2022
taon
Ang 2022 (MMXXII) ay ang kasalukuyang taon, at isang karaniwang taon na magsisimula sa Sabado sa kalendaryong Gregoryano, ang ika-2022 taon ng mga pagtatalagang Karaniwang Taon at Anno Domini (AD), ika-22 taon sa ika-3 milenyo, ang ika-22 taon sa ika-21 dantaon, at ang ika-3 taon ng dekada 2020.
Dantaon: | ika-20 dantaon - ika-21 dantaon - ika-22 dantaon |
Dekada: | Dekada 1990 Dekada 2000 Dekada 2010 - Dekada 2020 - Dekada 2030 Dekada 2040 Dekada 2050
|
Taon: | 2019 2020 2021 - 2022 - 2023 2024 2025 |
Kasalukuyan pong nangyayari ang pangyayaring dinodokumento ng artikulong ito. (Enero 2022)
Maaaring mabilis pong magbago ang mga impormasyon habang umuusad po ang pangyayari, at maaari rin pong hindi mapagkakatiwalaan ang mga paunang balita (breaking news). Depende sa aktibidad ng pahinang ito, maaari pong hindi updated ang impormasyong nakalagay rito. Malaya po kayong baguhin ang kahit ano sa artikulong ito. Pakatandaan lamang po na maaaring matanggal ang mga pagbabagong hindi totoo o walang kaakibat na sanggunian. Maaari rin pong pag-usapan ang mga pagbabago rito sa pahina ng usapan nito. |
Itinalaga ng Mga Nagkakaisang Bansa ang 2022 bilang ang Internasyunal na Taon ng Artesanal na Pangingisda at Akwakultura.[1]
Nahulaan at nakatakdang mga kaganapanBaguhin
- Enero 1 – Kasunod ng pagpapatibay ng Batas sa Modernisasayon ng Musika, at ipalagay na walang karagdagang pagpapahaba sa termino ng karapatang-ari na magiging pansamantalang batas, lahat ng rekord ng tunog bago ang 1923 ay papasok na sa publikong dominyo sa Estados Unidos; kaagapay nito, ang mga aklat, pelikula at ibang gawa na nilathala noong 1926 ay papasok na sa publikong dominyo din.[2]
- Enero 8 – Dadaaan ang Venus sa 0.2658 AU (39.76 milyong km; 24.71 milyong mi; 103.4 LD) mula sa Daigdig.[3]
- Pebrero 4–20 – Gaganapin ang Palarong Olimpiko sa Taglamig 2022 sa Beijing, China, na gagawin ang Beijing bilang unang lungsod na magiging punong-abala ng parehong Olimpiko sa Tag-init at Olimpiko sa Taglamig.[4]
- Pebrero 6 – Kung buhay pa at nagrereyna pa rin, ipagdiriwang ang ni Reyna Elizabeth II ang kanyang Platinong Jubileo sa petsang ito, na minamarka ang 70 taon sa trono, isang marka na walang ibang Britanikong monarko ang nakagawa.[5]
- Pebrero 28 – Ipagdiriwang ng Ehipto ang 100 taong kalayaan nito mula sa Reino Unido.
- Mayo 5 – Isasagawa ng Hilagang Irlanda ang isang eleksyon sa Asembliya ng Hilagang Irlanda na hindi lalagpas sa petsang ito sa Reino Unido.
- Mayo 9 – Nakatakdang gaganapin ang Halalang pampanguluhan sa Pilipinas, 2022.[6]
- Hunyo 9 – Nakatakdang ilunsad ang Jupiter Icy Moons Explorer ng ESA.[7]
- Hunyo 30 – Nakatakdang matatapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas sa tanghali ng petsang ito.
- Agosto 15 - Ipagdiriwang ng Indya ang platinong (ika-75) Araw ng Kalayaan.
- Setyembre 7 – Ipagdiriwang ng Brasil ang bisentenaryong kalayaan nito.
- Setyembre 11 – Nakatakdang gaganapin ng Sweden ang isang pangkalahatang halalan nito sa Riksdag.
- Nobyembre 20 – Si Joe Biden ay magiging unang Pangulo ng Estados Unidos na magdiriwang ng kanyang ika-80 kaarawan habang nasa puwesto.
Mga sanggunianBaguhin
- ↑ "International Year of Artisanal Fisheries and Aquaculture". United Nations (sa Ingles). Kinuha noong Pebrero 15, 2020.
- ↑ "Orrin G. Hatch–Bob Goodlatte Music Modernization Act" (sa Ingles). United States Copyright Office. Kinuha noong Oktubre 14, 2018.
The federal remedies for unauthorized use of pre-1972 sound recordings shall be available for 95 years after first publication of the recording, ending on December 31 of that year, subject to certain additional periods. These periods provide varying additional protection for pre-1972 sound recordings, based on when the sound recording was first published: For recordings first published before 1923, the additional time period ends on December 31, 2021.
- ↑ Venus @ JPL Horizons
- ↑ "2022 Olympics - Next Winter Olympic Games | Beijing 2022". International Olympic Committee (sa Ingles). Mayo 28, 2020. Kinuha noong Mayo 29, 2020.
- ↑ "The heartbreaking reason the Queen doesn't celebrate her accession". The Independent (sa Ingles). Pebrero 6, 2020. Kinuha noong Mayo 29, 2020.
- ↑ "Duterte-Duterte in 2022? Possibilities are limitless: Palace". Philippine News Agency (sa Ingles). Kinuha noong Mayo 29, 2020.
- ↑ Jonathan Amos (Mayo 2, 2012). "Esa selects 1bn-euro Juice probe to Jupiter". BBC News Online (sa Ingles). BBC. Kinuha noong Mayo 13, 2012.