Mayang pula

species ng ibon
(Idinirekta mula sa Mayang Pula)

Ang Mayang pula, (Lonchura atricapilla[2] o Chestnut Munia o di kaya'y Black-headed Munia sa Ingles) ay isang munting ibong pipit. Ito'y matatagpuan sa Bangladesh, Brunei, Cambodia, China, India, Indonesia, Laos, Malaysia, Burma, Nepal, Philippines, Singapore, Taiwan, Thailand, Vietnam at Hawaii. Tinatawag itong "mayang pula" dahil sa pulang patse sa bandang ibaba ng likod nito, na kita lamang kapag ito'y lumilipad.

Mayang Pula
Isang mayang pula ng subspesye na Lonchura atricapilla jagori mula sa Cebu, Pilipinas
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Sari:
Espesye:
L. atricapilla
Pangalang binomial
Lonchura atricapilla
(Vieillot, 1807)

Sa librong "A Guide to the Birds of the Philippines" ni Robert S. Kennedy, partikular na tinukoy ang Mayang pula bilang ang espesye ng maya na kinilalang pambansang ibon ng Pilipinas, hindi ang Mayang simbahan o Eurasian Tree Sparrow, na isang espesyeng inangkat mula sa Europa.[3] (Sa kasalukuyan, ang pambansang ibon ng Pilipinas ay ang Haribon).

Ang Lonchura atricapilla ay dating tinukoy bilang subspesye ng Lonchura malacca atricapilla o "Tricoloured Munia".

Subspesye

baguhin

Ang mayang pula ay may ilang mga subspesye:

  • Lonchura atricapilla atricapilla
  • Lonchura atricapilla rubroniger
  • Lonchura atricapilla sinensis
  • Lonchura atricapilla formosana
  • Lonchura atricapilla deignani
  • Lonchura atricapilla brunneiceps
  • Lonchura atricapilla jagori
  • Lonchura atricapilla selimbauensis
  • Lonchura atricapilla obscura
  • Lonchura atricapilla batakana

Tirahan

baguhin
 
Isang indibidwal na nasa tamang edad
 
Pugad ng mayang pula. Pabilog; kita ang labasan/pasukan

Ang mayang pula ay isang maliit at palakaibingang ibon na karaniwang kumakain ng butil at iba pang binhi. Madalas itong matatagpuan sa damuhan at kaparangan. Ang pugad nito ay isang malaking pabilog na estrukturang yari sa damo na nakalagay sa palumpong o di kaya'y mataas na damo, kung saan may 4-7 itlog.

Itsura

baguhin

Ang mayang pula ay may habang mga 11–12 cm. Ang indibidwal na nasa wastong edad ay may maikling tuka na magkahalong bughaw at kulay abo, itim na ulo, kayumangging katawan, at pulang patse sa bandang ibaba ng likod, na kita lamang kapag ito'y lumilipad. Minsa'y kulay itim ang tiyan nito.

Magkahawig ang babae at lalake, ngunit ang mga indibidwal na wala pa sa tamang edead ay kulay kayumanggi sa bandang itaas, puti o malaputing bandang ibaba, at hindi itim ang ulo tulad ng indibidwal na nasa tamang edad.

Tignan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. BirdLife International (2012). "Lonchura atricapilla". Pulang Talaan ng Nanganganib na mga Espesye ng IUCN. Bersiyong 2013.2. Internasyunal na Unyon para sa Konserbasyon ng Kalikasan. Nakuha noong 26 Nobyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. http://ebonph.wordpress.com/2013/07/03/10-most-common-urban-birds/
  3. Kennedy, Robert; atbp. A Guide to the Birds of the Philippines. ISBN 0-19-854668-8. {{cite book}}: Explicit use of et al. in: |author2= (tulong)
  4. 4.0 4.1 4.2 http://www.fao.org/docrep/x5048e/x5048e0g.htm
  5. http://www.irri.org/index.php?option=com_k2&view=item&id=11686:plight-of-the-rice-birds&lang=en
  6. http://philbiodiversitypartnerships.com/index.php/reports/progress-reports/financial-progress-reports/article/1137-scaly-breasted-munia-mayang-paking[patay na link]
baguhin