Prehistorya

(Idinirekta mula sa Prehistory)

Ang prehistorya (mula Kastila prehistoria) ay ang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan mula sa paggamit ng mga bato bilang kagamitan hanggang sa pag-imbento ng sistema ng pagsulat. Matagal na'ng laganap ang paggamit ng mga tao ng mga simbolo, marka, at larawan, ngunit nabuo lamang ang mga pinakaunang sistema ng pagsulat bandang 5,300 taon na ang nakalilipas. Inabot ng libo-libong taon bago tuluyang lumaganap ang pagsulat sa maraming parte ng mundo. Gayunpaman, hindi pantay ang paglaganap nito; may mga kultura ng tao na di nakagawa ng sistema ng pagsulat hanggang nito lang. Dahil rito, iba-iba ang "dulo" ng prehistorya ng iba't ibang panig ng mundo.

Unang nakagawa ng sistema ng pagsulat at nakapagtabi ng kaukulang tala sa kasaysayan ang kabihasnang Sumer sa Mesopotamia, kabihasnan ng Lambak Indus sa India, at ang sinaunang Ehipto noong maagang Panahon ng Tanso. Sinundan sila ng mga kalapit nilang kabihasnan. Maraming sa mga kabihasnang ito ang nakatapos sa prehistorya nila noong Panahon ng Bakal.

Hinahati ang prehistorikong kasaysayan sa tatlong panahon: Panahon ng Bato, Panahon ng Tanso, at Panahon ng Bakal. Gayunpaman, ginagamit madalas ang sistemang ito para sa malaking bahagi ng Eurasya at Hilagang Aprika. Ang mga paggamit ng mga matitigas na metál ng mga kabihasnan sa labas ng mga rehiyong ito ay madalang, at lumaganap lamang ito noong nakasalamuha nila ang mga kulturang galing sa Europa ilang libong taon pagkatapos, tulad ng mga nangyari sa Oseaniya, Awstralyasya, karamihan sa mga lugar sa timog ng Sahara sa Aprika, at ilang parte ng Kaamerikahan. Maliban lamang sa mga kabihasnang pre-Columbus, hindi nakagawa ng isang komplikadong paraan ng pagsulat ang mga lugar na ito bago dumating ang mga Europeo sa kanilang lupain. Kaya naman, ang kanilang kasaysayang prehistoriko ay nangyari nito lang. Halimbawa, itinuturing na ang taóng 1788 ay ang dulo ng kasaysayang prehistoriko sa Awstralya.

Tinatawag namang protohistorya ang kasaysayang isinulat ng iba para sa isang kabihasnan na wala pang nagagawang paraan ng pagsulat. Base sa kahulugan nito, walang nakasulat na talâ na makikita mula rito, kaya naman puro pagtataya at estimasyon lamang ang mga petsa para sa mga pangyayari at kagamitan ng yugtong ito. Ang kasaktuhan ng mga paraang ito ay hindi naabot hanggang noong ika-19 na siglo.

Sakop ng artikulong ito ang kasaysayang prehistoriko mula sa pag-usbong ng mga modernong tao (base sa ugali at pangangatawan) hanggang sa simula ng pagtatalâ ng kasaysayan.

Paglalarawan

baguhin

Ang mga bagay na mula sa sakop ng bago ang kasaysayan o prehistorya ay tinatawag na prehistoriko. Bagaman maaari ngang magsimula ang prehistorya sa simula ng uniberso, madalas din itong nangangahulugang isang panahon ng pagkakaroon ng buhay sa daigdig (mundo). Tinatawag na mga hayop na prehistoriko ang mga dinosauro at ang mga taong prehistoriko bilang taong-yungib (taong-kuweba). Napakakakaunti ng nalalaman hinggil sa prehistorya dahil hindi ito naisulat ng mga taong namuhay noon. Walang nakasulat na mga pagtatala (o "kasaysayan") na maaaring tingnan, basahin, o pag-aralan. Ang nalalaman natin ukol sa prehistory ay kung ano ang alam natin dahil sa mga bagay na katulad ng mga kasangkapan, mga buto, at mga ginuhit na larawan sa loob ng mga yungib. Nagwawakas ang prehistorya sa iba't ibang mga kapanahunan sa iba't ibang mga pook nang magsimulang magsulat ang mga tao.

Sa prehistorya, namuhay ang mga tao sa loob ng mga pangkat na tinatawag na mga tribo at nanirahan sila sa loob ng mga yungib o mga kubol (mga bahay na gawa mula sa balat ng mga hayop). Nagkaroon sila ng payak na mga kagamitang yari mula sa mga buto at mga patpat, na ginamit nila upang manila at upang gumawa ng payak na mga bagay. Gumawa sila ng apoy mula sa batong pingkian at bakal. Ginamit nila ang apoy upang makapagluto ng pagkain at upang hindi sila ginawin. Nagsimula ang lipunan noong magsimulang gumawa ang mga tao ng mga hanapbuhay na natatangi. Tinatawag itong kahatian ng gawain. Nakapagsanhi ang paghahati ng mga gawain na umasa ang mga tao sa isa't isa at humantong sa mas masulong pang mga kabihasnan.

Ilan sa mahahalagang mga agham na ginamit upang tumuklas pa ng ukol sa prehistorya ay ang paleontolohiya, astronomiya, biyolohiya, heolohiya, antropolohiya, at arkeolohiya. Pinag-aaralan ng mga arkeologo (arkeolohista) ang mga labi na nagmula sa prehistorya upang subuking maunawaan ang nagaganap dati. Pinag-aaralan ng mga antropologo (antropolohista) ang bakas ng ugali ng mga tao upang mapag-aralan kung ano ang ginagawa ng mga tao at kung bakit.

Pagkaraang magsimula ng mga tao na magtala ng mga kaganapan, una sa pamamagitan ng pagguhit ng mga simbolo (tinatawag na mga piktograpo) na nasundan ng pagsusulat, naging mas maginhawa at mas madaling sabihin kung ano ang nangyari, at nagsimula na ang kasaysayan. Mailalahad ng mga talang ito ang mga pangalan ng mga pinuno (katulad ng mga hari at mga reyna), mahahalagang mga pangyayaring tulad ng mga pagbaha at mga digmaan, at mga bagay na ginawa ng mga tao sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Magkaiba ang panahon ng pagwawakas ng prehistorya at ng historya (kasaysayan) sa iba't ibang mga lugar, ayon sa kung kailan nagsimulang magsulat ang mga tao at kung naitago at nailigtas o nawala ang mga sulating ito, na maaaring namang matagpuan din sa paglaon. Sa mga pook na katulad ng Mesopotamya, Tsina, at Sinaunang Ehipto, itinala ang mga bagay magmula pa noong pinakamaagang mga panahon (bandang 3200 BKE sa Sinaunang Ehipto), at maaaring tanawin ang mga rekord na ito at pag-aralan. Sa Bagong Guinea, ang katapusan ng prehistorya ay dumating lamang noong bandang dekada ng 1900.

Guhit ng panahon ng Daigdig

baguhin
  • 4,500 milyong mga taon na ang lumipas – Nabuo ang Daigdig mula sa maliliit na mga batong lumulutang sa paligid ng araw
  • 3,500 milyong mga taon na ang lumipas – unang napaka payak at maliliit na mga anyo ng buhay sa mga dagat
  • 600 milyong mga taon na ang lumipas - unang mga hayop, sa mga dagat din
  • 500 milyong mga taon na ang lumipas - unang mga halaman at mga hayop sa lupa
  • 230 milyong mga taon na ang lumipas – lumitaw ang unang mga dinosauro
  • 65 milyong mga taon na ang lumipas – naglaho ang mga dinosauro, at pumalit sa kanila ang mga mamalya bilang nangingibabaw na mga hayop
  • 30 milyong mga taon na ang lumipas - unang mga bakulaw
  • 2.5 milyong mga taon na ang lumipas - unang mga tao

Guhit ng panahon ng mga tao

baguhin
  • 2.5 milyong mga taon na ang lumipas – Umpisa ng panahon ng Mababang Paleolitiko, kung kailan namuhay ang isang uri ng maagang prehumano (bago ang tao) na tinatawag na Australopithicus. Gumawa ang mga taong ito ng mga kagamitan mula sa mga buto at mga bato, at gumawa ng mga tirahan mula sa mga sanga.
  • 1 milyong mga taon na ang lumipas – Namuhay ang isang uri ng maagang tao na kilala bilang Homo erectus. Gumawa ang mga tao ng palakol na pangkamay at mga kahoy na sibat.
  • 250, 000 mga taon na ang lumipas – Unang Homo sapiens (makabagong mga tao). Gumawa ang mga tao ng apoy. Gumamit sila ng mga bolas. Nanghuli ang mga tao ng mga elepante.
  • 100, 000 years ago – panahon ng Gitnang Paleolitiko. Namuhay ang mga taong Neandertal. Nanirahan ang mga tao sa mga yungib at gumawa ng mga ginuhit na larawan sa loob ng mga yungib. Nagsimulang ilibing ng mga tao ang mga bangkay ng mga patay na tao.
  • 40, 000 mga taon na ang lumipas – panahon ng Pang-itaas na Paleolitiko. Namuhay ang mga taong Cro-Magnon. Gumawa ang mga tao ng mga sibat mula sa mga antler o sungay ng usa. Gumawa ang mga tao ng mga bahay mula sa mga balat ng hayop. Nagpinta ang mga tao ng mga larawan sa loob ng mga yungib. Gumawa sila ng mga bagay mula sa putik. Gumawa ang mga tao ng mga karayom mula sa mga sungay ng usa. Gumawa ang mga tao ng mga alahas.
  • 16, 000 mga taon na ang lumipas – nagwakas ang Panahon ng Yelo sa Britanya. Gumawa ang mga tao ng mga pana at mga palaso. Ginamit ng mga tao ang mga aso sa pangangaso at upang magbuhat ng mga bagay.
  • 18, 000 BKE – 9, 500 BKE – panahong Mesolitiko. Nagsimulang magbago ang mga tao magmula sa pagiging mangangaso papunta sa pag-iipon ng mga pagkain upang makapagtanim ng mga pananim.
  • 8, 000 BKE – Nagtatanim ng mga pananim ang mga tao na nasa Malapit sa Silangan. Gumamit ang mga tao ng mga hayop na pangsaka.
  • 7, 000 BKE – Gumamit ang mga tao ng tansong kobre upang makagawa ng mga kasangkapan.
  • 6, 000 BKE – Lumayo ang Maliliit na mga Pulong Britaniko (British Isles) mula sa Europa.
  • 4, 500 BKE – 2, 300 BKE – panahong Neolitiko.
  • 2, 580 BKE – Itinayo ng Sinaunang mga Ehipsiyo ang Dakilang mga Piramide sa Gisa. Gumamit ang mga taong nasa Gitnang Silangan ng yero o bakal at gumawa ng mga pang-araro.
  • 2, 400 BKE – Ginawa ng mga tao ang Stonehenge sa Inglatera.
  • 3, 300 BKE – 1, 200 BKE – Panahon ng Tansong-Dilaw. Gumawa ang mga tao ng mga kagamitan mula sa tansong-dilaw o bronse.
  • 1, 200 BKE – 400 KE – Panahon ng Bakal. Gumawa ng mga kagaitman ang mga tao magmula sa mga bakal. Nalunsad at bumagsak ang Imperyong Romano.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin