Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari
(Idinirekta mula sa Kasalukuyang pangyayari)

- Ipinabatid ng pinuno ng Hamas na si Mohammed Deif ang simula ng Operasyong Al-Aqsa Flood. Nagdeklera ang Israel ng katayuang digmaan bilang tugon at hiniling sa mga Palestino na umalis sa Kahabaang Gaza.
- Labing-pitong katao ang namatay at labing-lima pa ang nasugatan pagkatapos bumangga sa Oaxaca, Mehiko ang isang bus na sakay ang mga migrante mula Venezuela.
- Naganap sa Sri Lanka ang baha at pag-agos ng putik dahil sa malakas na ulan, na may limang tao ang namatay at lima pang iba ang nasugatan nang bumagsak ang puno sa isang bus sa Colombo. May isa pang tao ang namatay sa pagbagsak ng bato sa Distritong Galle.
- Ginawaran ang aktibistang taga-Iran na si Narges Mohammadi ng Gantimpalang Nobel para sa Kapayaan para sa kanyang suporta sa peminismo at karapatang pantao..
- Nagwagi ang Gilas Pilipinas (nakalarawan - kuha noong lumaban sila sa FIBA 2023) laban sa Jordan sa Palarong Asyano na nagdulot ng gintong medalya para sa Pilipinas sa unang pagkakataon pagkalipas ng 61 taon.
Nais mong magdagdag ng balita para sa araw ng Linggo, ika-3 ng Disyembre, 2023? • Basahin muna at alamin ang mga panuntunan.
|
![]() |
Maari lang po na bisitahin din ang Wikinews upang bumasa at sumulat ng mga artikulong pambalita. |