Lokal na pamahalaan

pinakamababang antas ng pangangasiwa sa loob ng isang estado
(Idinirekta mula sa Lokal na gobyerno)

Ang isang lokál na pamahalaan o pamahalaang pampook (Ingles: local government) ay isang uri ng pampublikong pangangasiwa na, sa nakararaming mga konteksto, umiiral bilang pinakamababang antas ng pangasiwaan sa loob ng isang estado. Ginagamit ang termino upang ihambing sa mga tanggapan sa antas ng estado, na tinutukoy bilang pamahalaang sentral, pamahalaang pambansa, o (kung naaangkop) pamahalaang pederal at gayon din sa pamahalaang supranasyonal na tungkol sa mga institusyong pampamahalaan sa pagitan ng mga estado. Pangkalahatang kumikilos ang mga lokál na pamahalaan sa mga kapangyarihang ipinagkatiwala sa kanila ng batas o mga direktiba ng mas-mataas na antas ng pamahalaan. Sa mga bansang pederal, karaniwang binubuo ang lokál na pamahalaan ang ikatlo (o minsang ikaapat) na antas ng pamahalaan, samantalang sa mga pinag-isang estado (unitary state), karaniwang nasa ikalawa o ikatlong antas ng pamahalaan ang lokál na pamahalaan, kadalasang may higit na kapangyarihan kaysa mas-mataas na antas ng mga dibisyong pampangasiwaan.

Ang tanong ng awtonomiyang pangmunisipyo (municipal autonomy) ay isang napakahalagang tanong sa pampublikong pangangasiwa at pamamahala. Ang mga institusyon ng lokál na pamahalaan ay naiiba nang husto sa pagitan ng mga bansa, at kahit may katulad na mga kaayusan, kadalasang naiiba ang terminolohiya. Kabilang sa karaniwang mga pangalan para sa mga entidad ng pamahalaang pampook ay estado, lalawigan, rehiyon, departamento, kondado, prepektura, distrito, lungsod, township, bayan, boro, parokya, munisipalidad, shire, nayon, at distrito ng lokal na paglilingkod.

Mga bansa

baguhin

Pilipinas

baguhin

Ang Kodigo ng Lokal na Pamahalaan ng 1991 ay nagbibigay ng tatlong mga antas ng mga lokál na yunit ng pamahalaan (Ingles: local government units, dinaglat na LGU) sa Pilipinas: (1) ang lalawigan (2) ang mga lungsod at munisipalidad, at (3) ang barangay. Nananatiling isang pinag-isang estado (unitary state) ang bansa at nananatiling may malakas na impluwensiya ang pambansang pamahalaan sa mga lokál na yunit ng pamahalaan.

Ang isang lalawigan ay pinamumunuan ng isang gobernador kasama ang Sangguniang Panlalawigan na binubuo ng mga kasapi ng lupon. Ang isang alkalde ay namumuno sa isang lungsod o munisipalidad, habang bumubuo naman sa lehislatibong mga sangay ng isang lungsod at munisipalidad ang Sangguniang Panlungsod at ang Sangguniang Bayan. Ang isang barangay ay pinamumunuan ng Punong Barangay at ng Sangguniang Barangay. Maaaring ihati ang mga barangay sa mga purok at sitio ngunit hindi hinalal ang kanilang pamunuan.

Ang Saligang batas ng 1987 ay nagbibigay rin ng pamamarati ng mga rehiyong awtonomo. Ang Rehiyong Awtonomo ng Bangsamoro sa Muslim Mindanao (BARMM) ay ang tanging rehiyong awtonomo sa Pilipinas. May isang pagtangka na magtatag ng rehiyong awtonomo sa Cordillera, ngunit hindi ito matagumpay at sa halip ay itinatag ang Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera (CAR).

Ang mga lokál na pamahalaan ay may limitadong kapangyarihan sa pagbubuwis. Karamihan sa kanilang mga pondo ay nangagaling sa pambansang pamahalaan sa pamamagitan ng Internal Revenue Allotment.

Alemanya

baguhin

Australya

baguhin

Pangatlong antas ang lokal na pamahalaan sa Australya, kasunod ng Pederal at Estado.

Canada

baguhin

Ang Canada ay may sistemang pederal na may tatlong kaayusan ng pamahalaan. Ang pinakamalaki ay ang pamahalaang pederal, at sinusundan ito ng mga pamahalaang lalawigan at lokal.[1] Hiwalay na inihahalal ang mga pamahalaang munisipal. Sila'y marapat na sumunod sa mga batas at alituntunin na inilabas ng kanilang lalawigan, ngunit maaari silang magpasa ng karagdagang mga ordinansa at patakarambatas na bukod-tangi sa kanila.

Estados Unidos

baguhin

Tumutukoy ang lokal na pamahalaan ng Estados Unidos sa pampamahalaang mga hurisdiksiyon sa baba ng antas ng estado. Karamihan sa mga estado ay may hindi bababa sa dalawang antas ng pamahalaang lokal: mga kondado at mga munisipalidad. Sa ilang estado, nahahati ang mga kondado sa mga township. May ilang magkaibang mga uri ng mga hurisdiksiyon sa antas-munisipalidad, kasama ang lungsod, bayan, parokya, boro, nayon, mga reserbasyon at mga boundary. Ang mga uri at katangian ng mga entidad pangmunisipyo na ito ay nag-iiba sa bawat estado.

Gresya

baguhin

Mula noong Enero 1, 2011, ang Gresya ay binubuo ng labintatlong mga rehiyon na nahahati sa kabuuang 325 mga munisipalidad at komunidad. Bawat isa sa mga rehiyon ay may inihalal na gobernador at sangguniang panrehiyon, ngunit may pitong mga desentralisadong pangangasiwa, na nagpapangkat ng isa hanggang sa tatlong mga rehiyon sa ilalim ng isang panlahat na kalihim na itinalaga ng pamahalaan. Mayroon din isang awtonomong pook, Bundok Athos.

Mula noong pagpapanumbalik ng Meiji, ang Hapon ay may isang sistema ng lokal na pamahalaan na nakabatay sa mga prepektura. Malaking bahagi ng bansa ay pinamamahalaan ng pambansng pamahalaan. Ang mga pamahalaang munisipal ay mga makasaysayang nayon. Sa kasalukuyan, karaniwan ang mga pagsasanib ng mga lungsod, bayan, at nayon upang maging nakatitipid ang pangangasiwa. Mayroong 47 mga prepektura. Bawat isa sa kanila ay may dalawang pangunahing mga pananagutan. Una ay ang pagpamamagitan sa pagitan ng pambansa at pangmunisipyong mga pamahalaan. Ang pangalawa ay ang pangangasiwa sa kanilang nasasakupan.

Indonesya

baguhin

Latbiya

baguhin

Ang Latbiya ay isang pinag-isang estado na kasalukuyang nahahati sa 110 mga munisipalidad (Leton: novadi) at 9 na mga republikanong lungsod (Leton: republikas pilsētas) kasama ng kanilang sariling konseho.

Pransiya

baguhin

Ayon sa saligang batas nito noong 1958, mayroong tatlong mga antas ng lokal na pamahalaaan ang Pransiya:

Subalit, bilang karagdagan sa mga sugnay ng saligang batas ng 1958, mayroon na ring umiiral na kawastuhan:

  • Ang mga intercommunality ay isa nang antas ng pamahalaan sa pagitan ng mga komyun at departamento.
  • Mayroong 2 "pays d'outre-mer": French Polynesia at New Caledonia. Ang katagang "pays d'outre-mer" ay kombinyente sapagkat maiintindihan ito sa Pranses bilang kapuwa "panlabas na bansa" at "panlabas na kondado/tradisyonal na lugar" (tulad ng ipinakikita ng Pays de la Loire na isang home région, hindi isang "home country"). Gumagana ang French Polynesia bilang isang awtonomong région, habang ang New Caledonia ay may katayuang panlokal na pamahalaan na sui generis na may tiyak na mga institusyon at mas-maraming awtonomiya.

Thailand

baguhin

Turkiya

baguhin

Ang Turkiya ay may dalawang mga antas ng lokal na pamahalaan; mga lalawigan (wikang Turko: iller) at mga distrito (ilçeler).

Nahahati ang lupain ng Turkiya sa 81 mga lalawigan para sa mga layuning pampangasiwaan. Naka-organisa ang mga lalawigan sa pitong mga rehiyon para sa mga layuing pansenso; subalit hindi sila kumakatawan sa estrukturang pampangasiwaan. Bawat lalawigan ay nahahati sa mga distrito, para sa kabuuang 957 mga distrito.

Vietnam

baguhin

Ang Vietnam ay may tatlong mga antas ng lokal na pamahalaan:

  • Unang antas: mga lalawigan at munisipalidad
  • Ikalawang antas: panlalawigang mga lungsod, mga bayan, mga distrito urbano, at mga distrito rural
  • Ikatlong antas: mga ward (katumbas ng mga purok), komyun, at township

Bawat antas ay may People's Committee (ehekutibo - hanggang sa ikatlong antas), isang People's Council (lehislatura - hanggang sa ikatlong antas) at isang People's Court (hudikatura - hanggang sa ikalawang antas)

Mga sanggunian

baguhin
  1. Fact Sheet: Government in Canada Naka-arkibo 2009-03-03 sa Wayback Machine.. Cic.gc.ca (2010-08-23). Retrieved on 2 December 2012.

Mga kawing panlabas

baguhin