Maritimong Timog-silangang Asya
Binubuo ang Maritimong Timog-silangang Asya ng mga sumusunod na bansa: Brunei, Silangang Timor, Indonesia, Malaysia, Pilipinas at Singapore.[3] Tumutukoy rin ang "Silangang Kaindiyahan" mula sa ika-16 na siglo at "Kapuluang Malay" sa Maritimong Timog-silangang Asya.
Heograpiya | |
---|---|
Lokasyon | Kapuluang Indonesia Kapuluang Pilipinas Tangway ng Malaysia Silangang Malaysia Singapore |
Kabuuang pulo | 25,000 |
Pangkalahatang pulo | Borneo, Java, Luzon, Mindanao, New Guinea, Sulawesi, Sumatra |
Sukat | 2,870,000 km2 (1,108,000 mi kuw)[1] |
Pinakamataas na elebasyon | 4,884 m (16,024 tal) |
Pinakamataas na punto | Puncak Jaya |
Pinakamalaking paninirahan | Bandar Seri Begawan |
Pinakamalaking paninirahan | Dili |
Pinakamalaking paninirahan | Jakarta |
Pinakamalaking paninirahan | Kuala Lumpur |
Pinakamalaking paninirahan | Lungsod Quezon |
Pinakamalaking paninirahan | Singapore |
Demograpiya | |
Populasyon | 380,000,000 [2] |
Mga pangkat etniko | Pinangingibabawan ng mga Austronesyo, at mga minorya ng Negrito, Papues, Melanesyo, Tsino sa ibayong dagat, inapo ng Arabe, Eurasyano, Mestiso, Asli, at Indiyano sa ibayong dagat |
Sa Indonesia, ginagamit din ang pangalang "Nusantara" mula sa Lumang Habanes bilang singkahulugan ng Maritimong Timog-silangang Asya. Gayunman, makabansa at may pabagu-bagong hangganan ang terminong ito. Kadalasan, sumasaklaw lamang ito sa Tangway ng Malaysia, Kapuluang Sunda, Maluku, at kalimitang Kanluarang Bagong Ginea at hindi isinasali ang Pilipinas.[4]
Sa haba na ilang libong kilometro, tampok sa lugar ang malaking bilang ng mga pulo at nangangalandakan ang ilan sa pinakamayamang biodibersidad sa dagat, halaman at hayop sa mundo.
Ang pangunahing pagkakaiba sa demograpiko na nagbubukod ng Maritimong Timog-silangang Asya mula sa modernong Kalupaang Timog-silangang Asya ay ang populasyon, kung saan nangingibabaw ang mga Austronesyo. Naglalaman ang rehiyon ng ilan sa mga pinakaurbanisadong lugar ng mundo—Gran Jakarta, Gran Kuala Lumpur, Kalakhang Maynila, at Singapore—ngunit hindi pinagtitirahan ng mga tao ang karamihan ng mga pulo sa malawak na rehiyong ito.
Heograpiya
baguhinNangangailangan pong patunayan ang nilalaman ng section na ito sa pamamagitan ng mga pagdagdag o paglagay po ng sanggunian. (Nobyembre 2022)
Makakatulong po sa pagpapabuti nito ang pagdadagdag ng mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na maaaring balaan o maalis ang mga impormasyong walang sanggunian. |
Nakahihigit sa 2 million km2 ang sukat ng lupain at dagat ng Maritimong Timog-silangang Asya.[5] May higit sa 25,000 pulo sa lugar na nagbubuo sa mga mas maliliit na kapuluan.[6]
Ang mga pangunahing pagpapangkat ay:
- Tangway ng Malaysia[7][8] (kinokonsiderang bahagi ng Timog-silangang Asya)
- Singapore, Indonesia, Silangang Malaysia at Brunei
- Kapuluang Sunda
- Gran Kapuluang Sunda
- Kapuluang Sunda Menor
- Kapuluang Maluku
- Kapuluang Sunda
- Pilipinas
- Bagong Ginea at mga nakapalibot na isla (kapag isinasama)
Ang pitong pinakamalaking pulo ay Bagong Ginea, Borneo, Sumatra, Sulawesi at Java sa Indonesia; at Luzon at Mindanao sa Pilipinas.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Moores, Eldridge M.; Fairbridge, Rhodes Whitmore (1997). Encyclopedia of European and Asian regional geology [Ensiklopedya ng Heolohiyang Panrehiyon ng Europa at Asya] (sa wikang Ingles). Springer. p. 377. ISBN 0-412-74040-0. Nakuha noong Nobyembre 30, 2009.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Department of Economic and Social Affairs Population Division (2006). "World Population Prospects, Table A.2" [Mga Inaasam-asam sa Populasyon ng Mundo] (PDF). 2006 revision (sa wikang Ingles). United Nations: 37–42. Nakuha noong Hunyo 6, 2007.
{{cite journal}}
: Cite journal requires|journal=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tarling, Nicholas (1999). The Cambridge history of Southeast Asia, Volume 1, Part 1 [Ang kasaysayang Cambridge ng Timog-silang Asya, Tomo 1, Bahagi 1] (sa wikang Ingles) (ika-2 (na) edisyon). Cambridge University Press. p. 304. ISBN 978-0-521-66369-4.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link); RAND Corporation. (PDF); Shaffer, Lynda (1996). Maritime Southeast Asia to 1500 [Timog-silangang Asya pa-1500] (sa wikang Ingles). M.E. Sharpe. ISBN 978-1-56324-144-4.{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link); Ciorciar, John David (2010). The Limits of Alignment: Southeast Asia and the Great Powers Since 197 [Ang Hanggahan ng Kasunduan: Timog-silangang Asya at Mga Dakilang Kapangyarihan Mula 197] (sa wikang Ingles). Georgetown Univeffrsity Press. p. 135. ISBN 978-1589016262.{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link); Nichiporuk, Brian; Grammich, Clifford; Rabasa, Angel; DaVanzo, Julie (2006). "Demographics and Security in Maritime Southeast Asia". Georgetown Journal of International Affairs. 7 (1): 83–91.{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Evers, Hans-Dieter (2016). "Nusantara: History of a Concept" [Peryodiko ng Sangay ng Malaysia ng Royal Asiatic Society]. Journal of the Malaysian Branch of the Royal Asiatic Society (sa wikang Ingles). 89 (1): 3–14. doi:10.1353/ras.2016.0004. S2CID 163375995.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Moores, Eldridge M.; Fairbridge, Rhodes Whitmore (1997). Encyclopedia of European and Asian regional geology [Ensiklopedya ng heolohiyang panrehiyon ng Europa at Asya] (sa wikang Ingles). Springer. p. 377. ISBN 0-412-74040-0. Nakuha noong Nobyembre 30, 2009.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) [kailangang tiyakin] - ↑ Philippines: General Information. Government of the Philippines. Nakuha noong Nobyembre 6, 2009; "World Economic Outlook Database" (Nilabas sa mamamahayag). International Monetary Fund. Abril 2006. Nakuha noong Oktubre 5, 2006.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link); "Indonesia Regions". Indonesia Business Directory. Nakuha noong Abril 24, 2007.{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) [kailangang tiyakin] - ↑ Shaffer, Lynda (1996). Maritime Southeast Asia to 1500 [Maritimong Timog-silangang Asya pa-1500] (sa wikang Ingles). M.E. Sharpe. p. 3. ISBN 978-1-56324-144-4.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gaynor, Jennifer L. (2014). "Maritime Southeast Asia, Not Just a Crossroads" [Maritimong Timog-silangang Asya, Hindi Lang Sangang Daan]. Education About Asia (sa wikang Ingles). 19 (2): 16. Nakuha noong Abril 25, 2021.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)