Pangkalahatang halalan ng Pilipinas, 1992
Ang Halalan sa pagkapangulo, mga mambabatas at lokal na opisyal sa Pilipinas ay na ginawa noong Mayo 11 taong 1992. Ito ang kauna-unahang pangkalahatang halalan sa ilalim ng Saligang Batas 1987 ng Pilipinas. May tinatayang 80,000 kandidato ang tumakbo para sa 17,000 posisyon mula sa pangulo hanggang sa konsehal ng bayan. Kahit pa pinapahintulutan ng Saligang Batas ng Pilipinas, si pangulong Corazon Aquino ay hindi tumakbo sa pagka-pangulo.
Nanalo ang retiradong heneral na si Fidel V. Ramos ng Lakas-NUCD bilang pangulo. Ang halalang naganap noong 1992 na ang nanalong pangulo at pangalawang pangulo ay galing sa magkaibang partido. Ang aktor na si Senador Joseph Estrada ang nanalo sa pagiging Pangalawang Pangulo.
Ayon sa mga probisyong pangtransisyon ng Saligang Batas ng Pilipinas, 24 na Senador ang inihalal sa halalan. Ang unang 12 Senador na nakakuha ng pinakamataas na bilang ng boto ay magkakaroon ng anim na taong termino samantalang ang susunod na 12 Senador ay magkakaroon lamang ng tatlong taong termino. Ang aktor at Pangalawang-Punong-bayan ng lungsod ng Quezon na si Vicente Sotto III (kilala rin bilang Tito Sotto) ang nakakuha ng pinakamataas na bilang ng boto sa pagka-Senador.
Pagkapangulo
baguhinKabuuan
baguhinKandidato | Lapian | Mga boto | % |
---|---|---|---|
Fidel V. Ramos | Lakas-NUCD | 5,342,521 | 23.58% |
Miriam Defensor-Santiago | People's Reform Party | 4,468,173 | 19.72% |
Eduardo Cojuangco, Jr. | Nationalist People's Coalition | 4,116,376 | 18.17% |
Ramon Mitra, Jr. | Laban ng Demokratikong Pilipino | 3,316,661 | 14.64% |
Imelda Marcos | Kilusang Bagong Lipunan | 2,338,294 | 10.32% |
Jovito Salonga | Liberal Party | 2,302,123 | 10.16% |
Salvador Laurel | Nacionalista Party | 770,046 | 3.40% |
Pagkakabahagi
baguhinPagka-Pangalawang Pangulo
baguhinKabuuan
baguhinKandidato | Lapian | Mga boto | % |
---|---|---|---|
Joseph Ejercito Estrada | Partido ng Masang Pilipino | 6,739,738 | 33.00% |
Marcelo Fernan | Laban ng Demokratikong Pilipino | 4,438,494 | 21.74% |
Emilio Osmeña | Lakas-NUCD | 3,362,467 | 16.47% |
Ramon Magsaysay, Jr. | People's Reform Party | 2,900,556 | 14.20% |
Aquilino Pimentel, Jr. | PDP-Laban | 2,023,289 | 9.91% |
Vicente Magsaysay | Kilusang Bagong Lipunan | 699,895 | 3.43% |
Eva Estrada-Kalaw | Nacionalista Party | 255,730 | 1.25% |
Pagkasenador
baguhinTalahanayan ng mga boto
baguhinAng nangungunang 12 nahalal na kandidato ay magsisilbi mula 30 Hunyo 1992 hanggang 30 Hunyo 1998 samantalang ang mga sumunod na 12 nahalal na kandidato ay magsisilbi mula 30 Hunyo 1992 hanggang 30 Hunyo 1995.
Partidong pampolitika noong 1992
baguhin- LDP - Laban ng Demokratikong Pilipino
- Lakas-NUCD - Lakas Tao–National Union of Christian Democrats
- NPC - Nationalist People's Coalition
- LP-PDP-Laban - Liberal Party–Partido ng Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan
- NP - Nacionalista Party
- KBL - Kilusang Bagong Lipunan
- PRP - People's Reform Party