Imbertebrado

(Idinirekta mula sa Invertebrate)

Ang salitang imbertebrado (Ingles: invertebrate; Latin: invertebrata) o hindi nagugulugudan, na naglalarawan sa mga hayop na walang gulugod. Kabilang sa grupo ang 97 porsiyento ng lahat ng mga espesye ng hayop (lahat ng mga hayop maliban sa mga isdang nasa subphylum na Kordata, mga reptilya, mga amphibian, mga ibon at mamalya).

Invertebrates
Temporal range: Cryogenian to Present, 665–0Ma
Diversity of various invertebrates from different phyla
Examples of invertebrates from different phyla; clockwise from top-left: Chrysaora fuscescens (a cnidarian), Drosophila melanogaster (an arthropod), Caribbean reef squid (a mollusk), and Hirudo medicinalis (an annelid).
Scientific classificationEdit this classification
Dominyo: Eukaryota
(walang ranggo): Filozoa
Kaharian: Animalia
Groups included
  • All animal groups not in subphylum Vertebrata

Hinati-hati ni Carolus Linnaeus sa kaniyang Systema Naturae ang mga hayop na ito sa dalawang pangkat lamang, ang mga Insecta at ang mga Vermes. Nilikha ni Jean-Baptiste Lamarck, na nahirang bilang Kurador ng mga Insekto at Vermes sa Muséum National d'Histoire Naturelle (Pambansang Museo ng mga Pangkasaysayang Pangkalikasan) noong 1793, ang salitang invertebrate para ilarawan ang mga hayop na ito at hinati sa sampu ang pinagmulan o orihinal na dalawang grupo (Insecta at Vermes), sa pamamagitan ng paghihiwalay sa Araknida at Crustacea mula sa mga Linnean Insecta, at Mollusca, Annelida, Cirripedia, Radiata, Coelenterata at Infusoria mula sa mga Linnean Vermes. Kasalukuyang inuuri ang mga ito sa mahigit sa tatlumpung pamilya, kabilang ang mula sa mga payak na mga organismo katulad ng mga esponghang-dagat at bulating lapad hanggang sa mga kumplikadong (complex) na mga hayop tulad ng mga artropoda at moluska.

Bumuo ang mga imvertebrado ng grupong parapiletiko. Lahat ng mga nakatalang phyla ay mga imbertebrado kasama ang dalawa sa tatlong subphyla sa Phylum na Kordata: ang Urochordata at Cephalochordata. Ang dalawang ito, kasama ang lahat ng mga nakikilalang mga imbertebrado, ay mayroon isang pulutong na henyong Hox, habang ginaya ang orihinal na kumpol ng higit sa isang beses ang sa mga bertebrado.

Sa loob ng paleosoolohiya at paleobiolohiya, karaniwang pinagaaralan ang mga imbertabradong kapwa malaki at maliit sa loob ng disiplinang pagaaral ng mga fossil na tinatawag na paleontolohiyang pang-imbertebrado.

Kabilang sa mga imbertebrado ang mga hayop na may eksoiskeleton o panlabas na sangkabutuhan.

Phylum at mga karaniwang halimbawa

baguhin

Mga makroimbertebrado

baguhin

Ang salitang makroimbertebrado ay nakaugaliang gamitin para sa mga imbertebradong pantubig kasama ang mga insekto (halimbawa na ang mga larbang Ephemeroptera at Trichoptera), mga crustacean (ang mga amphipod), mga mollusc (ang mga susong pandagat) at mga bulati (ang mga platyhelminthe), na namumuhay sa mga kailugan, lawa, dagat-datagatan, basang-kalupaan o karagatan. Kaugnay sa mga usaping pang-kasaysayan, ginamit bilang palatandaan (indikasyon) ng kalusugan ng ekosistema at ng katutubong kabukurang pang-biyolohiya. Isa sila sa mga susing-bahagi ng umiikot na sistemang tanikala ng panginginain.

Karamihan sa mga palatandaang ginagamit para suriin ang kalidad ng tubig ay naging mga pang-hanay sa iba't ibang mga uri ng mga bentikong makroimbertebrado ayon sa sensitibidad sa polusyon. Nagbibigay tanda na ang katawan ng tubig ay malusog ang presensiya ng mga makroimbertebrado nakadarama ng polusyon. Sa kabaligtaran, isang indikasyon ng mababang kalidad ng tubig ang pagkakaroon ng mga makroimbertebradong sobrang magpahintulot ng polusyon. Ang isang katawaan ng tubig na may hawak na masagana at magkakaibang populasyon ng mga makroimbertebrado ay mainam ayon sa pamantayang ideyal.

Kabilang sa mga makroimbertebradong tradisyunal na sensitibo sa polusyon ang mga sumusunod:Langaw-mayo (epemeroptera), mga Caddisfly (trichoptera), at batong-langaw (Plecoptera). Mga karaniwang ibinibilang sa mga makroimbertebradong nakapagtitiis sa maruming tubig ang mga sumusunod: bulating-tubig (Oligocheata), linta (Hirudinea) at mga hindi-nangangagat na mga bulating-dugo (Chironomidae).

Ang mga pangunahing palatandaan ng pagkakaroon ng marami at magkakaibang mga makroimbertebrado ang daloy, pagkain, habitasyon, at kalidad ng tubig. Kabilang sa mga pinanggagalingan ng tubig ang mga pitoplankton, biopilmo (na mga patong mga mga bakterya o ibang mikro-organismo na bumabalot sa mga nakalubog na mga kalatagan) at ang mga organikong material na pang-terestriyal (katulad ng mga dahon) na pumapasok sa tubig mula sa mga halamanan ng mga baybayin sa pagitan ng katihan at katubigan (o sonang riparyan). Karamihan at karaniwang nagaganap ang paghuli at pagkain (predasyon) ng isda sa mga makroimbertebrado. Kabilang sa mga susing-pook (habitat) ang mga sedimentong bentiko, halamang dagat at makahoy na mga labi. May malaking impluwensiya ang antas ng salinidad, temperatura, natunaw na oksiheno, at kalabuan ng tubig.

Mga sanggunian

baguhin
  • A. R. Maggenti at S. Gardner (2005). Diksyunaryo ng Zoolohiyang Pang-imbertebrado sa Internet.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)