Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino
Kailangang isapanahon ang artikulong ito. |
Ang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (Ingles: Ninoy Aquino International Airport; IATA: MNL, ICAO: RPLL) ang pangunahing paliparan ng Pilipinas na nasa Kalakhang Maynila. Kalimitan pa rin itong tinatawag sa dati nitong pangalan na Manila International Airport (Paliparang Pandaigdig ng Maynila). Ito ay matatagpuan sa pagitan ng Lungsod ng Parañaque at Lungsod ng Pasay, at may pitóng kilometrong layo sa Lungsod ng Maynila. Ang mga kahalintulad nitong mga paliparan ay ang Paliparang Pandaigdig ng Clark sa Lungsod ng Angeles, Paliparang Pandaigdig ng Mactan–Cebu sa Lungsod ng Lapu-Lapu at ang Paliparang Pandaigdig ng Francisco Bangoy sa Lungsod ng Davao. Ang Paliparang Pandaigdig na Ninoy Aquino ay mayroong apat na gusaling terminal na nagsisilbi sa mga sasakyang panghimpapawid. Bilang paliparang pandaigdig, kinokonekta nito ang Pilipinas sa humigit-kumulang 29 na bansa[2]. Ito ay ipinangalan kay Ninoy Aquino na pinatay rito nang siya'y bumababâ ng eroplano gáling sa Estados Unidos noong panahon ng Batas Militar.
Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino | |||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buod | |||||||||||||||
Uri ng paliparan | Publiko | ||||||||||||||
Nagpapatakbo | Pangasiwaan ng Paliparang Pandaigdig ng Maynila | ||||||||||||||
Pinagsisilbihan | Maynila | ||||||||||||||
Lokasyon | Lungsod ng Parañaque at Lungsod ng Pasay, Kalakhang Maynila | ||||||||||||||
Elebasyon AMSL | 23 m / 75 tal | ||||||||||||||
Mga koordinado | 14°30′31″N 121°01′10″E / 14.50861°N 121.01944°E | ||||||||||||||
Websayt | www.miaa.gov.ph | ||||||||||||||
Mga patakbuhan | |||||||||||||||
| |||||||||||||||
Estadistika (2007) | |||||||||||||||
| |||||||||||||||
Statistics from the Air Transportation Office.[1] |
Noong taong 2007, ang paliparan ay humawak ng mahigit 20,467,627 na mga pasahero.
Mga Terminal, Destinasyon at mga Tagapaglipad
Terminal 1 (Parañaque)
Ang pag-usbong ng Pandaigdigan Paliparan ng Maynila ay sa hulí ay inaprobahan ng Executive Order No. 381 na pinayagan ang pag-usbong ng paliparan. Naghiram ng US$29.6 Milyon mula sa Asian Development Bank para sa pag-tayo ng terminal. Sinimulan ang trabaho sa paliparan noong 1978. Ang terminal ay natapos noong 1981 at may lawak na 67,000 square meters at may kapasidad ayo sa desenyo na humawak ng 4.5 milyon na mga pasahero. Sa kasalakuyang ang terminal ay nagbibigay serbisyo sa mga tagapaglipad maliban lámang sa Philippine Airlines at Cebu Pacific. Noong 1989 isang plano ang nirekumenda sa pagtayô ng dalawa pang bagong terminal pati na rin ang pagbubuti sa mga pasilidad. Simula 1991 ang terminal ay naging lumipas na sa kapasidad nito na tumaya ng 4.53 Milyon noong taon na yun at bawat taon ang terminal ay may growth rate na 11%.
(Mga eroplano sa Terminal 1)
- Air China: Beijing
- Air Niugini: Port Moresby
- AirAsia: Kuala Lumpur
- Asiana Airlines: Busan, Seoul-Incheon
- Cathay Pacific: Hong Kong (Ilinipat sa Terminal 3)
- China Airlines: Kaohsiung, Taipei-Taoyuan
- China Eastern Airlines: Shanghai-Pudong
- China Southern Airlines: Guangzhou, Wuhan
- Delta Air Lines: Tokyo-Narita (Ilinipat sa Terminal 3)
- Dragon Air: Hong Kong (Itinuturing lipad na ng Cathay Pacific)
- Emirates: Dubai-International (Ilinipat sa Terminal 3)
- Ethiopian Airlines: Addis Ababa
- Etihad Airways: Abu Dhabi
- EVA Air: Taipei-Taoyuan
- Gulf Air: Bahrain
- Hawaiian Airlines: Honolulu (Kasunduan Kodigongbahagi na ng Philippine Airlines sa Terminal 2)
- Hong Kong Express Airways: Hong Kong (Kinansela)
- Japan Airlines: Tokyo-Narita
- Jeju Air: Seoul-Incheon
- Jetstar Asia Airways: Osaka-Kansai, Singgapur
- Jetstar Japan: Seasonal: Nagoya-Centrair, Osaka-Kansai, Tokyo-Narita
- KLM: Amsterdam1
- Korean Air: Seoul-Incheon
- Kuwait Airways: Kuwait
- Lucky Air: Seasonal: Kunming
- Malaysia Airlines: Kuala Lumpur
- Oman Air: Muscat
- Qantas: Sydney
- Qatar Airways: Doha
- Royal Brunei Airways: Bandar Seri Begawan
- Saudi Arabian Airlines: Dammam, Jeddah, Medina, Riyadh
- Scoot: Singgapur
- Shenzhen Airlines: Shenzhen
- Singapore Airlines: Singgapur (Ilinipat sa Terminal 3)
- Thai Airways: Bangkok-Suvarnabhumi
- Turkish Airlines: Istanbul-Atatürk
- United Airlines: Guam, Koror
Seasonal: Chuuk - Xiamen Air: Quanzhou, Xiamen
Terminal 2 (Pasay)
Ang terminal na ito ay naghawawak ng lahat ng operasyon ng Philippine Airlines
North Wing
- Philippine Airlines: Abu Dhabi (Sisimulang Pagbabalik sa Oktubre 31 taong 2017), Auckland, Bangkok-Suvarnabhumi, Beijing-Capital, Brisbane, Busan, Cairns (Pagtatapos sa Disyembre 5 taong 2017), Dammam, Darwin, Denpansar/Bali, Doha, Dubai-International, Fukouka, Guam, Guangzhou, Ho Chi Minh City, Hong Kong, Honolulu, Jakarta-Soekarno-Hatta, Jeddah, Kuala Lumpur-International, Kuwait, London-Heathrow, Los Angeles, Macau, Melbourne, Nagoya-Centrair, New York-JFK, Osaka-Kansai, Port Moresby, Quanzhou, Riyadh, San Francisco, Seoul-Incheon, Shanghai-Pudong, Singgapur, Sydney, Taipei-Taoyuan, Tokyo-Haneda, Tokyo-Narita, Toronto-Pearson, Vancouver, Xiamen
Charter: Jeju, Khabarovsk, Vladivostok
South Wing
- Philippine Airlines: Bacolod, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Cotabato, Dabaw, Heneral Santos, Iloilo, Kalibo, Laoag, Legazpi, Puerto Princesa, Tagbilaran, Zamboanga
Terminal 3 (Pasay)
- ANA All Nippon Airlines: Tokyo-Haneda, Tokyo-Narita
- Cebu Pacific: Bacolod, Bangkok-Suvarnabhumi, Beijing, Busan, Butuan, Cagayan de Oro, Caticlan, Cebu, Cotabato, Dabaw, Denpansar/Bali, Dipolog, Dubai-International, Dumaguete, Fukouka, Heneral Santos, Guam, Guangzhou, Hanoi, Ho Chi Minh City, Hong Kong, Iloilo, Jakarta-Soekarno-Hatta, Kalibo, Kota Kinabalu, Kuala Lumpur-International, Legazpi, Macau, Nagoya Centrair, Osaka-Kansai, Ozamiz, Pagadian, Puerto Princesa, Roxas, Seoul-Incheon, Shanghai-Pudong, Siem Reap, Singgapur, Sydney, Tacloban, Tagbilaran, Taipei-Taoyuan, Tokyo-Narita, Tuguegarao, Xiamen, Zamboanga
- Philippine AirAsia: Guangzhou, Hong Kong, Kota Kinabalu, Kuala Lumpur-International, Macau, Seoul-Incheon, Shanghai-Pudong, Taipei-Taoyuan
- Philippine Airlines
pinatatakbo ng PAL Express: Basco, Busuanga, Catarman, Calbayog, Dipolog, Dumaguete, Naga, Masbate, Roxas, Tacloban
Pampasaherong Domestik Terminal ng Maynila o Terminal 4 (Pasay)
- AirSWIFT: El Nido
- Interisland Airlines: Biak
Charter: Caticlan, Tablas - Cebu Pacific
pinatatakbo ng Cebgo: Busuanga, Caticlan, Cauayan, Kalibo, Legazpi, Masbate, Naga, San Jose (Mindoro), Tablas, Virac - Philippine AirAsia: Caticlan, Cebu, Dabaw, Iloilo (Simula Oktubre 1 taong 2017), Kalibo, Puerto Princesa, Tacloban, Tagbilaran
- SkyJet Airlines: Basco, Caticlan, Busuanga, Siargao
- Sky Pasada: Basco, Binalonan, Maconacon, Palanan, Tuguegarao, Vigan
Mga kargadong mga tagapaglipad
Ang mga sumusunod na mga kargadong tagapaglipad ay nagseserbisyo para sa NAIA
Surbey sa nagdaang Taon
Ang paliparan ng Ninoy Aquino ay isa sa mga Sampung Paliparan (Top 10) sa buong Mundo ayon statistics surbey ng "Skytrax" at "The Manila Times Online" sa taong 2018. Nitong 2017 lamang na malaki na ang pinagbago ng Paliparan bukod pa sa ibang Paliparan rito sa Pilipinas, Dahilan na rin ito sa panunungkulan nang Presidente Rodrigo Duterte (DU30). Sa Asya pasok rin ang paliparan Ninoy Aquino ayon sa "The Guide to Sleeping Airports", Kabilang ang ilang mga paliparan, kalapit bansa sa Pilipinas.
Pagbabalik sa pangalan ng Paliparan
Ipepetisyon na ibalik sa noong pangalan, "Manila International Airport" o "Paliparang Pandaigdig ng Maynila" sa kasalukuyang pangalan "Ninoy Aquino International Airport" o "Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino", sa pangalang Ninoy Aquino nang ito ay napaslang noong ika Agosto 21, 1983 sa Paliparang Pandaigdig ng Maynila, Itinatag ang pangalang "Ninoy Aquino International Airport" noong-ika taong 1987. Bagamat hindi pa na aaprubahan sa kasalukuyan.[3].
Transportasyong panlupa
Transportasyon sa pagitan ng mga terminal
Ang Pangasiwaan ng Paliparang Pandaigdig ng Maynila ay nagpapatakbo ng isang sistemang shuttle bus na kumokonekta sa lahat ng apat na mga terminal para sa mga pasahero na may mga pasulong na koneksyon sa mga lipad na paalis mula sa ibang terminal.[4] Tumatakbo ang mga shuttle bus sa bawat labinlimang minuto tuwing mga oras ng araw, subalit kinakailangan munang makapasa sa immigration at adwana ang mga pasahero upang makagamit ng nasabing sistema.
Ang Philippine Airlines ay nagpapatakbo ng isang serbisyong airside shuttle sa pagitan ng mga Terminal 2 at 3 para sa mga pasahero na kumokonekta sa mga pasulong na lipad ng PAL Express at vice versa.
Panlabas na mga koneksyon
Bus
Nagsisilbi sa paliparan ang siyam na mga ruta ng bus mula sa ibang bahagi ng Kalakhang Maynila, walo ay dumadaan sa Abenida Epifanio de los Santos (EDSA), at isa ay sa Daang Palibot Blg. 5 (C-5).
Dyipni
Lahat ng apat na mga terminal ay pinagsisilbihan ng mga lokal na mga ruta ng dyipni na nagsisilbi sa mga lungsod ng Parañaque at Pasay.
Daangbakal
Konektado ang paliparan sa pamamagitan ng daangbakal, bagaman hindi tuwiran. Kapuwa naglilingkod ang Estasyong Baclaran ng Unang Linya ng LRT at Estasyong Nichols ng Philippine National Railways sa komplex ng paliparan. Isang shuttle bus na pinapatakbo ng MIAA ay kumokonekta rin ng Terminal 3 sa Estasyong Taft Avenue ng MRT.
Sa hinaharap, isang bagong estasyon, ang Estasyong Manila International Airport ng karugtong ng Unang Linya ng LRT, ay magkokonekta ng paliparan sa LRT-1, bagaman hindi tuwiran. Ipinapanukala rin ang isang linyang sangay na karugtong ng Unang Linya ng LRT na tuwirang magkokonekta ng Terminal 3 sa Baclaran.
Daan
Ang NAIA Expressway o NAIA Skyway ay kauna-unahang pampaliparang mabilisang daanan (airport expressway) sa Pilipinas, at ito rin ang ikalawang nakaangat na mabilisang daanan sa bansa. Nagsisimula ito sa Palitan ng Sales ng Metro Manila Skyway sa hangganan ng mga Lungsod ng Pasay at Taguig at nagtatapos ito sa Bulebar Jose Diokno sa Entertainment City sa Parañaque. Dumadaan ito sa ibabaw ng ilang mga lansangan sa paligid ng paliparan, tulad ng Abenida Andrews. Ang mga rampang papasok ng mabilisang daanan ay kumokonekta sa mga Terminal 1, 2 at 3 ng paliparan at kumokonekta sa Bulebar Macapagal para sa mga motorista at mananakay na papunta/galing sa Maynila at Manila–Cavite Expressway (CAVITEx) para sa mga motorista at mananakay na papunta/galing sa lalawigan ng Kabite.
Maliban sa NAIA Expressway, ilan pa sa mga pangunahing lansangan na nagsisilbi sa paliparan ay Abenida Andrews, Domestic Road, Daang NAIA, at Abenida Ninoy Aquino.[5]
Tingnan din
Ang artikulo na ito ay isinalin mula sa " Ninoy Aquino International Airport " ng en.wikipedia. |
Mga sanggunian
- ↑ PASSENGER MOVEMENT CY 2001-2005 Naka-arkibo 2007-09-29 sa Wayback Machine., Air Transportation Office, retrieved July 8, 2007
- ↑ MNL Airport - Ninoy Aquino International Airport Naka-arkibo 2019-02-12 sa Wayback Machine. - Hinango noong 16 Pebrero 2019.
- ↑ https://www.change.org/p/the-filipino-people-change-naia-back-to-manila-international-airport
- ↑ "Airport Shuttle Service". Manila International Airport Authority. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-05. Nakuha noong 26 Oktubre 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2016-03-05 sa Wayback Machine. - ↑ "Roads and Transport" (PDF). Pasay City Government. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2014-12-22. Nakuha noong 14 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2014-12-22 sa Wayback Machine.