Tsaang mabula

(Idinirekta mula sa Pearl milk tea)

Ang bubble tea o tsaang may bula-bula ang tawag kalimitan sa pearl milk tea at iba pang kaparehang uri ng mga tsaa at inuming mula sa bungang-kahoy. Ang kauna-unahang bubble tea ay nagmula pa sa Taichung, Taiwan noong mga 1980s. Ang sangkap nito ay maaring magkaiba-iba ngunit, ang tanging hindi nagbabago ay ang paghahalo dito ng tsaa na sinamahan ng arnibal ng prutas at/o ng gatas. Mayroon din itong bersyon na hinaluan ng yelo, tulad ng slushies, at may iba’t ibang uri din ng pampalasa mula sa prutas. Marahil ang pinakasikat na uri ng bubble tea ay ang pearl milk tea o “tsaang sinalinan ng gatas at perlas”. Kung sa America, paminsa’y tawag din dito ay boba milk tea. Naglalaman ito ng maliliit na bilog na bolang gawa sa gawgaw ng sago. Ang mga perlas na ito, o pearls sa Tsina, ay masarap nguya-nguyain kasabay ng pag-inom ng tsaa. Ang tapioca pearls ay matatagpuan din sa maraming lugar.

Tsaang mabula
Isang baso ng tsaang mabula
Ibang tawagBoba
Pearl milk tea
Boba milk tea
Boba tea
Boba nai cha
Tapioca tea
KursoInumin
LugarTaiwan
Rehiyon o bansaSa buong mundo
Ihain nangMainit o malamig
Pangunahing SangkapTapioca, milk, creamer, brewed tea, sugar, flavorings

Ang bubble tea ay nagsimulang sumikat at nakilala sa buong mundo mula sa Taiwan patungo sa ibang bansa na matatagpuan sa silangang bahagi ng Asya. Matapos ay unti-unti itong kumalat sa Australia, Canada, Estados Unidos at sa American West Coast. Dagdag pa dito, ito rin ay matatagpuan sa United Kingdom[1] at ilang mga lugar sa Europe.

Maraming uri ang inuming ito, depende sa klase ng tsaa at sa mga sangkap nito. Ang popular ng mga uri nito ay green tea with pearls, pearl milk tea, pearl green milk tea, pearl black tea at pearl green tea.

Deskripsiyon

baguhin

Sa katunayan, nahahati lang sa dalawa talaga ang bubble tea: ang fruit-flavored teas at milk teas. Subalit may ilang mga tindahan na nagsimulang gumawa ng ”hybrid” na fruit milk tea. Ang kalimitang timpla ng milk tea ay nilalagyan ng powdered dairy o non-dairy creamers pero ang iba naman ay naglalagay ng gatas. Ang ibang uri naman ng milk tea ay 100% crushed fruit smoothies with pearls na paminsan ay dinadagdagan pa ng sorbetes. Maging sa America ay may nagtitinda din ng milk smoothies na halos katulad ng bubble tea ngunit walang halong tsaa. Ang iba naman ay nag-aalok ng dagdag patamis dito tulad ng pulot-pukyutan, agave, stevia at aspartame.

Ang pinakaunang bubble tea ay pinaghalong itim na tsaa mula sa Taiwan, maliliit na tapioca pearls, kondensada at arnibal o pulot-pukyutan. Kalaunan, maraming uri ang nagsilabasan ngunit nangibabaw ang malamig na bubble tea kaysa mainit. Una ang bubble green tea na ginamitan ng sampaguita-infused green tea imbis na black tea. Malaki-laking tapioca pearls ay sinimulang ginamit pagtagal.[2][3] Tapos nagkaroon ng milokoton o sirwelas flavoring, at doon nagsimulang naglipana ang iba’t ibang fruit flavors. Paminsan pa nga ay tinatanggal nang tuluyan ang tsaa sa timpla at pinapalitan ng purong pampalasa ng prutas. Itong purong prutas na timpla ay nilalagyan din ng makukulay na pearls o mga halayang kubo tulad ng sa taho, kulay ay depende sa uri ng prutas. Maari ding dagdagan pa ito ng pampalasa gamit ng powder, katas ng prutas, pulp o arnibal na ihinahalo sa mainit na berde o itim na tsaa at hinahalo sa isang cocktail shaker o kasama ng yelo sa blender. Sa huli, nilalagyan ito ng nilutong tapioca pearls at iba pang-mix-ins.

Sa kasulukuyan, nagkalatat ang mga nagtitinda ng bubble tea mapasaan tulad ng juice bars noong 1990s. May mga tindahan na gumagamit ng plastic dome-shaped lids at ang iba naman ay gumagamit naman ng plastic cellophane pantakip ng ibabaw upang ito ay maaring kalugin muli at maiwasan na ito ay tumulo hanggang sa ito ay iinumin na. Ang plastic cellophane ay maaring butasin ng malaking straw kapag ito ay iinumin na maaring daluyan ng pearls.

Mga uri

baguhin

Ang bawat sangkap ng bubble tea ay nagbabago rin dependa sa tindahan. Kadalasan, iba-ibang uri ng black tea, green tea at maging kape ang nasa kaibuturan nito. Ang pangkaraniwang uri ng black tea ay ang oolong at earl grey habang ang sampaguita green tea pa din ang nanatili sa karamihan ng tindahan. May isa pang uri na tinatawag na yuanyang na nagmula sa Hong Kong at binubuo ng kalahating black tea at kalahating kape. Mayroon din namang decaffeinated bersyon ito kapag ito ay ginamitan lamang ng purong tsaa.

Ang gatas sa bubble tea ay opsiyonal bagamat halos lahat ng nagtitinda nito ay gumagamit nito. Ang iba naman ay gumagamit ng non-dairy creamer milk substitute panghalili sa gatas dahil maraming Asyano sa silangan ay lactose intolerant at dahil na rin ito ay mas mura, mas matagal masira at mas madaling gamitin.[4] Sa kanlurang bahagi naman ng mundo, ang inaalok ay soy milk para sa mga umiiwas sa dairy products. Ito ay nagdadagdag ng naiibang lasa at halo sa inumin.

Maraming pampalasa ang maaring ilagay sa bubble tea. Ilan sa mga fruit flavors nito ay presas, mansanas, prutas na simbuyo ng damdamin, mangga, lemon, pakwan, ubas, alpay, milokoton, pinya, milong Kastila, milong lunti, saging, abukado, buko, kiwi at langka. Bukod pa rito mayroong ding non-fruit flavors tulad ng taro, pudding, tsokolate, kape, mocha, sebada, linga, almendras, luya, lavender, rosas, karamelo at bayolet. Meron din namang maaasim na fruit flavors na inaalok sa bubble tea bagamat waang gatas.

Ang iba pang uri ng bubble tea ay maaring maging blended drinks. Karamihan sa mga tindahan nito sa U.S. ay naglalagay ng listahan kung saan pwede mamili, kung coffee-blended o smoothie.

Tapioca balls pa din ang nanatiling pinakamadalas na isalin sa bubble tea, ngunit marami pang ibang pwedeng ilagay. Ang green pearls ay may katiting na lasa ng green tea at ito ay mas masarap nguyain kaysa sa nakasanayan na tapioca balls. Ang halaya din ay ginagamit na may iba’t ibang hugis at lasa tulad ng coconut halaya, konjac, alpay, grass, mangga at green tea. Rainbow, halo ng konjac, ay malambot na halos malutung-lutong. Adzuki bean o mung bean paste, ay karaniwan ding sahog sa ibabaw ng Taiwanese shaved ice desserts na nagbibigay ng kaunting lasa. Sabila, egg pudding, sago at taro balls ay maari ding matagpuan sa mga tindahan nito, pangumpleto ng bubble tea.

Bunsod ng kanyang popularidad, mayroon na ding isang timplahan na pakete ng black tea na may halo nang gatas at asukal na binebenta bilang Instant Boba Milk Tea sa ilang mga lugar.

Samantala, mayroon din namang tindahan na nagtitnda na walang halong kape ni tsaa. Ang pangunahing sangkap lamang ay yelo at pampalasa na tinatawag na Snow Bubble. Lahat ng mix-in na inilalagay sa bubble tea ay maari ding gamitin sa mga slushie-like drinks. Isang disabantahe lamang ng ganitong klase ng inumin ay tumitigas sa lamig ang tapioca balls kaya’t nagiging mahirap itong sipsipin at nguyain. Sa gayong dahilan, dapat mainom agad-agaran ang slushies upang hindi tumigas masyado ang mga tapioca balls hindi tulad sa bubble tea.

Madalas ding gamitin ang nata de coco sa maramihang paggawa ng bubble tea bilang panghalili sa tapioca starch sapagkat higit itong mas masustansiya. Ang nata de coco ay sinasabing mataas sa dietary fiber at mababa naman sa kolesterol at taba. Ito ay karaniwang hinahati-hati sa maninipis na hibla upang madaling itong lumusot sa istraw.[5]

Kasaysayan

baguhin

Dalawang tindahan ang umaangkin sa pagkakagawa ng unang bubble tea. Isa ay ang Chun Shui Tang teahouse sa Taichung, Taiwan kung saan nag-ekspiremento si Liu Han Chie gumawa ng malamig na milk tea sa pamamagitan ng pagsalin ng prutas, arnibal, candied yams at tapioca balls noong 1980s. Bagamat hindi sumikat noong una, mayroong Hapong palabas sa telebisyon na lumikha ng intres tungo dito sa mga negosyante. Hanggang sa ito ay nakilala sa Kanluran at Timog-Silangang Asya noong 1990s..[2] Subalit, wala tiyak na nakakaalam kung saang saktong teahouse talaga ito nagmula, naniwala ang marami na doon sa Taichung, Taiwan ito nagmula, ang pinaksentrong siyudad ng Taiwan.

Sa kabilang banda, ang Hanlin Teahouse sa Tainan, Taiwan, na nasa pagmamay-ari ni Tu Tsong He Hanlin, ay umaangkin din sa pagkakagawa ng kauna-unahang bubble tea. Siya daw ay gumawa ng tsaa gamit ng tradisyunal na putting fenyuan, o tapioca, na may itsurang pearls kaya’t ito ay tinawag na pearl tea. Makalipas ang ilang taon, pinalitan ni Hanlin ang puting fenyuan at ito ay naging itim tulad ng kung ano ang karaniwang nakikita ngayon.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Kingsley, Patrick (Abril 24, 2011). "Bubble tea comes to Britain". The Guardian. Nakuha noong 2011-04-26.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "珍珠奶茶的制作方法(pearls)". Crystalpalace.poempalace.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-06-29. Nakuha noong 2011-07-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Marytown and Video Response". Marytown.cn. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-07. Nakuha noong 2011-07-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Chao, Julie (Disyembre 12, 1999). "Taiwan tapioca tea on tap". San Francisco Examiner.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Healthier Bubble Tea". Five by Fifty - Asian Consumer Intelligence. Marso 17, 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 3, 2009. Nakuha noong Abril 7, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)