Sepak takraw

(Idinirekta mula sa Kataw)

Ang sepak takraw[1] (Ingles: kick volleyball) ay isang larong pampalakasan na katutubo sa Timog-silangang Asya.[2] Naiiba ang sepak takraw sa magkahawig na palakasang footvolley sa paggamit ng bolang yantok at sa pahintulot sa mga manlalaro na gumamit lamang ng kani-kanilang paa, tuhod, dibdib, at ulo para hawakan ang bola.

Sepak takraw
Kaganapan ng kababaihang doble sa Palarong Asyano 2014
Pinakamtaas na lupong tagapamahalaISTAF
Mga katangian
PakikipagsalamuhaWala
Mga kasapi ng koponan2–4 manlalaro
KategoryaPanloob
BolaBolang yantok, sintetikong de-gomang plastik
OlimpikoWala

Sa Indonesia, Brunei, Singapore at Malaysia, sepak takraw ang tawag nila rito. Sa Malaysia, kilala rin ito bilang sepak raga. Sa Pilipinas, "sepak takraw" din ang tawag sa palakasang ito, kahawig ng sipa, habang kilala ang pandaigdigang bersyon bilang sipa takraw o sepak takraw, mga katagang hiniram. Sa Thailand, kilala ito bilang takraw. In Laos, ang tawag dito ay kataw (Lao: "pisi" at "sipa").[1] Sa Myanmar, kilala ito bilang chin lone, at mas itinuturing bilang sining dahil kadalasang walang kalabang koponan, at ang layunin ay panatilihing nasa hangin ang bola sa kaaya-ayang at kawili-wiling paraan.

Kabilang sa mga katulad na laro ang sipa, footbag net, footvolley, football tennis, bossaball, jianzi, at jokgu.

Etimolohiya

baguhin

"Sepak" ang salitang Malay para sa sipa at "takraw" ang salitang Thai para sa bolang yantok; samakatuwid ang literal na kahulugan ng sepak takraw ay "sumipa ng bola".[3]

Iba't iba ang mga pangalan ng sepak takraw sa Timog-silang Asya; kabilang dito ang Indones: sepak takraw; Malay: sepak raga; Thai: ตะกร้อ, RTGS: takro, binibigkas [tā.krɔ̂ː]; Birmano: ပိုက်ကျော်ခြင်း, Pike Kyaw Chin; Filipino: sipa, sipa takraw, sepak takraw, binibigkas [sɛ̝päk täkɾɐw]; Khmer: សីដក់, Sei Dak; Lao: ກະຕໍ້, ka-taw; Biyetnames: cầu mây, "bolang calameae" o "bolang yandok".

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Shawn Kelley. "Takraw: A Traditional Southeast Asian Sport". Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Hulyo 2007. Nakuha noong 30 Hulyo 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. J. A. Mangan, Fan Hong (2002). Sport in Asian society: past and present. Frank Cass Publishers. p. 220. ISBN 978-0-7146-8330-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "sepak takraw | Definition of sepak takraw in US English by Oxford Dictionaries". Oxford Dictionaries | English. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-09-18. Nakuha noong 2018-09-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)