Pagkakanulo sa pagtitiwala ng bayan
II Hindi pagsasapubliko ng kanyang pahayag ng ari-arian, pananagutan at aktuwal na kabuuang ari-arian, na kinakailangan sa ilalim ng konstitusyon.
  • Pagkakanulo sa pagtitiwala ng bayan at/o
  • Tandisang paglabag sa konstitusyon
III Kabiguang matamo at sumunod sa mahigpit na pamantayan ng konstitusyon na nagsasaad na: "ang isang kagawad ng hukuman ay kinakailangang nag-aangkin ng subok na kakayahan, kalinisang-budhi, katapatan, at malayang pag-iisip"[6] sa pagpapahintulot sa Korte Suprema na gumawa ng hakbang bunsod lamang sa isang liham na isinumite ng isang abogado sa kaso na nagdulot ng pabago-bagong desisyon sa mga kasong isinapinal at isasakatuparan; pagpapanatili ng labis na kaugnayan kay Gng. Arroyo nang maitalaga sa posisyon ang kanyang asawa, at pakikipag-usap sa mga nag-aasunto hinggil sa mga kasong nakabinbin sa Korte Suprema.
  • Pagkakanulo sa pagtitiwala ng bayan at/o
  • Tandisang paglabag sa konstitusyon
IV Hayagang pagsuway sa prinsipyo ng paghihiwalay ng kapangyarihan sa pagpapalabas nito ng kautusang status quo ante laban sa Kapulungan ng mga Kinatawan hinggil sa kasong impeachment ni dating Ombudsman Merceditas Gutierrez.
  • Pagkakanulo sa pagtitiwala ng bayan at/o
  • Tandisang paglabag sa konstitusyon
V Walang pakundangang pagkiling at paulit-ulit na pagsasawalang-bahala ng prinsipyong res judicata sa kaso ng "16 na bagong-tatag na mga lungsod," at pagtaguyod ng Dinagat Islands bilang isang lalawigan.
  • Pagkakanulo sa pagtitiwala ng bayan
VI Pagkamkam at pagpasaklaw nito at sa komiteng kanyang binuo ang kapangyarihang magsiyasat sa isang mahistrado ng Korte Suprema upang ito'y mapawalang-sala. Isinasaklaw ng konstitusyon sa Kapulungan ng mga Kinatawan ang naturang kapangyarihan sa pamamaraan ng impeachment.
  • Pagkakanulo sa pagtitiwala ng bayan
VII Pagpanig pabor sa dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at kanyang asawang si Jose Miguel Arroyo sa pagbibigay ng kautusan ng pansamantalang pagpigil (TRO) upang bigyan ng pagkakataong matakasan ang pag-uusig at tuluyang mapigilan ang pagpapatupad ng katarungan, at sa pagbabaluktot sa desisyon ng Korte Suprema sa pagpapatupad ng TRO sa harap ng kabiguang makasunod sa mga kondisyon ng sarili nitong TRO.
  • Pagkakanulo sa pagtitiwala ng bayan
VIII Pagtanggi at hindi pag-ulat ng Judiciary Development Fund and Special Allowance hinggil sa mga koleksiyong panghukuman.
  • Tandisang paglabag sa konstitusyon at/o
  • Pagnanakaw at katiwalian

Mga Panig

baguhin

Panig ng Tagapag-usig

baguhin
Taga-usig Partido Kinakatawan Artikulo (Pangunahin/Pangalawa)
Raul Daza Liberal 1D Northern Samar I/II
Niel Tupas, Jr. Liberal 5D Iloilo –/II
Neri Colmenares Bayan Muna Sektoral VII/I
Marilyn Primicias-Agabas NPC 6D Pangasinan II/V
Elpidio Barzaga NUP TD Dasmariñas V/II
Giorgidi Aggabao NPC 4D Isabela III/VIII
Kaka Bag-ao Akbayan Sektoral IV/III
Reynaldo Umali Liberal 2D Oriental Mindoro VIII/IV
Rodolfo Fariñas Nacionalista 1D Ilocos Norte VI/–
Sherwin Tugna CIBAC Sektoral –/III, VI

Tinanghal ng prosekusyon sina Romero Quimbo (Liberal, 2D Marikina), Lorenzo Tañada III (Liberal, 4D Quezon) at Juan Edgardo Angara (LDP, TD Aurora) bilang tagapagsalita nito.

Panig ng Tagapagtanggol

baguhin

Binubuo ng labindalawang abogado ang grupong dedepensa kay Corona sa pangunguna ni dating Kasamang Mahistrado ng Korte Suprema at Kalihim ng Katarungan ni Estrada na si Serafin Cuevas.[7] Si Cuevas ay naging bahagi rin ng depensa ni Estrada noong paglilitis ng kanyang impeachment sa Senado noong 2000.[8] Ang iba pang bumubuo ng depensa ay sina:

  • Eduardo de los Angeles, dating dekano ng Kolehiyo ng Batas ng Pamantasang Ateneo de Manila at namamahalang partner ng ikatlong pinakamalaking kompanya ng mga abogado sa Pilipinas ang Romulo Mabanta Buenaventura Sayoc & De los Angeles;
  • Jacinto Jimenez, isang kinikilalang eksperto sa konstitusyon at matagal nang propesor sa Kolehiyo ng Batas ng Ateneo, partner rin siya ng Romulo Mabanta Buenaventura Sayoc & De los Angeles.
  • Ramon Esguerra, dating pangalawang kalihim ng Katarungan at naatasang tumulong sa depensa ni dating Punong Mahistrado Hilario Davide nang hainan ito ng reklamong impeachment noong 2003, namamahalang partner sa Esguerra & Blanco Law Offices, at propesor sa batas sa Unibersidad ng Pilipinas;
  • Jose Roy III, dating dekano ng batas ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila;
  • Joel Bodegon, namamahalang partner ng Bodegon Estorninos Guerzon Borje & Gozos Law Offices, nanungkulan bilang abogado sa Tanggapan ng Solisitor-Heneral;
  • German Lichauco II, partner sa Siguion-Reyna Montecillo & Ongsiako Law Offices, bihasa sa kasong marahas na pangunguha at pang-aagaw ng kompanya, karumal-dumal na krimen, at kawalang-ingat sa panggagamot;
  • Tranquil Salvador III, partner sa Romulo Mabanta Buenaventura Sayoc & De Los Angeles, dating dekano ng batas sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, at propesor sa Unibersidad ng Pilipinas;
  • Rico Paolo Quicho, partner sa Quicho and Angeles Law Offices at nagsisilbing tagapagtanggol ni dating Kalihim ng Kalusugan na si Francisco Duque;
  • Karen Jimeno, nagtapos na cum laude sa Kolehiyo ng Batas ng Unibersidad ng Pilipinas at nagdalubhasa sa batas sa Harvard University;
  • Dennis Manalo, isang partner sa Siguion-Reyna Montecillo & Ongsiako Law Offices;
  • Noel Lazaro, partner rin sa Siguion-Reyna Montecillo & Ongsiako Law Offices.[8]

Tagapaglitis

baguhin

Sa ilalim ng konstitusyon tanging ang Senado ang may kapangyarihang maglitis ng lahat ng kaso ng impeachment.[9] Pinadala ng Kapulungan at tinanggap ng Senado ang mga artikulo ng impeachment, isang araw makaraang iimpeach ng Kapulungan ang Punong Mahistrado.[10] Noong Disyembre 14, pinulong na ang Senado bilang isang hukumang pang -impeachment at nanumpa bilang mga senador–hukom ang mga kagawad nito at pinagpasyahan na gamitin ang mga patakarang una nang pinagtibay ng Senado noong Marso 23, para sa naudlot na paglilitis ng impeachment ni Ombudsman Merceditas Gutierrez.[11]

Siyam sa 23 senador na mga hukom ay beterano ng impeachment ni Joseph Estrada noong 2000. Sina Juan Ponce Enrile, Vicente Sotto III, Franklin Drilon, Gregorio Honasan, Loren Legarda, Sergio Osmeña III, at Miriam Defensor-Santiago ay nagsilbing mga senador-hukom sa nasabing paglilitis, habang si Joker Arroyo ay nagsilbi sa panig ng prosekusyon at si Manuel Villar naman ay ang Ispiker ng Kapulungan na naging instrumento sa pagpapadaling maipadala sa Senado ang mga artikulo ng impeachment laban kay Estrada.[12]

Senador-Hukom Partido
Edgardo Angara LDP
Joker Arroyo Lakas-Kampi
Alan Peter Cayetano Nacionalista
Pia Cayetano Nacionalista
Franklin Drilon Liberal
Jinggoy Estrada PMP
Francis Escudero independiyente
Teofisto Guingona III Liberal
Gregorio Honasan independiyente
Panfilo Lacson independiyente
Lito Lapid Lakas-Kampi
Loren Legarda NPC
Ferdinand Marcos, Jr. Nacionalista
Sergio Osmeña III PDP-Laban
Francis Pangilinan Liberal
Aquilino Pimentel III PDP-Laban
Juan Ponce Enrile PMP
Ralph Recto Liberal
Ramon Revilla, Jr. Lakas-Kampi
Miriam Defensor-Santiago PRP
Vicente Sotto III NPC
Antonio Trillanes IV independiyente
Manuel Villar Nacionalista

Tignan din

baguhin

Panlabas na kawing

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Pedrasa, Ira, atbp. "Chief Justice Corona impeached." 12 Disyembre 2011. abs-cbnNEWS.com. Hinango 17 Enero 2012. (sa Ingles)
  2. Konstitusyon ng Pilipinas. artikulo XI, seksiyon 3, talata 3.
  3. "HOUSE MEMBERS 15th Congress of the Philippines." Naka-arkibo 2013-12-12 sa Wayback Machine. House of Representatives of the Philippines. Hinango noong 17 Enero 2012. (sa Ingles)
  4. 4.0 4.1 "Impeachment Complaint Against Chief Justice Renato C. Corona." Chan Robles Virtual Law Library. Hinango noong 17 Enero 2012. (sa Ingles).
  5. "Senate convicts Corona 20-3 (TV5 News Interaksiyon)". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-05-31. Nakuha noong 2012-05-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Konstitusyon ng Pilipinas. artikulo VII, seksiyon 3, talata 3.
  7. Ramos, Marlon. "83-year-old veteran lawyer leads defense of Chief Justice in impeachment trial". 15 Enero 2012. Philippine Daily Inquirer. Hinango noong 17 Enero 2012. (sa Ingles)
  8. 8.0 8.1 "Meet Corona's defense team".[patay na link] 16 Enero 2012. The Philippine Star. Hinango noong 17 Enero 2012. (sa Ingles)
  9. Konstitusyon Pilipinas. artikulo XI, seksiyon 3, talata 6.
  10. Chua, Ryan. "Senate receives Articles of Impeachment vs Corona." 13 Disyembre 2011. ABS-CBN News. Hinango 17 Enero 2012 (sa Ingles)
  11. "Senate to use same impeach rules in Merci trial: Chiz." 13 Disyembre 2011. abs-cbnNEWS.com. Hinango noong 17 Enero 2012. (sa Ingles)
  12. Mendez, Christina. "9 senators veterans of Erap impeach trial".[patay na link] 16 Enero 2012. The Philippine Star. Hinango noong 17 Enero 2012. (sa Ingles)